ANG KWENTO NI BILLY
IKALAWANG LIBRO
ANG KWENTO NG MAG AMA
CHAPTER 5
(PAGLISAN)
SA BAHAY NI WENDELL
LUNES NG TANGHALI
“Mga pre, mauna na ako ahh.. Salamat sa hindi malilimutang gabi hehehehe.. Tsaka narin sa pagkain,” ang sabi ni Arnold na palabas na ng bahay nila Wendell.
Nang makalabas na siya, sinabi naman ni Wendell na gusto niyang matulog dahil pakiramdam niya ay kulang pa ang kanyang tulog. “Sige lang pre, dito muna ako sa sala..” ang kanyang sagot sa kaibigan.
“Sige, gisingin mo lang ako kung may kailangan ka ah,” at tumango naman si Garry.
Umalis si Wendell sa harapan ng kaibigan at nahiga naman si Garry sa sofa habang nakatingin sa kanyang Messenger.
Sinilip ang inbox at pumunta sa account ng anak.
“Hello, nak, puwede ka bang makausap?”
“Nak? Galit ka ba sa akin?”
“Siguro galit ka nga dahil wala kang seen sa mga chat ko.”
“Sorry, nak!”
“Usap naman tayo, Billy anak..”
“Sana mag-reply ka naman. Please.”
“Kakausapin ko din ang mama mo pero siguradong galit pa siya sa akin, palalamigin ko muna ung sa amin..”
“Gusto kong makausap ka sana, kahit dito lang sa chat.”
“Billy?”
“Anak, reply naman dyan?
“Sige, hindi muna kita kakausapin..”
“Chat ka na lang kapag handa ka nang replyan ako.”
“Ilabas mo lahat ng nasa isipan mo, Sabihin mo sa akin ang lahat?”
“Sa ngayon, dito muna ako sa kanila, Tito Wendell mo.”
“I love you, nak!”
“Love ka ni papa nak!”
Ang mga chat na iyon ay walang pag-seen ni Billy.
Habang muli niyang binabasa ang mga mensahe niya mula kanina, ay malakas ang pakiramdam niya na galit nga ang anak. Dahil ang silipin man lang ang kanyang mga chat ay hindi ginawa.
Napabuntong-hininga na lang itong si Garry sa kanyang kinahihigaan.
Ibinaba ang cellphone at pumikit ito.
Pero hindi pa man nagtatagal ang kanyang pagpikit ay narinig niyang may nag-chat sa kanya. Kaya naman agad-agad niya itong sinilip. “Sana si Billy.. Sana si Billy..”
Pero nang silipin niya ito ay hindi si Billy, kundi isang empleyado na hawak niya.
“Boss Garry.. Need mo daw pumasok bukas, may client meeting, dapat nandoon ka daw.”
“OK.” Iyon lang ang reply niya.
Tapos ay muli siyang pumikit habang naghihintay pa rin sa kanyang anak.
***
Lumalim ang tulog niya at hindi niya namalayan na pagabi na pala at narinig na lang niya si Wendell na may kinakalikot sa kusina.
“Uhhmmm ang haba ng tulog ko ahh..” ang kanyang sabi sa sarili at bumangon ito para silipin ang kumpare sa kusina.
“Uy! Napahaba din ang tulog mo pre.. Naghihilik ka pa,” ang sabi ni Wendell habang siya ay naghuhugas ng bigas.
Napaupo si Garry sa upuan at doon nakipagkuwentuhan sa kaibigan.
Tumulong na rin siya sa paghahanda ng kanilang hapunan. Sinabi na rin ni Garry na kailangan niyang lumuwas na bukas ng umaga dahil may client meeting sila.
Kinuwento rin niya kay Wendell na hindi pa rin na-se-seen ang chat niya sa anak.
“Tama yan pre, nang malibang ka muna..”
“Gusto mo bang tawagan mo gamit ang cellphone ko?” ang tanong ni Wendell.
Tumango si Garry at hiniram ang cellphone. Nang i dial na niya ang number ng anak ay may operator lang na nagsalita. “The number you have dialed is currently unavailable. Please try your call later."
“The number you have dialed is currently unavailable. Please try your call later."
Binaba ni Garry ang cellphone.
“Oh, anong nangyare?” ang tanong ni Wendell habang nag pupunas ng kamay.
“Currently unavailable daw pre..” ang sagot naman ni Garry.
“Gusto mo puntahan natin?” ang tanong naman ni Wendell at tumango si Garry dahil naisip nitong pinatay ni Billy ang kanyang cellphone.
***
Kaya naman matapos ang kanilang hapunan ay pumunta agad sila sa bahay nila Garry.
Nakita pa lang ni Garry ang kanilang bahay ay nakaramdam agad siya ng kalungkutan at kaba. Isang ilaw lang ang nakabukas sa labas ng kanilang bahay, patay ang lahat ng ilaw sa loob.
Bumaba na ang magkaibigan sa sasakyan at pumunta agad sa may pinto. Kumatok si Garry ng ilang beses pero walang sumasagot.
“Maria!”
“Maria!”
“Billy anak!”
“Billy anak! Maria..”
“Pre parang walang tao..” ang sabat naman ni Wendell at may babaeng nagsalita mula sa kabilang bahay.
“Naku! Umalis ang mag ina mo Garry, kaninang umaga..” ang sabi ni Nena.
Lumingon si Garry sa kanya at lumapit. “Alam mo ba kung saan sila pumunta?” ang tanong ni Garry.
“Ang sabi niya uuwi muna daw sila sa tiyahin daw niya, sa may Marinduque.”
“Sabi ko nga bakit ang layo ehh.. Etong si kumare, padalos dalos, hindi ka muna kinausap kako sa kanya..” ang sabi ng babae.
Habang napansin naman ni Wendell na may binatang nakadungaw sa bintana sa bahay nila Nena, halata sa mga mata nito ang kalungkutan. Napatingin din si Garry sa tinitingnan ni Wendell at nakita niya si Yael, nagkatitigan ang dalawa pero sa mga mata nila ay bakas ang lungkot.
Nagpasalamat na lang sila kay Nena at tumango kay Yael.
Sa pagsakay nila sa sasakyan ay nagsalita na si Garry.
“Masyadong malayo ang Marinduque, hindi kakayanin ng schedule ko sa trabaho..” ang sabi ni Garry sa kaibigan.
“Mag leave ka sa susunod na linggo kung gusto mo, sasamahan kita.. Kahit mag tatlo o apat na araw tayo doon.. Madali naman akong makapag leave sa trabaho ko,” ang sabi ni Wendell at nabuo ang plano nilang dalawa. “Sige, susubukan ko..sana payagan ako,” ang sabi naman ni Garry at umuwi na sila sa bahay ni Wendell.
***
Nag-ayos ng gamit si Garry at nakiusap sa kaibigan na babalik ito sa susunod na darating na sabado. Wala namang problema kay Wendell ito.
Sa gabing iyon ay maaga rin silang nagpahinga.
Madaling-araw kasi ang biyahe ni Garry.
***
SA KABILANG BANDA…
Nakatingin ngayon sa malawak na karagatan ang binatang may luha sa kanyang mga mata.
Nang marinig niya ang ina na sinabihan siyang “nak, mag handa kana, malapit na tayong bumaba..” agad niyang pinunasan ang pisngi.
“Sige po mama..” ang sabi ni Billy.
“Ma, hanggang kailan po tayo doon?” ang tanong nito kay Maria.
“Hindi ko alam anak..”
“Ma, pwede ko na bang makuha ung phone ko?” ang tanong naman ng binata.
Umiling si Maria at sinabing “hindi muna anak.. Doon na lang sa bahay ng lola mo..” at wala nang nagawa si Billy. Hindi rin niya alam kung bakit biglang kinuha ng kanyang mama ang cellphone niya kagabi.
Napatingin na lang siya sa malawak na karagatang binabaybay ng sinasakyang barko.
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment