ANG KWENTO NI BILLY
IKALAWANG LIBRO
ANG KWENTO NG MAG AMA
CHAPTER 15
(ANG PAGTAKAS)
MIYERKULES NG GABI
Ilang minuto na rin naghihintay si Billy sa kanyang kwarto, matapos siyang sabihang matulog na.
Naisip niyang manatili muna sa loob ng kanyang silid at doon naghihintay sa tamang oras ng pag-alis ng bahay para kitain si Catriona sa ilalim ng puno.
Pagkadungaw niya sa bintana ay nasabi lang niya na, “Siguro, puwede na… baka tulog na silang lahat,” at dahan-dahan na siyang lumakad ng tahimik papunta sa pinto at binuksan ng tahimik, sabay labas.
Maingat na bumaba ng hagdan at naisip nitong dumaan na lang sa likod ng bahay.
Tagumpay namang nakalabas at naramdaman agad ang lamig na binibigay ng kapaligiran.
Kabadong lumakad papunta sa lugar kung saan sila magkikita ni Catriona.
Mabilis ang paglalakad niya papunta sa punong iyon, kung saan sila ng usap ng kanyang bagong kaibigan, iba ang ngiti ni Billy habang naglalakad ng mabilis, para siyang ibong nakalipad mula sa kulungang iyon.
Magaan ang kanyang puso sa mga oras na iyon at nakita agad niya ang kaibigan na si Catriona.
“Haaay! Bhe! Akala ko hindi ka na pupunta! Bakla ka!!”
Napangisi at kamot na lang sa ulo itong si Billy sabay hingi ng paumanhin sa bagong kaibigan. “Sorry na! alam mo naman, kailangan ko pang hintayin silang matulog.. ano tara!” ang sabi ni Billy sa kanya.
Ngumiti si Catriona na nakapink na damit.
“Tara na! kanina pa sila naghihintay…” at sandaling iyon ay sumakay na si Catriona sa kanyang bike at pinasakay na niya si Billy sa likod.
***
Habang naka angkas si Billy sa likuran ng kanyang kaibigan ay napangiti na lang siya dahil pangalawang beses na niyang ginawa ang ganitong pagtakas, naalala niya bigla si Yael na naiwan sa kanilang probinsya.
Iba ngayon ang kaligayahan sa kanyang puso habang nakasakay sa bisikletang iyon.
Ilang minuto din ang pinedal nitong si Catriona hanggang sa makarating na sila sa isang bukirin na may isang maliit na bahay. Malawak ang bukirin, may mga natutulog na mga kalabaw sa ilalim ng puno may mga kambing din at iba pang mga hayop.
Hindi maipagkakaila na probinsyang probinsya ito at sa bandang gilid ng maliit na bahay na yari naman sa semento pero hindi tapos, ay may mga kalalakihang nag iinuman at may kandila sa gitna.
Malamig ang simoy ng hangin.
Ang iniinom ng mga ito ay lambanog.
“Oh heto na pala si Catriona!!” ang sigaw ng isang lalaki.
“Ayan na pre ung syota mo!” ang sabi naman ng isa at biglang tumayo ang isang lalaki na naka sando lang, halata at mukhang probinsyano pero may dating.
Ipinakilala agad ni Catriona si Billy sa mga kaibigan niya.
Limang kalalakihan ang mga nag iinuman kasama na doon ang syota ni Catriona at lahat ng iyon ay halos kasing edad lang din nila Billy. Nagpakilala isa isa at lahat naman ay mukhang mababait at ipinaramdam kay Billy na hindi siya iba sa kanila. Magalang makipag usap kay Billy maging kay Catriona.
Nagsimula na din silang tumagay at sinabi naman ni Billy na hindi pa siya nakakainom ng lambanog. Sinabihan naman siya ni Catriona na masarap ito at masarap din ang tama.
Kaya naman uminom na ito at nasabi naman niyang masarap pero matapang. Inubo pa nga ito na tinawanan lang siya at sinabing “Easy lang Billy..”
“Masasanay ka din brad..”
“Oh tubig Billy..”
“Konti konti lang hanggang sa masanay ka..”
“Ayan ganyan lang konti konti lang muna..”
Tumango naman si Billy at ngumiti sa kanila. uminom ito at napangiti na lang sa mga kasama. Hanggang sa masanay na nga itong si Billy at nakikipag kwentuhan na din sa mga lalaki.
Mabilis naging komportable itong si Billy sa grupo hanggang sa tumagal na ang kanilang inuman at lumalalim na ang gabi.
Nang marinig nila ang syota ni Catriona na sinabing “asan na kaya si tiyo? sabi niya pupunta siya, 1:00 AM na ooh.. ” habang sinasabi niya ito ay naka akbay naman siya kay Catriona na halatang lasing na.
“Naku yang si tiyo mo naman, palaging late..” ang sabi ng isa.
“Diba sabi niya sayo kanina makikipag inuman din siya doon sa mga kasama niya sa trabaho..” ang sabi ng isa.
“Ay oo nga pala..” ang sabi ng lalaki at napangisi na lang sila.
Nagtuloy tuloy lang ang kanilang inuman, hanggang sa pumatak ang 1:30 AM. nakarinig sila ng tricycle na papalapit sa kanila. Dahil kabukiran na ang paligid ay dinig na dinig ang tunog ng sinasakyang tricycle.
“Ayan na ang tiyo mo ang sabi ni Catriona!” at napalingon silang lahat nang makita nila ang lalaking nag mamaneho ng tricycle. Nang patayin na niya ang makina ay nakangiti ito at nakilala agad ni Billy ang lalaking naka sakay..
“Ayan na si Tiyo Carding mo brad! Naku may dala pa ata para sayo ooh!” ang sabi ng isa.
“May regalo ang paborito niyang pamangkin hahaha” ang sabi naman ng isa.
Sumigaw naman ang lalaking kakapatay pa lang ng makina, halatang naka inom ito dahil sa itsura pa lang.
“Oh! para sa paborito kong pamangkin!!”
“Heto ang regalo ko sayo ooh!” inabot ang isang bote pa ng alak sa pamangkin at napansin niyang may bagong mukha. “ABAH! mukhang may bago kayong kaibigan ahhh!..”
Dahil may kadiliman ay inilapit pa ni Carding ang kanyang mukha at nakita si Billy ng malapitan.
“Oh! ikaw ung kanina sa simbahan ahhh!.. ano kasing pangalan mo?” ito ang sunod sunod na sabi ng lalaking madaldal na dahil sa nainom na alak.
Tumingin si Billy sa kanya at mapula pula na ang mukha na hindi maitatangging lasing at sinabi niya ang pangalan niya. “Billy po..”
“Ayun Billy..!”
“Tingnan mo nga naman, bago ka pa lang dito pero may mga kaibigan ka na agad, sino bang nagdala sayo dito.. ito bang si ganda?” ang sabi ni Carding na hinila ang isang upuan sabay upo malapit kanila Billy.
Hanggang sa ipinaikot na ng sabay ang alak na dala ni Carding at ang natitirang lambanog, nagulat na lang si Billy dahil kaliwaan ang inaabot sa kanyang baso na agad naman sinabihan ni Catriona ang mga kainuman na hindi pwedeng malasing masyado si Billy dahil paniguradong magagalit ang lola nitong si Matilde.
“Naku! oo nga pala, apo ka ni imang Matilde, basta wag kang magpapakalasing ahh, galit sa mga nag iinom un, ke father lang ata hindi nagagalit yun kahit alam naman niyang malakas uminom ng alak si Father, HAHAHAHA!” ang biro ni Carding na nagtawanan silang lahat.
Para kay Billy ay magaan kausap itong si Carding, masasabi din niyang malakas ang dating nito na para bang nagpapainit pa sa kanya, kasabay ng alak na iniinom. Naging palagay na din ang loob niya sa tiyuhin ng kainuman.
Parang akala mo ay ka edad lang din ni Carding ang mga kainuman.
Si Billy naman ay nakikipag usap na din kay Carding na parang kala mo ay tiyuhin niya, nagtanong tanong sa ginagawa nito sa araw araw, na sinasagot naman siya ng lalaki ng medyo mautal utal na dahil sa kalasingan.
***
Hanggang sa pumatak na ang 3:00 AM.
Walang kamalay malay ang mga tao sa bahay nila Billy na siya ay nasa labas pa.
Umalis na din ang tatlong lalaki, dahil mga lasing na nga ang mga ito.
Natira na lang ay si Billy, Carding, Catriona, ang syota ni Catriona at isa pang lalaki na matalik na kaibigan ng syota ni Catriona.
Tinuloy lang nilang limang natira ang inuman at kwentuhan.
Hilo na nga itong si Billy na nakasandal na, habang si Catriona naman ay naka sandal na ang ulo sa balikat ng nobyo. Ang kaibigan naman ng lalaki ang nagtatagay pa sa kanila, habang si Carding ay tumigil na sa pagtanggap ng alak.
Narinig na lang nila Billy ang usapan ni Catriona at ng kanyang syota.
“Hmmm, baby.. medyo nahihilo na ako,” ang sabi ni Catriona.
“Anong gusto mong gawin ko baby? ihatid ko na ba kayo ni Billy? Hiramin ko ung tricycle ni tiyo?” ang tanong ng syota nito.
Nang marinig ni Billy ang usapang iyon ay akala niya ay papayag na si Catriona, kaya inihanda na niya ang sarili para umuwi. Pero nagulat siya nang marinig niya ang isinagot ng bagong kaibigan.
“Hmmm, pahinga muna ako baby.. ok lang ba na pasok muna tayo sa bahay,” ang sabi ni Catriona na agad naman sinagot ng lalaki. Biglang sabat naman ni Carding sa usapan nila.
“Sige na pamangkin, ipasok mo muna yan doon sa loob, ikaw.. tulungan mo bestfriend mo kay ganda..” ang utos naman ni Carding at bigla pa niyang sinabing “magpahinga muna kayo.. kami na ni Billy uubos nitong alak.. hehehe, diba Billy,” at may ngiting kakaiba kay Carding.
Sabay tayo mula sa kinauupuan, binuhat ang upuan at itinabi kay Billy.
Habang si Catriona ay pinagtulungan nang buhatin ng dalawang lalaki papasok sa bahay.
Naiwan na lang sa labas si Billy at Carding.
Magkatabi at binigyan pa ng isang basong alak si Billy na may kasamang bulong.
“Parang napapansin ko, ang lagkit ng tingin mo sa akin kanina pa ahh…”
“Trip mo ba ako…” tapos ay kumindat ito sa binata.
Ang kalmadong kalooban ni Billy ay biglang napalitan ng kaba.
kakaibang kaba na nagpanginig sa kanyang katawan habang naririnig ang malalim at masarap sa tengang boses ng barako at gwapong probinsyano.
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment