Friday, July 3, 2026

ANG KWENTO NG MAG AMA CHAPTER 1 (BAGONG TAKBO NG BUHAY)


 

ANG KWENTO NI BILLY 

IKALAWANG LIBRO


ANG KWENTO NG MAG AMA 

CHAPTER 1

(BAGONG TAKBO NG BUHAY)




LUNES NG UMAGA

SA BAHAY NI WENDELL


“Uhhmmmm!

“Ahhhhh tanginaaaaaaa ahhhhh!”

“Hmmmmm…..” ang ungol ni Garry.


Kitang-kita sa kanyang gwapong mukha ang hangover.


“Hmmmm ano bang nangyari kagabi, tangina…wala na akong kahit isang suot.. Kaya pala lamig na lamig ako,” ang sabi pa niya sa kanyang sarili habang umuupo ito, sabay taas ng kumot na nakatakip sa kanyang hubad na katawan. 


Sinilip ang katawang hubad at alagang naninigas.


Napahawak na lang ito sa kanyang ulo at sabing “Putanginang inuman ’yon ahhh… Wasak ako…” ang sabi pa niya at dinahan-dahan nitong tumayo at nagpalingon-lingon, hinanap ang damit at nakita niyang nasa gilid lang ito. 


Walang arteng tumayo nang hubo’t hubad, ang alaga ay sobrang tigas dahil sa pagkapuno ng kanyang pantog, dali-daling dinampot ang damit at sinuot isa-isa.


Bakas sa gwapong mukha ang paghahanap. 

“Asan na ung dalawa..” ang sabi pa niya sa kanyang sarili at nakita niyang sobrang gulo ng sala, nagkalat ang mga bote at chitchirya sa sahig. Ang yelo na nasa bowl kagabi ay tunaw na, ang mga basyo ng alak ay nakatumba at kung ano ano pang mga dumi ang nandoon na alam naman niyang gawa nila itong tatlo.

Ang tinulugan na nga lang niya ay isang malamig na sahig at isang throw pilliow.


“Hmmmmm.. Sakit ng katawan ko ahh, pati ulo ko.. Kaya pala sobrang lamig ay sa sahig na ako nakatulog,” ang sabi niyang muli, kaya naman naisipan muna niyang pumunta sa banyo para umihi.


Pero sa pagbukas niya ng banyo ay natawa na lang siya nang makita naman niya si Arnold na nakahandusay sa malamig na tiles, may suka sa gilid at mayroon rin sa katawan nitong hubad.


Suot lang niya ay boxer briefs na kulay itim at halatang gising na ang alaga nitong nasa loob ng tela.


“TANGINA!!! Si gago hindi na umabot! HAHAHAHA”

“HOY, ARNOLD!” ang pasigaw niyang gising sa kaibigan at sinipa-sipa pa ito sa may paanan at pati na rin sa alaga nitong matigas na. Naramdaman ni Garry ang katigasan ng titi ng kanyang kaibigan sa kanyang talampakan at wala lang naman sa kanya ito.


“Uy! Pre gising na! Putangina nauna pang magising sayo alaga mo.. hehehe..”

“Pre!!! Pre!!!” 

 

Gumalaw naman si Arnold at unti-unting nagising. 

Naramdaman ang ginagawa sa kanya ng kaibigan.


Biglang hinawi ang paa ni Garry at sinabing “Ina mo pre! Bangon na dyan, gago hindi kana umabot dito sa toilet bowl, ang asim mo! Hmmm! Ina mo ka! hehehehe//” ang sabi niyang natatawa at pumunta na ito sa harap ng toilet bowl para umihi. Inilabas ang alagang naninigas na rin, isinentro ito sa tubig ng bowl at sumirit ang pagkadami daming likido mula sa kanyang pantog.


Ang alaga niya ay sobrang tigas na din habang himas himas niya ang katawang maugat.

“Putangina nitong burat ko ahh, tigas na tigas.. Dami kong nainom kagabi nalimutan ko nang umihi..” ang sabi pa niya habang naririnig ng kaibigan.


Habang si Arnold ay nagigising na at punong-puno ng reklamo sa nangyari sa kanya.


“Gago! Ano tong ginawa ko!”

“Tanginang kababuyan ko! Ganun na ba tayo kalasing”

“Asan si gago?” ang tanong naman nito at hanap kay Wendell.

“Kagagawan nya ito ehh, kung hindi ba naman nag labas pa ng alak hindi tayo magkakaganito.. Haaays!”


Habang patuloy na umiihi si Garry at papunta naman sa shower si Arnold para maligo na ng tuluyan, doon na din nagsalita na si Garry. 


“Hindi ko alam asan un.. Nagising ako nasa sala na ako.. Walang kahit anong suot..” ang sabi ni Garry at nang matapos itong umihi ay naisip na din niyang maghubad ng tuluyan


Napangisi si Arnold at sinabing, “HAHAHAHAHA! Tangina! Kung alam mo lang ang ginawa mo kagabi! Hahahahaha.. Kung bakit ka hubo’t hubad..” at nang sabihin ito ni Arnold ay parang napakamot na lang ng ulo si Garry dahil wala siyang matandaan.


Nagbukas na ng shower itong si Arnold at nagsimulang maligo para mawala ang hangover niya.


“Putangina, wala akong matandaan..” ang sabi ni Garry at hubo’t hubad na rin itong tumabi kay Arnold para makisabay sa pagligo.


Nagkuwentuhan silang dalawa habang naglilinis ng kanilang mga katawan.

Naramdaman nila ang malamig na tubig na unti unting nagbibigay sigla at buhay sa kanila. Inaalis nito ang sakit ng kanilang ulo at pagkahilo.


Biglang may boses na nagsalita mula sa pinto. 

“Tangina nyong dalawa!” 


“Naliligo pa kayo nang sabay ahhh! Ooh, kamusta kayong dalawa?!” ang sabi ni Wendell na nakasuot lang ng boxer shorts at ang alaga ay bakat na bakat na rin sa telang manipis.


Pumasok ito at nagtawanan silang lahat. 

“Pre! Pre! Hindi matandaan ung pinag gagawa kagabi ni gago.. Hahahaha,” ang sabi ni Arnold.


Habang umiihi si Wendell ay natawa rin at sinabing “hayaan mo, pre, ipapanood natin sa kanya mamaya yung video niya hahahahaha!” at nagtawanan silang tatlo habang si Garry ay parang hindi makapaniwala dahil may video pa pala.


“Wag kang mag alala pre, tayo tayong tatlo lang ang nakaka alam.”

Tsaka, huwag ka ring mag-alala dahil walang namang kalaswaan at walang nangyari sa ating tatlo! Hahaahahah”


“Galing mo nga ehh, macho dancer na macho dancer ka! Hahahahahahaha,” ang sabi ni Arnold na tinapik pa sa balikat ang kumpareng si Garry.


“HAHAHAHA! Ulul, ikaw din naman ina mo ka! Galing mo din gumiling ehh! Para tayong mga nasa Adonis Bar!” ang sabi naman ni Wendell at tawa na lang sila ng tawa.


“Urong nga kayo at sasabay na rin ako sa inyo” ang sabi ni Wendell at nag hubad ito ng kanyang boxer shorts at sumali sa pagliligo nila Arnold at Garry.

 

Sa mga sandaling iyon ay nagkuwentuhan silang tatlo habang naliligo.

Walang malisya, walang pakielamanan at walang tumitigas ni isa sa kanilang mga alaga.


Hanggang sa matapos sila at magbihis.

Nag linis na din sila ng kanilang kalat sa sala at sabay sabay kumain. 

Doon na din nila pinanood ang mga videos na kuha ni Wendell at muling pinaalala ang lahat kay Garry at kay Arnold na ang ibang detalye ay nakalimutan na din.


“Haaay! Iba talaga ang pagkakaibigan natin, mula sa drama hanggang sa kalokohan ehh..” ang sabi ni Wendell at nagtawanan na lang sila.


***


FLASHBACK 

YESTERDAY


Pagkatapos ng gulo sa kanilang bahay…


“Papasok ka pa ba bukas?” ang tanong ni Wendell at biglang umiling si Billy. 

“Hindi muna, pre, hindi ko kaya..” ang sabi niya sa kaibigan na namumugto ang mga mata dahil sa kakaiyak.


“Anong gusto mo pre, mag inom tayo ngayon?” ang tanong ni Wendell. Tumango si Garry at sinabing “sige pre, gusto ko munang magpakalasing ngayon..”


Kaya naman dali-daling kumuha si Wendell ng alak at saktong nag-ring ang cellphone nito. 


Si Arnold ang tumatawag at agad niyang sinagot. Nag-usap sila at nagtatanong si Arnold kung pwedeng makausap si Garry.


“Teka pre tanungin ko muna, alam mo naman madami nang nangyari..” ang sabi ni Wendell at bumalik ito sa sala, agad sinabi kay Garry na gusto siyang makausap ni Arnold. 


Pumayag naman si Garry at sinabing pumunta na ito sa bahay ni Wendell dahil gusto niyang makausap si Arnold at kamustahin ang binatang binugbog ng kanyang anak.


***


PAGKALIPAS NG ILANG ORAS NA PAGHIHINTAY…


Dumating na si Arnold. Tahimik si Wendell at Garry.


Medyo kabadong nilapitan si Garry para kausapin, dahil ito pa lang ang kanilang muling pag-uusap bilang magkaibigan matapos ang pangyayari sa resthouse.


“Pre..” ang una niyang bungad kay Garry.


Pero tumitig muna sa kanya si Garry at tinitigan ang kaibigang kakadating pa lang. Habang si Wendell ay biglang nakaramdam ng kaba dahil nakita niya sa mga mata ni Garry na may kakaiba. Kaya naman tumayo na ito at tumabi kay Arnold.


Huminga ng malalim si Garry at kumuha ng isang bote, binuksan ito sabay abot kay Arnold sabay tanong ng “kamusta ka?” tapos ay binigyan niya ng isang ngiti ang bagong dating.


Nakita naman ito ni Wendell at napangiti na rin siya.


Si Arnold naman ay hindi inaasahan ito, dahil kaninang papunta palang siya sa bahay nila Wendell ay kung ano ano na ang pumapasok sa isip niya, iniisip niyang galit si Garry, iniisip niyang sasapakin siya nito na tinanggap nadin naman niya sa sarili sa kabila ng kanyang ginawa.


Pero heto si Garry, sa kabila ng ginawa niya ay nakuha pa rin siyang patawarin at kausapin ang kaibigan.


“Iba ka talaga Garry..”

“Napaka buti mo..”




Itutuloy…






No comments:

Post a Comment