Monday, April 6, 2026

ANG KWENTO NI BILLY - 1054

 Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).

Ako si JOESUNKO ang orihinal na gumawa ng kwentong ito at dahil madaling makuha ang mga post sa X (twitter) ay minabuti kong ilagay ito sa blogspot ko para na rin malaman ng mga tao na ako ang una, orihinal na manunulat at may idea sa kwentong ito.

Para sa mga mambabasa ng "ANG KWENTO NI BILLY" maraming salaamat!

(Kung paano ang pagkakapost sa X (twitter) ay ganito din siya mababasa.)




“Kwento ni Billy”
AUTHOR JOESUNKO



1054
(Halik ng straight)


SA PROBINSYA

5:00 AM


Madaling araw na at hetong bumangon na si Yael mula sa pagkakatulog, namamahay ang lalaki at sa bawat kilos niya sa kama ay hindi siya mapakali kaya naman agad na siyang bumangon mula sa kama, napalingon sa dalawang binatang katabi niya.


Tulog na tulog si Billy at Aust, kung saan napangisi pa nga siya dahil hindi lang pala siya ang may gising na gising na ari.

Maging si Billy at Aust din ay may tigas na tigas na titi sa malamig na madaling araw na iyon.


“Uwi na nga ako, i sasara ko na lang ng maigi ung bahay nila, sa likod na ako dadaan..” ang sabi nito sa kanyang sarili at isa isa na niyang dinampot ang kanyang pinaghubarang damit. 

“Maghihilamos muna ako at sa labas na ako magbibihis..” ang sunod niyang sabi sa isipan habang hawak hawak ang mga damit.


Hindi na rin naman niya matiis pa ang ihi niya, kaya agad-agad na siyang lumabas para dumiretso sa banyo at para gawin na rin ang dapat niyang gawin.

.

Sa pagbukas at pagsara ng pinto ay may dalawang pares ng mga mata at bumukas at bumangon din sa kama.


***

Sa pagpasok ni Yael sa banyo ay naisip niyang hindi na ito isara dahil alam niyang natutulog pa rin naman si Billy at Aust, humarap muna ito salamin tapos ay nag unat unat muna ng mabilis. Sunod ay iniling ang kanyang ulo na para bang gusto niyang gisingin na ang buong katawan niya.


Tapos ay humarap naman siya sa inidoro at inilabas ang kanyang alagang kanina pa tigas na tigas dahil sa lamig at ihi.


Habang siya ay umiihi ay pumikit muna siya habang naririnig ang lagaslas ng kanyang pag ihi.

Nang bigla na naman niyang naalala ang mga pangyayari kaninang madaling-araw at nasabi na lang niya na “Shit! Shit! Bakit ko hinayaan gawin iyon sa kanya… Ahhh fuck! Fuck! Uuwi na ako, tangina! Ayaw ko nang maalala pa yung ginawa namin ni Billy!” 

“Hindi ka bading Yael! Hindi na bakla! Hindi ka Bayot!! Lalaki ka!!” “

“Tangina mo, umayos ka, Yael!” 

“Paniguradong hindi din bading si Billy pero bakit hindi siya nagpumiglas.. ahhhhrrrg!!!”

“Umuwi ka na at itulog mo na lang ulit ’yan sa inyo. Kalimutan mo ang ginawa niyo ni Billy. Pareho kayong lalaki!”


Habang sinasabi ni Yael ito sa kanyang isipan ay hindi niya namamalayan na may nakatayo na pala sa may bandang pintuan at doon pinapanood siyang nakatayo at umiihi habang ang titi niya ay sobrang tigas na halos hindi na ma i shoot lahat sa inidoro.


Biglang magmulat ang kanyang mga mata. Narinig ang boses na hindi niya inaasahang maririnig.


“Laki nyan ahhh!”


At napalingon na lang siya sa may pinto at doon nakita niya ang nakangising, suot lang ay briefs na may matigas ding alaga. Si Aust ito na sinadyang bumangon kanina at sumunod kay Yael.


Ang mga oras na iyon ay biglang nagbago ang timpla ni Yael, lumabas ang kanyang ugali na hindi inaasahan ni Aust.


Nang matapos si Yael ay pinagpag lang niya ang kanyang naininigas paring alaga, ipinasok sa briefs at naghugas ng kamay. Habang si Aust ay nakangising nakatayo sa may pinto at pinagmamasdan pa rin ang ginagawa ng lalaki.


Tahimik lang si Yael sa paghuhugas niya ng kamay.

Pero sa loob-loob niya ay may namumuo nang inis kay Aust.


Nang matapos na ito ay hinarap niya si Aust.

Ang akala ni Aust ay papatulan siyang may malisya na lalaki, pero nagkakamali siya. Nagulat na lang siya nang bigla siyang itinulak sa may bandang balikat.

Talagang natulala at nagulat si Aust sa mabilis na pangyayari at ramdam niya ang mabilis at mapanakit na kamay ni Yael at kahit gwapo ang binata ay nakita agad ang inis nito.


“TIGILAN MO NGA AKO!”

“BADING!”


At lumakad itong dinampot ang damit tapos ay isinuot niya ang mga ito. Habang nagbibihis siya ay heto si Aust na nagulat pa rin sa ginawa sa kanya at sinabi.  Pero nanatili pa rin siyang nakatayo na bumakas din sa mukha niya ang inis. 

Kahit babading-bading itong si Aust pagdating sa kama, halata rin naman na lalaking-lalaki pa rin siya at kaya niyang makipag-suntukan kung hahamunin ni Yael. Kahit matanda si Yael, sa kanya ay hindi niya ito uurungan.


Nang makapagbihis na si Yael ay sinabi lang niya na “sabihin mo kay Billy umalis na ako!” isang matigas at walang emosyong salita, tapos ay lumakad na ito at lumabas ng bahay.


Pagkasara ng pinto ay bigla itong napasinghap ng hangin at kinausap muli ang sarili. “AHHHYYYSHIT! Ano na naman ginawa mo Yael!! Purong puro kana, umuwi ka na nga lang at itulog mo yan!”

 Lumakad na ito pauwi sa kanila at doon sa kwarto niya nakuha ang hinahanap na tulog.


***


Muling tumabi si Aust kay Billy at sa puntong iyon ay hindi na siya nakatulog, paulit ulit sa isip niya ang nangyari kanina sa kanila ni Yael. Kung paano siya tinulak at tinawag na Bading. 


Habang si Billy ay walang kaalam-alam dahil napakasarap ng tulog nito.


***


FLASHBACK

1:00 AM


Habang nakahiga at natutulog na ang tatlong lalaki sa kama ni Billy.

Si Aust ay nakaharap sa kanan, si Billy sa gitna at sa kaliwa naman ay si Yael. 


Pare-parehong nakasuot lang ng underwear at walang malisya itong si Yael na katabi ang kapitbahay na si Billy.


Sa mga oras na iyon ay hindi inaasahan ni Yael at ni Billy na bigla silang magkakasabay na tatagilid at magkakaharap. Habang si Aust ay walang kaalam-alam sa mga mangyayari. 


Sa kanilang pagkakaharap ay naalimpungatan ang isa at dahan-dahan namulat ang mga mata ni Billy. Hindi naman niya inaasahan na kaharap niya ang gwapong kapitbahay ngayon. 

Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ni Yael, mula sa mga nakapikit na mga mata, makakapal na kilay, bagay ang ilong nito, lalaking-lalaking mukha, may kakapalang mga labi at makinis na pisngi. Masasabi niyang gwapo talaga si Yael.


Nang mapansin niyang nagkamot ng braso itong si Yael, dali-dali siyang pumikit. Ang kanyang puso ay biglang bumilis ang pagtibok. Nagpanggap siyang natutulog habang si Yael naman ay nagkakamot na parang kinagat ng lamok sa braso.


Mga ilang sandali pa ay nagising na itong si Yael at sa pagkakamulat ng kanyang mga mata ay nagulat siyang kaharap na pala niya si Billy. Nakapikit itong pinagmasdan niya. Napansin niya ang maamong mukha ng binata.


Masasabi rin niyang gwapo ito at makinis. Matangos ang ilong at mala-mansanas ang pagkapula ng mga labi, na para bang napakasarap halikan.

 

Hindi muna pumikit si Yael sa mga oras na iyon at tila ba na engganyo siyang pagmasdan si Billy habang natutulog.

Hindi na rin siya kumilos at napirmi na lang sa kanyang pagkakatagilid.


Itong si Billy naman ay naramdaman niyang hindi na gumagalaw ang katabi, kaya naman dahan-dahan na niyang iminulat ang kanyang mga mata, na ang akala niya ay natutulog pa rin si Yael.


Pero nagkamali siya at hetong pareho pa silang nagulat dahil halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Gising na gising silang dalawa, walang salitang lumabas sa kanilang mga bibig. Habang ang dibdib nila ay kumakabog sa mga oras na iyon.


Bayanad lang ang kanilang paghinga.

Ang mga mata nila ay nangungusap sa isa’t isa.


Hanggang sa magulat na lang si Yael sa kanyang sarili nang siya mismo ang kusang lumapit at napapikit naman si Billy. Sumasabay ang tibok ng kanilang mga puso, nakakabinging katahimikan ang mayroon sa loob ng kwartong iyon.


Napapikit na rin si Yael nang maramdaman niya ang kanyang ginawa sa binatang kapitbahay.

Naglapat ang kanilang mga labi. Una, dalawa, tatlo, apat na dampi, walang paglabas o labanan ng dila. 

Taas at ibabang labi lang nila ang naglapat sa mga sandaling iyon.

Habang ang mga dibdib nila ay parang tambol sa banda, dire-diretso ang pagkabog.


Matapos ang halik na iyon ay biglang umatras ng kaunti si Yael, ngumiti at parang kala mo ay dalagang tumalikod at nahiya. 


Habang si Billy naman ay hindi makapaniwala sa kanyang natanggap na halik.


Halik mula sa kanilang gwapong kapitbahay. Halik na napakasimple, walang halong libog. Tipong halik na para bang sinasabing “gusto kita”


Parehong pumikit, walang pag-uusap, dinama ang kilig at nakakapanglambot na emosyon.


END FLASHBACK




Itutuloy…


No comments:

Post a Comment