Wednesday, September 16, 2026

ANG KWENTO NG MAG AMA CHAPTER 19 (MASAKIT NA KATOTOHANAN)

 

ANG KWENTO NI BILLY 

IKALAWANG LIBRO


ANG KWENTO NG MAG AMA 

CHAPTER 19

(MASAKIT NA KATOTOHANAN)




Nang makabalik si Billy sa loob ng simbahan ay agad siyang tinanong ng mga babae dahil hinahanap ang kanyang ina. Pero sinabi lang niya na naiwan ito dahil nakikipag usap pa kanila Carding.


Nang matapos niyang sabihin ito, ay bumalik na siya sa inuupuan kanina at kinain ang kanyang bilo-bilo.


Habang kumakain ito ay napansin niyang nagbubulungan ang iilang kababaihan at may mga salitang narinig siya na nagpakaba sa kanya.


“Sabi sa inyo ehh, hindi ako nagkamali, hindi niyo kasi nakita kanina ung mga titigan nilang dalawa.. hmm, pustahan tayo, magkakaroon ng relasyon iyang dalawang iyan..”

“Ay naku mare, sinabi mo pa.. kilala naman natin yang si Carding, matinik sa mga bago dito sa lugar natin..”

“Basta ako kinikilig… hehehe..”

“Parang bagay naman sila diba..”


“Anong bagay ka dyan.. Sabihin mo gusto lang makatikim nyang si Carding ng bago..”


“Naku! Naku! Nagse-selos ang patay na patay pero hindi napagbigyan..”


“HAHAHAHAHAHAHA!” ang tawanan nilang lahat.


“Jusme! Parang lahat naman tayo dito hindi natikman nyan ehh..”

“Baka magkakaoon pa lang, hihihihi.. Kilala nyo na kung sino..” 


“Hindi ko din naman tipo yang si Carding..”

“Ay ako din mare, hindi ko tipo ung mga ganyang lalaki..”

“Pero sabi nila malaki daw yan..hihihi”



“Psst! huy tumigil nga kayo dyan, nagtsi-tsismisan kayo sa harap pa ng anak niya at sa loob pa ng simbahan.. Pagkukurutin ko kayo dyan ehhh…” 

“Tska, kilabutan nga kayo..hayaan nyo na lang sila matatanda na sila at hiwalay na din naman yang si Maria at wala daw nobya ngayon si Carding..”


Biglang napahinto na lang sa usapan ang mga babae sa kanilang tsismisan at napatingin kay Billy na nagpatay-malisya na lang habang kumakain. 


Sa loob-loob naman ng binata ay parang tama nga ang kanyang naiisip mula kanina.


Medyo nalungkot siya sa mga narinig dahil ang pagkakaalam na pala sa lugar na iyon ay hiwalay na ang kanyang papa at mama.


Hanggang sa makalahati na niya ang kanyang bowl ay doon pa lang dumating itong si Maria, nakangiti na agad kinausap ng mga bagong kaibigan. 


Tska doon pa lang din bumalik si Matilde mula sa likod ng simbahan, sinabi na rin niyang uuwi na ito at magsabay na lang sina Maria at Billy.


Pinaalala lang nito ang kanyang kaldero at bayong na huwag kalimutan. 

Umalis na si Matilde habang si Maria ay abala sa pakikipagkuwentuhan. 


Nang matapos na ang lahat kumain ay may nilinis pa sila ng kaunti sa bandang altar, habang si Billy ay naisipang maglakad lakad sa paligid ng simbahan.



Pero sa totoo lang ay gusto niyang makita muli si Carding.

Sinadya niyang bumalik sa gilid ng simbahan kung nasaan sina Carding at Marlon na nagsisimula muling magpintura.


Habang tuloy-tuloy ang kasama nitong si Marlon sa pagpipinta, napalingon naman si Carding kung saan papalapit sa kanila si Billy. 


Tumigil ito sa kanyang ginagawa at lumapit sa binata.


“Oh, anong atin Billy?” ang lalaking lalaking tanong nito sa binata.

Nag uumapaw ang lakas ng dating at kagwapuhan ng lalaking chinupa lang niya kagabi.


Napailing naman siya at sinabing “wala lang po, nag-iikot-ikot lang…” at sa kanyang sinabi ay napatango naman si Carding at ngumiti, pero ang ngiti niya ay hindi katulad ng kagabing nag-iinuman sila at natikman niya.


“Ahh ganun ba, ok sige.. dami pa kaming tinatapos eh, trabaho muna kami ahh,” at parang wala lang si Billy sa kanya.

Muling inasikaso ang kanyang ginagawa at hindi na pinansin pa si Billy.


Kaya sa mga oras na iyon ay malinaw na ang lahat sa binata na libog lang ang nangyari kagabi at walang kahit anong relasyong namamagitan sa kanila. 


Purong libog lang talaga na may halong kalasingan.


Lumakad na lang siyang bagsak ang balikat namamag asang may mangyayaring usapan sa kanila ni Carding pero heto siyang bumalik na lang sa loob ng simbahan at nakitang nagliligpit na ang kanyang ina.

Kailangan na nilang umuwi ni Maria. 

Inutusan naman siyang buhatin ang natirang bilo-bilo at lumabas na sila ng simbahan kasabay pa ang iilang mga babae, hanggang sa silang mag-ina na lang ang naglalakad pauwi.


Sa kanilang paglalakad mag-ina, ay naglakas-loob si Billy na magtanong na sa kanyang ina.

    

“Ma, narinig ko ung mga kasama mo kanina, na sinabi mo pala na hiwalay na kayo ni Papa..”

“Totoo ba iyon?”

“Ha, mama? Totoo ba 'yon? Bakit hindi ko alam..” at biglang lumingon sa kanya ang ina at sinagot siya. 


“Sinabi ko iyon kasi doon din naman pupunta iyon anak..”


“Alam mo nak, simula nang malaman ko ung pinaggagawa ng papa mo ay naisip kong mangyayari talaga iyon, na maghihiwalay kami..”


Binigay ko ang buong tiwala ko sa papa mo pero wala ehh, sinira niya ng ganun ganun na lang, mababaw siguro kung para sayo, pero para sa akin anak, hindi. Sobrang sakit nun, kapwa lalaki pa niya, ang mas masakit ay kilala ko pa at kaibigan mo..”


“Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganoon din ako kabilis magdesisyon.”

“Ako na rin talaga ang nagdesisyon na wala na kami at tayong dalawa na lang ang magkasama..”

“Maliwanag na ba sa’yo ang lahat, ha? kaya kalimutan mo na yang papa mo, may buhay na siya at may bagong buhay na tayo dito sa Marinduque..” 

“Baka nga ngayong pauwi tayo eh siya naman ay nandoon sa kaibigan mong si Fred..”

“Kaya tama na yang pagtatanong mo tungkol sa ama mo..”

“Wala na siya sa akin at nasira na siya.”


 Sa sinabi ni Maria ay marahang napatango na lang itong si Billy. Malungkot ang kanyang pakiramdam matapos niyang marinig ang lahat ng iyon.


Tapos ay narinig niya muli ang ina na sinabing “tara na at bilisan mo na dyan..”


Kaya sumunod na lang siya sa kanyang ina at hetong naiisip niya na malaki na ang ipinagbago ni Maria matapos ang pagkakahuli niya kina Fred at Garry.


Hanggang sa makauwi na sila sa bahay ay umakyat na lang siya sa kanyang kwarto para doon ay magmukmok dahil sa mga nalaman niyang ikinalat ng kanyang ina.


Sira na ang pamilya nila.

Kabilang na ngayon sila sa mga tinatawag na broken family, at kahit ano pang pilit niyang kausap ang ina ay nakapagdesisyon na ito na hindi na niya mababali pa lalo, at may kasamang sulsol pa ito nina Matilde at Melchor.


Pumikit na lang si Billy at may patak ng luha sa kanyang mga mata.


***



TANGHALING TAPAT SA ILALIM NG PUNO


“Ang lalim ng iniisip mo diyan ahhh!”

“Ang layo pa ng tanaw mo!” ito ang biglang gumising at nagpabalik kay Billy sa realidad. Ang matinis na boses ni Catriona na ngayon ay papalapit sa kanya.


Napalingon agad itong si Billy sa bagong kaibigan at napangiti agad ito.


“Oh! sa akin ka na naman natulala.. Ano, gandang ganda ka na naman sa akin no.. hehehe..” ang sabi nitong si Catriona habang tumatabi kay Billy. 


Nakasuot ng kulay neon pink na spaghetti strap na damit, sky blue na mini shorts, headband na sunflower, tsinelas na may pulang ribbon at pulang pula ang labi at pisngi.


Nangingibabaw ang mga matitingkad na mga kulay sa morenang kutis nitong si Catriona.

 

Biglang tinapik ni Catriona si Billy at agad na nagtanong, “kamusta na? ano na naman yang iniisip mo at parang ang lalim, mag isa ka pa dito, mabuti na lang mahangin, kahit tirik ang araw ooh, buti na lang din makapal kapal ang dahon ng punong ito..” ang sabi nitong nakatingin kay Billy.


Kitang-kita sa mukha ni Catriona ang pagiging totoo kay Billy.


Hindi naman tumingin si Billy sa katabi pero tumingin ito sa malawak na kabukirin at sinabing “hmmm.. eto ayos naman, medyo madami akong iniisip ehh…” ang unang sagot nito at narinig na lang niya si Catriona na sinabing “sige handa ako makinig sayo, ano ba yang mga iniisip mo, baka malay mo makatulong ako..”


Napangiti naman si Billy at lakas-loob na nagkuwento at sinabi ang lahat ng kanyang nararamdaman at iniisip.



Itutuloy…



No comments:

Post a Comment