Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).
SA PROBINSYA
“Anak! I-chat mo ang papa mo, ahh! Kamustahin mo..”
“Magkandado ka ng bahay at buksan mo ang ilaw mamayang gabi sa labas at dito sa sala, para iwas magnanakaw.”
“Tapos ung pagkain mo naman nasa ref na, alam mo na sigurong initin iyon..”
“Mag-chat ka lang sa akin kung may problema…”
“Naiintindihan mo ba, anak, lahat ng bilin ko sa iyo? Bukas, nandito na rin ako!”
Ito ang mga winika ni Maria bago siya umalis at pumunta sa kanilang prayer vigil. Bukas na ang balik niya at magiging mag-isa lang itong si Billy sa bahay.
Habang kinakausap pa ni Maria ang anak ay narinig na nila ang tawag ni Nena sa labas.
“Mareng Maria! Tara na at nandito na sila!”
Napalingon ang mag-ina sa tawag ng babaeng kapitbahay.
“Oh, nandito na ang mga kasama ko sa simbahan, anak. Alam mo na ang gagawin, ahh. Sige na, kiss na si Mama,” ang sabi ni Maria at humalik na ito sa pisngi ni Billy.
Medyo nahihiya na itong si Billy dahil nga nasa 18 years old na siya, pero dahil baby pa rin ang tingin ni Maria sa kanya ay wala itong pakialam kung humalik ito sa pisngi ng anak.
Matapos ang paalamanan na iyon ay lumabas na si Maria, dala-dala ang kanyang gamit.
Tumahimik na ang buong bahay. Naisip ni Billy na manood na lang ng tv at mag-cellphone. Malayang-malaya siya sa loob ng bahay na iyon.
“Kung ngayon lang siguro nagyaya si Tito Wendell, baka paniguradong buong magdamag kaming nagkakantutan, hehehehe,” ang biglang sabi nito sa kanyang sarili at naisipan nitong i-chat ang kanyang papa.
Pero walang Garry ang nag-reply sa kanya dahil abala nga ang kanyang papa sa dami ng ginagawang trabaho ngayon.
***
Dumating ang hapon, walang Garry ang nag-reply sa kanya.
5:00 PM na at heto siyang nakaupo lang sa labas at umiinom muli ng soft drinks habang nagse-cellphone.
Nang biglang magulat na lang siya nang may lumabas sa pintuan ng kanilang kapitbahay. Napatingin siya dito. Nakita niya si Yael na parang nakasimangot at hindi niya inaasahang papalapit sa kanya.
Nakaramdam siya ng kaba habang papalapit sa kanyang kinauupuan si Yael. Nakasuot pa ito ng jersey, shorts, at ordinaryong sando.
Nang magkaharap na sila ay nakita ni Billy ang may istsurang mukha ni Yael, maangas na nagsusumigaw ang pagkalalaking datingan.
Wala pang nag-uusap sa kanilang dalawa, hanggang sa si Billy na ang nagsalita.
“Oh bakit?”
Tumingin si Yael sa kanyang mga mata. Napakamot na lang ito ng ulo at sinabing, “Ayaw ko man gawin ito, pero sinabi sa akin ng mama ko na samahan daw kita dito.”
“HUH?!!!!!” ang bulalas na sagot ni Billy.
“Bingi ka ba? Ang sabi ko sabi ng mama ko samahan daw kita dito!”
“Eh bakit nga?” ang sagot ni Billy na medyo kabado na at hindi makapaniwala sa naririnig.
“Tsk!!! Tumawag ang mama ko kanina lang, magkasama si tita Maria at si mama sa simbahan diba, so ako walang kasama sa bahay, tapos ikaw din daw walang kasama.. So gusto nila na samahan daw kita dito..” ang paliwanag nito kay Billy.
“Eh, kaya ko naman eh! Umalis ka na nga, umuwi ka na lang..” ang sagot ni Billy.
“Alam ko naman na kaya mo at kaya ko rin mag-isa kahit ilang araw pa!! Sinabi ko rin ’yan sa mama mo at sa mama ko, pero sinabi ni Mama na kapag daw sinamahan kita dito, eh mabibilhan na niya ako ng bagong sapatos para pam-basketball ko.”
“Kaya huwag ka nang umarte, ok lang ba? Kahit ngayon lang, tiisin lang natin ang isa’t isa para makuha ko yung sapatos na gusto ko. Matapos ipaliwanag ito ni Yael, napatango na lang si Billy at sinabing “Ikaw bahala.”
“Ok! Sige, so mamaya na lang kita babalikan, sabay na lang tayo maghapunan…” ang tanong ni Yael sa kanya.
Tumango na lang si Billy at hindi na masyadong pinansin pa itong si Yael.
Umalis si Yael at bumalik ito sa loob ng kanilang bahay.
Tapos ay dali daling nag text si Billy sa kanyang mama at tinatanong kung bakit kailangan pa siyang samahan ni Yael.
MAMA : “Basta, anak! Yan ang gusto namin ng mama ni Yael, kanina kasi may kwento kwento kasi dito sa simbahan na may mga nanloloob daw sa mga bahay bahay at may ginagawang hindi maganda. Mabuti nang may kasama ka at si Yael.”
“Diyan na lang kayo sa bahay at alam na rin ng papa mo ito. Kinausap ko na siya kanina.”
Matapos mabasa ni Billy ang sinabi ng kanyang mama ay naisipan niyang tawagan ang kanyang papa at sa sinagot naman agad ito ni Garry.
Mabilis lang silang nag usap mag ama at nasabi nga ni Garry ang tungkol sa pagtulog ni Yael sa kanila.
GARRY : “Oh basta anak ah! Doon ka sa kwarto mo at yang si Yael sa sala mo na lang patulugin. Ayaw kong lalapit ka dyan at magtatabi kayo sa pagtulog.. Magagalit si papa sayo.”
BILLY : “Opo papa! Masusunod! Bakit hindi kana nag reply sa akin?”
GARRY : “Sorry nak, ang daming ginagawa ni papa ngayon sa trabaho, hanggang ngayon na sa opisina pa ako..”
BILLY : “Ganun ba.. Kaya pala, sige na papa at baka na iistorbo na kita. Bye bye na! I love you papa!
GARRY : “Ok nak, sige na mamaya na lang ulit pag nakauwi na si papa, love you too!”
At natapos ang tawagan nila mag-ama.
Natuwa naman si Billy dahil narinig niyang magagalit daw ang kanyang papa kapag nagtabi sila ni Yael. Ibig sabihin ay nagseselos si Garry kapag may ibang kasama ang anak.
***
7:00 PM
BIGLANG BUHOS NG MALAKAS NA ULAN
“Hala ngayon pa umulan.. Kanina ang ganda ng panahon..” ang sabi ni Billy sa sarili.
“Sus! Ok lang ’yan, para malamig kapag natulog na ako dito sa sala n’yo…” ang sabat naman ni Yael habang nakaupo ito at nakatutok sa panonood ng basketball.
Sabay tingin ni Yael kay Billy at sinabing “hindi ka pa ba nagugutom ha?” ang brusko nitong tanong kay Billy.
“Hmmm medyo nagugutom na” ang sagot naman ni Billy.
“Edi magluto kana.. Ipagluto mo na ako, sabi ng mama mo, eh may pagkain naman daw dito. Kaya maghanda ka na ng makakain natin,” ang mayabang na utos sa kanya ni Yael.
Nang marinig ito ni Billy ay biglang kumulo ang kanyang dugo, sabay sabing “haaay! Opo! Heto na po Master! Ipaghahanda ko na po kayo!” sabay tayo nito mula sa kinauupuan at lumakad papunta sa kusina na pabulong bulong pa.
Kinuha niya ang ulam sa ref at ito na ang kanyang iinitin. Nagsimula na din siyang mag saing at habang ginagawa niya ang paghuhugas ng bigas ay nagsalita ito mag isa.
“Haay mama! Bakit kasi naisipan niyo pang papuntahin ’yang unggoy na ’yan?”
“Grrrr! Unggoy na gwapo! Sa lahat ng unggoy, siya na ang pinakagwapo.” ito ang kanyang sabi nang bigla siyang mapasigaw sa gulat.
“Talaga lang ahh! Gwapong unggoy pala aahhh!” ang malalim na boses na bumulong mula sa kanyang kaliwang balikat.
“AY!!!! ANAK NG GWAPONG UNGGOY!”
“ESTE.. UNGGOY KA!”
“AAAAAHHYYHSSST!!!”
“BAKIT KASI NANGGUGULAT!” ang inis na sabi ni Billy at napangiti naman si Yael.
“AHAHAHAHA! Ang cute mo naman pa lang magulat, eh!” ang natatawang sabi pa nito at biglang namula ang pisngi ni Billy dahil sa sinabi ni Yael.
“Umalis ka na nga dito.. Doon ka na sa sala. Hintayin mo na lang matapos ako dito! Naalibadbaran ako sa’yo!” ang sabi ni Billy nang narinig ang tawa at nakita ang mga ngiti ng lalaki.
“SUS! Naalibadbaran.. Ehh kakasabi mo lang na gwapo ako ehh.. Hahahaha!, dyan ka na nga, tawagin mo na lang ako pag kakain na!” ang sabi ni Yael at lumakad itong nakangiti.
Sa pag-alis ni Yael sa kusina ay may sinabi si Billy sa kanyang sarili.
“Pero, aaminin ko”
“Ang gwapo naman pala ng mga ngiti niya…”
Itutuloy…
.png)
No comments:
Post a Comment