Sunday, August 9, 2020

Ang Sikreto ng Pamilya Book 2 - Chapter 26

 


**Narrator**

*ding dong

*ding dong

*ding dong

Umaga na at nakatulog nalang ang magkapatid sa sofa. Hindi na nakapag linis ng sarili kakahintay sa tawag ng mga kidnappers.

Walang tawag na natanggap ang mga ito kahit isa.

Nagising nalang ang mag kuya sa doorbell at lumabas agad si Noah.

Nakatapak na lumabas at tila umaambon parin sa labas.

Binuksan niya ang gate at doon nakita agad ang uncle at pinsan. Mabilis yumakap si Noah kay Willam.

Mahigpit ang yakap ni Noah sa uncle at umiyak agad ito.

“Shhh.. Shhhh.. Kaya mo yan Noah, nandito na kami tahana” ang malungkot na sabi ni William sa pamangkin.

“Oo nga pinsan, nandito na kami wag na kayo mag alala masyado.. Mahahanap din natin sila tito” ang sabi nman ng pinsan habang hinahagod ang likod ni Noah.

“tito.. Tito.. D na namin alam ang gagawin” ang naiiyak paring sabi ni Noah.

“shhh.. Shhh.. Sige tayo na at pumasok tayo sa loob at pag usapan natin to ahh.. Tama na pamangkin ko.. Tara na” ang sabi ni William.

Kumalas sa yakap si Noah at tumango. Nag punas ng luha at pumasok silang tatlo.

Nakita nila si Daryll naka upo sa sofa at nilapitan dila nito para yakapin.

Nung umagang iyon ay kinwento lahat ng nalalaman nila kay William at Marco. Sinabi din nila ang plano ng mga pulis.

Nag uumpisa na din mag imbistiga ang mga ito para matukoy kung sino talaga ang mastermind sa pag dukot sa mag ama na si Adam at Theo.

Nag handa na din ang magkapatid ng makakain at tapos pinasok na nila William ang sasakyan sa garahe.

Pinatuloy nila ang mag ama sa guest room kung saan din sila tumutuloy pag umuuwi sila.

**

Nagising din ng maaga si James at kinwento niya sa ina ang nangyari kanila Adam at sa anak nito na si Theo.

Hindi alam ng ina ni James na boyfriend nito si Theo. Ang alam lang ay best friend niya ito.

Nakisimpatya naman ang ina ni James sa kanya at sinabing sana ay makita na sila at ipagdadasal niya si Adam at Theo.

Kita sa mga mata ni James ang kalungkutan dahil wala siyang magawa.

Nung umaga din iyon ay nag chat sa kanya si Alfred at sinabing alam na pala sa buong village ang nangyari kanila Adam at Theo.

Marami daw tsismosa sa village nila kaya hindi maiiwasang hindi kumalat ito.

“Pre .. Punta ka ngayon dito kanila Japon bilisan mo, may bagong post na naman sa Underground” pagkasabi kay James ay mabilis siyang lumabas.

Habang nag lalakad papunta kanila Japon ay napahawak nalang siya sa ulo nito at sabing “tangina bakit ngayon ko lang na alala yon.. Putangina talaga! Ang tanga tanga mo James.. Ang tanga tanga mo!” ang sabi niya sa sarili habang nag lalakad.

Naalala na niya na may pwede pala siyang itulong ngayon sa pag hahanap ng boyfriend niya at kay Adam.

Binilisan niya ang pag lalakad at nakarating na siya mismo sa bahay ni Japon.

Nang magkakasama na silang apat ay pinakita nila kung anong bago sa Underground Basement Site.

Binalikan nila ang post at nakita nila ang usapan ni @CPUonBoard at @Cobra88

Cobra88: @CPUonBoard salamat sa tips! Replied 2 days ago.

CPUonBoard : @Cobra88 basta ba bigay mo ang pinagusapan natin.. Replied 2 days ago.

Cobra88: bukas na bukas dadamputin na namin yan. Replied 2 days ago.

**

“Ano pre! Pwede na yan maging ebidensya. Tska ung usapan nila sakto sa araw. Kahapon nangyari ang kidnapping” ang sabi ni Alfred kay James.

“oo nga, tska ung picture ni tito Adam siguradong malakas na ebidensya ito” ang sabi naman ni Japon.

“dalin mo na to sa mga kapatid ni Theo” ang sabi ni Binoy.

“kaya mo kayang I locate Japon, kung saan ung mga IP Address nila?” Ang tanong ni James.

“Naku pre.. Hindi kaya ehh.. Alam mo naman naman to site na to.. Magagaling ang mga programmer ng mga to.. Hindi basta basta ma infiltrate ung site. Kaya nga madaming gumagamit nito para sa masasamang gawain ehh.” Ang sabi ni Japon sa kanya.

“Kung kayang bayaran natin si Cobra88.. Mag panggap tayong buyer.. Ayan ooh gayahin natin tong mga matrona na mayayaman. Nag offer ng pera..kay tito Adam.” Ang sabi ni Binoy.

“Hmhmm.. Pwede kaso pano pag bayaran na.. Alam mo naman dito, kailangan ng downpayment.” Ang sabi naman ni Alfred.

“tangina, kung tanungin kaya muna natin.” ang sabi ni James.

“Sige subukan natin ahh.. Pero wait, ID logs ko ung makikita dito.. Tska kakapalit ko lang ng username.. Dapat ung profile blanket ko dito ay pang matrona na mukang madaming pera” ang sabi ni Japon.

“hmhmm.. Sino ba may log in pa sa Underground” ang tanong ni James sa grupo.

“Ang kilala ko lang si Dominic..”pero dko alam kung anong profile nun” ang nasabi ni Binoy.

“Tangina tama si Dominic!.. Pwede natin magamit ung sa kanya at hindi na natin kailangan pang I blanket ung profile nun” Ang natatawang sabi ni Alfred.

“Bakit naman..” ang tanong ni Japon.

“Kasi nung isang araw lang nakita ko siyang naka log in at nakita ko ang profile niya. “Daddieslavery” ang gamit niyang username”

“walangya! Tara na.. Anu pang hinihintay natin.. “ ang tanong ni James.

“gago iba maningil si Dominic.. Hindi naniningil ng pera un kapag may pabor kang hihingiin dun.. Muka lang alalay alalay ni kuya Jim un pero sabog un.” Ang sabi ni Alfred.

“Sige na tara na! bahala na! ako nalang mag babayad basta makahanap lang tayo ng impormasyon” ang sabi ni James na desidido na.

Nag pasya ng grupo at pumunta sila sa computer shop para kausapin si Dominic at ibigay kung ano man ang hilingin nito.

**

“tumawag na ako sa office kuya, binigyan nila ko ang indefinite leave of absence. Para matutukan ko ito” ang sabi ni Daryll sa kuya.

“Mabuti naman kung ganon pinsan” ang sagot ni Marco.

“Ako din nag sabi na ako sa office namin at alam na sa office ung nangyari kay Daddy” ang sabi ni Noah sa kanila.

“Wala ba talaga kayong alam na naka away ang daddy ninyo.. Ano ba tong nangyari sa pamilya natin..” ang sabi ni William habang nag kakape.

“Asan na pala ung nobyo ni Theo” ang tanong ni Marco.

“ahh si James.. Nasa kanila siguro.. Pinauwi ko na kahapon.. Kawawa naman un ehh” ang sabi ni Noah.

“oo nga ehh, hirap din ng sitwasyon niya.. Nakita niya lahat ang pangyayari pero natakot mamatay ehh” ang sabi ni Daryll.

“mabuti na din ung walang nangyaring masama sa kanya. Iniisip ko nalang talaga ung kapatid ninyo, dba sabi ninyo may tama siya ng bala.. Sana wag siyang pabayaan.. Diyos ko naman” ang malungkot na sabi ni William.

Tahimik lang ang apat nang tumawag ang mga pulis kay Noah at sabing nakilala na nila kung sino ang mga dumukot.

Pupunta daw ang mga pulis ngayon sa bahay.

**

Sa kabilang banda..

**Theo's POV**

Kitang kita ko ang lahat at hindi ko malimutan ang mga nasaksihan ko. Lalu na ng bumagsak si tatay sa daan.

Hindi ko din malimutan ang putok ng baril na tumama sa aking balikat. Ang dugo kong umaagos sa braso papunta sa kamay.

Ang nakabulagtang katawan ni tatay at walang malay.

Tinitignan ko ngayon ang aking balikat at naka benda na ito at mukang ginamot naman.

Pero nakatali ako sa isang upuan, maging mga paa ko ay naka tali at may busal ang bibig.

Iba na ang suot kong damit at shorts. Dama kong wala akong panloob at parang binihisan ako.

Inusisa ko ang paligid at kita kong nasa isang warehouse ako na puno ng mga mga sirang kotse. Parang junkyard ata ito.

Mataas ang bubong ng warehouse na mukang sa pelikula ko lang makikita.

“Ooh gising na pala tong si pogi” ang sabi ng isang lalake na parang nasa likod ko siya.

“pakainin mo na pre” ang sabi ng isa pang lalake.

“Hmmmmhmmm.uuhhggrr!. Hmmmmmmm” ang aking lang masabi dahil may busal nga ang aking bibig.

“Hintayin natin si boss! Baka may dala ng pagkain un.. Tatay nito gising naba?” ang sabi ng isang lalake.. Nanlaki ang aking mata ng narinig kong sinasabi nila ang aking tatay.

“Uughhhrrr! Hhhmmmm!! Hhhhmmm! Uuughh!” ang aking pagalit na ungol sa busal.

“Mukang hinahanap ata tatay nya.. Hahaha.!! Boy! Wag kang mag alala wala pa kaming ginagawa sa tatay mo.. Mamaya palang.. Pagdating ni boss!.. Hirap na hirap kaming dukutin tatay mo.. Bonus kapa loko! Mukang matutuwa si bossing nito” ang sabi ng lalake na nagdala ng sobrang galit ko at awa sa ama.

Tumulo nlng ang luha ko dahil nasa ganito kaming posisyon.

“uughh uuughh ughhh! Uuughhhrrrr!” ang aking nadinig sa kabilang parte naman ng warehouse.

“pre! Gising na ang tatay niya.. Hahahaha!” ang sabi ng lalake.

“Hayaan mo un.. Andoon naman sila pare” ang sabi ng isang lalake.

Ibig sabihin ay nasa kabilang parte ng warehouse na ito si tatay at sa pag ungol niya, tiyak ako na nakatali din siya.

“Mga pre! Gising na tong si gago! Bugbugin ko na ba?” ang tanong na pasigaw ng lalake sa kabilang banda.

“GAGO! WAG MONG GAGALAWIN YAN.. MAY ATRASO YAN KAY BOSSING, BUGBOG YAN MAMAYA.. ETO ANAK NYA PAGTRIPAN NATIN.. hahahhaha” ang pasigaw na sabi ng lalake na sobrang kinatakot ko.

Nasa likod ko lang ang nagsalitang iyon at kinakabahan na talaga ako.

“OSIGE! TANGINA MO BOY! PAKINGGAN MO UMUNGOL ANG ANAK MO!” ang pasigaw na sabi ng lalake kay tatay.

“Uuuhhhhrrr!! Hmmmmmmrrr! Hhhhhhhhhmmm! Uugggrrrrr! Uuugggrrrr!” ang dinig kong galit na ungol ni Tatay.

Wala akong magawa , wala kaming magawa ni tatay. Hindi namin kilala ang mga ito at anong gusto nila sa amin.

Biglang nag dilim ang paningin ko dahil may nilagay silang piring sa aking mga mata. Pero inalis nila ang busal ng bibig ko.

Nag sisigaw sigaw na ako ng TULONG! TULONG! MGA HAYOP KAYO! PAKAWALAN NINYO KAMI DITO! TATAY! TAY! TAY!.. Inuubos ko ang boses ko pero walang walang makakarinig sakin dito.

“Naku boy! Mapapagod ka lang kakasigaw.. Malayo tayo sa mga tao..!.. Wag kang mag alala gusto lang namin madinig ng tatay mo ang gagawin namin sayo.. Hahahahhaha” ang nakakatakot na sabi ng lalake.

Tumigil ako kakasigaw at sinabi kong “mga walang hiya kayo! Mga hayop!” pagkasabi ko nun ay biglang dumugpa ang isang malakas na sampal saking muka.

Sampal na nagpahilo sa akin. Lasa ko ang dugo sa aking labi. Wala akong magawa kung hindi tanggapin nalang ang lahat.

“Pre naman! Wag ganyan.. Wag mong sasaktan yan.. Wag sa muka .. Ke gwapo gwapo ehh.. Dapat dito..”

Akala ko mabait un pala gago din tong lalakeng ito, nagulat ako ng biglang sinukmuraan ako ng lalake. Para akong nawalan ng hangin sa lakas ng suntok niya.

“Uuhhkkk.. Ukkkk.. Ahhh ahhh ahhhh… Tama na.. Ahh.. Tama naaa.. Tama naaa” ang akin lang nasabi at naiyak na ako ng tuluyan dahil wala akong magawa, wala akong laban sa dalawang ito.

Biglang nga liwanag ang paligid at nasilaw ako dahil inalis bigla ang aking piring. Kita ko ngayon ang muka ng dalawa na nasa harap ko.

Hindi ko sila kilala at ngayon ko lang nakita. Parang nasa 30’s or 40’s na sila.

“Tangina bakit mo tinanggal ung piring?” ang sabi ng isa.

“Para makita niya ung mga muka natin kapag paglalaruan na natin siya.. Hehehe” ang sabi ng isa sabay nakita kong sinakmal niya ang bandang ibaba niya kung saan ang bukol niya.

Napamura na lang ako sa isip ko at parang alam ko ko na ang gagawin.

Lumapit ang lalakeng manyak at hinaplos ang muka ko. “tangina siguro kung ganito ako ka gwapo ehh madami akong babaeng pagsasawaan hahaha”

Habang nag sasalita siya ay narinig kong may bumukas na pinto at pumasok pang tatlong lalake.

Napalingon siya sabay bitaw sa aking muka. Nadinig ko nalang ang isa na pabulong “tangina pre si boss”

“patay” ang sabi lang ng lalakeng manyak.

Pumunta sila sa gilid at papalapit na ang sinasabi nilang boss. Hindi ko pa maaninag kaya yumuko muna ako.

Nang ramdam kong nasa tapat ko na siya ay hinawakan niya ang baba ko at itinaas.

Hindi din sila nag kakalayo ng edad ni tatay, tulad din ng dalawa.

Nang makita ako ay napailing siya at sabing “sino ang gumawa nito sayo, bakit putok ang labi mo iho” ang kanyang tanong sa akin at inalis ang kamay sa muka ko.

“sino ang gumawa non sa kanya?” ang madiin na sabi ng lalake na pakiramdam ko siya ang boss nila.

“Sino sa inyo?” ang sunod ulit na tanong. Habang naka tingin sa dalawang lalake na sumampal at sumuntok sa akin.

“Hindi kayo sasagot ahh..” ang sabi muli ng boss nila.

“Dba ang kabilin bilinan ko, wag gagalawin ang mga taong walang may atraso sa atin..ung tatay lang nito ang may atraso sa dalawang tropa ninyo..” ang galit na galit na sabi ng lalake.

Nakampante ako sa aking sarili pero si tatay paano na.

“sumagot na kayo” ang segunda ng lalake sa likod ng boss nila.

“A-ako po boss.. Pasensya na po.. Sinampal ko po siya.. Ehh eto din naman ehh sinikmuraan” ang sabi ng isa at kita kong mag sisikuhan sila at may takot.

Nilapitan sila isa isa ng boss nila at nagulat nalang ako ng sampalin ng malakas ang isa na parang nahilo at ang isa ay sinikmuraan na bumagsak sa kanyang tuhod.

Naawa ako pero pakiramdam ko naka ganti na ako sa kanila.

Nilapitan ako ng isang lalake na ala lalay ng boss nila. Kita ko sa muka niyang medyo bata bata pa ito at may itsura din.

Hinawakan niya dahan dahan ang aking muka at malumanay siyang nag salita. “pasensya kana, nadamay kapa sa pagdukot sa tatay mo..” biglang hugot ng panyo at pinunasan ang labi ko.

Tinignan din niya ang aking balikat at sinuri ito. Tahimik lang ako at tinitignan lang ang muka niya.

“Hmhm.. Mamaya palitan ko ng gasa yan” ang kanyang sabi. Naramdaman kong mabait siya.

Kaya nag salita ako at sabing “Kuya pakiusap naman.. Pakawalan nyo na kami dito ng tatay ko, pauwiin nyo na po kami.” ang pagmamakaawa ko sa kanila.

“Tsk. Tsk. Tsk.. Sensya na boy! Pero hindi namin kayang gawin un ehh..” ang sabi ng isa pang lalake. Na ngayon lang din lumapit sa akin.

Mag kahawig sila ng lalakeng nag punas ng sugat ko. Pakiramdam ko mag kapatid sila dahil magkamuka talaga sila. Masungit lang tong isa.

“pssst! Tama na yan kayong dalawa.. Bantayan nyo to at wag ninyo sasaktan..” ang biglang bigkas ng boss nila at inutusan muli ang dalawa.

“tara na at doon na tayo sa tatay nito.. Para matapos nato” ang sunod na sabi ng boss nila.

“yes dad.. Sunod na kami” ang sabi ng lalake.

“Tara na bro at nang makita na natin pahirapan ang tatay nyan” ang sabi ng isa at umalis.

Na speechless ako nang malaman kong mag aama pala ito at kapatid. Pero naisip ko na din ang gagawin nila kay tatay.

“Sige na at may ibibigay lang ako dito para naman hindi mag ingay..” ang sabi ng mabait na lalake sabay may kinuha siya kanyang bulsa.

Isang parihabang box at binuksan ito. May dalawang syringe na laman at kinuha niya ang isa.

Hindi ko alam kung ano ang gamot na iyon at nakita kong pinipitik pitik nalang niya. Nag pupumiglas ako at nag sisisigaw na.

“Waaag! Pakiusap.. Pleaseee!! Wag! Pakawalan nyo na kami dito.. Wag!!” Ang aking sigaw na nilalapit na niya ang karayom sa aking balikat.

“wag kang mag alala, papakalmahin ka lang nito” ang kanyang sabi.

Pero malikot parin ako kaya naman hinawakan na niya ako sa leeg ng mahigpit at mabilis na itinusok ang gamot.

Dama ko na parang kagat ng langgam. “Anong nilagay mo sa akin.. Hayop ka! Aaahhhnong!.” Ang aking sinasabi.

Mula sa malakas na boses hanggang sa pahina ng pahina.

Hindi pala siya mabait, hindi pala totoong mabait siya…

Nakita ko ang nakangisi niyang muka at sabing “sweet dreams baby boy.. Kami na muna sa tatay mo.. Sigurado akong masasarapan siya mamayaaaaaa…….” Ang aking huling narinig at nawalan na ako ng malay.

**

**Adam's POV**

Sobrang sakit parin ng ulo ko ng magising ako. Hindi ko malilimutan ang mga nangyari. Mula sa pag harang sa akin sa kotse, ang pag palo sa akin sa batok.

Nagising akong tuyong tuyo na ako at iba na ang suot. Nakatali sa upuan at may busal ang bibig. 

Alam ko nasa kabilang parte ng lugar na ito si Theo dahil nadinig ko ang kanyang boses.

Sinubok kong mag pumiglas pero wala akong magawa dahil sa higpit ng pagkakatali at takip sa aking bibig.

May kirot parin ang aking noo na pakiramdam kong tinamaan ito ng matigas na bagay.

Pinipilit ko parin kumawala, lalu na ng marinig ko ang anak ko. “TULONG! TULONG! MGA HAYOP KAYO! PAKAWALAN NINYO KAMI DITO! TATAY! TAY! TAY!” iyan ang nadinig ko kaya sinubok ko talaga magsisigaw kahit may busal ang bibig ko.

Kahit ako nalang sana ang saktan nila, matatanggap ko pa pero ang anak ko.. Hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa kanya.

Ilang minuto din at nadidinig ko parin ang usapan sa kabila. Nadinig ko na ding nandyan na ang boss nila.

Malakas ang kutob ko at hindi ako nag kakamali talaga na ang mga dumukot sa amin ay ang mga naka away ko sa kalsada.

Pero hindi ko alam paano nila ako natunton. Hindi ko alam kung sino at ano ang nag udyok sa kanila para balikan ako.

Kahit pinag tanggol ko lang ang sarili ko noon pero masasabi ko talaga, iba ang takbo ng mga utak ng mga to dahil masasama silang tao.

Gaganti at gaganti talaga sila para gumaan ang kanilang pakiramdam.

**

Mag hintay at mag reserba ng lakas baka sakaling makatakas. Iyon nalang ang nasa isip ko.

Dahil kahit ano pang pag pupumiglas ko ay sobrang higpit ng pagkakatali sa akin. Ang dapat ko pang gawin ay pag handaan lahat ng posibleng mangyari.

Naluluha nalang ako at walang magawa ng nadidinig ko na si Theo na nag mamakaawa.

“Waaag! Pakiusap.. Pleaseee!! Wag! Pakawalan nyo na kami dito.. Wag!!”

“Anong nilagay mo sa akin.. Hayop ka! Aaahhhnong!.

Iyan ang mga huling sinambit ni Theo. Wala akong maibigay na tulong sa kanya.

Tumahimik saglit at nadinig ko ang dalawang lalake na nag uusap sa likod ko.

“Heto na si bossing pre!” ang sabi ng isang lalake.

“excited nako makaganti tangina” ang sabi ng isa.

“Lalu naman ako.. Nakulong tayo dahil dito sa gagong ito eh.. Buti nalang malakas si bossing” ang sagot ng isa.

Alam ko ang galit ng dalawang lalake sa likod ko pero hindi nila ako sinasaktan. Dama ko ang nag ngingitngit nilang boses.

“Boss!” Ang sabi ng isang lalake.

Mukang nandito na ang amo nila. Dinig ko ang paglalakad nito, ang tunog ng sapatos na balat.

“Boss! Pwede naba?” Ang tanong ng isang lalake.

Sobrang bilis na talaga ng kabog ng dibdib ko.

“Hintay lang kami ng go signal mo” ang sabi ng isa pang lalake.

“Sige!.. Bigyan ninyo ng leksyon yang gago na yan..” ang sabi ng boss nila.

“hehehe! Ayos!” ang sabi ng lalake at hinanda ko na ang sarili ko.

“wag nyong masyadong susugatan ang muka nya ahhh” ang sabi ng isang lalake na katabi ng amo nila.

“Ooh nadinig nyo.. Wag masyado sa muka, ang sabi ng anak ko”

“Masusunod bossing!” ang sabi ng lalake na alam kong papalapit na sa akin.

Humarap ang dalawang lalake sa akin at hindi ko malilimutan ang pagmumuka nila. Sila nga at tama ako.

Kita ko silang pasuntok suntok sa mga palad nila at pangisi ngisi pa.

Bumira ang isa, kasunod ang isa. Hanggang magsalitan sila sa aking sikmura at muka. Dama ko ang sakit pero tinitiis ko ito para sa anak ko.

Mga unang suntok kinakaya ko pa pero ung sunod sunod na ay hindi ko na kinaya at nagdilim na lang ang aking paningin sa dami ng bugbog ko sa katawan at muka, hanggang sa nagdidilim na ang paningin ko sa sakit.

Nakapikit nako pero nakarinig ako ng isang boses at sabing “tama na yan.. Kalagan ninyo at dalin nyo na siya sa kwarto.. Itali nyo doon sa kama”

“kayo na bahala sa anak nyan”

**

Itutuloy…


No comments:

Post a Comment