Saturday, March 7, 2026

ANG KWENTO NI BILLY - 1051

Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).

Ako si JOESUNKO ang Orihinal na gumawa ng kwentong ito at dahil madaling makuha ang mga post sa X (twitter) ay minabuti kong ilagay na ito sa blogspot ko para na din malaman ng mga tao na ako ang una, orihinal na manunulat at may idea sa kwentong ito.

Para sa mga mambabasa ng "ANG KWENTO NI BILLY" maraming salaamat!

(Kung paano ang pagkakapost sa X (twitter) ay ganito din siya mababasa.)




“Kwento ni Billy”
AUTHOR JOESUNKO



1051
(Nalilitong Pagkatao)




Natapos sa paghuhugas si Billy at hetong pumasok na siya sa sala kung saan inabutan niya ang dalawang hindi pa rin nag-uusap at parehong nanonood lang ng tv. 

Pumagitna siya sa dalawa at nakipagkuwentuhan sa mga ito. Sa tuwing nakikipag-usap siya kay Yael, biglang sasabat si Aust, at kung makikipag-usap naman si Billy kay Aust, biglang sasabat o magpaparinig si Yael, kung saan mawawala na ang atensyon nitong si Billy.


Hanggang sa napansin na niyang parang may kakaiba sa dalawang kasama niya ngayon. Napakamot na lang ito at sinabing, “Haaay! Diyan na nga kayo, maghihilamos na ako at matutulog…” Tapos ay tumayo itong si Billy at pumunta agad sa banyo.


“Eto kasi ehh kada usap namin ni Billy, sumasabat..” ang sabi ni Aust kay Yael.

Ngumisi naman ang gwapong basketball player at sinabing “luh! Ikaw nga itong bigla na lang sasabat habang magkausap kami ni Billy.” 


Matapos ang usapang iyon ay hindi na lang sila nagpansinan at hinintay na lang matapos si Billy sa loob ng banyo.


***


Sa gabing iyon na malakas ang ulan, tinanong ang dalawa kung saan nila gustong matulog. Malaki naman ang kama nito at puwede daw silang magtabi-tabi. Pero sinabi na lang ni Yael na “dito na lang ako sa sala nyo, pahingi na lang ako ng kumot at unan..”

“Oh boi, unan at kumot lang daw diyan sa kapitbahay niyo…” at ngumisi si Aust na para bang kala mo ay may angas na dala.

Pero dahil nahihiya itong si Billy ay sinabi niya kay Yael na “Sigurado ka? Ang tigas kaya niyang upuan na ’yan. Tara, doon na tayo sa loob ng kwarto.”


Nang sabihin niya ito ay parang gusto pa siyang pigilan ni Aust, pero dahil napansin ni Yael ang mukha ni Aust na parang nadismaya sa pagyaya ni Billy ay napangisi ito at lumakad papalapit sa kanila at sinabing “hmm, mukhang matigas nga yung upuan, sige diyan na ako sa kwarto mo, Billy… Pwede naman tayong magtabi-tabi eh…” at habang sinasabi niya ito ay nakangisi naman siya kay Aust na para bang inaasar ang binata.


Wala nang nagawa pa itong si Aust at pumasok na silang tatlo. Sinabi ni Billy sa gitna na lang siya ng dalawang lalaki na pumayag naman ang dalawa.

Pero nagtanong si Yael sa dalawang kamasa na ikinagulat ni Billy at Aust.

“Ayos lang ba na mag briefs lang ako? Tutal mga lalaki naman tayo eh… Ganito kasi ako natutulog…kung ayos lang sa inyo,” ang sabi ni Yael na parang kinabahan si Billy at Aust.

Pero biglang sumagot si Aust na sinabing, “Hindi… Ahhh, ang ibig— ibig kong sabihin ay hindi puwede kasi kami naman, hindi naman kami naka-briefs lang…” ang kanyang palusot na hindi inaasahan ni Billy na maririnig.


Kaya bigla niyang sinabihan si Aust ng “Ayos lang naman… Kung gusto mo, tayo rin, Aust… gayahin natin siya,” at ngumiti na lang itong si Billy sa kaibigan.


Biglang nakaramdam ng kaba itong si Aust at pautal-utal pang sumagot. “Hmmmmm.. Si—sige, ikaw ang bahala…” ang sabi nito kay Billy, at tumingin naman siya kay Yael, sabay sabing “Puwede na daw…” at ngumiti naman si Yael sa kanila na isa-isang hinubad ang damit at iniwan lang ang briefs nitong kulay puti.


Napalunok na lang sina Aust at Billy sa nakikita nila ngayon. Pero hindi nila ipinaramdam kay Yael ang totoo nilang kulay.


“Ano ba itong nararamdaman ko.. Hating-hati ang nararamdaman ko, tangina! Pero kailangan kong magpigil, nakakahiya dito kay yabang kapag nalaman niyang nasubo din ako ng titi, mas mapapahiya ako..” ang sabi ni Aust sa kanyang sarili habang inaalis ang damit nito.


“Hmm! Shit! Sana kayanin ko hanggang sa makatulog ako.” 

“Ang hot naman pala nitong si Kuya Yael, uhm! Ung bukol niya parang kala mo ehh nagsasabing luhuran ko.. Uhhmmmm… pero hindi pwede tangina, malalaman ni Aust ang totoo kong pagkatao.. Kailangan kong magpigil,” ang sabi naman nitong si Billy habang naghuhubad ng kanyang damit at patingin-tingin kay Aust at Yael na pareho nang nakasuot ng briefs.


Habang kung ano-anong sinasabi nila Billy at Aust sa kanilang mga sarili ay hetong wala namang pakialam si Yael dahil sa isip niya ay straight ang dalawang kasama niya. Pero hindi maalis sa isipan ng gwapong basketball player ang mga salitang “abah! Ayos ahh.. May ibubuga rin si Mokong. May kalakihan din ang alaga niya. Pati din itong si Billy, may kalakihan din ang kanilang mga alaga..”

 

Tahimik na inilagay ang kanilang mga damit sa gilid. Umakyat sila sa kama at pinagitnaan na nga nila si Billy na medyo kinakabahan pa, kaya medyo dumikit siya ng kaunti kay Aust dahil mas kilala niya ang kaibigan. Matagal na niya kasi itong kasama at alam na niya ang nagaganap sa pagitan nina Aust at Wendell, kasama siyempre si Fred.


Sa kanilang pagkakahiga ay tahimik lang sila. Pero sa mga isipan nila ay sobrang ingay at kung ano ano ang kanilang mga nasasabi sa sarili.


BILLY : “Hindi puwede.. Hindi puwede, umayos ka Billy, mas nakakahiya kung may gagawin ka kay kuya Yael at baka sabihin pa niya kay mama. Mas malaking problema iyon. Matulog kana at wag mo na silang isipin pa. Ipirmi mo ang mga kamay mo at matulog kana. Hindi ka puwedeng manghihipo, hindi ka puwedeng tumikim o makipag-sex dahil ito ang usapan n'yo ng papa mo, promise nyo sa isa’t isa ya dibaaaa… uhhmmm! Matulog na..”


AUST : “Gusto ko siyang yakapin, gusto kong maramdaman ang katawan niya sa aking mga kamay pero hindi puwede. Gusto kong gawin na sa kanya ang kaya kong gawin pero hindi puwede… Itulog mo na lang ’yan, Aust… Siguradong wala namang magaganap kay Billy at sa Yael na iyan dahil straight si Yael at siguradong papalagan niya si Billy…”


YAEL : “UHG! Ito na ang huling beses kong gagawin ito, hindi na ako makikitulog pa kanila Billy! Tanginaaaaaa ano ba itong nararamdaman ko at bakit ako tinitigasan… Shit! Shit! Sana pala nag jakol na lang ako bago pumunta dito! ahhhrrrr!  Takpan ko na lang ng kumot at siguradong wala naman din pakialam ang mga ito.

Hindi tamang tinitigasan ako sa tabi ng dalawang ito. Buti nga at hindi pa ako nakagitna dahil paniguradong diretso lang ang pagkakatulog ko.



Ito ang kanilang mga maiingay na boses sa kanilang mga isipan, hanggang sa sunod-sunod na silang nakatulog at dinama na lang ang sarap ng gabi nang walang kahit anong pang-itaas. Briefs lang ang kanilang suot at tinatakpan na lang nila ng kumot at unan ang mga ito.




Itutuloy…


No comments:

Post a Comment