Monday, August 3, 2026

BOOK 3 - Ang Sikreto ng Pamilya - PREVIEW SCENES - CHAPTER 123 to FINALE





Ang Sikreto ng Pamilya - PREVIEW SCENES - CHAPTER 123 to FINALE


Naka-posisyon na si Aaron sa gitna ng kama. 

Nang sumunod naman itong si Theo sa utos sa kanya. Huminga nang malalim at dahan-dahan niyang inilipat ang isang paa sa kabilang gilid ni Aaron. Dahan-dahan itong umuupo. Naramdaman niya ang kamay ni Aaron na humawak sa kanyang puwetan.


Mismong si Aaron ang nagsentro ng malinis na butas ng puwet ni Theo sa kanyang bibig. Inilabas agad niya ang kanyang dila at ito ang ipinansalubong niya sa lagusang namumula.


“OOH! F—FUCK! UHHMMMMMM……” ang ungol ni Theo at dali-dali niyang tinakpan ang bibig dahil napalakas ang kanyang ungol nang maramdaman niyang dumampi na ang dila ng lalaki sa kanyang lagusan.


Nakangisi naman itong si Reev habang pinapanood ang nagaganap sa dalawa.

Tigas na tigas ang titi nilang tatlo. Walang pakialam si Aaron kung ang bayag ni Theo ay nasa bandang baba niya. Habang si Aaron naman ay abala ngayon sa pagdila na para bang dumidila ng sorbetes.

Naka alalay pa rin siya sa butas ni Theo, siya ang nag co-control kung paano niya ito ilalapit ng sobra sa kanyang bibig o iaatras para magawa pa ang ibang estilo ng pagpapaligaya.


Nang pakiramdam na ni Theo na parang kayang kaya na niyang magpakain sa ganung posisyon ay napatingin na ito sa titi ni Aaron. Naisip niyang bigyan ito ng masarap na pagchupa. Kaya naman dahan-dahan siyang yumuko at ang mga kamay ay humimas sa katawan ni Aaron.


Nang magulat siyang biglang nauna si Reev sumakmal ng titing iyon sabay sabi sa kanyang “sorry babe pero ito ang usapan namin ni Aaron..” at doon na nalinawan si Theo sa sinasabi ni Aaron kanina. 

Tumingin si Reev kay Theo habang ang matigas na titi ay jinajakol niya at sinabing “usapan namin na kakainin ka niya habang ako naman ang chu-chupa sa kanya.. Hehehe..”


“Pero mamaya, puwede naman nating paghahatian ’to. ’Wag kang mag-alala… masusubo mo rin ito, pero ako muna, babe. Kailangan ko lang tuparin ang usapan namin…” sabay kindat nito kay Theo. Napangisi na lang si Theo sa mga narinig at dinama niya muna ang pagkain ni Aaron sa kanyang butas habang napapanood si Reev sa pagchupa nito. Nag-enjoy muna siya sa mga labi, dila at bibig ng isa pa niyang nobyo.


Napahawak na lang siya sa kanyang titi at nagsimulang mag jakol, “Uhhmmmm tangina! Ang sarap ng may dalawang boyfriend.. Uhhhmmmm!” ang kanyang sabi sa sarili habang napapatirik na lang ang mga mata, dinadama ang sarap ng paghimod sa kanyang butas at sinasabayan na din ito ng daliri ni Aaron na kanyang nararamdaman.


“Putanginang butas to! Ang bango, ang linis.. Uhhmmm ang sarap kainin ni Theo.. uhhhmm, plus pa itong si Reev na mahusay na sa pagchupa.. Uhhmm tangina, mabuti na lang at sumunod siya sa usapan namin.. Kakalibog ang bawat sandaling kasama sila.. Uhhmmm, ang sarap ng ganitong may dalawang boyfriend.. Uhhmmm hmmmm! Hindi ako nagsisising pumayag.. Uhhhmm hmmmm!”

“May isang kinakain at may isang chumuchupa sa akin.. Uhhhmm hmmmmmm!” ito  naman ang mga salitang nasa isipan ni Aaron habang kumakain ng butas ng puwet at nagpapachupa.


“Ughhmmm waaark.. Aaaark… aaaark… uhhhmmmmm!”

“Gago ang laki talaga ng titi ni Aaron.. Uhhhmmm hmmmmm, nakakalibog at sobrang galing niya mag-isip ng mga ganitong bagay! Uhhhmmm hmmmmm swerte namin ni Theo sa kanya dahil kakaibang sarap ang nararanasan namin pagdating sa kantutan..”

“Magaling talaga si Aaron at masarap pang ka-sex.. Uhhhmmm..”

“Pareho silang masarap at hindi ko ipagpapalit ang relasyon na ito.. Uhhhmm ito ang throuple na hindi ko pinagsisisihan tanginaaaa hhhmmm hmmmmm!”

“Ang laki talaga ng titi niya, uhmmm hmmmmm!”

“Ang taba pa ti… uhhmmm hmmm!”


---

Parehong hubo't hubad at nakatayo sa harap ng malaking bintana. Nagpapakiramdaman ang bawat isa, hanggang sa dahan-dahang humarap si Reev kay Aaron at nagsalita ito. 


“Tingnan natin.. Pero ngayon, hayaan mo muna akong tikman ka ulit..” at sa binitawang salita ni Reev ay napangiti nang napakatamis si Aaron.


Pinanghawakan niya ang mga salitang binitawan ni Reev at naramdaman na lang niyang muli ang kamay na dumampi sa kanyang dibdib. Dahan-dahan lumapit sa kanya si Reev at naghalikan sila.


Pero ang halik na ito ay ibang-iba sa mga nauna kanina.

Ang halik ni Reev ay parang halik ng isang babaeng nagdadalaga.

Ang bawat dampi ng kanyang labi sa labi ni Aaron ay maikli lang, pero alam mong may laman. Pareho silang napapikit sa halik na iyon. 


Ang kamay ni Aaron ay marahang humawak sa may bandang batok ni Reev para mas mapadiin pa ang kanilang halikan na nauwi sa laplapan at espadahan ng dila sa loob ng kanilang mga bibig.


Habang naglalaro ang kanilang mga dila ay hindi na din napigilan pa ang kanilang mga naninigas na burat na kumadkad sa balat ng isa’t isa. Naramdaman nila ang alagang tumutusok at kumakadkad sa kanilang katawan.


Nang magtapos sila sa kanilang halikan, marahan nang lumuhod si Reev. 


Malakas ang loob.


Walang arte at kita sa mga mata niyang gusto niya ang gagawin niyang pagpapaligaya kay Aaron.


Hinarap muli ang naninigas na kargada at gamit ang isa niyang kamay ay jinakol niya ang katawan na napakatigas, habang ang isang kamay ay lumamas naman sa bayag na punong-puno ng tamod.



---

Sumalubong ngayon sa kanya ang nakakalibog na pakiramdam dahil sa napapanood niyang mainit na aksyon na namamagitan sa dalawang nobyo niya.


Huminto muna siya sa may pintuan.


Sa may ibabaw ng kama ay naroon pa rin sina Aaron at Reev, kapwa abala sa isa't isa, tila walang ibang mundong umiiral kundi ang sandaling iyon. 


Hindi siya nagsalita. 

Hindi rin niya ginambala ang kamunduhan ng dalawa. Pero bawat ungol ni Aaron, bawat samid at tunog ng pagchupa ni Reev ay kanyang naririnig. Tumatagos sa kanyang pagkatao, dumidilig at pumupuno sa libog ng kanyang katawan.


Marahang isinandal ni Theo ang balikat sa hamba ng pinto. Pinagmasdan niya ang dalawa na para bang pinagmamasdan ang isang obra maestrang matagal niyang hinintay na mabuo. 


“Ang sarap nyong pagmasdan aking mga nobyo..” 

“Uhhgrrr, nakakapanigas titi kayong dalawa… fuck!” ang mahina niyang bulong sa sarili sabay hawak sa kanyang alagang napakatigas na.


Sa pagkakataong iyon, naunawaan niyang ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa matatamis na salita o sa matatapang na pangako. Kundi nasusukat din ito sa sarap ng kantutang ibinibigay sa isa’t isa.


Nanatili pa rin siyang nakatayo sa may bandang pintuan, pinagmamasdan, sinasaulo, minememorya ang hubad na katawan ng dalawang barako. Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano maglabas-pasok ang mataba at maugat na titi ni Aaron sa bibig ni Reev.





Sunday, August 2, 2026

ANG KWENTO NG MAG AMA CHAPTER 11 (ANG KARANASAN NI BILLY)

 

ANG KWENTO NI BILLY 

IKALAWANG LIBRO


ANG KWENTO NG MAG AMA 

CHAPTER 11

(ANG KARANASAN NI BILLY)



Trigger Warning / Reader's Note: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksena ng panlalait, diskriminasyon, at mapanakit na pananalita laban sa LGBTQ+ na mga karakter. Ang mga elementong ito ay bahagi ng salaysay at hindi sumasalamin sa pananaw o paniniwala ng may-akda. Pinapayuhan ang pag-iingat sa pagbabasa. 


***



SA LOOB NG APARTMENT


Sa pagpasok nilang tatlo sa paupahang iyon ay pinainom muna ni Garry ng tubig ang dalawang kasama. Halo halong emosyon ngayon ang mayroon sa kanilang lahat. Nanginginig pa rin sa galit itong si Garry sa tuwing nakikita niya ang sugat ng anak.


Pinaupo naman nila si Billy at sa mga oras na iyon ay nagsimula nang magkuwento ang binata.


Isinaad niya ang lahat, walang iniwang detalye at lahat ng lumabas sa kanyang bibig ay purong katotohanan lang na nag bigay ng galit kay Garry at Wendell.


***


LUNES NG GABI

FLASHBACK


Nang makababa na ang mag ina sa jeep na sinakyan ay lumakad sila papunta sa malaking lote kung saan nandoon ang dalawang palapag na bahay na yari sa kahoy. Halatang luma na ito na parang panahon pa ng mga kastila.


Tahimik ang paligid. 

Maliwanag ang kapaligiran dahil sa liwanag ng buwan. Malamig ang simoy ng hangin, na hindi nalalayo sa lugar nila Billy.


Sa paglalakad nila ay biglang bumukas ang pinto at lumabas agad ang isang matandang babaeng naka palda at blusa. 


May kasungitan ang dating at nakapusod ang buhok. “Oh mabuti naman at nakarating na kayo.. Sinabi nga ng pinsan mong si Melanie na darating kayo, bigla bigla naman ang mga nangyaring iyon, haaay! Oh! Kamusta! Kamusta!” ang masayang pagbati nito na agad niyakap si Maria. 


Hinalikan naman sa noo si Billy at sinabihan pa nitong, “abah, ang gwapo naman ng apo ko, ang laki laki na ooh, tara pasok pasok.. Nang makapag pahinga na kayo, siguradong pagod kayong mag ina sa mahabang biyahe.”


Sa narinig ni Billy, pakiramdam niya ay mabait naman ang tiyahin ng kanyang ina, na tinuturing niyang lola. 

Sa pagpasok nilang dalawa ay lumabas naman ang isang matandang lalaki na ang pangalan ay Melchor na natatandaan ni Billy na sinabihan siyang magmano sa asawa ng kanyang lola Matilde.

 

Kaya iyon naman ang ginawa ni Billy. Tumayo at nagmano sa matandang lalaki.

“Kaawaan ka ng diyos ama.. Iho..” ang sabi sa kanya at ngumiti lang ito sa kanya.


Agad silang niyaya ni Matilde at sinabing “tara na, dalhin nyo na yang mga gamit nyo at ituturo ko ang kwarto nyo, dalawa ang inihanda naming kwarto kaya mabuti nang maghiwalay kayo mag ina, alam nyo naman na hindi na tamang nag sasama ang mag ina sa iisang kama kapag may edad na ang anak..” narinig ni Billy at Maria ang sinabi ni Matilde.


Sumunod naman si Billy at Maria. 

Magkatabi lang naman ang kwarto nila mag ina. Sa itaas ang kanilang kwarto, habang ang mag asawa ay nasa ibaba ang kwarto.


Narinig ni Billy na tinawag ni Matilde ang pamangkin.


“Maria, pumarine ka sa ibaba at mag uusap tayo…” ito ang sabi kay Maria na agad naman sumunod.


Habang si Billy ay naisipan munang namnamin ang pagpapahinga sa kamang mayroon siya.

Napatitig ito sa kisame at napabuntong hininga, muli niyang naisip ang cellphone niya kaya naman dali dali na itong tumayo at lumabas ng kwarto.


Pero nang makarating na ito sa hagdan ay narinig niyang nag uusap si Maria, Melchor at Matilde. 


“Ano!! Seryoso ba iyan ha Maria..?” ang bulalas ng matandang tiyuhin.


“Diyos ko mahabaging panginoon!! Ano na bang nangyari sa asawa mo, hindi tama ang pumatol sa kapwa lalaki, isang malaking kasalanan sa diyos ang makipag-ibigan sa lalaki kung ikaw ay lalaki rin.” ang sabi ni Matilde na pailing iling pa.


“Tapos nahuli mo pang may ginagawa silang karumaldumal na gawain.. Diyos ko! Sinasabi ko sayo Maria, kapag pumunta yan dito para kausapin kayo, dadanak talaga ang dugo, hindi na puwedeng bumalik ang apo ko sa puder ng ama niyang iyan..” “Masunog na ang kaluluwa ko sa impyerno pero sisiguraduhin kong hindi na kayo babalik doon!” ang mga sinabi naman ni Melchor.


“Naku Melchor! Matakot ka nga sa sinasabi mong iyan, anong masusunog ang kaluluwa mo, hindi mangyayari iyan dahil ang kaluluwa niyang talipandas na asawa ni Maria ang masusunog sa impyerno..”


“Hindi ang mga kaluluwa natin dahil tayo ay nasa tama, pinili natin ang liwanag ng diyos..!” 

“Pero iyang si Garry ay masamang ama..” ang pagdidiin ni Matilde sa kanyang mga salita.



Sa bawat binitawan nilang salita ay narinig ito ni Billy. 

Hindi siya makapaniwala na sirang sira ang kanyang papa sa mag asawang ito. Pero dahil kailangan niya ang cellphone ay bumaba na lang siya pero ang akala niyang titigil sa pag uusap ang mga ito.

Nagkamali siya, dahil mas lumala pa ang mga sinasabi nila Melchor at Matilde. Harap harapang niyurakan ang pagkatao nitong si Garry.

Hindi na din nakaimik si Maria pero sa isip nito ay heto siyang naniniwala na sa mga sinasabi ng kanyang tiyo at tiya. Mas pinaniniwalaan niya ngayon ang tiya at tiyo niya dahil naririnig niya ang pangalan ng diyos, sinasabi nila Matilde na kasalanan ang ginawa ni Garry at naniniwala siya dito.


Naniniwala siya sa Diyos at sa mga nakasaad sa bibliya.

Naniniwala din siya na kasalanan ang maging bakla.


“Mama.. pwede ko na bang makuha ung phone ko…” ang sabi ni Billy nang biglang nagsalita si Melchor.


“Pwede ko na “po” bang? Laging may “Po!!!!” Kahit nasa hustong edad kana ay kailangan mo pa rin galangin ang mama mo.. sige ulitin mo..” nagulat si Billy dahil ginagalang naman niya ang kanyang ina pero nalimutan lang niyang lagyan ng “po” ang salita niya ngayon.


Tumango si Billy at inulit ito na may paggalang na.


“Mama.. pwede ko na po bang makuha ung phone ko…” pero hindi pa nagsasalita si Maria ay sumabat muli si Melchor.


“Yan ganyan! Hindi ung tutulad ka sa ama mong walang galang, walang respeto sa ina mo.. Kaya tatandaan mo na habang nandito ka sa bahay namin apo, ay maging magalang ka ahh, iwanan mo ang pangit na ugali doon sa probinsya nyo, iwanan mo ang itinuro sayo ng ama mo, kahit ang pakikipag relasyon sa kapwa lalaki.. ” at napatikom na lang ang labi ni Billy. 


Tumango ito at sinabing “Opo..”


Tumingin agad sa kanya si Maria at nang huhugutin na ang cellphone ay nakita niyang inilahad ni Matilde ang palad nito. 


Nagulat si Maria at Billy, sabay sabi nito na “akin na.. Ako na ang hahawak nyan at wala munang mag ce-cellphone, magpahinga kana..” nanlaki ang mga mata ni Billy, nagulat at hindi makapaniwala.


Ayaw naman niyang magreklamo dahil nakakaramdam siya ng takot sa matanda. Nag iba na ang tingin niya dito, hindi na katulad kanina na nasabi pa niyang mababait. Oo mababait sila pero iba ang ugali.


Walang nagawa si Maria kundi ibigay na lang ang cellphone sa tiyahin at nang mahawakan na ni Matilde ang cellphone ay nagsalita agad ito ng “matulog kana ng maaga dahil bukas na bukas, maaga tayong gigising at magsisimba..”


“Kailangan nyong mabendisyunan ni father at baka dala dala nyo ang kamalasan na galing sa ama mo..” ang sabi ni Matilde. 


Huminga ng malalim si Billy at napatango na lang si Maria at sinabing “mainam nga iyan tiya, kailangan ko din makapag simba bukas.. kailangan ko makarinig ng salita ng diyos at mawala sa isip ko ang problemang ibinigay ni Garry,” sabay tingin sa anak at sinabing “sige na anak, magpahinga kana.. Bukas ay maaga pa tayong gigising para makapagsimba..”



“Tama! Tama magpahinga na! ipapakilala pa namin kayo sa mga kaibigan namin sa simbahan..” ang sabi ni Melchor.


Biglang may dinukot si Matilde sa kanyang bulsa, “ oh iho, eto ang rosaryo, magdasal ka bago matulog, ipanalangin mo sa panginoon natin na huwag kang matulad sa ama mo.. hindi tama ang maging binabae, walang lugar sa mundong ito ang pagiging binabae at tandaan mo ang pagpatol sa kapwa lalaki ay isang malaking kasalanan.. mapupunta ka sa impyerno.” 


Walang nagawa si Billy.

Kinuha ang rosaryong iyon at tumango na lang na may mabigat sa kanyang dibdib.

Umakyat sa kanyang kwarto, ipinatong ang rosaryo sa lamesitang maliit at humiga.



“Sana nagpaiwan na lang ako sa probinsya namin..” 

“Sana sumama na lang ako kay papa …





Itutuloy…















ANG KWENTO NG MAG AMA CHAPTER 10 (ASAN KA NA BILLY)

 

ANG KWENTO NI BILLY 

IKALAWANG LIBRO


ANG KWENTO NG MAG AMA 

CHAPTER 10

(ASAN KA NA BILLY)


Trigger Warning / Reader's Note: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksena ng panlalait, diskriminasyon, at mapanakit na pananalita laban sa LGBTQ+ na mga karakter. Ang mga elementong ito ay bahagi ng salaysay at hindi sumasalamin sa pananaw o paniniwala ng may-akda. Pinapayuhan ang pag-iingat sa pagbabasa. 


***


SA ISANG KAINAN


Nakaupo ang magkaibigan, may iniinom na tubig at may pagkain sa harapan nila. Nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin. Hindi nila inasahan na ganito ang mangyayari nang biglang marinig na lang ni Garry ang pagtunog ng kanyang cellphone.


Sinilip niya ito at isang text na nagpakunot ng kanyang noo at salubong ng kanyang kilay.

“HOY, GARRY! KUNG NASA’YO ANG ANAK KO, IBALIK MO SIYA DITO NGAYON DIN!”


Matapos niyang basahin ito, kumulo talaga ang dugo niya. Tipong hindi nga niya nakausap si Billy o nakita man lang, pero siya na ang pinagbibintangan.


Agad niyang ipinakita kay Wendell at maging ang kaibigan niya ay nagalit sa nabasa, napapalo na lang si Garry sa lamesa at nagulat ang iilang kumakain na napatingin sa kanila. “Pre easy lang!” ang biglang bulong nitong si Wendell.


Sumegunda pa siya at sinabing “mawalang galang na pre ahh, kahit asawa mo pa rin ito, sasabihin ko na ang bobo niya..”


“Talagang ikaw pa talaga ang sinisi, eh samantalang umalis si Billy dahil sa may hindi maganda palang ginagawa yang mga iyan.. Yang tiyahin niya at tiyuhin ni Maria, pakiramdam ko sila may gawa nun sa anak mo ehh, ung sinabi nung Catriona, tangina.. Ginamot pa daw ung sugat, so ibig sabihin sinasaktan na nila si Billy..”


Matapos sabihin ito ni Wendell ay napatingin sa kanya si Garry.

“Gusto ko nga sila balikan ehh, pero mas importante ang anak ko.. Nasaan na kaya si Billy..”

“Bakit hindi niya ako tinawagan…” ang tanong ni Garry.


“Hmmm, baka walang cellphone ang anak mo.. kasi kung may hawak na phone yan ay tatawagan ka kaagad nyan..” 

“Alam ba ni Billy ung address mo sa maynila?” ang sabi at tanong ni Wendell.


“Hindi ko nga alam pre, kung mayroon siyang address ng apartment ko, hmmm, sana meron para hindi na ako mag alala at magkita na lang kami doon..” at muling binasa ang mensahe ng asawang pinagbibintangan siya.


“Eh eto pre, anong magandang isagot?” ang tanong ni Garry.


Ngumisi bigla si Wendell at sinabing “akin na pre, ako sasagot..” at inabot ni Garry ang cellphone dahil tiwala naman ito sa kaibigan. Matapos magtype ni Wendell ay agad niyang ibinigay kay Garry at sinabing “ayan ayos ba yan?”


Habang binabasa ni Garry ang nasa reply box.

“Hmmmm.. Pwede..” at siya na mismo ang pumindot ng send.


“Anong pinagsasabi mo? Nawawala si Billy!? Sinasabi ko sa’yo Maria, kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko, ikaw ang mananagot, kayo ng pamilya mo!”


“Tama lang yan, iparamdam natin na wala tayong alam, kailangan nilang malaman na wala tayong kinalaman, para makakilos tayo agad. Hayaan na natin sila mabaliw, basta tayo kailangan na nating umuwi ng maynila.” ang sabi ni Wendell sa kaibigan.


Tumango naman si Garry at sinabing “geh, ganun na lang pre.. Salamat ahh!”


“Sus! Wala iyon.. Kumain na tayo at bumalik na sa maynila..” ang sabi ni Wendell at nagsimula na silang kumain na medyo gumaan na ang loob ng ama.


***


Matapos ang magkaibigan ay bumalik na sila sa hotel nila. Nakita nila ang security guard na naka duty kagabi, hindi ito naka uniporme.


Nilapitan agad ni Garry ito at kinausap.


“Boss! Magandang umaga..” ang bati ni Garry.

“Uy boss, ano pong atin?” ang tanong ng lalaki sa kanila.


“Boss, tanong ko lang, ung kagabing dumating kami tapos ilang sandali lang may kumausap sayo na binata? Natatandaan mo ba yun?” ang sabi agad ni Billy.


Nakita sa mukha ng security na nag isip at inalala ang mga oras na iyon.


Biglang umaliwalas ang mukha at sinabing “ahhh, oo natatandaan ko na, naalala ko ung nagtanong kung saan ung sakayan papunta sa pier.. Kaya tinuro ko naman, pero sinabi ko naman sa kanya na madaling araw na ang biyahe papuntang Batangas..” at nang marinig ito nila Garry ay nagkatinginan silang dalawa magkaibigan.  Tapos nun ay nagpasalamat na sila sa security guard.


“Tama nga ang sinabi ni Catriona..” ang sabi ni Garry.


“Nasa maynila na panigurado ang anak mo.. kung kaninang madaling araw pa siya nakasakay..” ang sabi ni Wendell.


“Sigurado yan..” ang sabi ni Garry at umakyat na sila para pumunta sa kanilang kwarto. Kailangan na nilang mag ayos at umalis.


***


Nagbiyahe ang magkaibigan papunta ng port at nakabili agad sila ng ticket pabalik ng Batangas. Ilang oras pa ang paghihintay hanggang sa makasakay na sila ng barko. Halos nagdidilim na din nang makarating na sila ng Batangas.


Sumakay agad sila ng bus papunta naman ng Maynila at habang nag bi-biyahe sila ay punong puno ng kaba ang dibdib ni Garry.


Anong oras na din nang makababa sila sa Terminal sa maynila at hetong niyaya na lang ni Garry si Wendell na tumuloy sa kanyang apartment. Hindi na niya pinauwi ang matalik na kaibigan sa kanilang probinsya dahil alam din nitong pagod na pagod na si Wendell.


Sobrang nakakapagod ang ginawa nilang iyon.


Sabado ng umaga ay umalis na sila, linggo ng gabi ay muli silang nakabalik sa apartment. Sabay silang naglalakad papunta sa paupahang iyon, halatang malungkot pa rin si Garry, hindi maalis sa isip niya ang nag iisak anak na mahal na mahal niya.

 

Hindi alintana ang mga tao sa paligid, mga tambay na naglalaro at mga nanay na nagtsi-tsismisan at nang makarating na sila sa paupahan ay natigilan na lang si Garry.


Hindi alam kung anong magiging reaksyon.


Habang ang kanyang kaibigan ay nakangiti na lang habang ang isang binata na nakaupo sa gilid ng kalsada ay mangiyak ngiyak na tumayo, may puting gasa sa noo. Parang kala mo ay batang nawawala na ngayon ay natagpuan na.


Lumapit at yumakap sa kanyang ama. 

Narinig nila ang pag iyak nito at walang ibang ginawa si Garry kundi bigyan ito ng isang mahigpit na mahigpit na yakap.


“Papa…” ang humahagulgol na sabi ni Billy.

“Anak ko…” ang sagot naman ni Garry at maging siya ay naluha.


Sabay tapik naman ni Wendell sa balikat ng mag ama.




Itutuloy…



ANG KWENTO NG MAG AMA CHAPTER 9 (ILABAS MO ANG ANAK KO)

 

ANG KWENTO NI BILLY 

IKALAWANG LIBRO


ANG KWENTO NG MAG AMA 

CHAPTER 9

(ILABAS MO ANG ANAK KO)



Trigger Warning / Reader's Note: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksena ng panlalait, diskriminasyon, at mapanakit na pananalita laban sa LGBTQ+ na mga karakter. Ang mga elementong ito ay bahagi ng salaysay at hindi sumasalamin sa pananaw o paniniwala ng may-akda. Pinapayuhan ang pag-iingat sa pagbabasa. 


***


KINAUMAGAHAN


Maagang nagising ang magkaibigan. 

Bumili lang sila ng kape at tinapay sa 7 eleven na malapit sa hotel, tapos ay nag desisyon na silang pumunta kanila Maria. Isang jeep lang ang kanilang sinakyan hanggang sa makarating na sila sa bahay ng tiyahin ni Maria. 


Hindi naman ito malayo sa bayan, isa itong bario na malapit lang din sa kapilya.

Simpleng pamumuhay lang ang mga tao sa lugar na iyon. Matataas ang mga puno, maraming taniman na madadaanan, may mga kalabaw at baka, maging mga kambing ay nag kalat sa daan. Hindi nalalayo sa probinsya nila Garry.


Nang makarating na sila ay naglakad lang sila ng ilang minuto hanggang sa makarating na sila sa tahanan ng tiyahin nila Maria. 

Isang malaking dalawang-palapag na lumang tahanan na yari sa kahoy. Malawak ang bakuran at may isang owner type jeepney na pagmamay ari ng mga nakatira dito.


Nang makita na nila ang bahay ay hindi napigilan ni Wendell mamangha. “Wooh, ang laki pala ng lupain ng tiyahin niya, ang gaganda ng mga tanim ooh,” ang sabi nito.


Habang si Garry ay kinakabahan na papalapit sa bakod na gawa sa kawayan namay pinturang itim. habang sa malapit na bahay naman ay may bakurang makulay na pinuna din nilang dalawa.


Doon sa labas ay may iilang mga matatandang nakasilip sa kanila.


Nagulat si Garry nang maramdaman niya ang pagtapik ni Wendell sa kanyang balikat.

“Kaya mo yan pre, hinga ng malalim.. Kung anong nasa puso mo, sabihin mo lahat..” ang bulong nito.


Napangiti naman si Garry at huminga siya ng malalim habang nakatingin sa malaking bahay. 


“Maria!”

“Maria!”

“Tao po!”


Ang sigaw ni Garry nang biglang may isang babae na halos nasa 50’s lang ang edad at ito ang tiyahin na sinasabi ni Maria. Nakita agad si Garry at lumabas ito ng bahay. Narinig niya ang pagsigaw nito. “Maria! Nandito na ang asawa mong talipandas..!” ang sigaw nito na para bang sinadyang iparinig kanila Garry at Wendell.


Biglang bulong ni Garry. “Aray naman nun sa maka talipandas.. parang hindi na tayo welcome dito pre ahh,” at hindi na lang ito pinansin ni Garry pero nakaramdam ng lungkot at kaba dahil alam niyang hindi na siya welcome sa pamamahay na iyon.


Nakita nilang lumabas na ang matanda na naka bestida na pambahay at nakapusod ang buhok. May taray sa kanyang mukha at pait sa kanyang mga labi nang harapin na sila nito.


“Magandang umaga po Tiya Matilde..” ang kanyang bati.

Pero tumango lang ang babae sa kanya at sinabing “pasok..” pero napakabigat ng pagkakasabi.


Lumakad ang babae na nagsalita mag isa na ipinaparinig kay Garry.. “haaay naku, sinasabi ko na nga ba, ang mga sungay ay itinatago lang.. diyos ko, tulungan mo ang pamangkin ko..” kahit naririnig nila Wendell at Garry ito ay hindi na nila pinansin pero masakit pa rin para kay Garry na marinig ang mga ganung bagay.


Narinig naman nila ang pagbaba ng isang matandang lalaki na asawa nito. 

“Abah! Ang kapal naman pala ng apog mo iho, para pumunta pa dito..” ang sabi naman ng isang matanda lalaki. 


Kinabahan agad sina Garry at Wendell sa sigaw na iyon.


“Tiyo, tiya! Ako na po..” ang boses na kanilang narinig na para bang gustong yakapin agad ni Garry ang asawa pero hindi naman niya ito magagawa dahil nakatayo lang ito hanggang sa pinto habang ang magkaibigan ay nasa may labas. 


Nasa tabi ni Maria ang kanyang tiyo at tiya na ayaw umalis.


“Ma–maria.. Mahal ko, puwede bang makausap ka?” ang tanong ni Garry.


“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dito sa harap namin.. At huwag na huwag mo akong matawag tawag na mahal, dahil matapos ko kayong mahuli ng kabit mong bading..” pero hindi pa man natatapos magsalita si Maria ay biglang sumabat si tiya Matilde at sinabing “nakakaridi! Nakakaduwal!”


“Nagkamali kami ng pinagkatiwalaan, isa kang kampon ng demonyo Garry!! Dapat sayo sinusunog ng buhay,” ang biglang sabat naman ng matandang lalaki na parang konti pa ay mapapasugod na talaga si Wendell dahil sa hindi niya gustong naririnig.


Pero nakita naman niya si Garry na kalmadong tinatanggap ang lahat ng pang aalipusta sa kanya ng mag asawa. Ang dibdib ni Wendell ay talagang kinakabog sa galit, konting konti na lang at mapuputol na ang pisi ng kanyang pasensya sa dalawang matandang ito.


Muling nagsalita si Maria at sinabing “sige na Garry, anong sasabihin mo?! Dahil kung hihingi ka lang ng tawad sa akin ay mabuti pang kalimutan mo na yan dahil hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin.. isang pagkakamali lang iyon pero napaka sakit..”

“Ang mas masakit pa ay hindi sa katulad kong babae. kundi sa ibang kasarian pa..”

“Sa isang bading na kaibigan pa ang anak natin.. KAIBIGAN PA NG ANAK NATIN!!!!”

“18 YEARS OLD LANG UN GARRY! ISANG 18 YEARS OLD NA BINATA.. LALAKI UN GARRY! LALAKI UN!”


Pailing iling at parang diring diri ang mag asawa sa sinasabi ni Maria.


Nang marinig ito ni Garry ay parang unti unting tinitibag ang kanyang pagkatao habang nakatayo. Mabuti na lang at nasa gilid niya si Wendell at agad siyang hinawakan sa balikat.


Huminga ng malalim si Garry, dumating na nga ang kanyang kinatatakutan at iniisip ng isang buong linggo, na hindi mapatawad ng asawa.


Kaya naman naglakas loob na itong nagsalita, pakiramdam niya ay kailangan na niyang magsalita. 


“Kung hindi mo ako mapapatawad. Hayaan mo na lang akong makausap ang anak ko.. Baka siya, mapatawad pa niya ako at hindi kasing tigas ng puso mo ang puso niya..”

“Kilala ko ang anak ko at mapapatawad niya ako..”

“Kailangan ko lang makausap si Billy..” ang sagot ni Garry at biglang lumakas ang boses niya nang sabihin ang  “Asan si Billy!!!” 

“Ilabas niyo ang anak ko!!!”

“BILLY! Anak.. nandito na si papa!”

“BILLY!”


Sa malakas na sigaw na iyon ay naramdaman ni Maria ang galit mula sa asawa. Alam niyang galit si Garry dahil bibihira lang itong sumigaw. 


“HOY! HUWAG KA NGANG SUMIGAW AT MAG ESKADALO DITO, NASA BAKURAN KITANG DAMUHO KA!” ang sigaw at galit na matandang lalaki.


“BASTO KA!!! UMALIS KANA DITO! IMPAKTO KA!”

“DIYOS KO!!!”  

“WALA KANG KARAPATANG SIGAWAN KAMI AT UTUSAN KAMI NG GANUN GANUN NA LANG.. UMALIS KAYO DITO!” ang sigaw naman ni tiyahin ni Maria sabay sign of the cross.


“Garry umalis kana please! Nakakahiya na ang ginagawa nyo!”

“Hindi ko hahayaang makausap mo ang anak ko..” 

“Eto ang tatandaan mo, hindi na kita mapapatawad pa at wala kang karapatang makausap si Billy..!” ang galit na galit na sabi ni Maria.


Napailing itong si Garry at sinabing “Anak mo lang? ha?! ANAK MO LANG? Dalawa tayong bumuo at nagpalaki kay Billy, anong pinagsasabi mo dyan!”

“Maria, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anak natin un.. Kasal tayo,” ang sabi ni Garry sabay iling ng babaeng nagagalit na talaga.


Sinagot naman agad siya ni Maria,  “matapos ang nangyaring iyon, wala ka nang asawa at anak..”

“Kaya pumunta na kami dito para malayo sayo..”

“Kaya umalis kana!”  

“Wala na kaming babalikan doon, tapos na ang buhay namin ni Billy sa lugar na iyon..”

“Malaya ka na at malaya na kayo ng kabit mong bakla!” 

 

Biglang sumabat ang matandang babae, “Kailangan na nilang malayo sa'yo, kailangan nilang malayo sa katulad mong walang respeto sa babae at sa kasariang ipinagkaloob ng diyos! Isa kang lalaki na pumapatol sa kapwa lalaki..”


“SIGE NA!!! UMALIS NA KAYO AT BAKA DUMANAK PA NG DUGO DITO!” 

“MATILDE, KAPAG AYAW PA NILANG UMALIS AY KUNIN MO ANG ITAK KO!” ito ang sigaw ng matandang lalaki na nagbigay na ang takot sa magkaibigan dahil alam naman nilang hindi sila taga doon at hindi nila ito teritoryo. Kitang kita rin nila ang galit sa mga mata ng tatlong kaharap nila.


Doon na nagsalita pabulong si Wendell at sinabing “pre, tara na at baka mapasama pa tayo dito..”


Biglang sumabat na naman si tiya Matilde.. “Makinig ka sa kasama mo, umalis na kayo dito at huwag na kayong bumalik!”


“Sige na Garry umalis na kayo dito..” ang utos ni Maria.


“Pre, tara..” ang sabi ni Wendell at may higpit na ang pagkakahawak niya sa balikat ni Garry at tumalikod na sila. 


“HUWAG NA KAYONG BABALIK DITO!”


Lumakad na bagsak ang balikat, lumabas ng bakuran at lumakad papalayo. Habang ang mga kapitbahay ay nakasilip na pala sa kanila mula kanina pang nagsimula na silang sumisigaw.


Sa kanilang paglalakad ay biglang may isang binatang nakabisikleta na tumawag sa kanilang dalawa.


“Manong! Manong!” ang sigaw ng bata at napalingon nalang sila Wendell at Garry. Bakas sa mukha nila ang pagkatalo.


Napahinto sila at narinig nila ang boses nitong may pagkamalambot. Napansin din naman ng magkaibigan na may sipit pa ito sa buhok na kulay pink. Naka-sando na kulay yellow at skyblue na shorts.

Alam agad nila Garry at Wendell na bading ito.


“Kayo po siguro ang papa ni Billy..” ang sabi agad nito na nagpagulat sa dalawang lalaki.

“Kilala mo ang anak ko?” ang tanong ni Garry.


Tumango ang binabae na nakasakay sa kanyang bisikleta at sinabing “opo, naging kaibigan ko si Billy sa loob ng ilang araw. Pero kagabi umalis na po si Billy, tumakas po siya kasi pinagmamalupitan po siya sa bahay nila aling Matilde..” hindi pa natatapos magsalita ito ay sumabat naman si Wendell.


“Pinagmamalupitan?” ang tanong nito na si Garry ay nag kuyom agad ang kamao dahil sa galit.

“Opo.. ginamot ko pa nga kagabi ung sugat niya sa noo. Binigyan ko pa nga siya ng ipong pera ko para lang may pamasahe pabalik ng Maynila.. Gusto na raw po niya kayong puntahan.” damang dama ni Garry ang galit sa mga naririnig.


Habang nag-uusap pa sila ay biglang narinig nilang may lumabas sa bahay nila Matilde at nakita nila ang matandang masungit na hinahanap ang apo. Lumipat pa ito sa kapitbahay na tinatanong kung nakita ba nila ang apo nito.



“Pre, tara na.. Kailangan na natin bumalik ng maynila.. Wala na pala ang anak mo dito,” ang sabi ni Wendell.


Tumingin agad sila sa binatang kausap nila at sinabi ni Garry na “sige salamat ahh, anong pangalan mo ulit?” ang tanong nito.


“Catalino po, pero Catriona po ang pagkakakilala sa akin ni Billy..” na nakangiti pa ito.


Naramdaman na lang nito ang pagtapik ni Garry sa kanyang balikat at ngumiti naman ito sabay pahabol ng “ang gwapo nyo po pala talaga sa personal.. ang bango pa!!”  ngumiti si Garry at Wendell.


Tapos ay umalis na agad silang dalawa at sumakay na ng jeep na halos tulala dahil hindi nila inaasahan ang mga nangyari. 


Mula sa kaba at takot ngayon naman ay pag aalala ang kanilang nararamdaman.


“Hindi kaya si Billy ung nakita ko talaga kagabi..” ang sabi ni Garry.

“Tsk, malamang pre.. Ano nang plano natin?” ang tanong ni Wendell.


“Balik tayo sa Maynila.. Pero walang kaalam-alam ang anak ko sa Maynila.. Diyos ko, patnubayan niyo po ang anak ko..” at napatingin na lang ito sa daang tinatahak na dala dala sa kanyang puso ang pag aalala at takot para sa anak.


Pakiramdam nila ay nilalaro sila ngayon ng tadhana.




Itutuloy…