Saturday, September 26, 2020

Ang Sikreto ng Pamilya Book 2 - Chapter 31

 


...loading 98%

...loading 99%

...loading 100%

......locating destination

.....body temperature 36.6

Showing coordinates...

**

Tahimik lang ang lahat sa sala, ngayon ay kumpleto na sila dahil dumating narin si James. Bumalik na sa hospital si William at sinabihan lang ang anak at pamangkin na mag iingat sa gagawin nila.

Sinabihan ni William si Noah na tumawag ng pulis dahil delikado ang planong gagawin nila.

May kinse minutos din ang pag hihintay nilang lahat para umabot sa 100% ang pag lo-locate ng kwintas ni Theo.

Lumabas sa muka nilang lahat tuwa ng lumabas na sa screen ng laptop ang mapa kung saan naroroon ang kanilang bunso.

"Sige na, in 10 minutes aalis tayo dito guys! Mag ayos na kayo" ang sabi ni Aaron.

"Tatawag na ako ng mga pulis kuya" ang sabi naman ni Aldrin.

"Wag!.. Baka mapurnada pa ung gagawin natin" Ang sabi ni Noah

"Pero diba sabi ni papa ay tumawag tayo ng mga pulis dahil delikado ang gagawin natin" ang sabi ni Marco sa pinsan.

Tinignan ni Aaron ang mga kasama, si Aldrin, si James, si Marco, si Daryll at Noah.

Iniisip niya kung kakayanin ba nilang anim ang mission na pagsagip kay Theo. Pero ayaw niyang may mangyaring masama.

Kaya sinabihan niya munang mag ayos ang lahat. Pinahanda narin niya ang sasakyan na gagamitin nilang anim, habang iniisip ang gagawin.

**

Naka sakay na silang lahat sa sasakyan at si Aldrin na ang nag maneho, habang si Aaron ang nasa tabi nito.

Sa likod naman ang apat na lalake at kabado sa gagawin nila.

Habang nasa byahe ay may kausap din si Aaron. Sinisigurado niyang ligtas sila kaya tumawag na siya sa kaibigan niya na kabilang sa isang private enforcement.

Sinabi ang lahat at binigay niya ang location kung saan sila mag kikita bago tumuloy sa lugar kung nasaan si Theo.

"Kamusta kana?" ang tanong ni Marco, kay James habang naka upo sila at kabado sa likod ng sasakyan.

"Eto kuya, medyo kinakabahan tska dasal lng ng dasal para makita na si Theo" ang sabi ni James.

"wag kang mag alala, makikita din natin si Theo" ang sabi ni Marco.

"tama! Makikita din natin si bunso" ang sabi ni Noah.

"Ayyiie kaya mag smile kana dyan.. Makikita mo na ung lalabs mo.. Hehehehe" ang malokong sabi ni Daryll kay James.

Habang nakikinig lang si Aaron at Aldrin sa nag uusap sa likod.

May kurot sa dibdib ni Aaron habang naririnig niya ang mga ito.

Kaya napabuntong hininga nalang siya at napatingin sa daan na binabagtas nila.

"bakit ko ba ginagawa ito, alam ko naman kahit anong mangyari ay hindi mangyayari ang gusto ko.. Imposibleng magkagusto siya sa akin kahit mailigtas ko pa siya mag isa" ang tanong at sabi niya sa isip niya.

Naramdaman nalang niya ang kamay ni Aldrin na umakbay sa kanyang balikat at pinisil ito.

"ok lang yan.." ang sabi ni Aldrin sa kuya.

Napaka supportive talagang kapatid ni Aldrin at alam niya ang kabang nararamdaman ng kapatid.

Dahil alam niya kung gaano kalaki ang lugar ni Theo sa puso ng kuya niya. Nalaman niyang lahat ito noong nasa probinsya sila. Sa tuwing nakikita niya ang kuya na palagi lang pinapanood ang video ni Theo.

**

Sa mahabang byahe, nakarating na sila sa pinag usapang lugar, ilang kilo metro sa lugar nila Theo at doon nag hintay lang sila ng ilang minuto at may dumating din na isang van.

Bumaba ang isang lalake na nakilala agad ni Aaron. Bumaba si Aaron at sinalubong ang kaibigan.

Armado ang lalakeng ito at may kasama pa ito na nasa likuran.

"Ayos lang na si Aaron lang ang bumaba?" ang tanong ni Noah kay Aldrin.

"Oo kuya, tropa nya yan.. Sila ung tutulong sa atin kuya.. Mga private agents sila na parang SWAT. Anti syndicate enforcement sila kuya"

"kamusta Aaron?" ang sabi ng lalake sabay pakikipag kamay kay Aaron.

"Eto pareng Apollo.. Kailangan na kailangan ko ang tulong mo" ang sabi ni Aaron at napabuntong hininga ito.

"sino mga kasama mo?" ang tanong ni Apollo.

"Kapatid ko, pati mga kapatid ng hinahanap natin" ang sabi ni Aaron.

"pababain mo sila, para ma briefing natin, ayaw kong mag uwi ng sugatan o naka body bag ahhhh" ang utos at sabi ni Apollo.

Sinenyasan ni Aaron ang kapatid at mga kasama sa sasakyan, kaya bumaba agad sila.

Ganoon din si Apollo, sumenyas siya sa sasakyan nila at bumukas ito.

Lumabas ang anim pang kalalakihan na armado at may dalang mga gamit.

Nagkaharap harap sila at si Aaron ang unang nagsalita.

"Guys! Siya si Apollo, kaibigan ko at maasahan pagdating sa ganitong sitwasyon.. Private agents sila at sigurado akong magagaling" ang pagpapakilala ni Aaron sa kaibigan.

"Nice meeting you guys! Malakas talaga sakin tong si pareng Aaron, kaya ako na mismo ang nandito..

I'm Major Kritiko Apollo, this is my co-Major Amari Flames and the rest are my best Agents in the team. " ang pagpapakilala ni Apollo sa lahat.

Major Amari will give you the briefing and strategies we are going to execute. Hindi biro ang gagawin natin dahil pinakita sa akin ni Aaron ang location kung nasaan ang sinasabi niyang si Theo.

"Bakit ano ng meron sa location ng kapatid ko" ang sabat ni Noah.

"Nice question.. Ilang buwan narin namin minamatyagan ang location na ito kaya nang malaman namin na pupunta kayo at ililigtas ang kapatid ninyo.. Hindi kami nag dalawang isip na samahan kayo.. Dahil delikado ang mission na ito.. Lalu na at ang binabalak ninyong pasukin ay kuta ng isa sa mga sindikato na nag susupply ng drugs at sex slavery sa bansa." Ang paliwanag ni Amari sa kanila habang pina pakita ang map.

Nagulat nalang silang lahat sa sinabi sa kanila kaya naman nag simula na sila sa briefing at nakinig nang mabuti.

Hindi nila inaasahang bibigyan din sila ng bullet proof vest at tig isa isang baril.

Tinuruan sila kung paano gamitin ito sa loob ng isang oras.

Wala silang magawa kung di sumunod, makinig at pagaralan ang lahat ng itinuturo sa kanila. First time nilang humawak ng baril, maliban kay Aaron.

Buong tapang at lakas ng loob lang ang kailangan nila ngayon dahil hindi pala biro ang pinasok nilang lahat.

"sigurado kaba sa kanila?" ang seryosong tanong ni Apollo kay Aaron.

Napatingin naman si Aaron sa mga kasama, tinignan niya ang lima na tinuturan nila Amari.

Lumingon ulit siya kay Apollo at sabing "oo sigurado ako sa kanila. Wala naman akong choice" ang sabi ni Aaron.

"may choice ka, kami nalang ang papasok at bumalik na kayo" ang sabi ni Apollo.

Kita ni Aaron ang seryosong muka ni Apollo, pero pinanindigan parin niya ang kanyang desisyon.

"hindi pre.. Kaya namin to, sigurado din naman ako sa inyo, na hindi nyo kami papabayaan" ang sabi nito kay Apollo.

"Sige, kung yan ang desisyon mo.. Hindi namin kayo pababayaan basta sumunod lang kayo" ang sabi ni Apollo.

Nagtanguan ang dalawa at lumapit sila sa team.

Doon pinaliwanag ni Amari ang lahat ng strategies ang mga dapat at hindi dapat gawin.

Ang mission nila Aaron ay iligtas si Theo, habang ang team naman ni Apollo at Amari ay hulihin ang bawat miyembro ng sindikato.

Nagsimula na ang mission at hinati nila ang grupo, sila Noah, Daryll at Marco ay lumipat sa kabilang van kung saan kasama nila Amari.

Si Apollo at ang tatlong agents ang sumakay naman sa sasakyan nila Aldrin, Aaron at James.

Plantsado na ang lahat at binaybay na nila ang daan patungo sa mansyon nila Reev at Evan.

Bawat isa ay may kaba sa dibdib, bawat isa ay may dasal na sinasambit sa isip.

Nakuha narin ni James at Marco mag txt sa kanilang magulang at nagbigay ng pamamaalam.. Nag bakasakaling hindi na makakauwing buhay pa.

Bawat isa sa kanila ay tinatandaan ang bawat turo nila Apollo at Amari.

**

Habang sa mansyon, hindi alam ng magkapatid na papunta ang kanilang daddy, kasama ang mga alagad nito.

Gusto niyang kamustahin ang mga anak at makita kung ano nang ginawa ng kanyang mga anak kay Theo.

Gusto niya malaman kung kanino magttrabaho ang binatang anak ni Adam.

Kung gagawin ba itong sex slave o isa sa mga tauhan na magtutulak ng drugs sa mga clubs at bar.

**

"Ready kana?" ang tanong ni Reev kay Theo na ngayon ay naka tayo sila sa sala.

"ready na Reev" ang sagot naman ni Theo.

Naka tayo naman si Evan sa tabi ng kanyang kuya.

"Umalis na kayo at baka magbago pa ang isip ko" ang masungit na sabi ni Evan.

"Salamat Evan, salamat sa pag tulong mo" ang sabi ni Theo at lumapit ito kay Evan sabay yakap sa kanya.

Niyakap naman siya ni Evan at sabing "sige na baby boy! Umalis na kayo ni kuya.. Haayyy! This is my first time na magpatakas ng isang high grade.

"High grade?" ang tanong ni Theo dito.

"High grade! Class A! High Value! Kung baga sa bato ay isa kang diamond baby boy!.. Malaki ang kikitain namin "SANA" sayo.. Kaya umalis na kayo dahil pag nalaman pa ni daddy na pinatakas kita baka patayin kami non" ang paliwanag ni Evan.

"tama si Evan, Theo.. Class A ka sa trabaho ni Evan na sex slaves.. Kung sa department ko naman.. Isa kang Pearl.." ang sabi ni Reev.

"Pearl?" ang tanong naman ni Theo kay Reev.

"Pearl! Baby boy! Sa trabaho ni kuya..pag tinawag na Pearl, ikaw ang gagawing front line para sa drug transactions. Gwapo ka pa naman at maamo ang muka.. Hindi ka pag iisipang drug dealer.. baby!" ang paliwanag ni Evan.

Napatango nalang si Theo at naisip na malaking bagay pala kapag napasama siya sa grupo nila Reev at Evan.

Pero hindi niya pangarap mapasali sa ganitong ka delikadong trabaho.

Ang gusto lang niya ay maka uwi at makasama ng pamilya, bumalik ang lahat sa normal.

"ano pang hinihintay ninyo umalis na kayo!" ang mataas na boses ni Evan.

Napa ngiti si Reev at Theo kaya umalis na sila sa harap ni Evan.

Pumunta na silang dalawa sa may main door.

Akmang lalabas ng bahay ng biglang bumukas ang pinto.

Pumasok si Manolo, na parang nag mamadali.

"ooh Manolo!" Ang gulat na sabi ni Reev habang tinitignan ang hinihingal na alalay.

"Ser! Aahhh ahhhh.. Ang ahhh Ang Daddy po ninyo paparating.." Ang pagod na sabi nito.

"SHIT!" ang nasabi lang ni Reev. Tinambol bigla ang kanyang dibdib dahil nandyan na ang kinakatakutan nilang lahat.

Napatingin si Theo at sabing "pwede naman natin kausapin ang daddy mo diba..?" Sabay tingin din kay Manolo.

Kabado na silang tatlo sa mangyayari.. "Hindi ka bubuhayin ni Daddy at baka kami rin.. Dahil sumuway kami sa kanya" ang sabi ni Reev. Tila may takot sa kanya mga mata.

Alam niya kung paano magalit ang ama.

"Ooh bakit hindi pa kayo lumalabas!.. Talagang dito pa kayo nag paalamanan ahhh" ang sabi ni Evan sa tatlo.

"Ang daddy po ninyo paparating" ang sabi Manolo.

Nagkatinginan ang magkapatid at napamura nalang si Evan.

"putangina!! Patay tayong lahat!.. Pero kalma lang! I can handle this!" ang sabi ni Evan na may ngiti sa labi.

Kabado at nanginginig si Theo sa takot dahil pati sa pag alis nila ay nagka problema pa. Alam niya kung paano magalit ang daddy nila.. Dahil sa mga kwento ni Manolo at Reev.

Pero nakita niya sa muka ni Evan ang ngiting mala demonyo.

"What now?!" ang tanong ni Reev.

"kuya..listen carefully."

"ohh my, you will know my secret na...haaay!... Para sayo din naman to!..

"Both of you, go to my room, open the drawer left side corner ng kama ko at may susi doon, kunin mo ung key na may red keychain.

"Buksan mo ang bintana ko at sa gilid may steel ladder.." ang sabi ni Evan, na pinutol ni Reev.

"We can use the backdoor sa kitchen naman ehh.." ang sabat ni Reev.

"no! Makinig ka nga sakin kuya..!" ang mahinang na sabi ni Evan.

"Ok bilis!" ang sabi ni Reev. Na kabado narin.

Ganoon din si Theo, parang tinatambol na ang kanyang dibdib sa kaba.

Dahil malapit na ang kanilang ama pumasok sa bahay. Kaya niradyohan ni Manolo si Pancho na I distract muna ang daddy nila.

Agad naman sumunod si Pancho at kinausap ang daddy ni Evan at Reev na nasa tapat na ng pinto. Para magkaroon ng ilang minutong distraction.

Lumayo silang apat sa tapat ng pinto at nag madaling pumunta sa malapit sa hagdan..

Tinuloy ni Evan ang pag eexplain at nakinig na sila ng maigi..

"pagka baba ninyo ng steel ladder ay bumaba kayo. Pagkababa ninyo ay may makikita kayong malaking basurahan naka dikit sa may bakod. Buksan ninyo ito at may butas ito papalabas ng pader."

"lumakad kayo pakaliwa at doon may makikita kayong...." ang putol na sabi ni Evan.

"Shit!" ang nasabi ni Reev at napahawak siya sa kamay ni Theo.

Pero hindi na natapos ang sasabihin niya dahil bumukas agad ang main door at narinig nilang apat ang pagtawag ng ama.

"Baby..Evan!" ang sigaw nito.

"umalis na kayo! Bilis! Tawagan mo nlng ako kuya.. Akin na to, baka kailanganin ko ito mamaya.." ang sabi ni Evan.

Hinila din ni Evan si Manolo papunta sa gilid at doon niya isinandal.

Ginawa lang naman niya ito dahil sa kuya niya. Mahal na mahal niya ang kuya niya at kaya niyang gawin ang lahat para hindi mapahamak ito.

Nag mamadali sila Reev at Theo. Ginawa nila ang bawat instructions ni Evan. Kinuha nila ang susi sa drawer na may red keychain.

Binuksan ang bintana at hinla ang steel ladder, dahan dahan silang bumaba at nakita ang drum ng basura.

Napatingin si Theo sa pader at napaka taas nito at may makapal na barbwire ang naka paikot dito.

"Heto na un Theo!" Ang sabi ni Reev dahil siya ang nag bukas. Nakita nila ang butas na sinasabi ni Evan.

Napangisi siya at sabing "kakaiba ka talaga Evan, hehe".

"matalino ang kapatid mo Reev, salamat sa kanya" ang sabi naman ni Theo.

Pumasok silang dalawa at mabilis na sinara ang takip.

Sinalubong sila ng masukal at matataas na damo sa paglabas nila sa butas. Naka hinga silang dalawa ng maluwag.

Ginawa nila ang sinabi ni Evan na maglakad pakaliwa. Hindi nila alam kung anong meron sa parteng ito dahil naputol ang instructions ni Evan.

Pero alam nilang dalawa na may sasakyan dito dahil may susi sila ng kotse galing sa drawer ng kapatid.

Nilakad nila ang ilang metrong matataas na damo.

Bumungad sa kanila ang naka tambak na mga gulong.

Pero napansin agad ni Reev na hindi lang ordinaryong pagkakatambak ito.

Kaya inikutan niya ito at napansing may naka takip na tolda sa loob.

"Theo tulungan moko bilis..loko talaga tong kapatid ko" ang sabi ni Reev an sinimulan mag alis ng gulong.

Tinulungan nga ni Theo si Reev, naalis nila ang mga gulong at hinila ni Reev ang tolda.

Isang kulay pulang sports car ang bumungad sa kanila.

"Kakaiba talaga ang kapatid mo, iba talaga ang nagagawa ng pera" ang sabi ni Theo.

"baliw siya!, tara na!.. Salamat Evan!" ang sabi ni Reev at dinukot ang susi ng kotse sa bulsa.

Sumakay silang dalawa sa sasakyan ng kapatid at umalis. Napasilip si Reev sa likuran at may dalawang bag, kinuha niya ang isa at inabot kay Theo.

"Silipin mo nga ang laman nyan" ang sabi ni Reev ng pagka bigay kay Theo at pinaandar naman niya ang sports car.

Nang buksan ni Theo ang bag ay nagulat siya sa nakita.

"ang daming pera nito Reev" ang sabi ni Theo na gulat na gulat at ngayon lang naka kita ng ganoong kalaking pera.

Bundle bundle na pera at naka plastic pa na parang bago lang. Tinaas pa ni Theo para ipakita kay Reev.

Napangisi si Reev at sabing "get a way car pala nya to" Sinara ni Theo ang bag at binalik sa likuran ng sasakyan.

"Ung isa naman, tignan mo" ang sabi ni Reev. Kaya kinuha ni Theo ang isang bag at kinandong ito. Gulat siya dahil mabigat din.

Binuksan niya ito at mas nagulat siya sa nakita.

Nakita niya ang dalawang klaseng baril at mga magazines nito. May kahong kahong bala din.

"tangina!" Ang nasabi lang ni Theo.

Nilingon siya ni Reev at hindi naman bago sa kanya ang nakitang baril.

"Normal nalang sa amin yan Theo, sige na ibalik mo na yan sa likod" ang nasabi lang ni Reev at pinaharurot na ang sasakyan kahit nasa ddamuhan

Binaybay nila ang daang madamo hanggang sa makarating sila sa sementadong daan.

**

Ilang minuto bago makalabas ng bahay sila Theo at Reev...

Sila Aaron ay papunta na sa mansyon at binabaybay na daan papunta kanila Reev.

"malapit na tayo kaya mag handa na kayo" ang pag radyo ni Apollo, kanila Major Amari.

Habang naka tingin si Apollo at Aaron sa laptop nito.

Ang green light na nag bblink ay biglang nawala.

"Shit! Nawala ung signal ni Theo" ang bulalas ni Aaron. Kung saan napatingin din si Apollo, Aldrin at James.

"Sabi mo body heat ang nag ttrigger sa tracking device na gamit nyo.. Pwedeng nahubad ito or bumaba ang temperature niya" ang sabi ni Apollo.

Napaisip si James na baka may nangyari na kay Theo, dahil pwedeng patay na ito kaya nawala ang signal.

Napailing siya dahil ayaw niyang isipin na ganoon ang nangyari sa nobyo.

Napasinghap naman si Aaron at kabadong napatitig sa screen ng laptop.

Nag hintay parin sila ng ilang minuto at lumitaw ulit ang green light. Napa buntong hininga silang lahat.

"kinabahan ako doon puta!" ang sabi ni Aldrin.

"AKO DIN EHH" ang sabay na sabi ni James at Aaron sabay nagkatinginan.

Natawa nalang si Aldrin sa kuya at kay James.

**

Habang binabaybay nila ang daan ay nagsalita ang isang agent na nag momonitor ng vicinity area.

"Sir, sports car approaching"

"just be ready!" ang sabi lang ni Apollo. Sabay hawak sa baril nito, para mag handa.

Pero wala naman nangyari dahil dinaanan lang sila nito.

Napatingin nalang si Aaron sa green light na patay sindi sa monitor.

Lumampas na ang pulang sasakyan.

**

"Evan!.. Manolo! What the hell is this" ang bulalas ng ama ni Evan. Nahuli niya si Evan na naka luhod. Walang suot na kahit anong damit.

Naka sandal sa pader si Manolo at naka baba lang ang pantalon at brief hanggang tuhod.

Pinalabas nilang may ginagawa silang romansahan ni Manolo.

Nang marinig ni Evan ang pag sigaw ng daddy niya ay tumayo agad siya at nagpunas ng laway kunware.

At sinuot agad ni Manolo ang brief at pantalon na kakasuot palang. Ni hindi nga tumigas ang kanyang burat dahil sa kaba.

Sinabihan lang siya ni Evan na umarte at nagawa naman niya ito ng maayos.

"Sorry daddy! Hindi ko na kasi napigilan ehh.. I'm sure kilala mo naman si Manolo, ang right hand ni kuya.." Ang paliwanag ni Evan na naka hubad parin.

"yes I know him, pero bakit sya pa.. Isang alalay lang ang pinatulan mo.. Hindi tayo kikita dyan" ang sabi ni Don Reevan, ang daddy niya.

"Well, alam mo naman daddy kinukundisyon ko lang ang sarili ko.. Tska hot naman si Manolo ehh.. Kinausap ko pa nga si Pancho para kausapin ka at hindi ka kaagad maka pasok.. Alam mo naman kapag horny..." ang malanding paliwanag ni Evan sa ama.

"kaya pala.. Hmhmm.. Nagulat nalang ako at kinausap ako ng alalay mo.. Dahil nandito ka pala para paligayahin itong si Manolo" ang sabi ni Reevan na hinuhubad ang coat at binigay sa anak.

Kinuha ni Evan ang coat at pinantakip sa kanyang hubad na katawan.

"well daddy...Aakyat muna kami ni Manolo at may tatapusin lang kami.. Magtatagal kaba dito?" Ang tanong ni Evan habang papalapit sa ama at humalik sa pisngi.

"Hindi, asan ang kuya mo? gusto ko lang malaman kung kamusta na ang anak ni Adam.. Ung binatang kinuha niya. Nagttrabaho naba?" ang seryosong tanong ni Reevan sa anak.

Kinabahan si Evan, pero kailangan niyang gamitin ang kanyang utak.

"Hmh.. Well daddy, wala si kuya, may transaction daw siya.. Pero ung binata, hmmm... remember may mga pinadala tayo sa Germany na last batch.. Sinama ko na siya doon at hindi na natin siya makikita.. Kaya kalimutan mo na siya daddy.. Tutal kumita naman tayo ng 8 million sa kanya." Ang palusot ni Evan.

"malaki ang 8 million sa kanya, expect ko ay nasa 5 million lang siya.. High Grade pala sya" ang sabi ng ama nito.

Ngumisi si Evan at sabing.. "yes daddy!"

"ok sige.. Wala na pala akong dapat alamin, mag papahinga lang ako tapos aalis na din ako, by the way I like your necklace" ang pag puna ni Reevan sa kwintas.

"Well.. This necklace belongs to that guy.. Kinuha ko lang.. Alam mo naman bawal ang may suot na gamit or damit dba. Naka hubad lang sila habang shini-ship natin sila" ang sabi ni Evan.

"ooh bagay sayo anak.. Ok sige na, have a fucking day anak.. Psst! Manolo.. Sumunod ka sa lahat ng utos ng anak ko" ang sabi ni Reevan.

"Yes po big boss!" Ang sagot ni Manolo.

"ok daddy! See you later!" Ang sabi ni Evan at lumapit na siya kay Manolo at hinila na niya ito paakyat sa kanyang kwarto.

Umupo naman si Reevan sa magarang sofa at kinuha ang cellphone, nag patugtog ng isang classical music.

**

Nakarating na si Evan at Manolo sa kwarto nito at nag lock agad sila ng pinto. Tumayo si Manolo sa pintuan at hinubad agad ni Evan ung coat pati ang kwintas na suot.

"ooh kuya! May utang ka sa aking 8 million, para mapag takpan ko lang yang si Theo" ang sabi ni Evan sa sarili.

Nilapag niya ang coat sa ibabaw ng kama at lumapit siya sa kanyang cabinet.

Binuksan ito at kumuha ng magarang damit.

Pagkabihis niya ay pinuntahan naman niya ang drawer sa left side corner kung saan wala na ang susi.

Lumapit siya sa bintana at sinilip ang naka babang steel ladder.

"Good job kuya" ang bulong lang nito.

"Let's go Manolo, aalis na tayo, tawagan mo na si Pancho.." ang sabi nito at binuksan na nila ang pinto.

**

Hindi nila inaasahan ang grupo nila Aaron ay naka pasok na pala sa kanilang vicinity.

Wala silang kaalam alam na napatumba na pala ang mga tauhan nila sa labas ng mansyon.

Pababa na ng hagdan ang dalawa ng nakakarinig na sila ng mga putok ng baril mula sa labas at loob ng bahay. May nag raradyo na din kay Manolo.

Napatigil silang dalawa at nakita ang mga naka itim na armado.

Nakita nila na naka dapa na si Reevan ang ama niya.

Naka subsob sa lapag at pinoposasan ng mga ito. Alam ni Evan kung sino ang mga ito dahil ilang beses na nilang nakalaban ang mga ito. Kabado na si Evan sa mga nangyayari ngayon.

Dinig parin ang mga putukan sa labas na parang may lumalaban pa. "Tara na po boss! Mag tago na po tayo" ang sabi ni Manolo.

Kaya agad silang bumalik sa kwarto. Mas kinabahan lalo ang dalawa dahil pakiramdam nila ay aakyat na ang mga kalaban nila.

**

"pumasok na kayo Aaron" ang pag radyo ni Apollo.

Kaya bumaba agad si Aaron mula sa sasakyan at sumunod si Aldrin at James. Sila ang naunang pumasok sa bahay.

"Sila Noah, Daryll at Marco ay naka abang sa labas naman.

Halos naka dapa na ang lahat ng miyembro ng sindikato at tinatali nalang sila.

Iyon naman talaga ang plano, mauuna sila Apollo at Amari. Susunod lang sila Aaron.

Nang radyohan na sila Aaron ay nauna si Aaron pumasok at inabutan niya si Apollo na naka tayo kasama ang ibang agents.

Pumasok naman si James at Aldrin nakita nila si Reevan na ka dapa at naka tali.

"Sige na, hanapin nyo na si Theo.. Mag iingat kayo" ang sabi ni Amari.

Ang hindi nila alam naka tago lang pala ang isang miyembro ng sindikato sa isa mga kwarto at naka silip sa mga nangyayari.

Nahuli na ang kanilang big boss kaya hindi na siya pwedeng magpahuli, kailangan din niya makatakas.

Wala narin siyang pakielam sa amo niyang si Evan at Reev.

Nang marinig niya na may papaakyat ay kinubli niya ang sarili sa gilid.

Nakita niya ang isang lalakeng na naglalakad at dumaan sa kanyang pinto, alam niyang kalaban ito.

Nilabas niya ang kamay na may hawak na baril. Bago niya kalabitin ang gantilyo ay may sumigaw.

"Kuya!..."

Nilabas nito ang buong katawan at lumingon sa sumigaw.

Tatlong putok ang umalingawngaw sa itaas ng bahay.

**

Nagulat sila Evan at Manolo sa magkakasunod na putok na malapit lang sa kanilang kwarto.

"Kunin mo ung isang bag dyan sa ilalim ng kama bilisan mo!."ang utos ni Evan kay Manolo.

Ginawa naman ni Manolo at kinuha ang isang black bag sa ilalim ng kama ni Evan.

Habang si Evan ay binuksan ang cabinet at kinuha ang dalawang bullet proof vest, binato niya ito kay Manolo at pinasuot.

"suotin mo yan bilis at sumunod ka sakin, kung gusto mo pang mabuhay" ang sabi ni Evan.

Binuksan ni Evan ang isang drawer at binuksan ito para kunin ang isang bugkos ng susi.

Sumunod si Manolo kay Evan dahil gusto pa niya mabuhay. "Paano po si Pancho?" Ang tanong ni Manolo.

"Alam na niya ang gagawin niya at pupuntahan kapag nabuhay siya.. Well trained yang si Pancho, unlike you na pasarap lang tulad ng boss mong si kuya Reev" ang sabi ni Evan, na totoo naman dahil napaka bait ni Reev kay Manolo at sarap buhay lang sila.

Tumango nalang si Manolo at sumunod sa kapatid ng kanyang bossing.

Pumunta sila sa bintana at ginamit ang steel ladder para maka baba. Nakita ngayon ni Manolo ang sinasabi kanina ni Evan sa kapatid na basurahan.

Pumasok sila doon at saktong pagkasara ng takip ay dumating ang ibang enforcement agents. Nang mapansin nilang wala naman tao ay umalis din.

Hindi nila alam na sila Evan at Manolo ay nasa kabilang pader na.

Bumungad kanila Evan at Manolo ang matataas na damo at lumakad naman si Evan pakanan naman.

Ilang metro din ang nilakad nila nang marating nila ang isang tambakan ng gulong.

Hinila nila ang mga gulong katulad ng ginawa ni Reev at Theo. Tumambad naman kay Manolo ang isang kulay itim na sports car.

"wow Boss! Ang gara ng sasakyan mo" ang sabi ni Manolo.

"Sumakay kana at ilagay mo sa likod ang bag na yan.. Wag ka ng madaldal pa.." ang utos ni Evan.

Sumakay si Manolo at si Evan ang nag drive. "saan po tayo boss?" ang tanong ni Manolo.

"Sa rest house ko muna doon tayo mag palamig." Ang sabi ni Evan..

Nag maneho si Evan ng mabilis at nag tago na lang muna.

**

Sa mansyon..

Nagulat sila Apollo at Amari kaya mabilis silang umakyat at doon nakita kung sino ang naka bulagta.

Nakita nila Apollo ang isang miyembro ng Cobra naka dapa at duguan.

Nagradyo si Amari at tumawag ng medic.

"Shit! Hindi pwede to.. Fuck!.. Bilisan ninyo!" ang sigaw ni Aaron. Naka hawak siya sa dibdib ni James at pinipigilan ang pag labas ng dugo.

"Team! Search the perimeter" ang utos ni Apollo sa mga agensts nya.

Habang tinitignan niya ang duguang si James.

"Kaya mo yan James!.. Salamat sa pag ligtas mo sakin" ang sabi ni Aaron habang nahihirapang huminga at may dugo nang lumalabas sa kanyang bibig.

"Imbes na si kuya Aaron ang mabaril ay nakita agad ni James ang lalakeng ito, kaya tinawag niya si Kuya. Pero tinutok agad ng lalake ang kanyang baril kay James." Ang sabi ni Aldrin.

"Lumingon agad ako at nakita kong may babaril kay James kaya agad ko itong binaril sa likod."ang sabi ni Aaron.

"Bumaril din si James sa lalake at hindi namin namalayan ang ikatlong putok ay galing sa kalaban. Na tumama sa dibdib ni James" ang kwento ni Aldrin.

"kuya..uughhkk..ulk.. Pag hindi ako nabuhay...ahhh ah Alagaan mo si Theo ahh.. iuwi mo siya kay tatay Adam.." Ang hirap na pagsasalita ni James.

"Shhhhh.. Wag kang magsasalita ng ganyan James, uuwi tayo, iuuwi natin si Theo.. Diba ikaw ang boyfriend.. Dapat gawin mong mabuhay please!!.." ang naiiyak na sabi ni Aaron kay James.

Hindi narin napigilan ni James ang maluha at sabing.."basta kuya ikaw na ang bahala kay Theo.. Alam ko mahal ka niya, sana mahalin mo rin siya, sabihin mo din kay mama na mahal na mahal ko siya..." ang sabi ni James na nawalan na ng malay.

"Sir.. excuse po, kami na po ang bahala.." ang sabi ng isang medic na tinawagan na pala nila kanina bago pumasok ng mansion.

Nilipat si James sa stretcher at tinakbo agad sa hospital.

Duguan na ang damit ni Aaron.. May nagsalita sa likod nila.

"sir, the area is clear!.. Heto nalang po ang nakita namin" ang sabi ng agent at binigay ang kwintas ni Theo.

Tila namutla nalang si Aaron sa narinig at wala na si Theo. Hawak nalang niya ang huling suot na pag mamay ari ni Theo.

"Theo asan kana?" ang sabi ni Aaron. Habang madiin niyang hinawakan ang kwintas na nabahiran na ng dugo ni James.

Inakbayan siya ni Aldrin at sabing "tara na kuya umuwi na tayo"

**

Itutuloy...


1 comment:

  1. Miss ko na kayo Jessie at Andrei♡ Pati din pala dito may Crossover din yung ibang authors

    ReplyDelete