Friday, August 7, 2026

ANG KWENTO NG MAG AMA CHAPTER 13 (MABUTING KAIBIGAN)

 

ANG KWENTO NI BILLY 

IKALAWANG LIBRO


ANG KWENTO NG MAG AMA 

CHAPTER 13

(MABUTING KAIBIGAN)




SA ILALIM NG PUNO


Malamig at malakas ang simoy ng hangin sa paligid. 

Damang-dama ng magkaibigan ang sarap na dumadampi sa kanilang balat.


Narinig lahat ni Catriona ang kwento ni Billy. Naikwento na rin ni Billy ang nangyayaring pakikipagtalik niya sa kanyang ama, at gulat na gulat itong si Catriona. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig at sinabi lang niya na “ang harot-harot mo, Billy… sarili mo pang papa ang gumagalaw sa’yo, tapos ’yung best friend din niya… haaay, kaloka ka!”


“Pero ako kasi hindi ko tipo ang mga tatay, dahil siguro wala akong kinalakihang ama kaya hindi ko naisip magkainterest sa mga ganung edad.. iba ang mga tipo ko, mga ka edad ko lang..” 

“Alam mo ba dito sa probinsya, ang masasarap ay ang mga binatang kaedad natin. hihihi..”


“Hmmmm.. pero eto ahh, ang masasabi ko lang sa kaibigan mo, ung Fred ba un, isa siyang ahas, un lang. Hindi ko kasi siya kilala ng lubusan kaya hindi ako masyadong makapagbigay ng saloobin ko.”

“Pero eto, tanong ko lang.. Sa tingin mo magiging ok pa kayo? Matapos mo siyang iboogie Wonderland?” ang sabi at tanong nitong si Catriona.


“Boogie Wonderland..??”

“Ano un…” ang tanong ni Billy sa kanya.


“HAHAHAHAHAHA!”

“Seryoso???! hindi mo alam.. bakla ka ba talaga?”

“Bugbugin kasi ang ibig sabihin nun!!” at pareho silang nagtawanan, ung tawa ni Billy ay malakas na natatawa din sa sarili niya.


“OA! sa tawa beh?!!” 

“OA AHH!” ang sabi ni Catriona at nang matapos nang tumawa si Billy ay sinabi niyang “hindi ko na alam kelan ung last na tawa kong ganung bigay na bigay..”


Biglang napatingin ng seryoso sa kanya si Catriona at sinabing “haaay! ano ba yan Billy.. siguro simula ngayon, kapag ako na ang kasama mo… itawa mo lang yan ahhh, kasi sigurado naman akong hindi ka magiging masaya kapag nasa loob ka ng bahay nila aling Matilde..” at sa narinig ni Billy, napatango na lang siya.


Hindi pa natapos ang litanya nitong si Catriona at sinabing “alam mo, salamat sayo kasi nagtiwala ka sa akin na magkwento ng ganyan.. Hindi pa naman tayo lubusang magkakilala, pero kinuwento mo na sa akin ang personal na buhay mo..”

“Tska wala pa akong tao na nakikilala dito sa amin na ganyang ka totoo sa sariling katulad mo.. ka bait sa akin, bukod sa mama ko, pati mga kaibigan ko..”

“Halos lahat kasi ng nandito sa bario na ito ay iba ang tingin sa akin, pangit ang pagkakilala sa akin..”

“Hindi ko naman kasalanan na ganito ako, ganito ako magdamit, ganito ako kumilos at magsalita at hindi naayon sa gusto nilang lahat. Yan si Aling Matilde at Mang Melchor, naku bata pa lang ako kalaban na ang turing sa akin, kesyo daw nakikita kasi nilang lalaki akong hindi totoong lalaki, kaya ang pakikisalamuha nila sa amin ni inay ay hindi din totoo.. Plastic silang mag asawa at sana hindi mo makuha iyon sa kanila habang nandito ka..” ito ang kwento naman ni Catriona na halatang malungkot dahil sa pagkatao niyang hindi tanggap.


Nagulat na lang si Catriona nang maramdaman niya ang tapik sa balikat niya at narinig ang sinabi ni Billy na “wag mo silang pansinin.. Kung iisipin mo palagi ang sinasabi nila hindi ka magiging masaya sige ka, tatanda ka kaagad, hehehe..” at pareho na lang silang natawa.


“Salamat bhe! Ikaw din galingan mo dyan sa impyernong bahay na yan.. Ipakita mo kung anong kayang gawin nating mga bading, hahahaha..” at naghagalpakan sila ng tawa.


Napakagaan sa pakiramdam ni Billy ang ganitong may masasandalan habang nasa probinsya. Tinuring niyang kaibigan si Catriona sa gabing iyon.


Sa kanilang pagkakaupo doon sa ilalim ng puno ay kung ano ano pa ang kanilang napag usapan. Hanggang sa marinig na lang ni Billy ang isang paanyaya mula kay Catriona.


“Bhe, bukas ng gabi.. pwede ka?” ang tanong nito sa bagong kaibigan.

“Oh? Bakit anong meron bukas?” ang tanong naman ni Billy.

“Hmmmm.. samahan mo ako, makipag birthday tayo doon sa tropa ko, pakilala kita.. Niyaya kasi niya ako noong isang araw, sabi ko titingnan ko pa dahil nahihiya ako mag isa.. Ano game ka?” ang sabi ni Catriona sa kanya.


“Birthday? Bukas.. hmmmmm, anong oras?” ang tanong ni Billy.

Sumegunda pa siya at sinabing “magpapaalam muna ako kay mama ahh,” ang sabi nito kay Catriona.


“Ok ba ang mama mo sa mga ganyang lakad? Alam mo naman, siguradong kapag nalaman ni Aling Matilde ang lakad na ’yon at ako ang kasama, ay hindi ka papayagan,” ang sabi ni Catriona habang sinusuklay ang buhok gamit ang daliri.


“Oo nga no.. paano kaya, hmmm, takas na lang ako.. hehehe..” ang sabi ni Billy.


“Oh! Bad girl!!! Pero sige gusto ko yan, hahaha, takas ka na lang tapos bukas dito tayo magkita, dahil wala ka naman cellphone,” ang sabi ni Catriona.


Sabay segundang, sabi pa niya, “Para naman tayong sinaunang mga tao, na may tagpuan pa, hahaha… Oh, basta pag natapos yung rosaryo niyo at matutulog na kayo… takas ka na, hihintayin kita tapos angkas kita sa bike ko..” at tumango na lang si Billy.


“Ipapakilala kita sa tropa ng jowa jowaan ko.. hehehehe..” ang sabi ni Catriona at nasabik bigla itong si Billy sa kalokohang gagawin.



***

BILLY’S POV


Wala naman akong pagsisisi sa pagkukwento ko sa nangyari sa buhay ko.

Parang nakita ko kasi si Catriona na mabait at mapagkakatiwalaan, tsaka pinangako ko naman sa sarili kong hindi ako magtatagal sa lugar na ito, kaya alam kong ayos lang na malaman niya ang lahat sa akin.


Nag enjoy naman ako sa pagkukwento sa kanya, pakiramdam ko gumaan ang loob ko nang maikwento ko ang mga naganap sa akin kahit mabigat ito. Ang pagtataksil ni Fred, sa totoo lang nang tanungin ni Catriona kanina sa akin kung hindi ba daw ako galit sa papa ko.


Umamin naman ako at sinabi kong sa una ay nasaktan talaga ako. Iniyak ko ang mga nangyari. Umiyak talaga ako sa mga nasaksihan at mga nalaman ko na sarili ko pang kaibigan. Sinira niya ang pangako niya sa akin.


Pero naniniwala rin ako na mas magandang marinig ko ang kuwento din ni papa. 

Kung bakit niya nagawa ito at kung ano nga ba talaga ang totoo. Dahil naisip ko din ang sinabi ni Yael na baka hindi iyon ang kabuuan ng kwento, kaya magandang makausap ko pa rin daw si papa.


Pero kasi si Mama ay sarado na ang isipan sa mga bagay at pinili na lang niyang lumayo at tumira dito nang kasama ako. Hindi ko nga sila nakitang mag usap ni papa, Medyo naiinis din ako kay mama ngayon dahil ni hindi man lang niya ako sinabihan sa mga desisyon niya, basta basta na lang niya akong pinag empake sa araw na iyon, kinuha ang cellphone at sinabing aalis kami.


Kinausap naman siya ni aling Nena pero hindi nagpapigil si Mama at sinabing hindi na raw kami babalik doon.


Wala akong magawa, wala akong laban, gusto kong magpaiwan pero siguradong magagalit siya. Tinanong ko rin ang pag-aaral ko, sinabi niyang may kakausapin na lang daw siya para makapasok ako sa Marinduque. 


Mabigat kong inihakbang ang mga paa ko palayo sa aming tahanan.

Mabigat ang loob ko noong araw na iyon dahil hindi man lang ako nakapagpaalam kay Yael at sa mga kaibigan ko.


Habang si Mama ay parang lumalabas ang ugaling hindi ko nakita noon sa kanya.

Simula nang makasama niya si Lola Matilde at Lolo Melchor. 


Mabuti na lang at nakilala ko si Catriona, pero sisiguraduhin kong aalis ako dito at babalik na lang kay papa.

 



Itutuloy…




 





 



 


No comments:

Post a Comment