Friday, February 20, 2026

ANG KWENTO NI BILLY - 1050

 Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).

Ako si JOESUNKO ang Orihinal na gumawa ng kwentong ito at dahil madaling makuha ang mga post sa X (twitter) ay minabuti kong ilagay na ito sa blogspot ko para na din malaman ng mga tao na ako ang una, orihinal na manunulat at may idea sa kwentong ito.

Para sa mga mambabasa ng "ANG KWENTO NI BILLY" maraming salaamat!

(Kung paano ang pagkakapost sa X (twitter) ay ganito din siya mababasa.)





“Kwento ni Billy”
AUTHOR JOESUNKO



1050
(Doble Kilig)



“Kakain na!” ang sigaw ni Billy mula sa kusina at ilang segundo lang ay lumapit si Yael na nakangiting naamoy ang ulam na ininit ni Billy.

“Wow! Adobong Pata!” ang bulalas nitong si Yael na halatang gutom at hindi makapaniwala na ito ang kanilang ulam ngayon.


Nagsimula na silang kumain habang si Billy ay tahimik na ngumunguya, iba naman itong si Yael na halatang sarap na sarap sa pagkain nila.


“Iba talaga ang mama mo. Masarap magluto. Uhmm hmmm!” ang sabi ni Yael sabay subo ng ulam at kanin.


Napangiti na lang si Billy dahil para sa kanya ay tipikal na lang ang luto ng kanyang mama dahil nakasanayan na niya ito.


Si Yael naman ay panay subo at kain hanggang sa masamid ito.

Kaya dali-daling tumayo si Billy at kumuha ng baso at tubig, sabay abot kay Yael na inuubo na.


“Oh, inom ka muna..”

“Bakit kasi hindi magdahan-dahan, hindi naman mauubusan.. Ang dami-dami pa doon sa kaldero.”

Ininom ni Yael ang tubig at naubos niya ito. Tapos ay hingal na hingal siya, ngumiti kay Billy, sabay sabing “Thank you! Thank you! Woooh! Ang sarap kasi..”


“Ganun ba kasarap to?” ang tanong ni Billy.

Tumango naman si Yael at sinabing “Oo, mas masarap kaysa sa luto ng mama ko. Hehehehe,” at bigla na lang niyang narinig si Billy na sinabing “Huy! Wag ka ngang ganyan sa mama mo..”

 

“HAHAHAHA! Bakit naman, eh totoo naman ehh, minsan maalat, minsan maasim o kaya matabang kapag nagluluto ng adobo un..” ang sabi ni Yael na muling susubo ng pagkain.


“Ikaw naman, masyado mong minamaliit si Aling Nena, eh lahat ba ng ulam na lutuin ng mama mo puro ganun, hindi pasok sa panlasa mo?” ang tanong ni Billy.


Nang biglang magsalita si Yael. 


“Mm-hmm…hin..uhmm di - nam uhhmm Mm-hmm…” at bigla na lang hinawakan ni Billy ang kanyang baba at sabing “ubusin mo muna yang nasa bibig mo, wag ka munang magsalita..” at tumango naman si Yael at inubos ang laman ng bibig.


“Ahhh ok na..”

“Ikaw kasi kinakausap mo ako ehh..”

“So ang sagot ko sa tanong mo, hindi.. May masasarap din naman siyang luto, pero itong adobo lang talaga ang hindi niya makuha.” 


Nang marinig ito ni Billy ay napatango rin siya at sinabing “hmmm.. Pareho lang sila ni mama, may mga ulam din na kulang sa lasa pero ayos lang naman un, kapag kulang sa alat, nilalagyan ko na lang ng asin, kapag kulang sa asim, lagyan na lang ng suka..”


“Tsaka, ’wag mong minamaliit ang mama mo, siguradong ginagawa naman niya ang lahat para sa’yo, ’di ba?”


“Tingnan mo nga, pumapayag pa siyang may kapalit sa lahat ng utos niya sa'yo. Kung tututusin, dapat wala naman kapalit ang mga inuutos nila sa atin kasi anak nila tayo,” ito ang paliwanag ni Billy sa kanya.

Napatango na lang si Yael, napatitig sa binata at sinabing “Alam mo, Billy! Dami mong alam… Bakit di ka na lang mag-abogado! hehehehe,” ang pilosopo nitong sagot.


Nang biglang hindi na makapagpigil si Billy at bigla niyang piningot ang tenga ni Yael, sabay sabing, “Ikaw, Kuya Yael, ang tino-tino ng usapan natin, bigla mo akong pipilosopohin…uuhmmmmmmmmm!”


“AHHH AHH ARAAAAY ARAAAY NAMAN AAAARAY! SORRY! SORRY NA!” ang pasigaw na sabi ni Yael at binitawan na niya ang tenga ng lalaki.


Napahawak si Yael sa kanyang tenga, pero imbes na magalit ito kay Billy ay napangisi pa ito pero dama pa rin ang sakit sa kanyang tenga.


“Oh, bakit ka nakangisi, ha!” ang sabi ni Billy.


“Wala… naalala ko bigla ang papa ko sa’yo, kapag pinipilosopo ko yung usapan eh pipingutin niya ako.”

“Napangiti lang ako kasi bigla kong naalala ung mga kulitan namin noong bata ako, hehehehe..”


“Sorry, ikaw kasi ehh.. Ang tino tino ng sinabi ko sayo tapos lolokohin mo lang ako..”

“Tsaka, asan ba ang papa mo pala? Matagal ko na rin siyang hindi nakikita eh…” ang sabi ni Billy.

“Naku, wala na siya, sumakabilang bahay na. Ehehehehe, mas pinili niya ung bago niyang asawa.” ang sabi ni Yael at muli itong sumubo ng pagkain.


Napatango na lang si Billy at hindi na masyadong nagtanong-tanong pa. Kumain na rin siya at sinabayan si Yael.


Matapos malunok ni Yael ang pagkain ay sinabi nitong “mabait ka din pala no.. akala ko kasi sutil ka..”

“Ikaw din naman.. Kala ko puro hangin ka lang, mabait ka din naman..” ang sabi ni Billy at napangiti ito.


“Gwapo pa no…? hehehe…” ang hirit ni Yael at biglang sinabi ni Billy na “pingutin pa kaya kita HAHAHA!” at nagtawanan silang dalawa.


Mabilis nagbago ang ihip ng hangin.

Mula sa maling tingin ay hetong nagbago na ang lahat at may namumuong pagkakaibigan na sa kanilang dalawa.


***


Busog na busog ang dalawa at si Billy na ang naghugas ng kanilang pinagkainan. 

Tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan.


Habang si Yael ay nasa sala at doon naglalaro ng kanyang cellphone.


*Tok

*Tok

*Tok


“BILLY MAY KUMAKATOK!” ang pasigaw ni Yael.

“Pagbuksan mo na kuya!” ang sagot naman ni Billy mula sa kusina.


Tumayo si Yael at sa pagbukas ng pinto ay nakita niya ang isang binatang, pamilyar sa kanya. Ilang beses na niya itong nakikita sa plaza at minsan dito sa bahay nila Billy.


“Sino ka?” ang tanong ni Yael.

“Ikaw sino ka? Kaibigan ako ni Billy.”

“Kapitbahay nila ako..”


Matigas ang sagutan ng dalawa na para bang ayaw nila sa isa’t isa.


Nang biglang magsalita si Billy mula sa likuran ni Yael. Nakita niya ang kaibigang basang-basa ng tubig-ulan.


“BOI!” 

“AUST!”

“Anong ginagawa mo dito, gabing-gabi na.. Tara, pasok ka!”


Pumasok si Aust at dali-daling kumuha ng tuwalya si Billy mula sa kwarto. Habang si Yael ay nakatayo sa gilid, tila ba nagtatagisan sila ng titig.


Naputol ang titigang iyon nang dumating si Billy at inabot ang tuwalya.

“Napasugod ka dito? Eh wala kayong paramdam sa GC,” ang sabi ni Billy habang nagpupunas si Aust.

“Ahh ehh.. Ano kasi. Si- si Warren, ka-chat ko kanina, nakausap niya ang mama mo, sumama kasi siya sa prayer vigil sa simbahan, tapos sabi ni Tita Maria sa kanya na ikaw lang daw ang nandito sa bahay nyo…”

“Pero hindi ko alam na may iba ka pa lang kasama…” ang paliwanag ni Aust.


“Oo, kasama na niya ako,” ang sabat ni Yael na halatang may angas sa boses.


“Uwi na lang siguro ako, boi…” ang sunod na sabi nito, na agad siyang sinabihan ni Yael ng “Mabuti pa nga…” 


“Oy! ’Wag na, boi, ’wag kanang umuwi, dito ka na din… Wala namang problema ’yon!” ang sabi ni Billy at biglang ngisi ni Aust, sabay tingin ng matalim kay Yael na para bang sinasabi niya na “sorry! Gusto akong mag-stay ni Billy.”


“Baka ikaw may gagawin ka pa sa inyo kuys.. Puwede ka nang umuwi,” ang mahinang hirit ni Aust.


“Sige na diyan muna kayo, tapusin ko lang yung ginagawa ko doon sa kusina…”


Habang si Billy ay pumunta sa kusina para ituloy ang hinuhugasan, hetong umupo na si Aust at Yael sa sala na para bang mga manliligaw na nagtatagisan ng pagkalalaki at yabang.


“Alam na rin naman ni Fred ang sikreto ko. Bakit hindi ko pa lubos-lubusin?” ang sabi ni Aust sa kanyang sarili.


“Taena, ano ba itong ginagawa ko! Bakit pa ako nag stay dito, pwede na din naman ako umuwi.. Ahh shit! Bahala na nga!” ang sabi naman ni Yael sa kanyang sarili.






Itutuloy…



No comments:

Post a Comment