**Narrator**
"Totoo bang sinabi ni James yan sayo kuya?" Ang tanong ni Theo na naiiyak na, pagkatapos niyang marinig lahat ng sinabi ni Daryll.
"Un ang sinabi sa akin ni James, hindi din naman natin masisi si tatay kung bakit niya nagawa iyon.. Please Theo napaka babaw lang nun at wag kang magalit kay tatay" ang sabi ni Daryll sa bunsong kapatid.
"Hmhmmm.. Kahit mababaw lang naman iyon gusto ko pa din malaman ang katototohanan.. Kung totoo bang kinausap ni tatay si James. Kung totoo bang pinagbawalan na niya itong kausapin ako pagkatapos nung araw na mahuli ko siya." Ang sabi ni Theo.
"Bunso, come to think of it, para sayo din yung ginawa ni tatay.. Ayaw ka na niya masaktan pa, ayaw kana niya nakikitang umiiyak" ang sabi ni Daryll.
"pero siguro kung hindi ginawa iyon ni tatay ay may pagasa pa kaming mag kaayos, baka nagawa lang niya iyon dahil gipit siya or nagawa niya iyon dahil may kailangan lang siya" ang sabi ni Theo sa kuya.
"ano bang katwiran yan bunso.. Gipit? Pangangailangan?.. Bata kapa nga at hindi mo nakikita ang maling ginawa niya sayo" ang paliwanag ni Daryll.
"na realized ko kasi na mahal ko pa kasi siya kuya, ilang araw din akong umiyak para lang kalimutan siya. Siguro kung nakausap niya ako, baka nagkabalikan pa kami at hindi ako nagpakalungkot tulad ng ginawa ko" ang sabi ni Theo na ngayon ay umiiyak na.
"shhh.. Shhh.. Ok lang na umiyak ka, ok lang na maranasan mo ang sakit ng pag ibig, bunso basta wag ka lang bibitaw at darating din talaga ang taong para sayo, pero tama na ung nangyaring hindi kayo nag kabalikan." ang sabi ni Daryll habang yakap niya ang kapatid.
"sa tingin mo kuya.. Tama ba ang ginawa ni tatay?" Ang tanong ni Theo.
"oo promise! Tama un na kinausap niya si James para layuan kana.. Bata kapa kaya hindi mo pa masyadong naiisip ung ginagawa ni tatay para sa atin. Nag mahal ka lang naman wala ka din kasalanan." Ang sabi ni Daryll.
"Pero diba kuya sabi mo gustong makipag balikan ni James" ang tanong ni Theo habang nag pupunas ng luha.
"Un ang sabi niya, babawi siya, kakalimutan daw niya ang nangyaring hindi maganda at magbabago para sayo." Ang sabi ni Daryll.
"Papayag ba si tatay?" Ang tanong ni Theo.
"Hmhmm.. Wag mong isipin si tatay, ang tanong, ikaw payag kaba? Ibabalik din ni tatay sayo ang tanong na yan..mahal mo pa ba si james?" Ang sabi ni Daryll.
"oo kuya mahal ko pa siya.." ang sabi ni Theo.
"kung sure kana sa sagot mo ay kailangan mo naman kausapin si tatay kung papayag siya sa gusto mo.. Tawagan mo na siya" ang sabi at utos ni Daryll.
Tinawagan ni Theo ang tatay nito at sinabing pauwi na ito. Habang nag hihintay sila ay tinawag na silang dalawa ni Noah at kakain na ng hapunan.
**
Pauwi na ang magkapatid na si Aldrin at Aaron galing sa isang lakad. May dala silang dessert dahil sakto sa hapunan ang kanilang pag uwi.
"Kuya, tangina ang hot nung video, tinigasan ako hihihi" ang sabi ni Aldrin, pagkatapos lang niya panoorin ang sex video nila ni Noah.
Pina edit na nila ang mga video at na blurred na ang muka nilang dalawa. Pina gawa nila ito sa isang kaibigang mapagkakatiwalaan nilang dalawa.
"Si pareng George nga ehh, libog na libog sa mga videos natin. Wala parin daw tayong pag babago, hehehe" ang sabi ni Aaron.
"oo kuya, tignan mo naman tong tigas titi ko, heheheh" ang sabi ni Aldrin sabay turo sa bukol niya.
"gago ka talaga!" ang natatawang sabi ni Aaron.
"kuya kelan mo ba titirahin yang si Theo, para naman makumpleto mo na sila hahahha" ang sabi ni Aldrin.
"Hmmmh.. Dko pa alam ehh, tignan natin" ang sabi ni Aaron.
"Tska kuya, para malaman ko na ang buong storya nyan.. Dko kasi alam kung bakit natin ginagawa to ehh.. Medyo nakukunsensya nako.. Baka naman I pang blackmail mo sa kanila yan ahh.." ang pabirong sabi ni Aldrin.
Pero hindi niya alam na natumbok na niya ang sagot kung bakit ginagawa ni Aaron ito. Kailangan nalang malaman ni Aldrin ang buong nangyari sa kuya niya at mangyayari ito pagkatapos makuha ni Aaron ang sex video nila ni Theo.
**
Nakadating na sila sa tapat ng bahay at saktong magkasalubong sila ni Adam. Bumaba sila sa sasakyan at nakita nila ang muka ni Adam.
Puro plaster at parang nanghihina ito. "aaron, Aldrin, tulong" ang sabi nito sabay bagsak sa semento.
Hinang hina si Adam sa nangyari sa kanya at sa epekto ng gamot na nakaka antok. Napa takbo si Aaron at Aldrin kay Adam at tinulungan nila ito.
"puta ang bigat kuya.. Ahhh" ang sabi ni Aldrin.
"Tawagin mo sila Noah, sila Daryll sa loob bilis" ang sabi ni Aaron habang naka akbay sa kanya ang walang malay na Adam.
Ilang segundo ay lumabas ang tatlong anak nito at si Aldrin, may pag aalala at taranta sa kanilang gwapong muka. Pinagtulungan nila ang tatay maipasok at maihiga sa kama.
"Anong nangyare?"
"kasama nyo ba si tatay?"
"bakit puro sugat ang muka niya"
Tanong ng mag kakapatid pero walang maisagot ang dalawa dahil kakadating lang din nila at nakita nalang si Adam palabas ng sasakyan at bumagsak ito.
**
Tumagal ng ilang minuto at nagising si Adam. Si Theo ang nag hihintay na magising siya.
"nak!" ang sabi ni Adam.
"tay!.. kuya si tatay gising na" ang sigaw ni Theo at naglapit silang lahat.
Nahimasmasan na si Adam at kinwento ang buong pangyayari. Gulat na gulat ang mga binata sa kwento ni Adam.
Kaya pala ganoon ang itsura nito at puro pasa.
**
Tila ba nawala ang katanungan ni Theo sa kanyang isip at napalitan ng pag aalala sa ama.
"Kumain kana ba tay?.." Ang tanong ni Noah.
"hindi pa nga ehh, kayo kumain naba kayo" ang tanong ni Adam sa kanila.
"Naudlot ehh, kasalukuyan kaming kumakain nun, nang tawagin kami ni Aldrin." Ang sabi ni Daryll.
"tara tay, kain na tayo" ang sabi ni Theo.
"Sabay sabay na tayo" ang sabi naman ni Noah sa lahat kaya pati sila Aaron at Aldrin ay kumain na din.
Winaksi na muna ni Theo ang katanungan sa kanyang isip, hindi importante ngayon ang sarili niya mas kailangan siya ngayon ng tatay niya.
Inasikaso niya ang ama, kahit kaya naman kumilos ni Adam ay naka alalay parin ang mga anak nito. Napaka swerte nga niya kung tutuusin dahil nandyan parati ang mga binata niya.
Nasa kwarto na siya ng maisip niya ang kaibigan si Dario at Paul kaya nag selfie siya at sinend sa dalawa. Gulat na gulat ang kaibigan niya dahil sa natamo nito.
Kinwento niyang muli ang nangyari at buti daw at hindi siya napuruhan ng mga ito.
Malakas talaga si Adam at magaling makipag bugbugan kahit noon pa man binata siya.
**
"kamusta na si tatay" ang tanong ni Daryll nang makita niyang pabalik na ang mag kuyang si Theo at Noah.
"Ayun ayos naman siya, malakas daw siya kaya wala dapat ipag alala." Ang sabi ni Noah.
"kausap ata niya ngayon ung mga kaibigan niya" ang sabi naman ni Theo.
"pangalawa na yan ahh" ang sabi ni Daryll.
"Aksidente naman ung una, pero etong pangalawa ehh sinadya talaga.. Buti nga at nahuli na ung mga gumawa sa kanya nito" ang sabi ni Noah.
"Dapat siguro mag ingat si tatay nyan.. Baka balikan siya ng mga yun" ang sabi ni Aaron.
"oo ung mga ganyan pa naman, may ilang lingo or buwan. Baka nga araw lang ehh makakalaya din kung may kapit sila sa taas" ang sabi ni Aldrin.
"Pinasok mo na naman yung napapanood mo dito" ang sabi ni Aaron sa kapatid.
"abah, hindi malabong mangyari un kuya ahh.. Lalu nang, isang grupo ng gang ung mga un.. " ang sabi ni Aldrin.
"Wag muna natin isipin ung mga yan.. Mag pahinga na tayo" ang sabi ni Noah.
Sinunod naman nila si Noah at nag sara na sila ng bahay.
**
Sa kalagitnaan ng gabi..
Hindi maka tulog si Theo kaya kinuha niya ang cellphone at bumaba siya sa kusina para maghanap ng makakain.
Habang pababa siya ng hagdan ay may narinig siyang kaluskos mula sa kusina at yabag ng tao.
Natakot ito at naisip ang sinabi ni Aldrin kanina. Baka nga balikan ang kanyang tatay ng mga kasama nito.. Halo halo na ang nasa isip ni Theo kaya naman lakas loob niyang kinuha ang flower vase at dahan dahan binuhat at nag tungo sa kusina.
Nakita niya ang isang lalakeng naka jogging pants, jacket hood at nakatalikod ito na parang may hinahanap sa cabinet.
Itinaas na niya ang flower vase at akmang ihahampas sa tao. Biglang humarap ito kay Theo.
Sobrang nagulat ang lalake na si Aaron pala ito, may kagat kagat na mansanas sa kanyang bibig. Nanlaki ang mata nito.
Nagulat din si Theo at binaba agad ang flower vase na hawak. "kuya?" ang sabi lang niya.
"hmmm..anong gagawin mo sakin?" ang takot na sabi ni Aaron habang pinupungos ang mansanan.
"Kala ko kasi may ibang tao na dito at pinasok na tayo.." ang sabi ni Theo, sabay baba ng vase sa gilid.
"abah, matapang ka pala ahh.. " ang sabi ni Aaron.
"nagutom kasi ako.. Tska ano bang ginagawa mo dito, ano bang hinahanap mo sa cabinet na yun" ang sabi ni Theo.
"ahhh.. Hinahanap ko ung cake knife, kakain ako ng cake ehh.. Nagutom din ako ehh" ang sabi ni Aaron.
"Ahhh ako din ehh hehehe, yan din naisip kong kainin" ang sabi naman ni Theo tumayo ito at kinuha ang hinahanap ni Aaron.
"ay dyan pala sa isang cabinet.. Hehehhe" ang sabi ni Aaron sabay tayo at kumuha ng isang platito at isang tinidor. "share na tyo ahh para hindi tayo mag hugas ng madami"
Kumain silang dalawa at nag kwentuhan ng kanilang mga pinaggagawa nitong nakaraang mga araw.
Tawa lang sila ng tawa sa kanilang mga storya sa isa't isa.. "Hahahah! Alam mo ang sakit ng tyan ko kakatawa, loko ka.. Hahahahahha.. Hahahahaa" ang sabi ni Aaron.
"ehhh kasi naman ehh, hayyy hayyy ahhhahaha"_ ang tugon naman ni Theo.
"Ngayon lang ako nakatawa ulit ng ganito.. Hahaha" ang sabi ni Aaron.
"kelan ba ung last..kuya" ang sabi ni Theo.
"Hmhm.. Dko na matandaan ehh" ang sabi ni Aaron.
"Dka ba pinapatawa ni ate, magaling din mag joke un ehh" ang sabi ni Theo.
Hindi nag pakita ng kakaibang reaksyon si Aaron, ayaw niyang may mapansin ang kapatid nito.. "hahahaha, hindi puro trabaho kasi ate mo.. D kami masyado nakakapag usap ng ganito.. Hindi ko nga yun mapaupo ng matagal ehh, laging may trabaho.. Hehehe" ang sabi ni Aaron.
"ahh ganoon ba.. Sabagay puro trabaho nasa isip nun ni ate ehh" ang sabi nalang ni Theo.
Sa loob ni Aaron ay hindi saya ang binigay sa kanya ni Lea. Kalungkutan lang at pighati ng damdamin. Panlolokong walang may alam kung hindi sila lang tatlo ng kabit nito.
"bakit pala dpa kayo nag kaka baby ni ate" ang tanong ni Theo.
Biglang kumalabit si Aaron ng icing sa cake at pinahid sa ilong ni Theo. "Dami mong tanong ehhh.. Hehehehe.. Ubusin mo na yan" sabay tawa nito sa ginawa kay Theo.
"Uhhhggrrrr! Kuya naman ehhh.. Hahahahah" ang sabi ni Theo na mabilis din dumakot naman ng icing at pinahid sa muka ni Aaron. Sabay tawa nito.
"Hahaha! Sorry ganti ganti lang" ang masayang sabi ni Aaron.
"Naku, kuya ikaw aaaahh" ang sabi ni Theo sabay kuha ng icing, ng kanyang ipapahid muli kay Aaron ay nahawakan siya sa kamay at malakas niya itong binaluktot ang kamay ni Theo para mailagay sa muka nito.
Tawa lang sila ng tawa dahil sa itsura ngayon ni Theo, ang gwapo niyang muka ay nalagyan na ng maraming icing. Habang si Aaron ay kaunti lang sa pisngi.
"hahaha ang cute mo sa lagay mong yan.. Hehehe"
"hala kuya ang lagkit ko na.. Maghihilamos nako, hehehe" ang sabi ni Theo at aalis na sana siya ng bigla siyang hinila ni Aaron.
"Picture muna tayo hehehe.. Para naman may remembrance tayo sa itsura mong yan.. Hahhahahaha" ang masayang sabi ni Aaron.
"Sige sige! " ang sabi ni Theo sabay nag selfie silang dalawa.
Tatlong shots ang ginawa nila at masaya silang naglinis.
"sige na kuya, akyat nako at magbibihis nako , tignan mo ooh, puro chocolate na ung damit ko." Ang sabi ni Theo na naka smile sa kanya.
"Sige, sige salamat ahhh.. Nabusog ako kakatawa.. Ang sarap sa pakiramdam.. Hehhehe sya sige akyat na at ako na ang bahala dito" ang sabi ni Aaron.
Si Aaron na ang nag ligpit, si Theo ay umakyat na para mag bihis at magpahinga.
Pagka pasok ni Theo ay hindi maalis sa kanyang muka ang magandang ngiti.
Nang matapos naman si Aaron ay naghilamos din ito at sumagi sa isip niya ang ginawa nila kanina. Tila ba parang may paruparo sa kanyang sikmura at may ngiting hindi mabura sa kanyang mga labi.
Pero sa kabila nito ay nanaig parin ang kanyang balak.
Hindi din alam ng dalawa, na may mata at tengang nag mamatyag sa kanila noong gabing naghaharutan at masaya sila.
**
Lumipas ang ilang araw ang mga sugat ay gumaling na, hindi na din halata ang pasa ni Adam. Nakakapasok narin ito sa trabaho.
Si Aaron naman ay humahanap parin ng tyempo para sa kanyang balak. Panay parin ang pakikipag usap niya kay Theo at hinuhuli ang loob nito.
Pero ngayong magaling na si Adam ay pwede na niyang ituloy ito, mukang madali nalang din maikama niya si Theo dahil sa binuo niyang bond sa pagitan nila.
Hindi na siya makapag hintay mapaluhod ang biyenan at maramdaman na siya ay naka ganti na kay Lea.
Isang video nalang ang kailangan niya at para may pang blackmail na siya kay Adam. Video nalang ng kanilang bunso.
Habang nasa bahay lang ang apat. Si Daryll at Noah ay wala.
Minabuti naman ni Theo umakyat sa kwarto at kausapin naman ang kanyang ama. Ngayon na niya balak tanungin ang gusto niyang malaman.
Habang papunta si Theo sa kwarto ng kanyang ama ay sumasagi sa isip niya lahat ng pinag usapan nila ni Daryll.
"Kung totoo ba ang ginawa ng kanyang ama na kinausap si James para layuan na siya at kung papayagan ba siyang pabalikin si James sa buhay niya" ayan ang dalawang tanong sa isip ni Theo. Mabibigat na tanong at ang tatay lang niya ang makakasagot.
Sinagot na siya ni Daryll, na ginawa lang ni Adam iyon para sa kanya. Pero nag babakasakali parin siya at gusto niya marinig mismo sa ama nya ang totoo.
*tok tok tok
"Pasok" ang sabi ng lalake sa loob.
Binuksan ni Theo ang pinto at kita niyang naka upo ang tatay niya sa kama at nag babasa ng libro. Malamig ang loob ng kwarto at naka panjama ang kanyang ama.
"Ooh bunso anong meron, halika pasok ka.. Upo ka dito" ang sabi ni Adam sabay tapik sa gilid niya.
"hindi na po tay, may gusto lang po akong itanong sa inyo at sana masagot nyo ng diretso" ang lakas loob na sabi ni Theo.
Nagulat si Adam sa kanyang narinig mula sa anak. Binaba niya ang libro at umupo ng diretso sa kama. Hinarap ang anak at pinakinggan.
"Sige anak ano yun" ang sabi lang ni Adam na medyo kinakabahan din.
"tay, totoo bang kinausap mo si James na layuan ako, pagkatapos noong araw na nahuli ko siya.." ang sabi ni Theo.
"Sino naman nag sabi sayo nyan anak?" ang tanong ni Adam na naka tingin ng diretso sa binata.
"ung totoo tay kinausap po ba ninyo si James..?"
"oo anak, tska dapat lang ang ginawa ko dahil sinaktan ka niya.." ang makatwiran na sabi ni Adam.
"Kung papabalikin ko po ba siya, ok lang po ba sa inyo" ang tanong ni Theo.
Napatayo si Adam at lumapit sa anak. Hinawakan niya ito sa balikat at sabing "yan ang wag na wag mong gagawin Theo" sabay bitaw at punta sa may lamesa para uminom ng tubig.
"Bakit tay? Bakit hindi pwede.. Mahal ko parin siya tay.." ang sabi ni Theo na medyo nanginginig na ang boses.
Totoong mahal pa niya ito at kaya niyang patawarin ang lalake, kahit nahuli na niya ito noon.
Hinintay niya ang isasagot ng ama.
"hindi! Ayaw ko" ang madiin na sabi ni Adam.
"Pero bakit! Gusto ko siya.. Kung sanang hindi mo siya kinausap at tinakot na kausapin ako ay sana kami pa at napatawad ko pa siya" ang sabi ni Theo, damang dama niya ang sikip ng dibdib at patak ng luha sa kanyang pisngi.
"Para sa yon anak.. Sinasabi ko sayo tama ang ginawa ko. Hindi mo ba naiisip ung naramdaman mo noong nahuli mo siyang pinag tataksilan ka niya.." ang sabi ni Adam na tumataas na din ang boses.
"kilala mo naman si James diba.. Nagkamali lang siya at sinabi niyang kaya niyang magbagong muli" ang sabi ni Theo.
"Bata kapa nga at napakadali mong mag patawad" ang sabi ni Adam.
"hindi ba iyon naman ang tama, magpatawad sa mga taong nag kasala sa atin, tay!.." ang sabi ni Theo na umiiyak na.
"so sinasabi mo Theo, na kailangan kong patawarin ang gumawa sa akin nito.. At patawarin ko yang si James dahil, niloko ka niya ng harap harapan, ganun ba? Ganoon ba?!" Ang sumisigaw na galit ni Adam.
Ngayon lang nasisigawan si Theo ng kanyang ama at dumadagundong ang buong kwarto sa kanyang galit na boses.
Huminga ng malalim si Theo at sumagot sa ama. "opo tay.. Kahit gaano pa kasama ang tao kung willing naman siyang magbago ay papatawarin ko.." ang sabi ni Theo na diretso ang tingin sa galit na ama.
"Sige! Mukang may isip kana at kaya mo na ang sarili mo, hindi na kita pipigilan.." ang diretsahang sabi ni Adam.
"papabalikin ko si James, tatay! Wala ka ng magagawa doon.. Mahal ko pa siya" ang sabi ni Theo na akmang aalis.
"Sige! Gawin mo ang gusto mo! Isa pa pala! Matagal ko ng napapansin na masyado kang malapit sa kuya Aaron mo.. Baka naman ay agawin mo na din siya sa ate mo" ang walang emosyong muka ni Adam habang sinasabi niya ito.
"Wala naman po kaming ginagawang masama ehh" ang sagot ni Theo.
"Basta! Ayaw ko lang masaktan ang ate mo at ikaw pa ang dahilan non.. Tigilan mo na ang pakikipag kwentuhan ng dis oras ng gabi dyan kay Aaron" ang sabi ni Adam.
Tila nag init ang tenga ni Theo at lumapit ito kay Adam at sabing "hindi po ako katulad ninyo na lahat nalang ay TINITIKMAN!!, kaya wala po kayong karapatan utusan akong layuan si kuya" hindi alam ni Theo kung bakit niya nasabi ito sa kanyang ama. Dala narin siguro ng inis kaya nasabi niya ito.
Parang may demonyong bumulong sa kanya at binigkas niya ang mga salitang iyon. Nagulat din siya sa kanyang sinabi sa ama.
Nag bago ang itsura ni Adam ng sabihin ito ni Theo sa kanya. Mabilis lumipad ang isang malutong na sampal sa pisngi ni Theo.
Parang tumigil ang lahat sa kanilang dalawa ng dumugpa na ang kamay ni Adam.
"LABAS!!" ang malakas na boses na dumagundong sa kwarto.
Sunod sunod ang luhang bumagsak sa namumulang pisngi ni Theo. Galit na galit si Adam sa sinabi ng anak at tinalikuran na niya ito.
"tay.. Tay.. Sor-" ang umiiyak na putol na sabi ni Theo.
"LABAS SABI! LABAS!" ang galit na galit na sabi ni Adam. Ramdam ni Adam ang panginginig ng kanyang kalamnan.
Walang nagawa si Theo kaya mabilis nalang siyang lumabas habang humihikbi ito.
Ang usapan nila ng kanyang ama ay nauwi sa isang diskusyon na kung tutuusin ay napaka babaw lamang.
Alam ni Theo na lumampas na siya sa kanyang linya sa pagiging anak.
Si Adam naman ay hindi makapaniwalang maririnig niya iyon sa bunso niya at hindi niya inaasahang masasaktan niya ito.
Pagkasara ng pinto ay umiyak si Theo at bumulong sa sarili na "tay! Sorry po.. Tay!" Naka sandal si Theo sa pintuan ng ama at umiiyak.
Ilang minuto din naka upo na parang bata si Theo sa may pintuan ng may kamay na umakbay sa kanya.
"Tara na, tama na yan.. Halika na" ang sabi ni Aaron dito.
Napatingin si Theo sa kanya at tumayo ito agad. Hindi niya kinausap si Aaron at mabilis na pumasok ito sa kanyang kwarto.
Natulala si Aaron sa ginawa ni Theo sa kanya. Hindi siya kinausap at iniwan lang itong nakatayo sa labas ng kwarto.
**
Sa hapunan ay wala si Adam at Theo mga walang ganang kumain.
Ang apat lang ang nandoon sa hapag kainan. Walang ka alam alam si Daryll at Noah sa nangyari dahil lumabas sila kanina.
"Bakit ano bang nangyari kay tatay at bunso" ang tanong ni Daryll kay Aldrin.
Hindi namin nakita pero nasa sala kami, sumisigaw si tito sa kwarto. Iba ung sigaw niya ang mas malakas nalang na nadig ko ehh "Labas!!"
"hmhmm. Tsismoso!" ang sabi ni Aaron sa kapatid.
"ok lang yun, ikaw Aaron anu alam mo?" Ang tanong naman ni Noah.
"Ung sigaw na malakas, tapos nung umakyat ako inabutan ko si Theo sa pintuan.. Umiiyak, kawawa nga ehh.. Nung niyaya kong bumaba ehh, iniwan na lang niya ako at pumasok siya sa kwarto" ang sabi ni Aaron kay Noah.
"Ooh shit, parang alam ko na.. Eto ung pinag usapan namin last time ni Theo.. Tinanong niya na pala at mukang hindi maganda ang kinalabasan" ang sabi naman ni Daryll.
"eto ba ung kaninang sinasabi mo.. Ung kay James" ang tanong ni Noah.
"Oo!" ang sagot nito.
"kwento naman dyan" ang sabi ni Aldrin sabay batok sa kanya ng kuya.
"aray! Kuya naman ehh.. Para alam natin syempre.. Kaya bro Daryll kwento mo na.. Hehehe" ang sabi ni Aldrin.
Walang imik si Aaron at nakinig nalang sila sa kwento ni Daryll. Sinumulan niya ito mula sa pag kakaibigan nila hanggang sa naging sila at ni Theo.
Wala narin naman maitatago sila sa magkapatid, nagulat lang si Aldrin at may nobyo pala si Theo dati.
Kinwento din nila ang pag hihiwalay nito at ung time na pinagbalaan ni Adam ito at ang gustong makipag balikan ni Theo kahit masama na ang ginawa ni James sa kanya.
"wow! Kahit sinaktan na si Theo, gusto parin niya ito." Ang sabi ni Aldrin.
"siguro kasi naging mag kaibigan sila at my tiwala siyang magbabago ito dahil alam niya ang pagkatao ni James" ang sabi ni Daryll.
"kahit na.. Kung ako kay bunso hindi na ako makikipag balikan sa kanya" ang sabi ni Noah.
"hmhm.. Oo nga.. Kahit ako hindi ko na babalikan ang mga nanloko sakin ng harap harapan.. Kahit naging mag kaibigan pa kami.. Ung sakit na makita ang mahal mo, kasama ang iba at masaya siya.. Wag nalang uy!" Ang sabi ni Aaron.
"mukang may pinanghuhugutan ahh" ang pabirong sabi ni Daryll.
"hehehe.. Binase ko lang sa situation" ang palusot ni Aaron.
**
Nag pahinga na ang lahat noong gabing iyon, masyadong mabigat ang pangyayari sa kanilang lahat.
Habang si Theo ay naka higa lang at pinag iisipan ang lahat ng sinabi sa ama at sinabi nito sa kanya.
Naisip din niya si James at tinanong sa sarili kung bakit ba niya gustong makita at maging sila muli.
**
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment