ANG KWENTO NI BILLY
IKALAWANG LIBRO
ANG KWENTO NG MAG AMA
CHAPTER 9
(ILABAS MO ANG ANAK KO)
Trigger Warning / Reader's Note: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksena ng panlalait, diskriminasyon, at mapanakit na pananalita laban sa LGBTQ+ na mga karakter. Ang mga elementong ito ay bahagi ng salaysay at hindi sumasalamin sa pananaw o paniniwala ng may-akda. Pinapayuhan ang pag-iingat sa pagbabasa.
***
KINAUMAGAHAN
Maagang nagising ang magkaibigan.
Bumili lang sila ng kape at tinapay sa 7 eleven na malapit sa hotel, tapos ay nag desisyon na silang pumunta kanila Maria. Isang jeep lang ang kanilang sinakyan hanggang sa makarating na sila sa bahay ng tiyahin ni Maria.
Hindi naman ito malayo sa bayan, isa itong bario na malapit lang din sa kapilya.
Simpleng pamumuhay lang ang mga tao sa lugar na iyon. Matataas ang mga puno, maraming taniman na madadaanan, may mga kalabaw at baka, maging mga kambing ay nag kalat sa daan. Hindi nalalayo sa probinsya nila Garry.
Nang makarating na sila ay naglakad lang sila ng ilang minuto hanggang sa makarating na sila sa tahanan ng tiyahin nila Maria.
Isang malaking dalawang-palapag na lumang tahanan na yari sa kahoy. Malawak ang bakuran at may isang owner type jeepney na pagmamay ari ng mga nakatira dito.
Nang makita na nila ang bahay ay hindi napigilan ni Wendell mamangha. “Wooh, ang laki pala ng lupain ng tiyahin niya, ang gaganda ng mga tanim ooh,” ang sabi nito.
Habang si Garry ay kinakabahan na papalapit sa bakod na gawa sa kawayan namay pinturang itim. habang sa malapit na bahay naman ay may bakurang makulay na pinuna din nilang dalawa.
Doon sa labas ay may iilang mga matatandang nakasilip sa kanila.
Nagulat si Garry nang maramdaman niya ang pagtapik ni Wendell sa kanyang balikat.
“Kaya mo yan pre, hinga ng malalim.. Kung anong nasa puso mo, sabihin mo lahat..” ang bulong nito.
Napangiti naman si Garry at huminga siya ng malalim habang nakatingin sa malaking bahay.
“Maria!”
“Maria!”
“Tao po!”
Ang sigaw ni Garry nang biglang may isang babae na halos nasa 50’s lang ang edad at ito ang tiyahin na sinasabi ni Maria. Nakita agad si Garry at lumabas ito ng bahay. Narinig niya ang pagsigaw nito. “Maria! Nandito na ang asawa mong talipandas..!” ang sigaw nito na para bang sinadyang iparinig kanila Garry at Wendell.
Biglang bulong ni Garry. “Aray naman nun sa maka talipandas.. parang hindi na tayo welcome dito pre ahh,” at hindi na lang ito pinansin ni Garry pero nakaramdam ng lungkot at kaba dahil alam niyang hindi na siya welcome sa pamamahay na iyon.
Nakita nilang lumabas na ang matanda na naka bestida na pambahay at nakapusod ang buhok. May taray sa kanyang mukha at pait sa kanyang mga labi nang harapin na sila nito.
“Magandang umaga po Tiya Matilde..” ang kanyang bati.
Pero tumango lang ang babae sa kanya at sinabing “pasok..” pero napakabigat ng pagkakasabi.
Lumakad ang babae na nagsalita mag isa na ipinaparinig kay Garry.. “haaay naku, sinasabi ko na nga ba, ang mga sungay ay itinatago lang.. diyos ko, tulungan mo ang pamangkin ko..” kahit naririnig nila Wendell at Garry ito ay hindi na nila pinansin pero masakit pa rin para kay Garry na marinig ang mga ganung bagay.
Narinig naman nila ang pagbaba ng isang matandang lalaki na asawa nito.
“Abah! Ang kapal naman pala ng apog mo iho, para pumunta pa dito..” ang sabi naman ng isang matanda lalaki.
Kinabahan agad sina Garry at Wendell sa sigaw na iyon.
“Tiyo, tiya! Ako na po..” ang boses na kanilang narinig na para bang gustong yakapin agad ni Garry ang asawa pero hindi naman niya ito magagawa dahil nakatayo lang ito hanggang sa pinto habang ang magkaibigan ay nasa may labas.
Nasa tabi ni Maria ang kanyang tiyo at tiya na ayaw umalis.
“Ma–maria.. Mahal ko, puwede bang makausap ka?” ang tanong ni Garry.
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dito sa harap namin.. At huwag na huwag mo akong matawag tawag na mahal, dahil matapos ko kayong mahuli ng kabit mong bading..” pero hindi pa man natatapos magsalita si Maria ay biglang sumabat si tiya Matilde at sinabing “nakakaridi! Nakakaduwal!”
“Nagkamali kami ng pinagkatiwalaan, isa kang kampon ng demonyo Garry!! Dapat sayo sinusunog ng buhay,” ang biglang sabat naman ng matandang lalaki na parang konti pa ay mapapasugod na talaga si Wendell dahil sa hindi niya gustong naririnig.
Pero nakita naman niya si Garry na kalmadong tinatanggap ang lahat ng pang aalipusta sa kanya ng mag asawa. Ang dibdib ni Wendell ay talagang kinakabog sa galit, konting konti na lang at mapuputol na ang pisi ng kanyang pasensya sa dalawang matandang ito.
Muling nagsalita si Maria at sinabing “sige na Garry, anong sasabihin mo?! Dahil kung hihingi ka lang ng tawad sa akin ay mabuti pang kalimutan mo na yan dahil hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin.. isang pagkakamali lang iyon pero napaka sakit..”
“Ang mas masakit pa ay hindi sa katulad kong babae. kundi sa ibang kasarian pa..”
“Sa isang bading na kaibigan pa ang anak natin.. KAIBIGAN PA NG ANAK NATIN!!!!”
“18 YEARS OLD LANG UN GARRY! ISANG 18 YEARS OLD NA BINATA.. LALAKI UN GARRY! LALAKI UN!”
Pailing iling at parang diring diri ang mag asawa sa sinasabi ni Maria.
Nang marinig ito ni Garry ay parang unti unting tinitibag ang kanyang pagkatao habang nakatayo. Mabuti na lang at nasa gilid niya si Wendell at agad siyang hinawakan sa balikat.
Huminga ng malalim si Garry, dumating na nga ang kanyang kinatatakutan at iniisip ng isang buong linggo, na hindi mapatawad ng asawa.
Kaya naman naglakas loob na itong nagsalita, pakiramdam niya ay kailangan na niyang magsalita.
“Kung hindi mo ako mapapatawad. Hayaan mo na lang akong makausap ang anak ko.. Baka siya, mapatawad pa niya ako at hindi kasing tigas ng puso mo ang puso niya..”
“Kilala ko ang anak ko at mapapatawad niya ako..”
“Kailangan ko lang makausap si Billy..” ang sagot ni Garry at biglang lumakas ang boses niya nang sabihin ang “Asan si Billy!!!”
“Ilabas niyo ang anak ko!!!”
“BILLY! Anak.. nandito na si papa!”
“BILLY!”
Sa malakas na sigaw na iyon ay naramdaman ni Maria ang galit mula sa asawa. Alam niyang galit si Garry dahil bibihira lang itong sumigaw.
“HOY! HUWAG KA NGANG SUMIGAW AT MAG ESKADALO DITO, NASA BAKURAN KITANG DAMUHO KA!” ang sigaw at galit na matandang lalaki.
“BASTO KA!!! UMALIS KANA DITO! IMPAKTO KA!”
“DIYOS KO!!!”
“WALA KANG KARAPATANG SIGAWAN KAMI AT UTUSAN KAMI NG GANUN GANUN NA LANG.. UMALIS KAYO DITO!” ang sigaw naman ni tiyahin ni Maria sabay sign of the cross.
“Garry umalis kana please! Nakakahiya na ang ginagawa nyo!”
“Hindi ko hahayaang makausap mo ang anak ko..”
“Eto ang tatandaan mo, hindi na kita mapapatawad pa at wala kang karapatang makausap si Billy..!” ang galit na galit na sabi ni Maria.
Napailing itong si Garry at sinabing “Anak mo lang? ha?! ANAK MO LANG? Dalawa tayong bumuo at nagpalaki kay Billy, anong pinagsasabi mo dyan!”
“Maria, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anak natin un.. Kasal tayo,” ang sabi ni Garry sabay iling ng babaeng nagagalit na talaga.
Sinagot naman agad siya ni Maria, “matapos ang nangyaring iyon, wala ka nang asawa at anak..”
“Kaya pumunta na kami dito para malayo sayo..”
“Kaya umalis kana!”
“Wala na kaming babalikan doon, tapos na ang buhay namin ni Billy sa lugar na iyon..”
“Malaya ka na at malaya na kayo ng kabit mong bakla!”
Biglang sumabat ang matandang babae, “Kailangan na nilang malayo sa'yo, kailangan nilang malayo sa katulad mong walang respeto sa babae at sa kasariang ipinagkaloob ng diyos! Isa kang lalaki na pumapatol sa kapwa lalaki..”
“SIGE NA!!! UMALIS NA KAYO AT BAKA DUMANAK PA NG DUGO DITO!”
“MATILDE, KAPAG AYAW PA NILANG UMALIS AY KUNIN MO ANG ITAK KO!” ito ang sigaw ng matandang lalaki na nagbigay na ang takot sa magkaibigan dahil alam naman nilang hindi sila taga doon at hindi nila ito teritoryo. Kitang kita rin nila ang galit sa mga mata ng tatlong kaharap nila.
Doon na nagsalita pabulong si Wendell at sinabing “pre, tara na at baka mapasama pa tayo dito..”
Biglang sumabat na naman si tiya Matilde.. “Makinig ka sa kasama mo, umalis na kayo dito at huwag na kayong bumalik!”
“Sige na Garry umalis na kayo dito..” ang utos ni Maria.
“Pre, tara..” ang sabi ni Wendell at may higpit na ang pagkakahawak niya sa balikat ni Garry at tumalikod na sila.
“HUWAG NA KAYONG BABALIK DITO!”
Lumakad na bagsak ang balikat, lumabas ng bakuran at lumakad papalayo. Habang ang mga kapitbahay ay nakasilip na pala sa kanila mula kanina pang nagsimula na silang sumisigaw.
Sa kanilang paglalakad ay biglang may isang binatang nakabisikleta na tumawag sa kanilang dalawa.
“Manong! Manong!” ang sigaw ng bata at napalingon nalang sila Wendell at Garry. Bakas sa mukha nila ang pagkatalo.
Napahinto sila at narinig nila ang boses nitong may pagkamalambot. Napansin din naman ng magkaibigan na may sipit pa ito sa buhok na kulay pink. Naka-sando na kulay yellow at skyblue na shorts.
Alam agad nila Garry at Wendell na bading ito.
“Kayo po siguro ang papa ni Billy..” ang sabi agad nito na nagpagulat sa dalawang lalaki.
“Kilala mo ang anak ko?” ang tanong ni Garry.
Tumango ang binabae na nakasakay sa kanyang bisikleta at sinabing “opo, naging kaibigan ko si Billy sa loob ng ilang araw. Pero kagabi umalis na po si Billy, tumakas po siya kasi pinagmamalupitan po siya sa bahay nila aling Matilde..” hindi pa natatapos magsalita ito ay sumabat naman si Wendell.
“Pinagmamalupitan?” ang tanong nito na si Garry ay nag kuyom agad ang kamao dahil sa galit.
“Opo.. ginamot ko pa nga kagabi ung sugat niya sa noo. Binigyan ko pa nga siya ng ipong pera ko para lang may pamasahe pabalik ng Maynila.. Gusto na raw po niya kayong puntahan.” damang dama ni Garry ang galit sa mga naririnig.
Habang nag-uusap pa sila ay biglang narinig nilang may lumabas sa bahay nila Matilde at nakita nila ang matandang masungit na hinahanap ang apo. Lumipat pa ito sa kapitbahay na tinatanong kung nakita ba nila ang apo nito.
“Pre, tara na.. Kailangan na natin bumalik ng maynila.. Wala na pala ang anak mo dito,” ang sabi ni Wendell.
Tumingin agad sila sa binatang kausap nila at sinabi ni Garry na “sige salamat ahh, anong pangalan mo ulit?” ang tanong nito.
“Catalino po, pero Catriona po ang pagkakakilala sa akin ni Billy..” na nakangiti pa ito.
Naramdaman na lang nito ang pagtapik ni Garry sa kanyang balikat at ngumiti naman ito sabay pahabol ng “ang gwapo nyo po pala talaga sa personal.. ang bango pa!!” ngumiti si Garry at Wendell.
Tapos ay umalis na agad silang dalawa at sumakay na ng jeep na halos tulala dahil hindi nila inaasahan ang mga nangyari.
Mula sa kaba at takot ngayon naman ay pag aalala ang kanilang nararamdaman.
“Hindi kaya si Billy ung nakita ko talaga kagabi..” ang sabi ni Garry.
“Tsk, malamang pre.. Ano nang plano natin?” ang tanong ni Wendell.
“Balik tayo sa Maynila.. Pero walang kaalam-alam ang anak ko sa Maynila.. Diyos ko, patnubayan niyo po ang anak ko..” at napatingin na lang ito sa daang tinatahak na dala dala sa kanyang puso ang pag aalala at takot para sa anak.
Pakiramdam nila ay nilalaro sila ngayon ng tadhana.
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment