**Aaron's POV**
"Kuya! Tapos naba yang ginagawa mo?" Ang sigaw ni Aldrin sa akin habang inaayos ko ang bintana ng kubo ni papa.
Nakalas kasi ang bisagra nito kaya naman pinaayos sa akin ni papa kaninang umaga.
"Patapos nako bro, andyan kana pala" ang aking sigaw sa kanya sa ibaba. Kakadating lang niya galing sa bahay, siya kasi ang inutusan ni papa kumuha ng tanghalian ng mga nagttrabaho sa sakahan.
"Oo tara na at kakain na daw tayo" ang kanyang sigaw sa akin.
Nadidinig ko na ang tyan ko kaya naman minadali ko na din ang pag tapos nito.
"Kuya kakain na daw po" ang tawag sa akin ng isang boses, hindi ko ito nabosesan nawala sa isip ko na akala ko si Aldrin.
"Oo heto na sabi, tapos na! Tapos na!" napalakas ang aking boses sa pag kakasagot nang mapagtanto ko iba na pala ang kausap ko.
"pasensya na po" ang napahiya at malungkot na boses ng nag salita. Nanlaki ang mata ko at napapikit nalang ako dahil alam ko si Simon pala ang tumawag sa akin.
Napalingon ako at nakita kong wala na si Simon. Kaya mabilis kong binaba ang aking hawak at hinabol siya pero hindi ko na siya nakita.
"ooh anak halika na.. Kumain kana dito at sabayan mo na kami" ang sabi ni papa sa akin habang may hawak na pinggan na may kanin at ulam.
Nakangiti naman ang mga trabahador sa akin at inalok din akong kumain.
Nagkatitigan kami ni Aldrin at tila alam niya ang hinahanap ko. Kaya ngumuso siya at tumuro banda sa mga puno ng mangga.
Tinanguan ko lang si Aldrin at nag lakad papunta sa mga puno. Dali dali akong nag lakad papunta sa kinaroroonan ni Simon.
Tila nahiya ako dahil ilang araw palang kami naging magkaibigan pero nasungitan ko na agad siya.
Sa aking paglalakad, dama ko ang init ng araw at hangin mula sa mga halaman.
Yapak lang ng aking mga paa at pagaspas ng mga puno ang aking naririnig.
Nakarating na ako sa mga puno ng mangga pero wala doon si Simon.
Inikot ko ang aking paningin at walang Simon ang aking nakita.
Pakiramdam ko ay na sungitan ko talaga siya at napalakas ang aking sigaw sa kanya.
"simon?" ang aking lang tinawag.
Walang sagot akong natanggap, tahimik parin.
"simon pasensya kana kung nasigawan kita kanina" ang aking pag hingi ng pasensya.
"Simon?" ang muli kong pag tawag sa kanyang pangalan.
Tila wala na nga siya kaya naman binalak ko ng bumalik sa kubo at kumain ng tanghalian.
Sa aking paglalakad pabalik at may biglang bumato sa aking ulo. Damang dama ko ang pagtama nito sa aking buhok.
Kaya nilingon ko kaagad. Doon nakita ko si Simon naka tayo sa likuran ko at may hawak pang maliit na bunga ng mangga.
Binato niya ito at mabilis akong naka iwas. Buti na lang at mabilis ang aking reflexes.
Binato pa niya ako ng isa at sinalo ko ito. Kita ko sa kanya ang pag ngisi at sabing "abah! Mabilis ka pala kuya Aaron!"
"hahahah! Peace na tayo" ang aking nasabi. Sabay bato sa kanya ng bunga.
"sus! Wala yun! .. Hahaha.." ang sabi ni Simon sa akin, pero kita ko sa mata niya na hindi siya ok.
"weeh.. Sorry na! Hindi ko sinasadyang masigawan ka.. Medyo madami lang akong iniisip" ang aking nasabi.
"Ayan tayo ehh.. Si kuya Theo na naman yan noh?" ang kanyang segunda na tama ang kanyang sinabi.
"Hahaha! Psst oy! Labas si Theo dito" ang aking sabi.
"weehh weehh.. Si kuya ooh! Namimiss si kuya Theo.." ang kanyang pangaalaska sa akin.
Habang ginagawa niya ito ay hindi ko maialis sa isip ko na kahawig talaga niya si Theo.
"oo na! Oo na! Tara na nga.. Tamporurot ka!" ang akin nalang nasabi kay Simon.
Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang aking kamay at pinatong sa kanyang balikat. Ngayon ay naka akbay na ako sa kanya.
Nag simula kaming mag lakad. Habang nag lalakad kami ay tinitignan ko siya. Ganoon din siya sa akin.
Kita sa kanyang mata ang ngiti at pagod.
"Theo" ang aking hindi sinasadyang sabi.
"Ay!! Si kuya talaga oooh.. Sabi ko na miss na miss mo si kuya Theo ehh.. Sana ma kilala ko na yan at masabi kong patay na patay ka parin sa kanya." Ang kanyang pilyong sabi sabay kinutusan ko siya.
Nag aray siya pero tawa na lang kaming dalawa.
"oo na.. Pag nakita mo siya sabihin mo lahat ng kwento ko sayo.. Lahat lahat ahh.. Hahahha tska wag kang mauutal kapag kaharap mo na siya.. Baka matulala ka sa kagwapuhan nun loko" ang sabi ko nalang kay Simon.
"Hahaha! Oo kuya.. Sasabihin ko lahat kay kuya Theo ang mga sinasabi mo tungkol sa kanya, kung gaano mo siya na mimiss.. Hehehe!" ang sabi nito sa akin habang naglalakad parin kami palapit sa kubo.
Sa ilang araw na naming magkaibigan ni Simon ay naging close kami. Umabot sa puntong pati kasarian ko ata nasabi ko na sa kanya.
Pero ung mga sex encounters hindi ko sinabi sa kanya. Sinabi ko lang kung ano ang totoong nararamdaman ko kay Theo.
Sinabi ko din na magkamuka silang dalawa, maputi nga lang si Theo kumpara sa kanya.
Pero pagdating sa kapilyuhan nitong si Simon ay parang kausap ko si Daryll.
Si Simon ung tipo ng binata na masunurin sa magulang at matulungin sa kapwa. Sobrang mapagbigay din niya sa mga kapatid at katrabaho.
Siya ang pinaka bunso, mas bata ng kaunti kay Theo pero mukang may ibubuga pagdating sa sex. Dahil sa mga kwento nitong kalokohan.
Chikboy si Simon. Pwede sa boy, pwede din sa chiks. Puro babae lang ang mga kinekwento niya pero nasabi na sa akin ni Aldrin nag karoon ito ng nobyo noon.
Pero iniwan lang din daw ito kaya ngayon ay single na si Simon.
Hindi ko alam kung saan nakuha ni Aldrin ang impormasyon, pero ang importante ay mabuting tao ito.
Kasundong kasundo ko si Simon pagdating sa mga kwentuhan dahil siguro bata pa ito.
**
Nang makarating na kami sa kubo ay nakisalo na kaming dalawa sa mga kumakain at sinamahan din kami ni Aldrin.
Palaging niloloko ni Aldrin si Simon, hindi naman kasi pikunin tong si Simon.
Habang kumakain kami ay may tumawag kay papa sa kanyang cellphone.
Naalala ko tuloy ang phone ko.. Naiwan ko pala ito sa itaas ng kubo.
Lumayo si papa sa amin at tinapos na namin ang pagkain. Nang mabusog kaming lahat ay nag pahinga kami at umakyat ako sa kubo para sa cellphone ko. Iniwan ko sila Simon at Aldrin na nag kkwentuhan.
Nang maka akyat ako ay tinignan ko kaagad ang cellphone ko. Nagulat ako sa aking nakita.
May limang missed calls si Noah sa akin at may numero ding hindi ko alam.
Wala naman txt kaya naman sinubukan kong tawagan si Noah. Bigla akong kinabahan sa tawag na iyon.
The subscriber cannot be reach nang aking tawagan ito.
Bumaba ako sa kubo at nakita ko si papa, kausap si Simon at Aldrin. Parang nag kakagulo sila kaya naman mabilis akong lumapit at nag tanong.
Kita kong tinapik ni Aldrin si Simon at umalis ng tahimik. Hindi ko alam kung anong meron, kinakabahan na ako sa kanilang kinikilos kaya agad kong tinanong si papa at sabing.
"Pa! Anong meron?" ang aking sabi.
Pinatong ni papa ang kanyang kamay sa aking balikat at sabing "wag kang mabibigla anak sa sasabihin ko"
Iyon ang sabi ni tatay at nag umpisa na siyang mag kwento.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa kinekwento ni papa sa akin.
Nanginginig, takot, lungkot at gusto kong maiyak ngayon. Sa aking nalaman.
"pa.." ang akin lang nasabi.
Tumango si papa at tinawag ang aking kapatid.
"Sige na.. Pumunta na kayo doon" ang kanyang sabi sa akin.
**
Pinaharurot ko ngayon ang sasakyang minamaneho ko pauwing bahay. Kasama ko ngayon si Aldrin at pinapakalma niya ako habang nag mamaneho.
Pagkadating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at nag empake. Lumabas ako ng bahay at sinakay ang mga gamit ko.
Naikwento na pala ni Aldrin kay mama kaya naman pinagmadali na din niya kami.
Pinaandar ko na ang sasakyan at bumusina ako para tawagin si Aldrin.
Dumating siyang naka bag.
"kuya ung laptop?" ang tanong niya.
Tumango at sabing nasa bag ko na.
Nag paalam kami kay mama at umalis na kami. Kinalma ko ang sarili ko dahil mahaba habang byahe ito.
"sana ligtas ka Theo" ang aking bulong.
**
**Narrator**
"ayan na pala si Boss88.." Ang sabi ng isa habang pinapanood nilang tatlo ang pag dating ng leader nila ngayon.
"Ooh natapos nyo na ba? Kamusta naman?" Ang tanong ng bagong dating.
"Mabuti naman boss. Pinagpiyestahan pa nga namin ehh.. Sarap din pala non. , first time kong maka chupa.. Hahaha!. Baka lumpo na siguro ung tatay ni pogi"
"takot na lang nilang balikan pa tayo.."
"Yan ang gusto ko sa inyo ehh, sinusubukan nyo lahat ng kakaiba.. Ooh tara! Sumunod kayo sakin may gustong sumali sa grupo.. Jim ang pangalan niya..alam nyo na ang pahirap na gagawin sa kanya, sana kayanin niya lahat haha." ang sabi ni 88 sa kanila.
"Kaya pala iniwan mo kami kahapon ahh, sige boss mauna ka at susunod kami" ang sabi ng isa sa kanya.
Pinaandar ni 88 ang kanyang motor at sumunod naman ang tatlong lalakeng bumugbog at nagsamantala kay Adam.
Tinungo nila ang lugar kung nasaan si Jim. Ang may ari ng computer shop. Ang lalakeng nagbenta kay Adam sa grupo.
Hindi alam ni Jim kung anong klaseng initiation ang ibibigay sa kanya. Gusto din niya makasali sa grupong ito dahil sa pera, pangalan at lalake.
**
Sa Kabilang banda...
Nagising si Theo sa isang malambot at magarang higaan. Iginala niya ang paningin niya at napansin ang nakakasilaw na puting pintura na may bahid ng gintong kulay.
Napansin niyang iba na ang kanyang suot at parang pantulog ito. Napakapa siya sa dibdib at suot parin niya ang kwintas na bigay sa kanya ng ate niya.
Bumangon siya at mabilis na tumungo sa pintuan para buksan ito.
Pinihit niya ito at parang ayaw naman bumukas. Hinila hila niya ito pero wala parin. Kinatok niya ito ng malakas at parang sisirain na.
"buksan nyo to! Parang awa nyo na!
"May tao ba dyan? .. Tulong!!.. Please!
Kahit anong sigaw at kalabog pa niya sa pintuan ay wala parin talagang sumasagot o bumukas.
Wala talaga siyang magawa dahil tila naka kulong na siya sa kwartong ito.
Nakita niya ang bintana kaya mabilis siya dumungaw dito. Sinuri din niya ang pagkaka lock nito pero salamin lang ito na walang bukasan para sa hangin.
Gustuhin man niya sirain ito pero may rehas na bakal ito.
Napaupo nalang siya sa kama at nag hintay. Napansin niya ang damit sa ibabaw ng mesa at mabilis niyang nilapitan ito.
Nakilala niya ito, damit niya ito kaya naman mabilis itong nag hubad at sinuot ang sariling damit.
Bumalik siya sa kama at inalala ang lahat ng nangyari. Sa huling pagkakatanda niya ay pinatulog siya.
Biglang kumulo ang tyan niya at nakaramdam ng gutom. Kahapon pa siya hindi nakaka kain. Kaya medyo hilo na din siya at nanghihina.
Napatingin siya sa relo at napansin niyang hapon na pala. Ibig sabihin ay sobrang haba ng kanyang tinulog.
Napapikit nalang si Theo at nag dasal para sa kaligtasan niya at ng kanyang tatay. Dahil wala siyang ka alam alam sa nangyayari ngayon.
Napamulat nalang siya ng biglang bumukas ang pinto. Kita niyang may isang lalakeng pumasok sa kwarto nito.
Natatandaan niya ito. Hindi niya malilimutan ang muka ni Reev. Ang lalakeng pinapanood lang siya buong araw kahapon.
Tumayo si Theo at mabilis na sumugod dito. Pero natigilan siya ng makita niya na may isang lalake na pumasok pa.
Pero ang lalakeng ito ay may tulak tulak na trolley na puro pagkain ang laman.
"Salamat, sige makaka alis kana" ang sabi nito sa lalake.
Hinarap ni Reev si Theo at sabing "mukang gutom kana, kahapon kapa walang kain.."
"Sino ka! Bakit mo ako kinulong dito.. Ibalik mo ako sa amin" ang nasabi ni Theo.
"Pag uusapan natin yan.. Pero sa ngayon kumain ka muna" ang kalmadong sabi ni Reev sa kanya.
"Asan na ang tatay ko, nasaan ako.. Kuya sabihin mo na please.. Pauwiin nyo na ako sa amin" ang sabi ni Theo na nag mamakaawa na sa gwapong lalake.
"Shhhh.. Ang sabi ko kumain ka muna at mamaya na natin pag usapan yan" ang nagtaas na boses ni Reev.
Natigilan si Theo at nagkaroon ng takot sa kanyang dibdib. Kaya sumunod agad ito at umupo sa upuan.
"good!" ang nasabi lang nito.
Nilapag ni Reev lahat ng pagkain sa mesa at nagulat si Theo dahil ang mga pagkain sa harap niya ay parang nakikita lang niya sa mga restaurant.
Apat na klaseng pagkain at may dessert pa. Hindi na naka tiis si Theo at ginawa na niya ang sinabi ng lalake.
Kumain lang siya ng kumain at nagpaka busog, habang si Reev ay pinapanood lang siya hanggang sa matapos.
Nang matapos si Theo ay kumatok lang ng dalawang beses si Reev sa pinto at bumukas ito.
Pumasok ang lalake at nag ligpit sa pinagkainan ni Theo.
**
"kuya.." ang malungkot na sabi ni Theo. Kita sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
"wag kang mag alala, mas safe ka sa akin, kesa sa kapatid kong si Evan.. Papauwiin din kita pero hindi pa ngayon" ang sabi ni Reev.
"pero! Bakit.." ang nasabi lang ni Theo.
"Makinig ka na lang sa akin.. Kung ayaw mong mapasama. Hindi mo naman siguro gustong maging sex slave diba.." Ang sabi nito kay Theo.
Nagulat si Theo at napailing nalang.
"good! Kung gusto mong lumabas ng kwarto ay pagbibigyan kita. Pero pakiusap ko sayo, wag kang mag tatangkang lumabas ng bahay dahil may tauhan ang kapatid ko sa labas" ang paliwanag ni Reev sa kanya.
"Pag lumabas ako ng bahay?" ang tanong ni Theo.
"well, baka mamaya maya lang ehh, ipapakuha ka ni daddy at ipapasama sa mga order papuntang Germany or gawin ka niyang sex slave ng mga kumpare niya..
Hindi natin alam ang takbo ng isip ng daddy ko at kapatid ko. Ang best choice mo lang ay makinig sa akin at magpalipas ng araw.
Ibabalik din kita wag kang mag alala Theo." Iyan ang sabi ni Reev sa kanya.
"tara na at sumunod ka" ang sabi ni Reev at lumabas sila ng kwarto.
Napansin ni Theo ang kalakihan ng bahay, hindi nga ito bahay lang. Mansion ito at parang nasa tagong lugar.
Nag simulang magsalita si Reev at sinabi kay Theo ang lahat lahat. Naguguluhan si Theo, bakit parang ang bait nito sa kanya.
Habang nag lalakad sila ay nasa likod ni Theo ang matangkad na lalake na parang alalay ni Reev.
"Ang mansyon na ito ay nasa liblib na lugar, kung saan binili ni daddy para sa amin mag kapatid.
Hindi ka din basta basta makaka labas sa lugar na ito kapag nag tangka kang tumakas." Ang sabi ni Reev.
"hmhmhm. Bakit mo ako dinala dito" ang sabi ni Theo.
"utos ng tatay mo" ang sabi ni Reev.
Nagulat si Theo kaya nilapitan at hinila niya sa braso ang gwapong lalake.
"ulitin mo nga ang sinabi mo!" ang sabi ni Theo. Kita sa kanyang muka ang pagka bigla.
Akmang pipigilan na sana si Theo ng alalay ni Reev pero pinigilan ito ni Reev.
"oo tama ang narinig mo, utos ng tatay mong iligtas ka." Ang sabi ni Reev.
"Hindi ko maintindihan" ang sabi ni Theo na namumuo na ang luha sa gilid ng mata nito.
"kahapon sa warehouse. Tapos siyang bugbugin ng mga tauhan ng daddy ko.. Inutusan ni Evan ang mga tao ni daddy na dalhin ito sa kwarto.
Habang kinakalagan nila ang tatay mo sa pagkakatali ay tinignan niya ako at sabing "iligtas mo ang anak ko"
"Hindi ko alam kung anong meron sa tatay mo. Na hipnotismo ata niya ako. Well siguro para na din mabawas bawasan naman ang kasalanan ko sa langit, hehehe"
"Kaya heto ka ngayon, sinunod ko lang ang sabi ng tatay mo.. Awang awa na kasi ako sa kanya dahil alam ko ang ginawa lang naman niya ay ipagtanggol ang sarili niya.. Pero nadamay kapa" ang sabi ni Reev.
"Pero bakit hindi mo pa kami tinulungan dalawa" ang tanong ni Theo.
"hindi ko magagawa yun dahil nandoon ang daddy at si Evan.. Kaya pasensya kana" ang malungkot na sabi ni Reev.
"kapatid ka at anak ka nila kaya magagawa mo siguro iyon." Ang sabi ni Theo.
"hindi mo sila kilala Theo, kaya nilang pumatay ng tao kung gugustuhin nila. Pero ako ang kaya ko lang gawin ay magbenta ng bawal na gamot" ang sabi ni Reev.
Walang nasabi si Theo.. Kaya naman sumunod nalang siya kay Reev at inilibot siya sa buong mansion.
Tuliro lang si Theo at hindi parin maalis sa isip ang kanyang tatay.
Pinaupo muna si Theo sa sala. "Theo siya pala si Manolo ang aking kanang kamay.. Kapag may kailangan ka magsabi ka lang sa kanya.. Makipag kwentuhan ka rin kung gusto mo.. Mabait yan, sasagutin lahat niya ang tanong mo.. Dba manolo?" ang sabi ni Reev kay Theo at tinapik sa balikat si Manolo.
"lahat po sir?" Ang tanong ni Manolo.
"oo sagutin mo lahat ng tanong niya.. Tutal mukang mabuting tao naman yan si Theo" ang sabi ni Reev.
"Saan ka pupunta?" ang sabi ni Theo.
"May aasikasuhin lang ako at may aalamin" ang sabi nito kay Theo.
Umalis sa sala si Reev at pumunta sa kanyang kwarto.
Habang si Theo ay umupo lang doon sa magarang sofa katabi si Manolo.
Nakipag kwentuhan naman si Theo at hindi ito binigo ng kanang kamay.
Nakipag usap ito ng magalang kay Theo at sinagot lahat ng tanong. Si Manolo ung tipo ng lalake na matangkad, maganda ang katawan at brusko kung tignan. Gwapo din si Manolo.
Dating sundalo na ngayon ay body guard, alalay kaibigan ni Reev.
Bawat tanong ni Theo ay sinasagot ni Manolo at walang paglaktaw sa mga detalye.
Habang si Reev naman ay tinawagan ang isa sa mga bumugbog kay Adam at tinanong kung ano na ang nangyari kay Adam.
Sinabi naman nito kay Reev ang ginawa nila sa ama ni Theo. Pagka baba ay may tinawagan muli si Reev na isang kaibigan.
"Pare.. Reev to, kailangan ko ang tulong mo.. May bibigay ako details sayo.. Paki check naman kung kamusta na." Ang sabi ni Reev sa kausap.
"salamat sige I ttxt ko sayo, tapos ay balitaan mo ako ngayon din" ang sagot ulit niya.
Pagkababa ng tawag ay binigay ni Reev ang detalye ni Adam. Bumaba itong muli sa sala at papalapit palang ito ay nakarinig na siya ng mga tawa.
Nakita niyang tawa ng tawa si Manolo at Theo sa kanilang kwentuhan.
Nag ring muli ang kanyang phone at sinagot ito. Nakakuha na siya ng impormasyon patungkol kay Adam. Kaya pinasalamatan niya ito at lumapit agad kay Theo.
"Theo, ang tatay mo.." ang sabi ni Reev at kinwento na ang bagong kalagayan ni Adam.
Napatigil si Theo hindi napigilan ang pagtulo ng luha sa narinig.
Tears of joy ika nga nila.
**
Sa hospital...
Nakatayo ngayon si Noah, Daryll, James at Marco sa tapat ng kama ni Adam.
Kung saan pinagmamasdan nila ang ama nilang kumakain na, si William ang nag susubo ng sabaw sa kuya niya.
"kuya! Kumain kapa, para lumakas ka" ang sabi ni William sa kuya Adam niya.
"busog nako William, kanina pa ako kumakain ehh" ang sagot ni Adam.
"Ok sige.. Liligpit ko na ito" ang sabi ni William.
Mabuti na ang lagay ni Adam, naka benda ang katawan niya dahil sa mga crack ng kanyang buto. Pero sabi naman ng doctor na hindi na kailangan operahan dahil hindi naman pala malala ang pagbugbog sa kanya.
Ang akala niyang bali ay hindi naman pala. Bugbog lang talaga ang muscles niya kaya pala masakit. Binigay lahat ng test kay Adam at lumabas naman sa results na walang malalang nangyari sa katawan niya.
Puro pasa lang ang muka nito at katawan. Pero ang mas inaalala nila ay si Theo.
Nang magising si Adam kanina ay kinausap agad niya ang anak ay inutusan tawagan si Aaron.
Na ngayon nasa daan na papunta sa kanila.
Hindi masyado nagsasalita si Adam dahil sa traumang natamo. Para siyang isang batang tahimik at naka tulala lang.
**
Saktong pagkatapos kumain ni Adam ay may kumatok sa kwarto at ng pag buksa n ito ay may dalawang pulis.
Ang pulis na humahawak sa kaso nilang pamilya. Ininterview nila si Adam at nalaman lahat ng mga nangyari. Doon lang siya nagsalita.
Medyo nanghihina pa talaga si Adam kaya mabilis din tinapos ang interview.
Nag desisyong umuwi muna si Marco, James at Daryll.
Naiwan si William at Noah para mag bantay sa ama.
Hindi na sila kinausap ni Adam hanggang sa maka tulog na ito.
Sobrang lala ng dinanas ni Adam, sinisisi din niya ang sarili niya dahil hindi niya natulungan ang anak.
**
Gabi na ng makaalis sila Daryll sa hospital.
"ooh James, sa bahay kana matulog" ang sabi ni Daryll. Habang nag mamaneho ng sasakyan, umuwi silang tatlo ni Marco at James.
"Sige kuya" ang malungkot na sagot nito.
"Wag ka na masyado ma lungkot, makikita din natin si Theo" ang sabi naman ni Marco.
"ang hirap kasi ehh, hindi mawala sa isip ko si Theo kuya, tska paano natin makikita si Theo.. Hindi nga natin alam kung anong kalagayan niya ngayon" ang sagot ni James habang naka tingin lang sa bintana.
"inisip ko din si Tito dahil hindi siya masyadong nagsasalita simula noong nagising siya. Bakas sa muka niya ang hirap ng dinaranas niya sa mga kamay ng mga sindikatong yun" ang sabi ni Marco.
"Sobrang awang awa ako kay tatay, hindi ko siya matignan ng maayos kanina.. Buti nalang talaga at hindi ganoon ka lala ang mga tinamo niya." Ang sabi naman ni Daryll.
"akala ko talaga bibigay na siya.. Nag agaw buhay na siya ehh" ang sabi ni James.
"Hindi papayag si tatay mawala basta basta.. Kaya siguro lumaban talaga siya sa kamatayan, nakita na namin siyang ni rerevived.. Buti nalang talaga may awa ang dyos sa atin" ang sabi ni Daryll habang naka tingin sa daan.
"Bakit kaya si kuya Aaron agad ang pinatawag niya, pagka gising niya" ang tanong ni James.
"Hindi ko din alam ehh.. Baka may alam silang hindi natin alam" ang sabi ni Daryll.
"Ngayon ko lang makikita ulit si kuya Aaron" ang singit naman ni Marco.
**
Habang papalapit ang sasakyan nila sa bahay ay may isang lalakeng naglalakad at pasalubong sa kanila.
Napansin at nakilala agad ni James ito.
"kuya pwedeng pa bagalan po" ang sabi ni James kay Daryll.
"bakit?" ang tanong ng nag mamanehong si Daryll.
"kausapin ko lang po ung tropa ko" ang sabi ni James. Kaya binagalan ni Daryll ang kanyang pag mamaneho.
Binaba ni James ang bintana at tinawag ang kaibigan.
"Alfred! .. Tol! Anong ginagawa mo dito?" ang kanyang tanong.
"uy tol!" ang gulat ni Aldred.
"Si Alfred pala yan..Sa bahay na kayo mag usap" ang sabi ni Daryll ng makilala ang binata sa daan.
"Sige po kuya" ang sabi ni James at Alfred.
**
Nang makapasok ang sasakyan ay pinapasok din ni Daryll si Alfred na kalaro niya sa online games.
Unang tanong ni Alfred kung kamusta na ang boyfriend ni James na si Theo. Pangalawa ay tinanong naman niya si Adam.
Dahil usap usapan na ang nangyari sa kanilang pamilya.
Dahil kilala ang pamilya nila sa village ay mabilis kumalat ang balita.
Ngayon naka upo si Daryll, Alfred, Marco at James sa sala at nag papahinga.
"Ok na si tito Adam.. tol" ang sagot ni Daryll.
"Si bunso, ongoing parin ang pag hahanap.. Wala kaming magawa ehh kung hindi mag hintay lang" ang sabi naman ni Daryll"
"dasal dasal na lang kami" ang sabi ni James.
Tahimik lang si Marco habang naka tingin kay Alfred.
"Ay tol, pinsan ko pala.. Si Marco"
"Marco, kuys.. Si Alfred, kalaro namin sa online games" ang pagpapakilala ni Daryll.
Nagkamay ang dalawa at nag tanguan.
"May balita din pala ako sa inyo" ang sabi ni Alfred.
"ano naman yun pre?" ang sabi ni James.
"si kuya Jim...." Ang sabi ni Alfred.
Nang marinig ni Daryll ang pangalan ni Jim ay nag init ang ulo nito dahil siya nga ang dahilan kung bakit may suliranin sila ngayong pamilya.
"napano yang gago na yan..asan naba yan, nahuli naba?" ang galit na sabi ni Daryll.
Napailing si Alfred at sabing "wala na siya kuya Jim.. Nakita siya kanina sa kalsada, laslas ang leeg at wala ng buhay"
Tila nanlamig si James sa narinig. Natulala naman si Daryll sa inulat sa kanya.
Hindi nila inaasahang ganoon ang mangyayari kay Jim.
Natahimik sila ng ilang minuto. Binasag ni James ang katahimikan at nag tanong.
"Paano na?" ang malungkot niyang reaksyon.
"Hindi ko alam.. Gulong gulo nako" ang sagot naman ni Daryll.
"chill .. Chill, magiging ok din ang lahat!" ang sabi ni Marco sa kanila.
Tumayo si Daryll, walang sabi sabi ay umakyat nalang siya sa kanyang kwarto at iniwan ang tatlo. Bakas sa muka niya ang pagka inis, lungkot at hindi maintindihang nadarama.
Naiwan nalang si Marco, Aldred at James.
Tumayo si Marco at tinawag ang dalawa. "Psst halikayong dalawa, samahan ninyo ako at magluluto ako ng makakain"
Sumunod ang magkaibigang si James at Alfred kay Marco at doon sa kusina kung saan nag hanap ng mailuluto si Marco.
**
Habang nagluluto si Marco ng noodles ay nakaupo naman si James at Alfred sa harap ng mesa at doon pinag kkwentuhan nila ang mga nangyari.
Habang nakikinig si Marco ay pumunta siya sa lumapit sa refrigerator, kumuha ng tatlong beer in can at inabutan ang dalawa.
"Ooh palamig muna tayo ng ulo.. Simula ng dumating kami dito ehh puro problema na ang sumalubong sa amin" ang sabi ni Marco.
"Pasensya na kuya" ang nasabi lang ni James habang binubuksan ang lata.
"ok lang yun.. Pamilya na tayo ehh.. Boyfriend mo ang pinsan ko" ang sabi ni Marco sabay turo kay James.
Naluto na ang noodles at pinag hatian nilang tatlo habang lumalagok ng alak.
Nag kwentuhan silang tatlo at nauwi ang masarap na usapan sa isang masarap na inuman.
Habang nagsasalita si Aldred at nag kkwento tungkol sa tropa nila ay nagsalita bigla si Daryll na mukang ok na.. Pero hatala sa mata niya ang maga dahil sa pag iyak.
Hindi nalang pinuna nila Marco ito pero alam nilang masama ang loob ng pinsan dahil sa mga nangyayari.
"Talagang nag inuman pa talaga kayo ahh" ang sabi nito sa tatlo.
Tumahimik sila na parang napahiya pero mabilis na umupo si Daryll at sa tabi ni Alfred at kumuha ng isang beer sa mesa.
Ininom ni Daryll ito na parang uhaw na uhaw sa alak. Nakalahati niya ito at saktong pagka baba ay ngumiti ito at sabing..
"Ang sarap talaga ng beer kapag mabigat ang loob nakakapatay ng nararamdaman, hehehhe" sabay lagok pa ng isa.
Hinayaan nlang nila James si Daryll sa pag inom dahil nga alam nila ang bigat na dinadala nito.
**
Habang sa kalagitnaan ng inuman at kwentuhan ay may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay nila at may nag door bell.
Napatayo si Marco at sinilip ang nasa labas. Si Daryll ay tila napadami na ng inom kaya naka sandal nalang ito sa balikat ni Aldred.
"James, tara samahan mo ako, may tao" ang sabi ni Marco at lumabas nga silang dalawa.
Lumabas nga ang dalawa at pinag buksan nila ang taong nag doorbell.
Si Marco ang nag bukas ng gate at nakita agad ni James kung sino ang mga ito.
Tila magulat din ang tao sa labas ng makita niya si James ang sumalubong sa kanila.
"kuya..Aaron??!" ang sabi ni James.
"Ooh James! Ikaw pala yan.. Nasa loob ba sila?" ang tanong ni Aaron dito, sabay pasok kasunod si Aldrin.
Nakita ni Marco si Aaron at nakita ng magkapatid si Marco na naka hawak sa gate.
Tinanguan lang ng magkapatid ito dahil hindi pa ito kilala. Dahil sobrang tagal na ng makita ito. Kaya wala pa silang pakielam dito.
Mabilis na naglakad si Aaron papasok sa bahay at kasunod si James at Aldrin.
Si Marco ang nag sara ng gate at napa mura nalang siya dahil sa kagwapuhan ng mag kuya. Hindi niya maalis sa isip ang makisig na muka at katawan ni Aaron.
Nang makapasok na sa loob ng bahay si Aaron ay agad tinanong kay James kung sino pa ang nasa bahay.
"Si Daryll kuya, nasa kusina siya.." ang sabi ni James.
Narinig ni Aldrin na nasa kusina si Daryll kaya dabik itong makita. Kaya adali dali siyang nag punta doon.
Pero sa pag pasok ni Aldrin ay siya ang nasorpresa sa nakita. Kita niya si Daryll na naka sandal sa isang lalakeng ngayon lang niya nakita.
Naka pikit si Daryll at Aldfred na parang lasing na, pag mulat ng mata ni Daryll ay laking gulat niya kung sino ang nasa harap niya.
"Aldrin?" ang sabi ni Daryll. Napamulat din si Alfred at napatingin lng kay Aldrin na parang wala lang.
"akala ko massurprise kita.. Ako pala ang na surprise" ang malungkot na sabi ni Aldrin at umalis na lang ito.
Tila nawala ang pagkalasing ni Daryll at hinabol si Aldrin.
**
"Si kuya Noah ay nasa hospital kasama si tito William... Tska si Theo wala parin po.." Ang sabi ni James kay Aaron habang naka upo na sila sa sala.
"Kaya nandito kami para tumulong" ang sabi lang ni Aaron kay James.
Kita sa mata ni Aaron ang pagiging seryoso. Dahil sigurado siyang may maitutulong siya.
Kaya siya ang unang pinatawagan ni Adam, dahil hindi naman talaga nawalan ng pake si Aaron sa pamilya ng kanyang dating asawa.
**
Itutuloy..
No comments:
Post a Comment