Saturday, September 26, 2020

Ang Sikreto ng Pamilya Book 2 - Chapter 33


Lumipas ang isang lingo at bumalik na sa normal ang lahat, nasa maynila parin ang magkapatid at mag amang si Marco at William.

Nalaman ng companya nila Adam, Noah at Theo ang nangyari.

Ganoon din naman si Daryll, napag alaman ng kanyang mga boss ang nangyari sa kapatid at ama.

Kaya nakakuha silang lahat ng 1 month na leave.

Dahil din sa ginawa nilang pagpapahuli sa isang kilalang sindikato sa bansa. Nakilala sila sa kani kanilang mga trabaho.

**

"Asan na ba ung mag kakapatid? Pati si Adam" ang tanong ni William kay Aldrin at Aaron.

"nasa taas pa po ata, mukang may pinag uusapan sila" ang sabi ni Aaron.

"Ok sige hintay lang tayo, gigisingin ko na si Marco" ang sabi ni William at pumasok sa kwarto.

Naiwan ang mag kuya sa hapagkainan. "ang sakit ng likod ko, haaay!" Ang reklamo ni Aaron.

"Sabi ko na kasi sayo kuya, magtapat kana kay Theo para hindi kana sa sala natutulog.. Para naman magkatabi na kayo" ang sabi ni Aldrin.

"Sus! Buti ka pa nga ehh.. Wala ng usap usap pa.. Alam naman ni Daryll na gustong gusto mo siya at gusto ka nya" ang sabi ni Aaron.

"Muka naman gusto ka din ni Theo.. Baka nag hihintayan lang talaga kayo kuya.. Kami ni Daryll kasi wala ng tanong tanong.. Naiintindihan na namin ang sitwasyon namin.. Wala nga kaming monthsary date ehh.. Pero nung araw na lumabas si tito Adam sa hospital ay nagkatitigan lang kami tapos, hinalikan niya ako ng matagal.. Matagal na matagal tapos sabi lang niya I love you" ang kwento ni Aldrin habang naka ngiting aso dahil kinikilig.

"Sana ganyan nalang din kami .. Hehehe.. Titigan lang walang salita, tapos kiss.." ang sabi ni Aaron na pinutol ni Aldrin at sumabat.

"Tapos sex.. Ung sex na buong mag damag, hihihihihi" kaya mabilis na kinutusan ni Aaron ang kapatid tapos ay tawa tawa lang.

"Aray! .. Hahahhaha naman.. For sure iniisip mo din un ikaw talaga kuya . hahahah" ang sagot ni Aldrin.

"loko ka talaga.. Marinig ka nun baka anu pang isipin nun.. Hirap na hirap nga akong dumiskarte kasi palagi nya kasama si tatay Adam ehh" ang sabi ni Aaron.

"hayaan mo kuya makaka kuha ka din ng tyempo.. Hehehe" ang sabi ni Aldrin.

"Tama! Tyempohan mo lang.. Sabihin mo lahat kay pinsan" ang sabat ni Marco na pakusot kusot pa ng mata.

"Mag mumog ka muna anak" ang sabi ni William sa anak. Kakadating lang nilang dalawa sa hapag kainan.

"Ooh wala parin sila Adam.. " ang sabi ni William.

"Akyatin mo na nga yun Aldrin, baka ano na naman ginagawa ng apat na un.. Hindi nakakabusog ang almusal na ginagawa nila.. Hahahha" ang sabi ni William na patawa tawa lang.

Natawa din sila Marco, Aldrin at Aaron sa tinuran ni William.

**

"Ano bang sasabihin ni Theo" ang tanong ni Daryll.

"May sasabihin daw siya ehh." Ang sabi ni Noah.

"Ewan ko nga ehh asan naba siya" ang sabi ni Adam.

"Baka nasa kwarto nya.. Papunta na siguro un.. Pero tay maiba ako.. Kamusta na kayo may masakit pa ba?" ang sabi ni Noah.

"Hmhm.. Wala na anak, ok ok nako.. medyo masakit lang talaga itong bulsa ko.. Hahahah.. Medyo malaki ang nabawas sa savings natin.. Tapos naka leave pa tayong lahat ng isang buwan.." Ang sabi ni Adam.

"hahaha oo nga ehh kaya tipid tipid muna.." ang sabi ni Daryll.

"ganun talaga, tska kailangan natin tulungan si James.. Kaya napalaki din ang gastos natin.. Ung ilang araw po ninyo sa hospital, malaki na ang binayad natin doon." Ang sabi ni Noah.

"Ok lang yan anak, pera lang yan.. Kikitain din natin yan.. Basta magtulungan lang tayo.. Tska mabuti na ung tinulungan natin si James.. Alam nyo naman parang anak ko na din iyon at malaking utang na loob ko sa nanay niya dahil siya ang nagdala sa akin sa hospital." Ang sabi ni Adam na naka ngiti lang sa mga anak.

"tama.. Mas mabuting tumulong ng walang hinihinging kapalit" ang sabi ni Daryll.

"tama!" ang sabi ni Adam sabay apir kay Daryll.

Saktong pag apir ng mag ama ay pumasok si Theo sa kwarto at nilock ito.

"Ooh bunso aalis ka?" ang tanong ni Noah.

"nak saan ka pupunta, bakit ka naka bag" ang tanong naman ni Adam.

"palagi mong dala yang bag na yan, ano bang meron sa bag na yan.." ang tanong ni Daryll.

"dami nyong tanong.. Eto ung bag na binigay sakin ni Reev.. Tanda nyo dba, nung araw na hinatid ako ni Reev sa hospital, dala dala ko na ito." Ang sabi ni Theo.

"oo anak, si tisoy.. Tanda ko na siya.. Dba mga damit lang yan na binigay sayo, sabi mo" ang sabi ni Adam.

"oo nga.. Magkikita kayo ni tisoy nooooo?" ang sabi ni Daryll.

"Sssshhh!.. Sabi ko lang na mga damit pero eto talaga ang binigay niya sa akin.. Para sayo daw to tatay, pampalubag loob sa mga nagawa nila sa atin" ang sabi ni Theo. Sabay binaba ang bag sa kama at binuksan ang zipper.

Binuhat niya ito at binuhos ang laman. Lumabas ang bundle bundle na tig iisang libong piso.

Gulat na gulat silang lahat sa narinig at lumabas na pera.

"putaaa. Ang dami!" ang sabi ni Daryll.

"wow!" ang nasabi lang ni Noah.

"Ang dami nito anak.. Sobra sobra ito.." ang sabi ni Adam. Habang hawak hawak ang naka plastic na pera.

"opo.. Nabilang ko na yan kagabi.. Nasa 55 bundles ng tig 100k.. 5.5 million pesos po." Ang sabi ni Theo.

"Whaaat!" ang sabi ni Daryll. Sabay kuha ng isang bundle na 100k.

"Anong gagawin natin dito tatay" ang sabi ni Noah.

"Wala tayong magagawa, kung bayad nila ito sa danyos nila sa pamilya natin at hindi naman natin alam kung saan ibabalik yan.. Mabuti pang gamitin natin dahil sa totoo lang ay malapit na rin tayo sa dulo.." ang sabi ni Adam sa mga anak.

"Hulog ng langit yang si Reev, bunso.. Hahahha" ang sabi ni Daryll.

"oo nga ehh.. Maging ako ay nagulat sa binigay niya" ang sabi ni Theo.

"sige, ganito.. Idedeposit na natin ito sa banko natin at bibigyan natin sila William at yung magkapatid ang sabi ni Adam.

"Kayo bahala tay basta sa inyo na po iyan" ang sabi ni Theo at kinuha isa isa ang pera at nilagay sa bag tapos ay inabot kay Adam.

Kumuha si Adam ng pera sa bag at inabutan ang tatlong anak ng tig 200k at sabing "para sa inyo yan mga anak, kayo na bahala dyan.. Tipirin ninyo" ang sabi ni Adam.

Sobrang saya ng tatlong anak niya sa binigay niyang pera.

Saktong may kumatok sa pinto nila at si Aldrin na ito na nagyayang kumain. Sinabihan naman siya ni Noah na baba na sila.

"Sige na itago nyo na iyan at bumaba na kayo..susunod na ako" ang sabi ni Adam.

Biglang yumakap si Theo sa ama at sabing "salamat tatay, mahal na mahal kita"

"Ooy Sali kami ni kuya" ang sabi ni Daryll at yumakap din. Ganoon din si Noah. Nag group hug silang pamilya.

"Mahal na mahal ko kayong mga anak ko" ang sabi ni Adam.

"Pati ba si ate" ang singit ni Daryll.

"Oo naman kahit alam nyong hindi kami ok ng ate Lea nyo.. Siguro may time din na magiging ok kami pero hindi muna ngayon" ang sabi ni Adam sa kanila.

"pero kayo, wag kayo magalit sa kanya.. Hindi naman kayo ang niloko ehh.." ang sabi ni Adam.

"ok po tay" ang sagot nila.

"Osya bumaba na kayo at susunod nako, mag sshort muna si tatay.. Hehehhe" ang sabi ni Adam. 

Kanina pa kasi walang suot na short si Adam at brief lang na kulay puti ang suot.

Lumabas silang magkakapatid at dumiretso sa hapag kainan kasama sila William.

**

"Ooh asan naba ang tatay nyo" ang tanong ni William.

"lamig na ng pagkain" ang sabi ni Marco habang kumukuha ng ulam.

"Ok lang yan kain na tayo" ang sabi ni Aaron.

"heto na, heto na!" Ang malakas na sagot ni Adam.

"buti naman at bumaba kana.. Baka nagpakabusog na kayo sa taas ahh.." ang pilyong tanong ni William sa kuya.

"Sira.. Hahaha dko pa kaya.. Baka mamaya.. Hahahahha" ang malokong sabi ni Adam.

"Loko ka talaga kuya" ang sagot ni William.

"osya kumain na" ang sabi ni Noah.

"wait bago ang lahat pala may ibibigay ako sa inyo bro, pati sa pamangkin ko.. Syempre meron din kayong dalawa ang sabi ni Adam kanila William, Marco, Aldrin at Aaron.

Alam na ng magkakapatid ang ibibigay ni Adam. May bitbit siyang isang maliit na paperbag at nilabas ang bundle bundle na pera.

"Ayan sayo, eto sayo, eto sayo at para sayo" ang sabi ni Adam sabay bigay sa mga pera. Naparang pasko sa kanila.

"Gulat na gulat silang apat. Lalu na si Aldrin at Aaron.

"Ano to kuya??!" ang sabi ni William.

"pera, hindi mo ba nakikita.. Heheh" ang sabi ni Adam sabay kuha ng isang hotdog.

"Pera, para saan to" ang tanong ni William.

"para sayo , para sa inyo yan.. Isipin nyo nalang kabayaran sa lahat ng tulong ninyo sa pamilya namin" ang sabi ni Adam.

Pinatong ni William ang pera sa tapat ni Adam at nagulat si Adam.

"Hindi mo kami kailangan bayaran kuya, pamilya tayo at ang pamilya ay tumutulong ng walang kapalit. Nandito ako para sayo kuya, nandito kami ng pamangkin mo.. Hindi ko kayang mawala ang mahal kong kuya.. Kaya isang tawag lang ay nandito kami para sa inyo.

Hindi mababayaran ng pera ang pagmamahal ko sayo kuya, tandaan mo yan" ang naiiyak na sabi ni William kay Adam sabay yumakap ito.

Damang dama ng mga binata ang pagmamahal ni William.

Na ang pagtulong ay wala dapat hinihinging kapalit.

Nag punas ng luha si Theo at Daryll dahil sa sobrang touching ng moment na iyon.

Naka ngiti naman si Aaron dahil tama ang tinuran ni William.

Umakbay si Aldrin kay Aaron at sabing "I love you kuya.. Sobrang mahal na mahal din kita" ang sabi ni Aldrin.

"Shhh.. Wag ka nga makisabay kay tito.. Eeksena kapa ehh.. Agaw moments ka ehh" ang pabirong sabi ni Aaron.

Nadinig sila ng lahat at nag tawanan..

"I love you too!" ang sabi ni Aaron na natatawa sa kapatid.

"Wala na akong hihilingin pa dahil may kapatid akong mahal na mahal ako at mga anak na naka suporta sa akin.." ang sabi ni Adam.

"Tito kunin mo na yan dahil galing yan kay Reev.. Kami din ay binigyan ni tatay kaya wag kana mahiya" ang sabi ni Noah kay William.

"ahh ganoon ba .. Sana pala agad nyong sinabi na galing kay Reev.. Hahahhaha kahit dko pa siya nakikita sa personal ehh sabihin mo Theo salamat ahhh.. Akina kuya.. Binabawi ko na hahahha" ang sabi ni William sabay kuha ng pera at ngumisi.

"hahahhahaha.. Si papa pakipot ehh" ang sabi ni Marco.

"si tito talaga oohh maloko" ang sabi ni Noah.

"Opo tito, pag nakita ko siya sasabihin ko lahat ng pasasalamat nyo" ang sabi ni Theo.

"Theo pasabi salamat din ahh" ang sabi ni Aldrin.

"Oo nga.. Lalu na nung niligtas ka nya.. Kaya masaya kami na nandito kana, salamat kay Reev" ang sabi ni Aaron.

"hindi kaba nag seselos na Aaron?" ang biglang tanong ni Adam.

Tumahimik lahat at napayuko si Theo. Nanlaki naman ang mata nila Noah at Daryll.

Siniko ni Aldrin ang kuya na mukang nagulat sa tanong ni Adam.

"po?" ang nasagot lang ni Aaron. Sobrang bumilis ang tibok ng puso niyo.

"Hindi kaba daw nag seselos?" ang segunda ni William.

Nakakaramdam na kasi ang lahat, obvious na talaga ang pagmamahal nito kay Theo.

"Sige ibahin natin ang tanong" ang sabi ni Adam. Na mas lalong kinabahan na si Aaron at Theo.

Nag pipigil mag react ung tatlo at nakikinig lang sa usapan. Ang agahan nila ay naging isang hot seat para kay Aaron.

"ano ba talaga ang nararamdaman mo sa anak ko? Meron ba talaga? Kasi kung ako sayo Aaron, habang nandito tayo at magkakaharap ay sabihin mo na.. Nahihirapan nadin akong manghula ehh" ang seryosong sabi ni Adam.

Ginawa talaga niya ito dahil maging siya ay gusto nang malinawan.

**

Huminga ng malalim si Aaron at biglang tumayo. Nakaharap kay Theo at nagsimula na siyang magsalita.

Naka tingin lahat sa kanya at inaabangan ang sasabihin.

Nang magsimula na siyang magsalita ay napataas na ng ulo si Theo at tinignan din si Aaron sa mga mata.

Para bang bumagal muli ang mundo para sa kanilang dalawa. Nagtama ang mga mata nilang parang sila lang ang tao sa paligid.

Aaron : "Hindi na po bago sa atin lahat ang sitwasyon ko.. Hiwalay sa asawa at walang anak. Minahal ko po ang anak ninyo tatay, ang ate nyo na si Lea.

Pero sa kasamaang palad ay hindi po kami nagkaroon ng magandang pagtatapos. Pinilit ko itong kalimutan at mag move on nalang.

Bumalik ako sa pinas para mag hanap ng peace of mind.

Peace of mind na akala ko ay makikita ko at mararamdaman kapag nakapag higanti ako at naka bawi sa pamilya ni Lea.

Akala ko lang pala..

Pero ang maling desisyong iyon ay binago ng isang tao.

Itinama niya lahat at pinakita sa akin na magandang mamuhay ng walang galit sa puso.

Sa kanya ko naramdaman ang hindi ko pa nararamdaman kahit na kanino man. Pinakita niya sa akin ang kabutihan, kabutihang walang kapalit.

Ikaw Theo, ikaw ang nagpabago ng ikot ng mundo ko.. Ikaw ang taong hindi maalis sa isip ko at ikaw ang sinisigaw ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit, sinubukan kong pigilan pero hindi ko talaga kaya.

Ikaw Theo ang init sa bawat gabing malamig. Ang liwanag ko kapag ako ay nangangapa sa dilim.

Sayo ko nakita ang mga ngiting hindi sumusuko kahit hirap na hirap na.

Nandito ako para sayo, nandito ako sa tabi mo palagi at aalalayan ka kapag ikaw ay natutumba. Naka suporta sayo hanggang sa dulo.

Tandaan mo Theo, hindi ako ang taong tatalikod sayo kapag ang lahat ay wala na sa tabi mo.

Mahal kita Theo.. Ako at ikaw hanggang dulo, pangako ko yan sayo." Pagkasabi ni Aaron ng mahabang saloobin ay nag punas siya ng luha sa muka.

Ganoon din si Theo.. Sobrang na overwhelmed siya sa narinig. Mahal siya ni Aaron at tila na speechless siya.

Damang dama nilang lahat ang sincerity ni Aaron.

Natigil silang lahat sa pag kain at natulala nalang. Hindi inaasahan ni Noah na maluluha siya sa sinabi ni Aaron.

Alam nila ang hirap na pinag daanan nito kaya ganoon nalang ang pag bibigay suporta kay Aaron at Theo.

Naka ngiti si Adam sa sinabi ni Aaron, alam na talaga niyang may pagtingin ito sa bunso nila.

Gusto lang talaga niya marinig at malinawan.

"bunso, may sasabihin ka ba?" ang pagbasag ni Daryll sa katahimikan ng lahat.

"Oo nga anong masasabi mo sa pagtatapat sayo ni Aaron" ang sabi ni Marco.

"sabihin mo na din ang nasa loob mo" ang sabi ni William.

"Oo anak, sige na anong masasabi mo? Wag mong paasahin si Aaron.. Sabihin mo ang totoong nararamdaman mo" ang sabi naman ni Adam.

Napakagat labi si Theo at huminga ng malalim.

Bigla siyang tumayo na ikina gulat din nilang lahat. Lalo na si Aaron.

Akala nila ay aalis ito yun pala ay lumapit kay Aaron.

Hindi parin napapatid ang tinginan nilang dalawa. Damang dama na ang sobrang kilig sa hapag kainan.

"Yiiiee" ang mahinang kilig ni Daryll.

Nang magkalapit na ang dalawa at parang akala mo ay nanood ng pelikula ang lahat.

Pinunasan ni Theo ang luha sa pisngi ni Aaron at sabing " hindi bagay sayo ang umiiyak kuya.. Bagay sayo palagi ang naka ngiti.

Hayaan mo, mananatili din ako sa tabi mo hanggang dulo. Kahit talikuran kana ng lahat ay tatayo parin ako sa tabi mo..

Hahawakan ng ganito ang kamay mo at hindi magdadalawang isip na samahan ka."

Hinawakan ni Theo ang kamay ni Aaron at doon ay parang hihimatayin na sila Marco sa kilig.

Matagal kong pinag isipan ito at heto na siguro ang pagkakataon para sabihin ko ito..

"Pero sorry...kuya"

"Sorry kuya" ang sabi ni Theo kay Aaron.

Kita sa mga mata ni Aaron ang lungkot. Hindi parin bumibitaw sa kamay ni Aaron.

Nag iba din ang reaksyon ng lahat ng marinig nila si Theo na nag Sorry.

"naiintindihan ko Theo" ang matamlay na sabi ni Aaron at niluluwagan na ang pagkakahawak sa kamay ni Theo.

"Sorry talaga pero.. Eto na talaga ang huling araw na tatawagin kitang kuya.." ang sabi ni Theo.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Theo at tila hindi maintindihan ni Aaron ang ibig sabihin nito..

"Hindi ko maintindihan Theo" ang sabi ni Aaron na pilit inaalis ang kamay pero mahigpit parin ang hawak ni Theo.

Tahimik ang lahat..

"Sabi ko huling beses na kitang tatawaging kuya, dahil iba na ang itatawag ko sayo.. MAHAL na ang itatawag ko sayo.. Diba un naman talaga ang tawagan kapag mahal mo ang isang tao.." ang sabi ni Theo na nagpahiyaw ng malakas kanila Daryll at Noah.

Maging sila ay nadale ni Theo.. Biglang tumulo ang luha ni Aaron dahil sa tuwa at kala ay hindi siya mahal nito.

Na speechless si Aaron habang si Theo ay naka ngisi lang..

Biglang niyakap ni Theo si Aaron at sabing "nakabawi din ako.. Hehehe"

"loko ka bunsoooo! Akala namin talaga" ang sabi ni Adam na natatawa na naluluha dahil sa saya.

"prank prank kapa dyan bunso!" Ang sabi ni Noah.

"Kuya yang anak mo ahh.. Pinakaba din ako" ang sabi ni William.

"I love you Theo, este Mahal ko!" ang sabi ni Aaron.

"I love you too Mahal ko" ang sabi ni Theo at nag dikit ang labi nilang dalawa.

"wooohh get a room!" ang sabi ni Noah.

"inggit ka lang ehhh" ang sabi ni Daryll sabay humalik din ito kay Aldrin.

"ayan na ang mga love birds!" ang sabi ni Marco.. Maka kain na nga lang.. Hahahhahaha.

"Pssst! Tama na yan Aaron, Theo.. Kumain na kayo.. Mamaya na ang honeymoon" ang sabi ni Adam na natatawa.

"tara na at tapusin na ang agahan na ito" ang sabi ni William.

Bumalik sa hapag kainan si Theo at Aaron para kumain.

"Kumain na kayo ng madami at mag ayos na kayo." Ang sabi ni Adam.

"saan tayo pupunta tay?" ang tanong ni Noah.

"Mag empake kayo ng pang 4 days staycation at mag babakasyon tayo.. May resort ung kaibigan ko sa laguna at doon muna tayo.. Wag kayong mag alala .. Sagot ko lahat" ang sabi ni Adam sabay kindat.

"wooooooo! Ayun oooh" ang sabi ni William.

"Ayos! Masaya na naman to" ang sabi ni Daryll.

"Thank you po tatay" ang sabi ni Theo.

"Thank you tito" ang sabi din nila Marco at Aldrin.

"Sige na , dalian nyo na dyan ng makapag ayos na kayo.. Marco.. Isama nyo si James ahh.. Para naman may partner itong si Marco.. isasama din natin si Luke" ang sabi ni Adam.

Ngumiti naman si Noah sa nadinig kaya nag txt agad kay Luke.

"si tito talaga oooh" ang sabi ni Marco.

"sus! Arte kapa? Hahaha.. Gabi gabi nga kayo magkausap ehh.. Napupuyat ako sa inyo.. SOP pa kayo ahhh.. Puro ungol ehh.." ang sabi ni William na natatawa.

Nagtawanan ang lahat sa kwento ni William tungkol sa anak at sobrang nag blush si Marco.

"sige pagkakain ay puntahan natin para ipag paalam sa mama niya" ang sabi ni Adam na Nagdesisyong samahan si Marco.

Masaya ang lahat at mabilis tinapos ang kanilang pagkain para makapag ayos.

Umalis na din si Marco at Adam para ipag paalam si James.

**

"kayo na ang bahala sa anak ko ahh.. Adam!" ang sabi ni ina ni James.

Habang nasa itas ng kwarto si James at Marco at tinutulungan mag empake.

"oo naman kumare.. Parang anak ko na din yang siya James.. Pamilya na tayo.. Sigurado bang ayaw mong sumama?" ang sabi ni Adam.

"Naku kumpare.. Hindi ako makaka alis ehh, alam mo naman tambak ang labada ng mga nagpapalaba tska kailangan talagang kumayod ehh alam mo naman" ang sabi ng ina ni James.

Nakita nga ni Adam ang ilang basket ng damit. "Kinukusot mo lang lahat yan" ang tanong ni Adam.

"uu, palyado kasi tong washing machine namin ehh.. " ang sabi nito kay Adam.

Tumayo si Adam at nag paalam na may kukunin sa sasakyan. Kaya lumabas ito at pagbalik ay may maliit na bag na dala.

"Ooh kumare, sana makatulong to sa inyo ahh.. Medyo malaki laki yan kaya sana ay matipid nyo at ipambili mo ng washing machine.. Kung gusto mo mag patayo ka ng laundry shop.. Para naman may pinagkukunan kana din ng panggastos." Ang sabi ni Adam.

Binuksan ni kumare ang bag at nagulat sa madaming pera. Naluha bigla ang ina ni James at ayaw tanggapin ang pera.

"Hindi ko matatanggap yan kumpare.. Sobra sobra na ang tinulong nyo sa amin.. Babayaran pa kita sa pinambayad namin sa hospital" ang sabi nito kay Adam.

"Kunin mo na ito kumare.. Bayad yan sa danyos sa atin.. Kunin mo na at gamitin sa tamang paraan" ang sabi ni Adam na hindi na natanggihan ni kumare.

"Salamat talaga Adam.. Hindi hindi ko makakalimutan ang lahat ng tulong ninyo.. Pangako gagamitin namin ito sa magandang paraan" ang sabi kay Adam.

"kalahating milyon yan.. Patayo mo ung laundry shop sa tapat ninyo ooh.. Ang laki laki ng lote mo. Sabihan mo lang ako at kakausapin natin ung mga kaibigan ko para mailatag ung negosyo nyo" ang sabi ni Adam.

Sobrang saya ng nanay ni James at saktong bumaba na ang dalawa na may dalang bag.

"Ooh magpapaka bait ka doon ahh.. Makikinig ka kay Adam" ang sabi nito sa anak.

"opo mama.." ang sabi ni James sabay yakap.

"ako na bahala dito kumare.. Masasapok sakin kapag hindi sumunod.. Hehehhe" ang natatawang sabi ni Adam.

"aaayy sige lang kumpare! Nang magtino.." ang sabi kay Adam.

"Sige nay alis na po kami" ang sabi ni James sa mama.

"Sige po tita alis na po kami" ang sabi ni Marco.

"sige pag palain kayo at mag iingat ahh.. James! Marco.. Mga anak, gumamit ng condom ahh.. Sige ingat kayo!.. Marco iho, pagbalik ninyo ay gusto kong makausap ang papa mo para alam ko kung saan hahanapin si James kapag tinanan mo siya.. Hahahha" ang sabi ng nanay ni James.

Nanlaki ang mata ng dalawa at nagulat na natawa si Adam sa nadinig kaya mabilis nag lakad ito papunta sa kotse at sumakay.

Hindi nya mapigilan ang tawa habang pinag sasabihan ang dalawa na gumamit ng condom.

Nang makasakay na ang dalawa ay tahimik lang sila pero nag pipigil ng tawa si Adam.

Kaya binuksan ni Adam ang compartment box sa gilid at may kinuha at inabot kay Marco na nasa passenger seat.

"Ooh Marco, gumamit daw kayo" ang natatawang sabi nito.

"HALAAA TITOOOOOO.. Hahahhaha!" ang pasigaw ni Marco at nagtawanan silang tatlo sa sasakyan.

Nagsimula ng mag maneho si Adam at bumalik sa bahay para sila namn ang mag ayos.

**

Pumasok ang tatlo sa bahay at dumiretso si Adam sa kanyang kwarto. Sinama naman ni Marco si James sa kwarto.

Habang ang lahat ay nag aayos ng gamit at gumagayak sa pag alis.

**

Lumipas ang dalawang oras at lahat naka paligo na at nakapag empake na.

Si Adam nalang ang hinihintay ng lahat.

"Noah, naka handa naba ung sasakyan natin?" ang tanong ni William sa pamangkin"

"yes tito, saktong sakto tayo sa Van" ang sabi ni Noah.

"Ilan ba tayo.." ang tanong ni William at nag bilang.

"hmhm nasa 10 po lahat" ang sagot ni Noah.

"asan na si Luke kuya?" ang tanong ni Daryll.

"papasok na ng subdivision.. Nag grab nalang siya ehh" ang sagot ni Noah.

Habang abala sila William, Noah at Daryll sa sala ay nasa kusina naman si Marco, Aaron, James at Theo.

Doon silang apat, pinag kkwentuhan ang nagyari kaninang umaga.

"hahahah! Ikaw bes ahh, may ganon ka palang side.. Hehe" ang sabi ni James habang kumakain.

"Ewan ko ba bes.. Feel ko lang kasi sabihin un" ang sabi ni Theo.

"ahhh feel lang pala ahh.. Hmft!" ang sabi ni Aaron na kunware ay nag tatampo.

"hahahha! Ayan nag tampo na si kuya Aaron..haha" ang sabi ni James.

"Pero alam ung kaninang sinabi mo kuya Aaron.. Sobrang nakaka touch un.." ang sabi ni Marco.

"Haha! Ano bang sinabi mo kuya.. Para naman masabi ko din kay Marco.. For sure inggit to ehh.. Hahaha .. Sasabihin ko mamaya habang nasa kama na kami.. Alam mo na hihihi" ang pakindat kindat at taas kilay ni James.

"Hahah! Sige pare! Sasabihin ko mamaya sayo.. Para naman wala ng kawala yang si Marco sayo" ang sabi ni Aaron kay James at pataas taas din ng kilay.

"Yaaan! Yaaan! Nagkasundo ang dalawa!! Naka hanap ng kakampi" ang sabi ni Theo kay Aaron.

"naku.. Insan tara na nga! Hahahha! Pilyo talaga yang dalawang yan.. Iisa takbo ng utak.. Hahaha" ang sabi naman ni Marco sabay hila kay Theo at pumunta na sa sala.

Saktong tapos na din si James kumain at nag tawanan silang dalawa.

"kuya, ung palang dating meron samin ni bess ehh kalimutan mo na un.. Alam kong ikaw talaga ang mahal niya.. Hindi lang talaga niya maamin.. Tska pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya na alam kong mali talaga" ang sabi ni James kay Aaron.

"Naku, oo kalimutan na natin un.. Tska salamat dahil isa ka sa nag pa realized din sa kanya na iba talaga ang tinitibok ng puso niya" ang sabi ni Aaron sabay akbay kay James.

"salamat talaga kuya.. Tara, pumasok na tayo doon at pag tripan nalang natin sila.. Hahahhaha" ang sabi ni James na natatawa.

"oo nga ehh! Habang nag hihintay.. Hahahha" ang natatawang sabi ni Aaron at umakbay din papasok.

**

"Ayan na ang dalawang unggoy na nag kasundo" ang sabi ni Theo habang tinitignan ang magkaakbay na si James at Aaron.

"hahaha! Tignan mo oohh kala mo ehh sila na ung pinaka gwapo sa mundo.. Ehh mas gwapo pa tayo sa kanila eh.. Hahahha" ang sabi naman ni Marco.

"Oy! Mukang magkasundo ang dalawa ahh!" ang bulalas ni Daryll.

"Hahaha.. Dun sila mamaya sa likod uupo, tignan mo nyan. Hahahah" ang sabi ni Noah.

"Kuya Noah!.. Si Luke nasa labas na" ang pag sigaw ni Aldrin mula sa labas.

Kaya tumayo si Noah at pinuntahan ang nobyo sa labas.

Tumabi naman si Aaron kay Theo at si James kay Marco. Sinakay na pala ni Marco at Aldrin ang mga gamit nila sa sasakyan.

Saktong pagkaupo nila sa mga boyfriends nila ng bumaba na si Adam at bitbit ang bag.

"lets go guys!!!!" ang sabi ni Adam.

Kita niya ang apat na nasa sala.. saktong pumasok naman si Noah at Luke.

"hello po!" ang sabi ni Luke.

"hello Luke! ..ohh Nak kunin mo na to at aalis na tyo.. Ako na mag llock ng pinto" ang sabi ni Adam sabay abot ng bag kay Noah at lumabas na silang lahat.

"Ooh are we good to go naba?" ang tanong ni Adam sa apat.

Tumayo sila at sabi ni Aaron na ok na sila.

Napansin nila na si Adam ay naglakad papalapit kay James at Marco.

Dumukot si Adam sa likod ng bulsa at nilabas ang isang bundle ng pera.. "Ooh James Para sayo yan, pamasahe mo at panggastos kapag mag babakasyon ka kanila William sa probinsya.. Hehehe" ang sabi nito.

Gulat na gulat si James sa malaking perang hawak niya ngayon. Natulala siya at nasabi lang na salamat po tito pero ang laki po ata nito" ang sabi niya.

"lahat ay nabigyan.. Ang mama mo nabigyan din kaya tutulungan mo ang mama mo sa ipapatayo ninyong business ahh" ang sabi ni Adam.

Tumango si James at naluha. Yumakap agad ito kay Adam at sabrang pasasalamat.

"ooh tama na yan.. Basta pag tapos natin mag bakasyon ay ipapagawa na natin ung laundry shop nyo.. Para hindi na kusot ng kusot si kumare.." ang sabi ni Adam.

"tito thankyou po talaga! Isa po kayong hulog ng langit sa amin" ang sabi ni James.

"Shhh.. Shhh.. Tama na yan James.. Itabi mo na yan at aalis na tayo" ang sabi ni Adam.

Inakbayan ni Marco ang boyfriend at sila naman ang nagyakap.

"Wow kainggit.. Ako din" ang sabi ni Aaron sabay yakap bigla kay Theo.

"Sus! Inggitero ka talaga ehh noh. Hahah" ang sabi ni Theo sa boyfriend.

Nagtawanana silang lahat at lumabas ng bahay ng may ngiti sa labi.

Tinabi na ni James ang perang bigay sa kanya ni Adam at sumakay na din sa van.

Nag lock ng bahay si Adam at umalis na sila.

Sa van, si Noah ang nag drive nito, katabi niya si Luke sa passenger seat.

Habang ang mga nasa likod ay magkaka partner. Sa unang hilera ay si William at Adam.

Sa susunod na hilera ay si Marco at James. Sumunod ay si Aldrin at Daryll.

Nasa bandang dulo naman si Theo at Aaron. Mag byahe sila ng masaya hanggang sa nakarating na sila sa resort.

**

"Nandito na tayo guys!" Ang sabi ni Noah habang papasok ang sasakyan sa resort.

"Ooh kukuha akong 5 rooms ahh! Kami na ni William ang mag kasama. Love birds per room ahh!" ang sabi ni Adam.

"pano naman kayo tatay.." ang sabi ni Daryll.

"kami na ang bahala ng tatay ninyo.. Kaya na namin sarili namin ni kuya.. Hehehhe" ang sabi ni William.

At bumaba na silang lahat ng van dala ang mga gamit nila.

Halos lahat ng nakakakita sa kanila ay napapalingon at napapatitig dahil grupo sila ng mga gwapo at magagandang katawan.

"Welcome Sir Adam and Family"

**

Itutuloy...


No comments:

Post a Comment