Nagtagumpay ang team nila Apollo at Amari, tumawag pa sila ng ibang backup para damputin ang mga sindikato.
Nasa kamay narin nila si Don Reevan na isa sa mga bigating drug lord sa bansa.
Pabalik na ang grupo nila Aaron. Ang grupo nilang bigo sa paghahanap kay Theo.
Napag alaman nilang dinala si James sa hospital kung saan naka admit si Adam.
Binalik nila Noah ang mga hawak nilang baril, pero binigay nalang sa kanila ang mga suot na bullet proof vest.
Habang nasa sasakyan silang lahat ay tahimik lang silang lima. Tulala silang lahat lalu na si Aaron na nag fflashback parin sa kanyang isip ang ginawa ni James na pag ligtas sa kanya.
Hawak parin ni Aaron ang kwintas na pag aari ni Theo. Siya lang ang duguan sa lahat. Tatanawin niyang utang na loob ang ginawa ni James.
"Saan tayo kuya?" ang pagbasag sa katahimikan ni Aldrin sa grupo.
"sa hospital tayo" ang sagot ni Noah.
"ibaba mo muna ako sa bahay.. Maglilinis lang ako Bro.." ang sabi ni Aaron..
Pumayag naman si Aldrin at ganoon na nga ang ginawa nilang lahat. Mag gagabi na din naman.. Sobrang pagod ang lahat ngayon, buong araw silang nalagay sa alanganin.
Naka pikit lang si Marco at Daryll at walang masabi dahil sa nangyari. Kitang kita din nila kung anong nangyari kay James.
Dinaan ito sa harap nila kanina. Naka sakay ito sa stretcher, buhat buhat ng mga medics at duguan.
Napalapit narin naman kasi si James sa kanila kaya hindi nila maiwasang hindi matakot sa mangyayari sa kaibigan.
**
Naihatid na si Aaron at inabot sa kanya ang susi. Dumiretso na sila Aldrin sa hospital.
Agad siyang pumasok sa kwarto ni Theo. Ipinatong niya ang kwintas ni Theo sa ibabaw ng drawer.
Nag hubad siya ng damit at kinuha ang twalyang gamit.
Hubo't hubad siyang nag lakad mula sa kwarto pababa ng kusina. Hindi na niya tinapis pa ang twalya.
Malaya niyang binuyangyang ang kanyang kargada at matambok na pwet. Uminom siya ng tubig at dumiretso sa banyo para maligo.
Tinutok niya ang hubad na katawan sa ilalim ng shower. Dinama niya ang lamig at pumikit.
Napahawak nalang siya sa pader at napayuko kung saan hindi niya napigilan ang sariling maiyak nalang.
Doon binuhos niya lahat ng sakit ng dibdib niya, kailangan niyang gawin ito para tumibay pa.
Pakiramdam niya ay ginawa na niyang lahat para maprotektahan si Theo pero bakit parang kulang pa.
Tapos ngayon ay nasa critikal na condisyon pa si James na hindi niya alam kung ano nang nangyari dito.
Nag sabon at banlaw si Aaron, nag punas at lumabas ng banyo.
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya pag labas ng banyo. Sinampay niya muli ang twalya sa kanyang balikat at umakyat sa kwarto ni Theo.
Doon nag bihis siya at mabilis na nag book ng grab, para pumunta sa hospital.
Nang dumating na ang binooked niyang grab ay sumakay siyang agad at umalis.
Sa kanyang pag alis ay saktong may pumaradang isang sports car na pula.
Lulan ito ni Theo at ni Reev. Mabilis na bumaba si Theo at Reev.
Nag doorbell siya ng nag doorbell pero walang lumalabas sa bahay.
Tumawag narin siya at wala ding sumagot sa kanya. "Bakit walang tao?" ang tanong ni Theo.
"hmhm.. Baka nasa hospital silang lahat" ang sabi ni Reev.
"shit.. Hindi ko alam kung saang hospital sila" ang sabi ni Theo.
"Sumakay kana Theo, alam ko kung saang hospital sila" ang sabi ni Reev na tumango nalang si Theo at sumakay.
Pagkasara ng pinto ay humarurot agad ang pulang sasakyan.
**
Habang nasa byahe palang sila Noah ay tinawagan na niya agad si William at sinabing papunta na sila sa hospital at doon nalang sasabihin lahat.
Nang makarating sila agad sa hospital ay hinati nila ang grupo.. Dumiretso agad si Daryll at Marco sa front desk para tanungin si James.
Dumiretso naman si Aldrin at Noah sa kwarto ng ama at doon nasalubong nila si William na naghihintay sa kanila.
Saktong pagdating nila ay bumukas ang pinto at lumabas naman si Luke.
"Tito naka tulog na po ang kapatid nyo" ang sabi ni Luke. Nagulat siya at nakita agad si Noah na pagod na pagod kaya nilapitan niya agad ito at niyakap.
Nag dugpa din ang kanilang mga labi at mabilis na tinanong ni William kung anong nangyari.
Napa buntong hininga nalang si Noah at Aldrin at nagsimula ng mag kwento sa dalawa.
Sobrang gulat na gulat si Luke at William na medyo mangiyak ngiyak dahil nalaman na nila ang lahat.
Pumasok sila sa kwarto ni Adam at doon nag usap kung anong susunod na plano.
Habang sila Marco at Daryll ay naka upo sa tabi ng emergency room at katabi na nila ang mama ni James.
Walang mapaglagyan ng sobrang kalungkutan ang nanay ni James. Hindi niya inaasahan na mangyayari sa anak niya ito.
Pero inakbayan naman siya ni Marco at Daryll para bigyan ng lakas ng loob. Habang nakaupo sila ay lumabas na ang doktor na gumawa ng operasyon.
Tumayo silang tatlo at hinarap ang doktor. "Doc kamusta po ang anak ko, naalis nyo po ba ang bala sa katawan niya, doc kamusta po si James.." ang tanong ng ina.
"well mother, mukang malakas po ata ang anak nyo sa itaas at naka survive po siya.. Makaka hinga na po kayo ng maluwag dahil lumaban po talaga ang anak ninyo sa kamatayan" ang sabi ng doctor.
Naiyak ang ina nito at napayakap kay Daryll at Marco. Sobrang saya ng ina ni James.
"Sige po ma'am, aayusin ko lang po ang pag transfer niya sa recovery room" ang sabi ng doctor at umalis na ito.
Nakahinga ng maluwag ang magpinsang si Daryll at Marco. "sige na mga iho, puntahan nyo na si Adam at ako na ang bahala dito."
"insan mauna kana doon kay tito, ako na bahala dito kay James" ang sabi ni Marco at naiwan na ito kasama ang nanay ni James.
"sige insan.. Balitaan nalang tayo ahh" ang sabi ni Daryll.
**
Nag punta na si Daryll sa kwarto ng kanyang ama, habang nag lalakad ito ay nakita niya na nasa labas sila Noah, Aldrin, William at Luke.
"Kamusta na si James?" ang tanong nilang lahat ng makita si Daryll.
"ok na siya kuya, nakaligtas siya sa kamatayan sabi ng doctor. Sa recovery room na daw siya next" ang sabi ni Daryll.
Napabuntong hininga silang lahat dahil akala nila ay mawawala na si James. "Isa nga daw himala ito" ang sabi ni Daryll.
"Parang hindi pa niya time talaga" ang sabi ni Luke.
"Isa nalang ang problema natin, si Theo nalang talaga" ang sabi ni William sa mga pamangkin.
"Oo nga po ehh" ang sabi naman ni Aldrin na napatingin sa malayo at napansin ang kanyang kuya na naka yuko at papalapit sa kanila.
"Kawawa naman si kuya" ang sabi ni Aldrin at napa tingin lahat sila sa paparating na Aaron.
"Ooh ganyan ang muka mo" ang sabi ni Noah.
Ngumiti naman ng konti ito pero bakas parin sa muka niya ang lungkot at may konting maga ang mata.
"hindi kami sanay kuya.. Ngiti naman dyan" ang sabi ni Daryll.
"Hirap ngumiti ehh.. Hayyy!" ang sabi ni Aaron.
"Wag kang mawalan ng pag asa.. Wag tayo mawawalan ng pag asa, makikita din natin ang kapatid mo. Tska isipin nyo din ang kuya Adam" ang sabi ni William na binibigyan niya ng lakas ng loob ang lahat.
**
"hanggang dito nalang ako Theo" ang sabi ni Reev kay Theo na ngayon ay nasa loob parin sila ng sasakyan.
"hmhmm.. Ikaw?.. Mas gusto ko sumama ka para mapakilala kita at masabi kong ikaw at ang kapatid mong si Evan ang nagligtas sa akin" ang sabi ni Theo.
"Theo, sorry pero hospital kasi to" ang sabi ni Reev.
"takot ka sa hospital?" ang tanong ni Theo na natatawa.
"No! I mean.. Madami lang kasing cctv dito.. Alam mo naman diba.. Kaya sorry talaga kung hindi kita masasamahan" ang sabi ni Reev.
"So this is good bye na pala?" ang tanong ni Theo na biglang nalungkot.
Huminga ng malalim si Reev at sabing "hindi ko man gustong sabihin pero Oo.. This is good bye na, nagawa ko na ung gusto ng daddy mo" ang sabi ni Reev na mukang malungkot.
Tinignan ni Theo sa mga mata si Reev, tinandaan niya ang mukang ito dahil ayaw niyang malimutna ang gwapong muka ng lalakeng tumulong sa kanya.
Hinawakan ni Theo ito sa pisngi at tinapik tapik. "don't say goodbye.. Just say, see you soon.. Ok?!"
Ngumiti si Reev at sabing "ok! See you soon Theo" ang sabi ni Reev. Hinawakan din niya ito sa pisngi at tinapik tapik din.
Binigyan nila ng isang matatamis na ngiti ang isa't isa. Hanggang sa bumaba na si Theo.
Pagkasara ng pinto ay binaba ni Reev ang bintana at sabing "see you soon Theo!"
"yes! See you soon Reev! Regards kay Evan.. Pasabi Thank you!" ang sabi ni Theo at kumaway.
"Wait Theo! Para pala sa tatay mo" ang sabi ni Reev na hindi maintindihan ni Theo ang ibig sabihin nito.
"Ano??!" Ang sabi ni Theo na naka tingin parin kay Reev.
Hindi namalayan ni Theo na inabot ni Reev ang isang bag mula sa likod at nilabas pabato kay Theo. Nasalo agad ni Theo ito at biglang sabi ni Reev.
"See youuuuuu!" Sabay harurot ng sasakyan.
Gulat na gulat si Theo sa nangyari at napa iling nalang. Sinilip niya ang bag at eto ung bag na puno ng pera.
Sinara niya agad ito at mabilis nag lakad papasok ng hospital. Sobrang dinikit niya talaga sa katawan ang bag na binato sa kanya ni Reev.
"baliw ka talaga Reev.. Paano ko sasabihin kay tatay ito.. Na ung dumukot sakin sila pa ung nag bigay ng pera." Ang sabi ni Theo habang nag lalakad.
Pumunta siya sa front desk para itanong ang kanyang ama. Hindi pa siya hinaharap ng nurse ng mapalingon siya at nakita ang nanay ni James.
Agad niyang nilapitan ito at tinawag na tita.
Sobrang gulat na gulat ang ina ni James dahil nasa harap niya si Theo na ang alam niya ay dinukot.
Sinabi naman niya na mahabang kwento pero ang mahalaga ay naka uwi na siya.
Pero si Theo ang nagulat dahil sinabi sa kanya na ang kaibigan niya ay nasa recovery room na, dahil nabaril.
Sinabi din sa kanya na ang dahilan ng pagkakabaril ni James ay dahil ililigtas sana siya sa mansyon. Pero hindi nga siya nakita doon at nalagay pa sa alanganin ang buhay ng kanyang boyfriend.
Gustong makita ni Theo si James kaya naman dinala siya doon ng ina ng nobyo.
Nang makapasok na ito sa kwarto nagsalita agad ang mama ni James at sabing "kaka labas lang ng pinsan mo dito.. Mukang close talaga sila ni James dahil nag paiwan pa ito sa mga kuya mo"
"sino pong pinsan" ang tanong ni Theo habang papalapit sa tulog na si James. Kita niyang naka benda ang dibdib nito.
"Si Marco" ang sabi sa kanya.
"Si kuya Marco po?" ang pag lilinaw na tanong ni Theo.
"Oo, ung anak ni William.. Hindi naman ako tutol sa relasyon nila ehh.. Ngayon ko napagtanto na mas mahalaga sakin ang anak ko.. Kahit sino pa ang maging nobyo niya ay suportado lang ako" ang sabi nito kay Theo.
Tila nagulat at naguluhan si Theo sa narinig mula sa ina ni James. Meron bang relasyon si Marco at James.
Tinignan parin niyang may awa ang nobyo kahit naguguluhan na siya. Kaya lumabas nalang siya, sa pag bukas niya ng pinto ay nagkasalubong sila ni Marco.
"T-theo???!!" Ang napalakas na sigaw ni Marco.
Mabilis siyang lumapit at yumakap dito. Niyakap din siya ni Theo at sunod sunod na ang tanong Marco sa kanya.
Ganoon din naman si Theo, hanggang sa hindi nila inaasahang magigising bigla si James.
"Theo?" Hirap na sabi ni James. Hindi inakala ni James na mabubuhay pa siya, tumulo agad ang luha niya at nag pasalamat sa diyos.
Nilapitan agad siya ni Theo at Marco. Aalis na sana si Marco para tumawag ng doctor pero pinigilan siya ni James.
"kuya, sabihin mo na" ang hirap na sabi ni James kay Marco.
Napa iling si Marco na mukang ayaw sabihin ang tinutuloy ni James.
Hindi alam ni Theo ang mararamdaman, dahil pakiramdam niya ay pinagtataksilan siya ng nobyo at ng pinsan nito.
Marami na ang bagay na sumagi sa isip ni Theo, naguguluhan narin siya kaya naman nagsalita na siya at sabing.
"kuya Marco, sabihin nyo na sa akin. Wag na tayong mag lokohan pa.. Alam ko na, may relasyon kayo ni James at niloko nyo lang ako.. Tama diba? Sabihin ninyo.. Tama ako.. Katulad ng mama mo James, sabi niya kanina na handa siyang tanggapin ka pero bakit si kuya Marco pa talaga" ang malungkot at naiiyak na sabi ni Theo sa dalawa.
Tila natulala si Marco at James sa sinabi ni Theo.
Pero natawa lang si Marco at napapikit si James dahil nag pipigil din ng tawa.
"ooh hindi kayo makasagot at tinatawanan nyo lang ako.. Ano ba!" ang sabi ni Theo.
"Sabihin mo na kasi kuya" ang sabi ni James na hirap parin mag salita.
"oo na eto na, makinig ka Theo.. Ikaw James tumahimik ka din baka bumuka yang tama ng baril mo" ang sabi ni Marco sa pinsan at kay James.
**
"Una! Hindi kami ni James at wala kaming relasyon! Malinaw!"
"Pangalawa.." ang sabi ni Marco na natigilan.
Pero tinignan siya ni James at tumango lang. Ngumiti lang si James kay Theo.
"Pangalawa.. Theo makinig ka, mahal na mahal ka ni James pero.." ang sabi ni Marco.
"Pero ano!" Pero ano .. Mas mahal ka nya kuya?" ang sabi ni Theo na naiinis na.
Nilapitan siya ni Marco at biglang sinapok na ikinagulat ni Theo.
"Patapusin mo muna kasi ako.. Kakasabi nga lang na hindi kami ehhh" ang sabi ni Marco.
"sorry.. Ooh ano na?" ang sabi ni Theo.
"Mahal na mahal ka ni James pero nakikita kasi niya na hindi ka masaya sa kanya.. Hindi niya nakikita ang halaga niya bilang isang boyfriend mo daw.. Mas gusto niyang ibalik sa dati ang pagkakaibigan ninyo" ang paliwanag ni Marco na pagkarinig ni Theo ay napalapit agad ito kay James at naiyak nalang basta.
Hindi matanggap ni Theo na naririnig niya lahat iyon. Hinawakan niya sa kamay si James at nag tanong ng "bakit? At bakit ikaw ang nag sasabi nyan hindi si James.."
"anong problema sa akin, James.. Sabihin mo" ang tanong ni Theo.
Pinilit magsalita ni James at sabing "walang problema sayo, Theo.. Pero nababasa ko ang nasa puso mo.. Hindi ako ang laman nyan.. Hindi ako ang sinisigaw nyan.. Hindi ako ang gustong makita at makasama nyan bess" ang sabi ni James, pinilit niya magsalita kahit nahihirapan.
Pero mas mahirap kay James ang tawaging bess muli, ang taong minahal niya.
Ang taong kumumpleto ng pagkatao niya. Ang taong tumanggap sa kanya.
Napahigpit ang hawak ni Theo kay James at tila sobrang sakit ng mga naririnig niya ngayon kay James.
"James naman ehhh" ang sabi ni Theo at hindi na napigilan ang pagluha nito.
"Shhhh. Shhhh.. Hindi mo kailangan umiyak bess.. Alam ko hindi ako ang karapatdapat.. Dahil alam ko kung sino ang talagang nilalaman niyan. Kahit hindi mo sabihin sa akin.. Kahit ipilit mong hindi siya, iba parin ang sinisigaw ng puso mo.
Dinig na dinig ko ang pangalan ni kuya Aaron.. Si kuya Aaron ang tinitibok ng puso mo Theo." Ang sabi ni James at hindi na talaga niya mapigilan ang pag luha.
Bumagsak na ang mga luha sa gwapong muka ni James at pahikbing nag pipigil.
Pinapaubaya na niya ang taong mahal niya. Ang taong nag bigay ngiti sa bawat araw na kasama niya ito.
Masakit sa dibdib ni James ang pakawalan ang taong akala niya ang makakasama niya sa pagtanda.
Tila tumigil silang tatlo at walang nagsasalita. Iyak at hikbi lang ang naririnig kay Theo at James.
Maiyak iyak narin si Marco dahil alam niya kung gaano kamahal ni James si Theo.
**
Natapos ang usapan nila at maga ang mata nilang tatlo. Hindi nila naikwento ang nangyari kaninang umaga sa mansyon kaya hahayaan nlng nila James at Marco na sila Noah ang mag kwento ng pangyayari kanina sa kanilang bunsong kapatid.
Naayos na ni Theo at James ang kanilang relasyon at bumalik sila sa pagiging mag kaibigan.
Natawa din sila sa inakala ng nanay ni James na mag nobyo sila ni Marco. Ang totoo lang talaga ay mabait lang talaga si Marco kay James.
Nangako naman sa isa't isa na walang magbabago sa pagitan ni Theo at James.
Hindi narin kasi kaya ni James lokohin si Theo dahil sa mga pa sideline niyang pakikipag sex kanila Alfred.
Isa si Marco sa naka alam dahil nahuli niya itong si James at Alfred na nag hahalikan. Kaya kinausap ni Marco si James.
Nangako si James sa nakakatandang pinsan nung gabing iyon na itatama niya lahat ng kanyang kamalian kapag nakita na nila muli si Theo.
Nakiusap si James kay Marco na simulan ang pagbubukas ng topic at tatapusin ni James ito. Kaya eto na ang nangyari at nagkahiwalay sila.
Para sa ikakabuti ng isa't isa.
**
Lumabas si Theo sa kwarto na tulala dahil tama si James sa sinabi nito sa kanya.
"Totoo bang si Aaron talaga ang tinitibok ng puso niya"
"Totoo bang matagal na siyang in denial sa nararamdaman niya at sa sarili ay nagsisinungaling"
Sa pasilyo kung saan ang kwarto ni Adam. Doon nag lalakad si Theo at hinahanap ang room number ng ama.
Tila mahaba haba pa ito. Pero ang hindi inaasahan ay ..
**
"labas muna ako Noah, papahangin lang" ang malungkot na sabi ni Aaron.
Tumango lang si Noah at tinignan lang siya ni Daryll.
Kakatapos lang kasi nilang ikwento kay Adam ang lahat, nagising na kasi ito ng nakaka usap na ng maayos.
Kahit siya ay hindi niya matanggap na wala pa ang kanyang bunso. Wala na silang lead kung paano mahahanap ang anak.
Mas nalungkot siya ng sabihin nila Noah kung anong uri ng sindikato sila Reevan.
Sumagi narin sa isip nila na baka sinama na ito sa mga delivery papuntang ibang bansa para maging sex slave.
Doon sobrang nalungkot si Aaron kaya nag desisyon muna siyang lumanghap ng hangin at hindi niya matanggap ang lahat.
Pagka labas ng kwarto ay nakita niya ang vending machine na nilapitan niya para bumili ng juice.
Nang lumabas na ang isang lata ng pineapple juice ay umupo siya sa gilid at doon sumandal habang naka tingin sa kisame.
Walang laman ang isip ngayon ni Aaron kung hindi si Theo lang.
Nakapa niya ang cellphone niya sa bulsa at kinuha ito. Mabilis na pinindot at hinanap ang paborito niyang pinapanood na video.
Pinapanood niya ang bawat tawa at kulitan nilang dalawa ni Theo sa cellphone.
Eto nalang palagi ang kanyang pinapanood simula noong nagpunta siya sa probinsya hanggang ngayon sa maynila.
Malungkot parin siya kahit napapanood niya ito.
**
Hindi inaasahan ni Theo na makikita niya si Aaron na naka upo sa upuan at parang may pinapanood.
Napagalaman na din naman niya kanina kanila James at Marco na umuwi din ang magkapatid para hanapin siya.
Kita niya sa mga mata ng kuya Aaron niya ang lungkot at hindi inaasahang pagtulo ng luha nito. Nakita din niya na mabilis pinahid ni Aaron ang tubig sa pisngi.
Dahan dahan siyang lumapit, pero hindi parin tumitingala si Aaron.
Ibang ang bilis ng tibok ng puso niya.. Heto na ata ang sinasabi ni James sa kanya. Kapag si Aaron ang kanyang makikita ay nag iiba siya.
Parang bumabagal ang mundo nito kapag nakikita niya si Aaron.
Kahit sa side view ay napaka gwapo at bruskong tignan ni Aaron.
Lumapit pa siya hanggang sa hindi na siya nakapag salita.
Walang pakielam si Aaron kung makita man siya ng mga tao.
Wala siyang pakielam kung anong sasabihin ng mga makaka kita sa kanyang umiiyak na.
Hindi na niya talaga mapigilan ang nararamdaman.
Dahil akala niya ay naubos na niya sa banyo lahat ng luha ay nagkakamali pala siya.
Pumapatak na ang luha niya sa screen ng cellphone.
Pinapanood niya ang taong mahal niyang nawalay ngayon sa kanya.
Naka lapit na si Theo sa gilid ni Aaron.
Walang pakielam si Aaron kung may taong naka tayo sa gilid niya.
Naramdaman nalang ni Aaron na tumabi sa kanya ang taong naka tayo sa gilid niya kanina. Wala siyang pag usog na ginawa.
Dama ni Theo ang lungkot ngayong katabi na niya ang lalakeng gusto niya.
Tinignan niya ang screen at muka niya ang nandoon. Muka niyang puno ng icing.
Tanda niya ang video na iyon, ang gabing nag haharutan silang dalawa ng kuya Aaron niya.
Ung gabing masaya pa ang lahat ng bagay sa pamilya nila.
Biglang pinatong ni Theo ang kamay sa balikat ni Aaron.
Nagulat si Aaron dahil bigla na lang siya inakbayan ng lalakeng katabi niya.
Mabilis na pinatay ni Aaron ang cellphone, nakaramdam siya ng pagkailang at lumingon sa taong naka hawak sa kanyang balikat.
Pagkalingon niya ay gulat na gulat siya.
Sobrang nanlamig ang katawan ni Aaron ng makita niya ang lalakeng nasa tabi na niya.
"Kuya" ang sabi lng ni Theo at maging siya ay naiyak na din. Mabilis gumulong ang luha sa kanyang pisngi.
"Te-theo?" Ang nasabi lang ni Aaron at hinawakan niya sa magkabilanhg balikat at tinanong ulit "ikaw ba yan Theo?"
"Totoo ba itong nakikita ko?" Ang sabi ni Aaron na pumapatak ang luha.
Ngumiti na naiiyak si Theo at sabing "ako nga kuya.. Ako nga"
"akala ko hindi na kita makikita!" ang nasabi lang ni Aaron sabay yakap ng mahigpit dito.
Yumakap din si Theo ng mahigpit at sabing "alam ko na ang nangyari kuya.. Buti nalang talaga may tumulong sakin maka takas.." ang sabi ni Theo habang umiiyak.
"shhh.. Shhh.. Wag kana umiyak, hindi ko na hahayaang mawala kapa sakin.. Samin Theo" ang sabi ni Aaron. Habang pinapahid ang luha ni Theo.
Na maging siya ay nag pahid din ng luha.
"Paano.. Salamat naman.. Asan siya gusto ko siyang pasalamatan" ang sabi ni Aaron.
"umalis na siya kuya at hindi ko na alam kung kailan pa siya babalik.. " ang sabi ni Theo.
Niyakap muli ni Aaron ito at sabing "nag alala talaga kami sayo.. Tara pumasok tayo .. Good news to" ang sabi ni Aaron na tuwang tuwa.
Tumango si Theo dahil excited narin naman niya makita ang lahat.
Excited na siyang mag kwento sa mga nangyari at gusto narin niya malaman ang lahat, lalu na ang nangyari sa kanyang tatay.
**
Tahimik ang lahat sa kwarto.. Dahan dahan binuksan ni Aaron ang pintuan. Paalis na sana sila Aldrin, Daryll at William.
"Ooh Aaron mauuna na kami ahh kayo muna bahala dito" ang sabi ni William.
"Saglit lang po may gusto po akong sabihin sa inyo" ang sabi ni Aaron.
Nagtaka naman ang lahat kaya nag hintay sa sasabihin. Nag abang ang lahat, maging si Adam na naka upo.
"Ano iyon kuya?" ang tanong agad ni Aldrin.
Lumapit si Aaron sa pintuan at pinapasok ang taong kinasasabikan talaga nilang makita.
Pag pasok na pag pasok palang ay nakita na agad ni ni Noah at Daryll ang bunsong kapatid.
Mabilis na tumayo si Noah, Daryll at lumapit silang dalawa para salubungin ng mahigpit na yakap ang bunso.
Kitang kita sa muka ng magkakapatid ang ligaya na hindi mapapantayan. Hindi man maka tayo si Adam sa kama pero dama niya din ang tuwa.
Pumatak nlng ang luha nilang lahat dahil ngayon ay nasa harap na nila si Theo, buo at walang kahit anong galos.
Inakbayan naman ni Aldrin si Aaron at bumulong.. "kuya, sinabi mo na ba?"
Mabilis na siniko ni Aaron ito at sinagot "sira.. Wag tayong agaw eksena"
Ngumisi ngisi lang si Aldrin at habang pinapanood ang mag kakapatid. Na ngayon ay papalapit si Theo sa ama at binigyan niya ng sobrang higpit na yakap ito.
Walang salitang lumabas sa kanilang mga bibig. Nag pakiramdaman lang ang mga ito at dinama ang bawat minutong magkakasama sila.
Binasag ni William ang pagyayakapan nila Adam at Theo. Na sinabing "pamangkin, masaya kami at nandito kana.. Alam narin namin ang kwento nila Noah.. alam mo na ba ang nangyari kay James? Anong nangyari sa iyo?"
Tumingin si Theo sa lahat at sabing "opo alam ko na po ang nangyari kay James at nanggaling na ako sa kanya.. Bago ako pumunta po dito.." Ang sabi ni Theo.
Binigyan siya ng upuan ni Aldrin at umupo sa tabi ni Adam. Kinandong niya ang bag na puno ng pera at nagsimulang mag kwento mula sa umpisa.
Habang lahat sila ay nakinig.. Siniwalat niya lahat ang kabutihang natanggap niya sa magkapatid. Kinwento niya lahat lahat sa kanila at bilib na bilib sila sa magkapatid.
Sinabi niya lahat lahat ito, pero hindi niya lang sinabi ay ang bag na hawak niya.
**
Natapos ang pagsasaad ng kwento ni Theo at ngayon ay nalinawan na ang lahat. Masayang masaya ang lahat. Lalu na si Aaron na pinag mamasdan at hindi niya maialis ang mga tingin kay Theo.
Gusto niyang memoryahin ang gwapong muka ni Theo at hindi ito malimutan.
**
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment