Monday, April 6, 2026

ANG KWENTO NI BILLY - 1055

Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).

Ako si JOESUNKO ang orihinal na gumawa ng kwentong ito at dahil madaling makuha ang mga post sa X (twitter) ay minabuti kong ilagay ito sa blogspot ko para na rin malaman ng mga tao na ako ang una, orihinal na manunulat at may idea sa kwentong ito.

Para sa mga mambabasa ng "ANG KWENTO NI BILLY" maraming salaamat!

(Kung paano ang pagkakapost sa X (twitter) ay ganito din siya mababasa.)




“Kwento ni Billy”
AUTHOR JOESUNKO



1055
(Lamig ng Gabi - Dampi ng Alaga)


SA LOOB NG UNIT NI GARRY


Kalagitnaan ng gabi, nakatitig lang sa kisame itong si Paolo, katabi ang naka-briefs lang na si Garry. Pareho sila ng kasuotan at kung ang katabi niya ay mahimbing na natutulog, siya naman ay parang dinadaga ang dibdib sa mga oras na ito.


Pareho silang may kumot na nakatalukbong sa ibabaw ng kanilang mga katawan.


Ilang oras pa ang nagdaan, tila ba hindi pa rin makatulog at mapakali sa kanyang nararamdaman itong si Paolo. Parang akala  mo ay sinusurot na nga pati ang puwet at likuran niya dahil galaw siya nang galaw at sa tuwing gagalaw si Garry para mag-iba ng posisyon ay titigil siya at hihinga nang malalim. 


Hanggang sa ang kumot ni Garry ay dumausdos mula sa magandang katawan ni Garry. Walang kamalay-malay itong ama ni Billy na naalis na pala ang kumot sa kanyang katawan at nabunyag na ang maganda niyang katawan.

Dahil medyo malamig na, napansin ngayon ng kanyang katabi ito.

Napasinghap ng malalim si Paolo nang makita niya bigla ang katabi niyang wala nang kumot at labas na ang umbok ng burat nito.


Isang mahinang paglunok ang narinig ni Paolo mula sa kanyang sarili.

Ang mga mata niya ay pilit na inililiwanag at inilalaki habang nakatitig siya ngayon sa alagang nakapaling sa gilid at may kalakihan na.

Nakita na rin naman niya ito, pero iba pa rin talaga kapag malapit na sa'yo at konti na lang ay puwede mo nang mahawakan.


Pero sa mga oras na iyon ay nagpigil pa rin si Paolo, natatakot na baka magising si Garry at magalit pa ito sa kanya.

Kaya naman naisip niya munang titigan na lang ang buong katawan ng lalaki, pagmasdan ang lahat ng ito, at kahit hindi man niya mahawakan, ay masasabi niyang kuntento na siyang katabi niya, ang gwapong ama.


Isa ring ama na walang kaalam-alam sa totoo niyang pagkatao.


***

“Shit! Shit! Paolo umayos ka!”

“Pigilan mo ang sarili mo!”

“Hindi ka puwedeng gumawa ng ikagagalit niya o ikasisira ng pagkakaibigan niyo.”


Ilang beses niyang kinausap ang kanyang sarili at kahit kausapin niya ito ay hindi naman niya mapigilan ang sarili na hindi malibugan, kaya heto siyang tigas na tigas ang titi habang nakahiga at ang mga mata ay palipat-lipat sa dibdib, sa flat na tiyan at umbok na nasa loob pa rin ng briefs.


Nakakadagdag pa sa kanyang panginginig ang lamig na galing sa electric fan. 

Habang etong si Garry ay parang sanay na sanay na sa lamig at ni hindi man lang natinag at hindi na nagising para magkumot.


“Hmmmm.. Matulog ka na, Paolo. Hindi mo kailangang magpuyat!”

“Ipikit mo na lang yang mga mata mo at isipin mong wala kang katabi..” ito ang muli niyang sabi sa sarili niya at pinikit na nga niya ang kanyang mga mata.


Inisip niyang mag-isa lang siya sa higaang iyon.


Pero ilang minuto lang sa pagpikit ng kanyang mga mata ay nakaramdam siya ng paggalaw ni Garry.

Pagmulat niya ng kanyang mga mata at paglingon sa kanyang gawing kaliwa ay nakita niya ang gwapong mukha ng lalaki. Nakapikit at walang kamalay-malay na siya ay gising pa.


“Tanginang buhay ’to, ooh! Talagang ngayon pa..” ang sabi niya sa sarili at nanatili siyang hindi gumagalaw dahil sa bandang kaliwang kamay pala niya ay may nakadikit na hindi niya sinasadyang mangyari.


Dahil sa pagtagilid ni Garry, hindi sinasadyang maidikit ang katawan ng alaga nito sa likod ng mga daliri ni Paolo.


Hindi gumalaw si Paolo.


Sa likod ng kanyang mga daliri ay damang-dama niya ang mainit at mataba-tabang alaga ni Garry. Hindi pa ito matigas, pero may kalakihan na.


Malalim ang paghinga ni Paolo sa mga oras na iyon at dahan-dahan na lang siyang pumikit at sinabi sa sarili, “SHIT! KAHIT HANGGANG UMAGA PA TAYONG GANITO.. HINDI KO AALISIN ANG KAMAY KO SA GANITONG POSISYON!”


Hindi nga gumalaw itong si Paolo hanggang sa makaramdam na siya ng pamamanhid na tumagal ng 30 minutes. 


Hindi na rin niya napigilan ang sarili at dahan-dahan din niyang idinidikit pa ito.


Nagulat na lang siya nang biglang gumalaw muli si Garry at padapa naman itong pumosisyon. Doon ay saktong nadaganan ang kanyang kamay.

Nanlaki ang mga mata ni Paolo sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung aalisin niya ito o ano, pero namayani ang kanyang libog at hindi niya inalis ang kamay, habang si Garry ay walang kaalam-alam na nadadaganan na niya ang kamay ni Paolo.

Damang dama pa rin nito ang kalambutan ng katawan ng titi.

Unti unti niyang nilingon si Garry na nasubsob ang mukha sa unan.


“Tanginaaaaaaa!”

“Seryoso ba ito..”

“Gising ba si kuys.. Ahhhh fuck! Aalisin ko na ba itong kamay ko..”

“Ang lambot ng alaga niya, ang laki din talaga… uhhhmmmm!”

“Kung anong inilambot ng titi ni kuys ay siya naman itinigas ng titi ko! Uhhhmmm!”


Ito ang mga sinasambit ni Paolo sa kanyang isipan, pero dahil manhid na manhid na ang kanyang kamay ay dahan dahan niya itong naigalaw.

At doon napapikit agad siya dahil gumalaw at nagsalita si Garry.



“Uhg! Shit, sorry!” At umagat itong si Garry na dahan-dahan hinawi ang kamay niya at muling bumalik sa pagkakadapa.


Ito ang narinig niya mula kay Garry at naramdaman niyang wala nang bukol ng titi ang nakadikit sa kanyang kamay. Ang dibdib niya ay sobrang bilis ng pagkabog.


“Sayang!” ang sabi niya sa sarili at alaga naman niya ang kanyang hinawakan para laruin, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.


***


5:30 AM

PAOLO’S POV


Napamulat na lang ang aking mga mata nang marinig ko ang sunod-sunod na pagbubuhos ng tubig mula sa banyo.

Napalingon ako sa aking tabi at wala na si Kuya Garry. 

Naalala ko muli ang nangyari kaninang madaling-araw, kung paano dumikit at madaganan ni Kuya ang aking kamay. Kahit ilang minuto lang ay nasalat ko ang malambot niyang alaga.


Habang nakahiga pa ako, narinig kong bumukas na ang pinto ng banyo. Kaya dali-dali akong pumikit.

Habang ako ang nakapikit ay may kaba na naman sa aking dibdib at dahil tahimik ang paligid, narinig ko si Kuya Garry na bumulong.


“Dito na ako magbibihis, ma la-late na ako..”


Kaya nang marinig ko iyon ay dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, sinigurado kong hindi ito bukas na bukas at may nakikita pa ako.


Ang kaba ko ay napalitan na naman ng libog.

Habang pinapanood ko si kuya Garry na nakatalikod at ang matambok niyang puwet ay aking nakikita na. Napakinis nito at parang nanlalambot ang buong pagkatao ko.

Pero mas nanginig ang kalamnan ko nang bigla siyang mag side view at nagsuot ng kanyang briefs.


Muli kong nakita ang alaga niya. 

Ang alaga niyang kahit tulog ay malaki na. Makapal-kapal din ang bulbol niya at ang ulo ay malaking mamula-mula.


Huminga ako nang malalim habang nagpapanggap na tulog. Hanggang sa makapagbihis at matapos na siya. 


Sinigurado kong nakapikit lang ako, pero dinig na dinig ko ang kanyang pagkilos sa loob ng unit na iyon.

Hanggang sa magulat ako nang makaramdam ako ng tapik sa aking balikat at boses niyang napakalalim. 


“Pao…”

“Pao…”


Umarte akong nagising at tumingin sa kanya. Kitang kita ko ang gwapo niyang mukha, nakaayos na ang kanyang buhok at naka uniform ng kanyang pamasok.


“Kuya..” ang bungad ko sa kanya.


Ngumiti siya at sabing “Alis na ako ahhh, tsaka eto pala ooh, pagkapasensyahan mo na ’yan, ito lang ang kaya kong iabot sa’yo ngayon, siguro naman makakauwi ka na sa Cavite… Kahit pang-miryenda mo lang sa biyahe mo mamaya…” at nagulat ako nang abutan niya ako ng limang daan.


Hindi ko naman kailangan, pero nagkusa at pumilit siyang kunin ko ito. 

Sinabi pa nga niya na wag ko na lang tanggihan at balitaan ko daw siya kapag babalik na ako ng Maynila.

Nagpasalamat naman ako at nagpaalam na siya. 

Isang matamis na ngiti at tapik sa balikat ang binigay niya sa akin, nakita ko na lang siyang lumakad papalabas ng unit.


Napatingin ako sa limang daang pisong hawak ko at para bang nawala ang libog na nararamdaman ko sa kanya mula kagabi at parang higit pa sa libog ngayon ang nararamdaman ko kay Kuya Garry.



Itutuloy…





No comments:

Post a Comment