Friday, August 7, 2026

ANG KWENTO NG MAG AMA CHAPTER 14 (ANG BAGONG KILALA)

 

ANG KWENTO NI BILLY 

IKALAWANG LIBRO


ANG KWENTO NG MAG AMA 

CHAPTER 14

(ANG BAGONG KILALA)


Trigger Warning / Reader's Note: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksena ng panlalait, diskriminasyon, at mapanakit na pananalita laban sa LGBTQ+ na mga karakter. Ang mga elementong ito ay bahagi ng salaysay at hindi sumasalamin sa pananaw o paniniwala ng may-akda. Pinapayuhan ang pag-iingat sa pagbabasa. 


***


SA HAPUNAN


Sa kalagitnaan ng kuwentuhan ng dalawang magkaibigan ay narinig ni Billy ang sigaw ni Maria.


“BILLY ANAK!!!”

“UWI NA!!”


Mabilis na napalingon si Billy at Catriona, nakita nila si Maria na may hindi maipintang mukha. “Sige na bhe, uwi kana.. Bukas na lang..” ang bulong ni Catriona, lumingon naman agad si Billy sabay sabing “sige bhe, una na ako.. Bukas na lang..” at sa mga sandaling iyon ay agad nang tumakbo si Billy papunta sa kanyang ina.


Narinig ni Billy ang pinagsasabi ni Maria.

“Tsk! Kanina ka pahinahanap ng lola mo.. mapapagalitan ka na naman nyan..” ang sabi ni Maria at habang naglalakad sila ay pinagsasabihan siya ng ina.


Sa pagpasok nila sa loob ng bahay ay isang malutong na sampal ang natanggap ni Billy mula sa matandang may hawak ng rosaryo sa kabilang kamay nito.


Nagulat ang binata at nagulat din si Maria dahil siya nga ay hindi niya pinagbubuhatan ng kamay ang anak pero nakuha ni Matilde na pagalitan ito.


Nanginginig na napahawak sa kanyang pisngi itong si Billy at sinabi sa kanyang “anong sinabi namin sayo, hindi ba ang sinabi namin na sumunod ka sa utos namin dito, hanggat nandito ka sa pamamahay namin apo, kailangan mong sumunod.”

“Hindi mo kailangan makipag kaibigan sa binabaeng iyon.. Masama!!!”

“Ikaw naman Maria, controlin mo ang anak mo.. hindi ung siya pa ang magdadala ng kamalasan dito sa bahay na ito..” habang pasigaw na sinasabi ng matanda ang mag salitang iyon ay pailing iling naman si Melchor at napatango na lang si Maria.

“Opo tiya, ma–masusunod po.. pagsasabihan ko po itong si Billy..”


“Hmmmm, sige sasusunod hindi lang isang sampal ang makukuha mo sa akin apo..”

“Tara na at umakyat na tayo! Kanina pa dapat tayo natapos sa pagro-rosaryo....”


Walang nagawa at nasabi si Billy. Hindi niya inaasahan ang mga maririnig at matatanggap na sampal mula sa kanyang lola. Ang ikinabibigat pa ng kanyang kalooban ay ang hindi pagtatanggol sa kanya ng ina.


Parang gusto na lang niyang umalis at tumakbo sa mga oras na iyon pero wala siyang lakas ng loob ngayon. Wala siyang pera, wala siyang cellphone at ang natatandaan lang niyang ay ang pangalan ng apartment ng kanyang papa.


Umakyat ang mag asawa at kasunod nito si Maria, sa bandang huli siya at sa pag akyat nila ay sinindihan na agad ni Matilde ang mga kandila sa malaking altar na iyon, may dalawang malalaking santo ang nasa gitna at may mga maliliit naman na nakapalibot.


Nagsimula sila sa pagdarasal ng rosaryo. 

Hanggang sa matapos na sila. 


Biglang narinig ni Billy ang huling dasal ng kanyang Lola Matilde.


“Oh Panginoon naming mahal, ipinagdarasal po namin ang apo naming si Billy na hindi matulad sa kanyang ama at sa iba pang mga kabataan na hindi sinusunod ang utos niyo.. Ilayo niyo po siya sa mga tukso at huwag maging isang binabae, dahil isang malaking kasalanan po iyon sa inyo Panginoon..”

“Gabayan po ninyo ang aming apo at ilagay sa tamang daan kung saan walang sinuman ang makapag-impluwensiya sa kanya na umibig o gumusto sa laman ng kapwa niyang lalaki. AMEN!”


Matapos ang dasal na iyon, parang natulala na lang si Billy sa mga narinig. Naramdaman na lang niya ang halos ni Melchor sa kanyang balikat at sinabing “magpakalalaki ka apo.. Tandaan mo lalaki ka..” at tumayo na ito.

Tumingin naman si Maltilde sa kanya at sinabing “siguradong maririnig ng Panginoon ang mga dasal natin. Hindi niya hahayaang maging katulad ka ng ama mo..” at tumayo na ito sumunod sa asawa para bumaba.


Silang mag ina na lang ang naiwan at si Maria naman ay sinabihan lang siyang “matulog kana anak.. Bukas ng umaga, pupunta pala tayo sa kapilya para tumulong maglinis doon..” at umalis na din ito para pumasok sa kanyang kwarto.


Habang si Billy ay nanatiling nakaupo at hindi inaasahan ang mga narinig.

Nakatingin sa nakasinding kandila.


Huminga siya ng malalim at sinabi sa sariling “naniniwala akong hindi naman malupit ang Panginoon sa mga katulad namin..” tapos ay tumayo ito at pumasok ng kwarto para magpahinga.


***


KINABUKASAN

MIYERKULES NG UMAGA SA SIMBAHAN


Narito ang mag-ina sa kapilya at panay punas lang ni Billy sa mga mahahabang upuan, habang si Maria ay nakikipagkuwentuhan sa mga bagong kakilala na nagboluntaryong maglilinis din. Pinakilala naman ni Maria ang kanyang anak at sinabihan siyang gwapo ito.


Habang abala si Billy sa pagpupunas ay muli na naman niyang naalala ang mga nangyari kagabi at kaninang umaga. Ang sampal na ginawa sa kanya ng kanyang lola kagabi pero kaninang umaga ay parang wala lang sa mag asawang matanda at sa ina nito.


Ipinagluto pa nga sila ng agahan at binati ng magandang umaga na parang kala mo ay walang ginawang pananampal.


Sa pagpunta naman nila sa kapilya kanina ni Maria ay lakas loob niyang sinabi ang mga salitang “ma, bakit kung umasta si lola ay parang wala siyang ginawa sa akin..”


Tumingin sa kanya si Maria at sinabing “kung tungkol sa sampal na ginawa sayo ni tiya Matilde ay dapat lang na gawin sayo iyon, para sa kapakanan mo din iyon anak, magpasalamat pa nga tayo dahil pinatutuloy nila tayo sa bahay nila..” ang sabi ni Maria na ikinagulat ni Billy dahil parang payag pa ang kanyang ina na masaktan siya.


“Hmmm, hindi ka ba nagalit nung nakita mo akong sinampal ni lola, sa tanda ko nang ito ay nasampal pa ako..” ang sabi ni Billy.


“Anak, eto ang tatandaan mo.. hindi tayo puwedeng kumontra sa kanila dahil alam nila nag ginagawa nila, tska nakikitira lang tayo.. kung ayaw mong masaktan ulit ng lola mo, magtino ka at sumunod sa kanila, maging mabuti kang apo sa paningin nila.” ang sabi ni Maria.


“Pero Ma!!! bakit kasi hindi nalang kasi tayo bumalik sa atin..”


Tumitig ng matalim si Maria sa anak at sinabing “ilang beses ko bang uulitin sayo Billy, wala na tayong babalikan doon. Dito na ang buhay natin dito na ako tatanda.. dito ka magtatapos, dito ka makakapangasawa at magkaka anak.. tapos ang usapan!!” at wala nang nagawa pa si Billy kundi manahimik na lang sa mga oras na iyon, hindi na siya nagsalita pa.


***


Matapos ang mga malulungkot na ala alang iyon ay nagpatuloy pa rin siya sa paglilinis.

Nang ilang minuto lang ay may narinig silang tawag ng isang lalaki na may pagkamalalim na boses.


“Narito na ang meryenda niyo!”

“Kumuha na kayo dito ng tinapay at softdrinks niyo!”


Napatingin si Billy sa lalaking may dala-dala ng tray. 


Isang lalaking matipuno at halos kasing-edad lang ni Garry. Nakasuot ng itim na sando at maong shorts. May katangkaran na kung maglakad ay napakalakas ng dating.


Kitang kita sa kilos na lalaking lalaki.

Kitang-kita sa braso na halatang nagbubuhat at kutis probinsyano.


Lumapit na din ang mga matatandang babae para kumuha ng kanilang makakain at maging si Maria at Billy ay kumuha na din.. Narinig ni Billy ang sinabi ng isang babae na “Carding, malalaki ang mga monay na nabili mo ngayon ahh.. Hindi ka na ba doon sa dating panaderya?” 


Umiling ang lalaki at sinabing “sarado sila ngayon, kaya doon ako sa kabila bumili.. Oo nga malalaki sila.. kain na!” ang sabi nito at lumakad na sina Maria at ang mga kasamang iilang mga babae na tumutulong sa simbahan. 


Naiwan na lang silang dalawang lalaki.

Napatingin bigla ito si Carding kay Billy at ngumiti.


“Mukhang bago ka dito ahhh.. ngayon ko lang nakita ang mukha mo,” ang sabi sa kanya at dumampot ng tinapay at softdrinks.


Tumango naman si Billy at sinabing “Ahh opo, kasama ko po ang mama ko po.. bagong dating lang po kami,”


“Anong pangalan mo?” ang tanong sa kanya ng lalaki.


“Billy po..” ang sagot naman nito sabay kagat sa tinapay. 


Tumango naman ang lalaki at sinabing “ako si Carding, kuya Carding na lang o Mang Carding, nag ta-tao ako minsan din sa simbahan. Ako ang taga buhat dito, taga pintura, taga linis.. Basta lahat ng mabibigay na trabaho ay ako ang gumagawa..” ang sabi ng lalaki at napatango na lang si Billy sa narinig.


Ngumiti naman si Billy at habang ngumunguya ay natitig lang siya sa lalaking abala din sa pagkain.

Ngumiti ito sa kanya at ngumiti rin siya dito.


“Shit! Parang si papa at tito Wendell, ganitong ganito ung datingan nila..”


“Kain ka pa oh.. Madami ung pinabili ni father para sa inyo..” ang sabi ni Carding at tumango lang si Billy at sinabing “sige po, ayos na po ako dito sa isa..”


“Sigurado ka ahh.. Sige iwan ko na ito dito.. Marami pa akong gagawin sa gilid ng simbahan.. May mga tinatapos pa kasi ako doon,” at tumango na lang si Carding sa binata, at ganoon din si Billy, na pinagmasdan na lang ang pag-alis ng lalaking matipuno.



Huminga ito ng malalim.. “Wooh! Ano ba itong nararamdaman ko! Uhhmmm!” at umiling-iling na lang siya habang tinatapos ang iniinom.




Itutuloy…



.
















No comments:

Post a Comment