Tuesday, December 16, 2025

TEASE UNTIL HE CHEATS …reloading - CHAPTER 25


 PAANO PAG ANG AKALA MONG MAPAGKAKATIWALAAN MO,

AY SYA DIN PALANG HUHUDAS SAYO


TEASE UNTIL HE CHEATS 

…reloading

CHAPTER 25


PAGKALIPAS NG ILANG ARAW


SA OPISINA NILA PAT

FRIDAY - 5:00 PM


“Pat.. sasabay ka ba o mauuna na ako?” ang tanong ni Lloyd ngayon kay Pat habang nag aayos ito ng gamit para umuwi habang ang kaibigan niyang si Pat ay nakatutok pa rin sa harap ng monitor at may binibilang tungkol sa kanilang trabaho.


Habang nakatingin pa rin ito screen ay sinabi lang niya kay Lloyd na “mauna kana, may tinatapos pa ako..” ang sagot nito.


“Sus! Ayan kana naman, Friday na po! Tara na gumala naman tayo, umuwi kana ng maaga, halos mag iisang linggo kana palaging overtime ahh! Nagkikita pa ba kayo ni Migz at palaging 9 pm ka na umaalis dito sa office tapos darating ka sa inyo mga 10 pm na, ano pang ganap nyo ng boyfriend mo..” ang sabi ni Lloyd na may kasamang pagpupumilit sa kaibigan na umuwi muna ng maaga at hindi mag overtime.


Pero sa sinabi ni Lloyd ay parang hindi pa rin natitinag itong si Pat at pangiti ngiti lang. Kaya naman tinapik na niya ang kaibigan at sabing “sabihin mo nga sa akin, umamin ka nga.. Ano na bang nangyayari sa inyo ni Migz at parang iwas na iwas ka na sa jowa mo? Dahil kung ayaw mo akin na lang un, hehehehe.. Tutal ang tagal na din naman namin walang ganap, diba.. Hehehe..” ang sabi at nilapit pa niya ang bibig sa tenga ni Pat sabay sabing “miss ko nang masubo ang alaga nya, hehehehehe..” at biro pa nitong si Lloyd habang si Pat napatingin na sa kanya at ngumiti lang na may lamang kalibugan.


Huminga ito ng malalim at sinabi agad niya kay Lloyd na “umupo ka nga dito at may sasabihin ako sayo.. May aaminin ako, hindi ko lang ma kwento sayo ito ehh sa dami ng ginagawa natin ngayon..” ang sabi ni Pat.


“Oh sige pero hindi dito ahh.. kaya tumayo ka dyan at mag log out kana.. Doon tayo sa korean restaurant na naiisip kong kainan, tara na dyan at ililibre kita pa kita makwento mo lang sa akin yan!” ang sabi ni Lloyd na intiresado na din sa kwento ng kaibigan.


Wala nang nagawa pa si Pat at nag type lang siya ng ilang minuto at pinatay na din ang laptop niya.

“Iwan mo na yan dyan, wag mo nang dalhin yan, Friday ngayon at magpahinga ka naman ng sabado at lingo,” ang sabi ni Lloyd at wala ng nagawa pa si Pat na kahit gusto niyang dalhin ang laptop ay iniwan na lang niya ito at sumama na sa libre ng kanyang kaibigan.


***


SA KOREAN RESTAURANT


Matapos mag order ng dalawang magkaibigan ay doon na hinarap ni Lloyd si Pat at sinabing “oh game! Kwento!” at nakatingin lang ito kay Pat na nagsimula nang magkwento, kung bakit palagi itong nag o-overtime, late nang umuwi sa bahay at bakit palagi itong babad sa trabaho.


Tahimik lang nakikinig si Lloyd habang hindi makapaniwala sa mga nalalaman niya ngayon.


***


PAT’S POV


Hindi ko inaasahan na mapapansin na ni Lloyd ang ginagawa kong pag o-overtime ng halos mag li-limang araw na sana, pero etong biyernes ay napigilan niya ako at niyaya na lang akong lumabas. Sumama na din naman ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay hindi din naman ako makakauwi agad at sigurado akong wala na sa bahay si daddy Jerico at nakauwi na ito.


Nagsimula akong magkwento kay Lloyd sa gabing iyon, habang sunod sunod dumarating ang aming mga orders.


Panay kwento lang ako sa kanya ng mga kaganapan, bago pa ang pagpapapunta ni Migz kay daddy Jerico sa bahay.


Nangyari ito ng sabado ng gabi sa aming bahay.


***


FLASHBACK


Hapon nang magpaalam si Migz na lalabas daw ito at mag ma-mall lang dahil may kailangan bilhin. Pero hindi na niya ako niyaya pa dahil sabi niya ay uuwi naman siya agad at sa bahay pa rin naman siya mag ha-hapunan.

Kaya naman hinayaan ko na lang siya at ako naman ay nanood lang ng series sa tv.


Mga ilang oras na ang nagdaan nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya at sinabi niyang huwag na daw akong mag luto ng hapunan dahil bibili na lang siya ng pagkain sa labas, ako ang tinanong niya at sinabi ko naman ang cravings ko nung gabing iyon.


Sinabi niya din sa akin na may kasama siyang uuwi sa bahay at makikitambay muna daw. Tinanong ko kung sino pero nang sabihin niya ang pangalan ni daddy Jerico ay para akong sinilaban, para akong binuhusan ng gasolina sa tumbong at biglang nag init ang aking buong pagkatao.


Pero ang sagot ko lang sa kanya ay “ok sige.. Ingat kayo pauwi dito” iyon lang at wala nang iba pa. 


Pagkababa ng tawag ay napatulala na lang ako dahil kilala ko si Migz. 

Hindi pagtambay lang ang pinunta ni daddy Jerico sa amin at sigurado akong mas masarap ang magiging pang himagas nila at nakakasigurado din ako na lulubos lubusin na ni Migz ang pagiging cuck ko sa gabing ito.





 

No comments:

Post a Comment