Saturday, November 28, 2020

MFUaHD Book 2 - Chapter 12

 


NARRATOR:

"Anak! Sa sala! kayong dalawa.. Dalian ninyo" ang pasigaw nito.

Mabilis na tumayo ang mag pinsan at pumunta sa sala, kung saan inabutan nila si Miro at Anton na naghihintay.

Kabadong bumaba si Ace at Matthew at kita nga nilang naka simangot ang kanilang mga daddy. Tahimik na umupo ang dalawa at si Ace ay naka lagay ang dalawang kamay sa harap para ikubli ang kanyang katigasan na hindi parin humuhupa. Pagkaupo niya ay agad kumuha ng trow pillow para takpan ito.

FLASHBACK 2 hours ago..

"Ganito kasi bro.. Paano ko ba sasabihin ito hmmmm," ang sabi ni Ace na parang nag iisip pa kung paano ito sasabihin. "What! Shit bro! Sabihin mo na ang tagal oooh," ang sabi ni Matthew na natatawa na naiinis dahil alam niya at tama talaga siyang may tinatago ito.

"Oo na, heto na bro.. Ahhh ano kasi ehh.. Ahhh may nangyayari na sa amin ni Justin," ang sabi ni Ace na kinakabahan. Nanlaki ang mata ni Matthew at sabing "Fuck! Nag ssex kayo ni Justin??!!" ang napalakas na sabi ni Matthew dahil sa gulat.

"Paano! Shit kwento! Sabi ko na ehh.. Kilala kita you badboy! Fucking dog!" ang sabi ni Matthew na na excite sa kwento ni Ace.

"After nitong breakfast natin bro.. Kain muna ahh.. Gutom ako ehhh, kagabi pa ako hindi kumakain ehh.. Hehehe ako kasi ung kinain ehhh," ang malokong sabi ni Ace sa pinsan kaya hindi nakatiis si Matthew at binato niya ang pinsan ng isang orange mula sa lamesa at sabing "pervert ka talaga!sige sige, bilisan mo dyan," ang sagot ni Matthew sa pinsan.

Sa kanilang pag uusap ay hindi nila alam na maririnig pala ito ni Miro, ang ama ni Matthew. Dinig na dinig lahat ni Miro ito dahil nasa gilid lang siya at hindi na tumuloy para kumuha ng maiinom.

Bumalik siya sa kinauupuan at hinahanap sa kanya ang tubig na pinakuha ni Anton. Pero natulala lang ito at umupo. "Huy! Para kang nakakita ng multo dyan!" ang sabi ni Anton sa kapatid.

"Narinig ko ung mga bata " ang sabi ni Miro kay Anton at sinabi na niya ang narinig mula sa pamangkin.

PRESENT // NARRATOR:

"Ano po un pa? Tito?" ang tanong agad ni Ace, sa dalawang lalake na naka upo sa sala. "bakit , may surprise po ba kayo samin, hehehe" ang pabiro ni Matthew pero sobrang awkward talaga dahil walang tumawa o ngumiti.

"Mamaya kana mag salita anak," ang sabi ni Miro sa anak. "Ikaw Ace, may gusto ka bang aminin sa akin," ang tanong ni Anton sa anak na nagpakaba sa dalawang binata. "Ano pong sinasabi nyo pa?" ang sabi ni Ace na kabado.

"Narinig kayo ng tito mo, narinig niya ung kinekwento mo sa pinsan mo," ang pagtaas na boses ni Anton sa anak. "Pa?" ang sabat ni Matthew. "Narinig ko lang kayo ng hindi sinasadya," ang sagot naman ni Miro sa anak.

"SABIHIN MO NGA TOTOO BA YUN?!" ang pasigaw ni Anton na nadala sa emosyon.

Natigilan ang dalawang binata sa harap ng kanilang ama at tumayo si Ace at sabing "basta kung ano man ang namamagitan samin ni Justin, sa amin na lang yun!" ang pagalit nitong sabi sa ama at sabay alis, mabilis na lumabas ng bahay.

"Ace! Ace! Bumalik na dito!" ang pasigaw na habol naman ni Anton sa anak. "Sundan ko lang siya pa," ang sabi agad ni Matthew at lumabas din ng bahay para habulin ang pinsan.

"Bro naman kasi bakit tumaas ang boses mo sa anak mo, akala ko naman ayos lang sayo yun.." ang sabi ni Miro sa kapatid.

Tumingin si Anton kay Miro at sabing "nadala ata ako sa pag sigaw ko, pero ayos lang naman talaga sa akin," ang sabi ni Anton na natatawa na hindi niya alam kung bakit siya napasigaw ng ganoon.

"Dinaig mo pa ako loko!" ang sabi ni Miro sabay lakad papunta sa labas para habulin ang anak at pamangkin.

"Ahahahaha! Tara na nga at hanapin natin ung mga un, para makapag sorry ako," ang sabi ni Anton sa kapatid at lumabas na sila ni Miro.

"Bro! Ace! Tigil muna.. Ahhh ahhhh.. Bilis mo tumakbo.. Ahhh ahhhh woooh," ang sabi ni Matthew na hingal na hingal at inabutan si Ace. Tumigil sila sa park ng village at doon umupo ng tahimik sa swing. May hingal din si Ace na tinabihan naman ni Matthew.

"Insan.. Uy!" ang sabi ni Matthew na nakatingin parin sa tahimik na si Ace at may luhang lumabas na lang sa kanyang mga mata. Tila naawa si Matthew sa pinsan at hindi nito inaasahan sa tito Anton niya na bubungad sa pinsan niya ang malakas na sigaw.

Ni hindi man lang pinag explain ang anak nito. Kaya hinintay lang niya mag salita si Ace at pinanood lang niya itong magpunas ng luha.

"Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko insan," ang sabi ni Ace ng makapag pahinga na siya, tapos na siyang tumangis at naka harap na siya ngayon sa pinsan at nag sisimulang mag duyan sa kinauupuan.

"Ikaw naman kasi, agad agad kang umalis ehh.. Sana nag explain ka talaga sa part mo.. feeling ko naman maiintindihan ka ng papa mo. Pero ako malabong mangyari un," ang sabi ni Matthew na nag umpisa na din mag duyan sa swing na kinauupuan.

"Hindi ako pakikinggan ni papa," ang sabi ni Ace at napatingin na lang sa kalangitan.

"Sinong nag sabi sayo?" ang boses na nanggaling sa kanilang likuran. Si Anton ito at kasama si Miro.

Nagulat ang dalawang binata at nakita nila ang mga ama nila. "Pa?!" ang sab ni Ace at huminto sa pag duduyan, tumayo at akmang aalis na sana. "Anak, sorry!" ang malumanay na sabi ni Anton.

"Nak tara doon muna tayo," ang sabi naman ni Miro at tumayo agad si Matthew, nag lakad sila palayo sa swing at umupo naman sa bandang slide. Si Anton ang pumalit kay Matthew at doon nag usap ng masinsinan si Ace at Anton.

Natapos ang pag uusap ni Ace at Anton pero hindi pa rin tapos mag usap si Matthew at Miro. Lumapit na mag ka akbay si Anton at Ace may malaking ngiti sa kanilang dalawa.

Nang makita ni Ace ang pinsan na si Matthew, kita niya itong maga ang mata. Tahimik at naka simangot naman si Miro. "Oh anong meron?" ang sabi ni Ace.

"Ok na kami, pero anong nangyari sa inyo?" ang tanong naman ni Anton sa kapatid. "Tara na!" ang sabi ni Miro at umalis ito pauwi ng bahay. Sumunod naman si Anton sa kapatid at napailing na lang.

Sinamahan naman ni Ace si Matthew at hindi sila umalis ng kinauupuan. Hinayaan lang niya sila Anton na habulin ang tito. "Anong nangyari bro? Ok na kami ni papa pero kayo naman ang hindi.. Bilis ahhhh," ang sabi naman ni Ace sa pinsan.

"Tinanong ako ni papa, tinanong ako kung may nililigawan na ako, sinabi ko si Ray, Hindi siya makapaniwala, akala niya daw ay mag kaibigan lang talaga kami at ganoon lang mag usap," ang sabi ni Matthew.

"Anong sabi niya?" ang tanong ni Ace na seryoso ang muka. "Tigilan ko daw ung kahibangan ko at layuan na si Ray habang maaga pa," ang sabi ni Matthew. "Pinag tanggol ko ung nararamdaman ko, sinabi mo mahal ko na si Ray pero nagalit lang siya at sinabing kung ayaw kong tigilan si Ray ay isipin ko na lang daw na hindi niya ako anak." ang segundang sabi ni Matthew.

"Kaya pala umiyak ka," ang sabi ni Ace sabay akbay sa pinsan.. "Wala na akong nagawa ehh, kundi umiyak sa sinabi ni papa," ang sabi ni Matthew at nag salumbaba na lang siya.

"Mahirap nga ung sinasabi niya? Anong gagawin mo nyan?" ang tanong ni Ace. "Hindi ko alam, bata pa lang ako at nag aaral lang, si papa parin ang nag papa aral sa akin," ang sabi ni Matthew.

"Kapag sinuway mo siya, baka ganun na nga ang magyari.. Hayaan mo bro kakausapin ko si papa," ang sabi ni Ace sa pinsan.

"Salamat at nandyan ka bro!" ang sabi ni Matthew sa pinsan.

***

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at sinabi mo yun kay Matthew, hindi ko yatang kayang sabihin sa anak ko yun," ang sabi ni Anton sa kapatid habang pumapasok sila sa bahay.

"Kung ikaw hindi, pero ako oo!." ang sabi ni Miro. "Tapos itatakwil mo talaga ang anak mo kapag hindi ka sinunod?" ang naiinis na tanong ni Anton dito.

"Yun ang napagkasunduan namin.. Kaya pagsabihan mo yang pamangkin mo." ang sabi ni Miro sa kapatid..

"Hindi ko gagawin un, hindi ko pagsasabihan ang anak mo.. lalabas akong unfair kung gagawin ko iyon, dahil nag usap kami ni Ace at pinayuhan ko siyang sundin kung ano ang nararamdaman niya.. Dapat ganoon ka din, dahil nandito lang tayo para gumabay sa kanila at iparamdam na tanggap natin sila kung ano pa sila"

"Kaya hindi kayo nagtagal ni Raymond dahil mas inisip mo pa ung sinasabi ng iba.. Dyan kana nga at sana pag isipan mo ung sinabi ko sayo.. Sana maisip mo din ang kaligayahan ng anak mo." ang mahabang sermon ni Anton sa kapatid na si Miro at pumasok na ito sa kwarto dahil sa inis.

Walang nasagot si Miro sa sinabi ng kapatid, umupo lang siya sa sala, inisip ang sinabi ni Anton at inalala ang sinabi niya kay Miro. Tahimik lang siyang naka upo ng bumukas ang pinto at pumasok si Matthew at Ace. Dirediretso lang silang lumakad na parang walang nakita sa sala. Hindi nila pinansin si Miro na nasa sala.

***

"Asan na ung dalawa Justin ang tagal naman nila?" ang tanong ni Junior habang nag hihintay sa mag pinsan. "Ewan ko ba doon, 10 minutes late na sila," ang sabi naman ni Justin sa kaibigan.

Nakaupo lang ang magkaibigan sa waiting shed at nag hihintay kay Matthew at Ace. Ilang minuto pa ang dumaan at dumating si Ace. "ohh tara na?" ang tanong ni Justin dito. "Asan pinsan mo?" ang tanong naman ni Junior sa bagong dating.

"Hmhmm.. Sorry Ray pero nauna na siya kanina ehhhh," ang sabi ni Ace kay Junior. "Ay ganoon ba, hindi man lang nag txt sa akin.. Pero sige na, tara na," ang sabi ni Junior na malungkot.

Walang kaalam alam itong si Junior na nag uumpisa nang umiwas si Matthew sa kanya dahil sa utos ng ama nito. Hindi na din ito nag ttxt kay Junior. Sa tuwing dumudungaw si Junior sa kanyang bintana ay walang Matthew itong naabutan.

Hindi kasi sila magkaklase kaya hindi talaga niya ito makita. Wala din practice ang drama club kaya wala din chance na mag kita sila. Ilang araw na din dumaan at tatlo na lang silang umuuwi at walang Matthew ang sumasabay sa kanila.

Araw ng biyernes ay hindi na talaga natiis ni Junior magtanong kay Ace. "Ace, tapatin mo nga ako.. Umiiwas ba sa akin ang pinsan mo?" ang tanong ni Junior. "Sabihin mo nga sakin Ace, totoo ba ung tanong ng kaibigan ko?" ang sabat naman ni Justin na hindi naitago ni Ace ang kanyang nararamdaman.

Kita sa muka ni Ace ang pagkalungkot habang sinasalaysay niya ang buong kwento, doon na din niya nasabi kay Justin na legal na silang dalawa kay Anton. Na speechless ang magkaibigan sa narinig. Tuwa ang nararamdaman ni Justin dahil hindi niya inakala na aamin si Ace sa ama at tanggap pa siya. Pero si Junior ay mangiyak ngiyak dahil sa ginagawa ngayon ni Matthew.

Wala naman siyang magagawa dahil, pag aaral ni Matthew ang naka sugal dito. Ayaw din naman niyang maging dahilan siya para matigil sa pag aaral ni Matthew. Mas ayaw niya na siya ang maging dahilan sa pag tatakwil ni Miro sa anak.

Buong byahe pauwi ay sobrang kalungkutan ang nararamdaman ni Junior. Hinatid ni Ace si Justin sa bahay nila at naglakad mag isa si Junior.

Madadaanan muna ang bahay nila Miro at Anton bago ang bahay nila. Binagalan naman niya ang paglalakad sa tapat ng bahay nila Matthew at naka tingin lang ito sa bahay.

Sa hindi niya inaasahan ay makikita niya si Matthew, naka tayo sa gilid ng bahay nila at may dalang isang basong juice na mukang nag mimiryenda ito at malalim ang iniisip. Tumigil siya sa pag lalakad at tinawag si Matthew.

"Psst! Matthew..." ang pasigaw niya sa binata. Napalingon agad si Matthew sa kanya at akmang lalakad papunta sa kanya. Bakas sa muka ni Matthew ang tuwa at pangungulila.

"Matt! Pumasok ka dito..." ang boses na nanggaling mula sa main door at doon naka tayo si Miro. Natigilan si Matthew sa pag lalakad at mabilis nawala ang ngiti sa labi.

Nakayukong pumasok ito sa loob ng bahay at sinara agad ni Miro ang pinto. "Tama nga si Ace," ang malungkot na sabi ni Junior sa sarili. Hindi niya inakala na ganoon pala si Miro talaga, may sungit na tinatago. Akala niyang madali itong pakisamahan dahil nakasama na nila ito kumain sa pizza parlor. Pero pagdating talaga sa anak niya ay mahigpit talaga ito dahil nagiisa lang ito.

Lumakad na lang pauwi si Junior at pumasok sa loob ng bahay. Wala pa ang kanyang ama at si Tommy naman ay may iniwang note sa mesa.

"Junior, labas lang ako kasama si tito Albie mo" ang nakasulat sa papel. Kaya umakyat na lang ng kwarto si Junior para mag bihis. Tapos ay bumaba ito para maghanap ng miryenda, nakita niya ang ice cream sa fridge at kinain ito doon sa sala habang nanonood ng tv.

Iniisip niya ang nangyari kanina sa bahay nila Matthew at nakakaramdam parin siya ng kalungkutan. Nakwento na din ni Ace kanina sa kanya kung anong meron sa kanila ni Justin at masaya naman siya sa kaibigan. Nakaramdam nga ito ng kaunting inggit sa dalawa.

"Mabuti pa talaga sila, pumayag si tito Anton.. For sure ako wala din naman tutol si tito Gerald," ang mahinang sabi ni Junior habang sumusubo ng isang kutsarang ice cream.

Naubos ni Junior ang isang tub ng ice cream at nakaramdam ito ng pananakit ng tyan, kaya mabilis siyang tumakbo sa banyo para ilabas ang sama ng tyan nito.

Saktong nasa banyo ito ng marinig niya ang kanyang cellphone na nag riring. Hindi ito makalabas kaya naman hinayaan na lang niya ito, may katagalan ang pag rring nito, hanggang sa tumigil na lang.

Nang matapos ito ay mabilis niyang sinilip ang cellphone at nakita ang pangalan ng kanyang Uncle Tommy, kaya naman agad siyang nag txt dito at tinanong kung bakit. Nang maisend na niya ito ay kinuha niya ang ice cream tub na walang laman at nilagay sa kusina.

Pag balik niya sa sala ay saktong bumukas ang main door at ang kanyang pagod na daddy ang pumasok.

"Daddy!" ang sabi nito sabay yakap kay Raymond. "Ohh nak! Musta!" ang nasabi lang ni Raymond at yumakap din ito.

"Saglit anak, medyo pawis si daddy ehhh," ang sabi ni Raymond. "Ok po dad, wala parin pala si uncle, pero tumatawag siya sa akin kanina ehh, hindi ko nasagot," ang sabi ni Junior sa ama.

"Sa akin siya sunod na tumawag, ma lalate daw siya umuwi, kasama niya ang tito Albie mo ehh" ang sabi ni Raymond sa anak at tinapik niya ito sa ulo. Binaba ni Raymond ang kanyang bag at nag alis ng damit, dahil nga pawis ito.

Umupo naman si Junior sa sofa at pinapanood ang amang nag huhubad ng damit. Wala pa rin pagbabago, maganda parin ang hubog at nakakalibog. "Bakit nak? Mukang may problema ka ahh, ang tamlay mo ahhh," ang sabi ni Raymond ng mapansin niya si Junior na parang iniisip

Pinamunas ni Raymond ang pinaghubaran sa kanyang katawan at mabilis na tumabi sa anak.

"Daddy, may itatanong po ako?" "Ano yun anak?" ang tanong ni Raymond.

"Hmhm.. Gaano pa ninyo katagal kilala si tito Miro," ang tanong nito sa ama. Nakita ang pagkagulat sa muka ni Raymond kaya mabilis niyang sinagot ang anak ng "bakit mo na tanong anak?"

"Ilang araw, lingo, buwan po ninyo ako natanggap?" ang sunod na tanong ni Junior na hindi pa sinasagot ang ama.

"Anak sandali ano bang mga tanong yan, sabihin mo nga sa akin anong nangyari sayo, may nambubully ba sayo sa school? Tinutukso kaba? May ginawa ba sayo si Miro?" ang may galit na tono ni Raymond at sa loob niya ay sobra siyang kinakabahan dahil sa mga tanong ni Junior.

Tumayo agad si Raymond at sabing "tanginang Miro yan ahh.. Anong ginawa sayo?" ang padalos dalos na sabi nito at parang manunugod na sa galit.

"Teka daddy! Saglit saglit.. Walang nambubully sa akin at walang ginawa si tito Miro," ang mabilis na sabi ni Junior sa ama, tumayo din ito at inawat na ang ama.

"Ehh ano! Sabihin mo na nga para alam ko ang gagawin ko," ang sabi ni Raymond.

Kumalma na din silang mag ama at nag simulang mag kwento si Junior, nilahad niya ang kwento sa kanya ni Ace.

Nang matapos mag kwento ay bumakas sa muka ni Raymond ang lungkot, inis at ang emosyong naramdaman niya noon.

Emosyong akala niya ay hindi na niya mararamdaman, mga alaalang akala niya ay hindi na manunumbalik sa kanya.

Gawa ng kwento ni Junior sa kanya ay parang isang baldeng ala-ala ang bumuhos sa kanya.

Hindi niya napigilan ang malungkot ng marinig niya ang pagiyak ng anak. Mukang mahal narin talaga ni Junior ito.

Napasandal na lang si Junior sa hubad na katawan ng ama at napatigil na din siya sa pag iyak.

Kumain silang mag ama at nag pahinga na din, Saturday naman kinabukasan, kaya hindi na niya ito sinabihang matulog ng maaga.

Nasa labas ng bahay si Raymond at nakatingin lang sa maliwanag na buwan habang may iniinom na beer.

***

Marami ng taong dumaan sa buhay ni Raymond, marami na din siyang napaiyak na babae at maging lalake.

Habang nakatingala siya sa kalangitan na ang liwanag lang ay buwan, sumagi sa isip niya ang mga ala-ala nila ni Miro.

Hindi niya maalis sa isip ang sinabi ng anak sa kanya kanina. "Wala ka parin palang pagbabago si Miro, akala ko ay hindi kana masungit, mas lumala kapa yata" ang sabi niya.

Napatingin siya sa bakod kung saan may bumukas na gate at ilaw. Sinabi niya sa isip niya na may kailangan siyang gawin. Pero paano, ayaw din naman niyang panghimasukan ang buhay ng dating nobyo.

Tapos na sila at wala na siyang kailangan pang gawin o pakielaman. May sarili itong pagdedesisyon sa anak, kung ayaw talaga niya si Junior para kay Matthew ay wala siyang magagawa.

Matapos na siya sa kanyang iniinom ng pumasok sa gate si Tommy at Albie na mukang pagod. May dalang malaking kahon si Albie at pizza naman si Tommy. Sunod na pumasok si Max.

"Ooh kuya, andyan ka pala," ang bungad agad ni Tommy sa kapatid.

"Ooh kayo saan naman kayo galing," ang sabi ni Raymond sa tatlo

"Uy pre! Hay kapagod kasama tong dalawang to!" ang nasabi lang ni Max," "tangina, napagod kaba nun ehh pinakain kana namin, hahahaha," ang sagot agad ni Tommy sa kaibigan.

"Saan ba kayo galing, sabi lang ni Tommy kanina ehh gagabihin siya, pero hindi niya sinabing kasama kayo," ang sabi ni Raymond sa kanila.

"Sa mall pre, bumili nito," ang sabi ni Albie sabay taas ng kahon at pinakita ang biniling bagong laptop.

"Ayos yan ahh," ang sabi lang ni Raymond. "kuya ayos lang ba na dito muna si Albie?" ang sabi ni Tommy sa kapatid.

"Oo naman, ilang buwan ba? Hahaha" ang sabi ni Raymond. "Hahaha! Pre hindi naman aabot ng buwan," ang sagot nito sa kaibigan.

"Kuya, lingo lang.. Pinasok ko kasi siya sa trabaho ko.. Ehh kailangan namin ng tao ngayon kaya nirefer ko siya.. Natanggap siya kaya eto bumili si gago ng bagong laptop," ang paliwanag ni Tommy sa kuya.

"Wow! Congratulations!" ang sabi ni Raymond at nakipag apir kay Albie. "Sige! Ayos lang basta kayo, open ang bahay," ang segundang sabi nito.

"Ayun ooh! Ok na.. Bukas na tayo mag umpisa mag training.. Tska ako naman magtuturo sayo lahat ehh," ang sabat ni Tommy.

"Ikaw Max? Doon parin ba sa dati?" ang tanong ni Raymond.

"Oo pre, alam mo naman. Alagad tayo ng batas ehh, hindi pwedeng talikuran ang mga sinumpaan, hehehe" ang sabi ni Max.

"Ulul, sabihin mo, mas madaming chiks pag pulis, hahahha" ang sabi ni Albie.

"Hahaha! Alam mo naman pre! Basta pulis, matulis! Hahaha!" ang sagot nito sa kaibigan.

"Hahaha! Tara na nga at kainin na natin to at baka lumamig pa," ang sabi ni Tommy sa dalang pizza.

Sa terrace na nila pinagsaluhan ang dalang pizza, pinasok ni Albie ang dalang laptop at kumuha naman ng apat na beer si Tommy.

Habang kumakain at umiinom ang mga lalake ay puro tawanan lang siya at pinagkwentuhan ang nangyari kay Junior. Binuksan ni Raymond ang topic na ito para may ipayo sila kay Raymond.

"Alam mo pre, wala tayong magagawa dyan.. Si Miro yan, kilala mo ugali nyan, malayong malayo sa kapatid niya," ang sabi ni Max.

"Kung kakausapin mo naman siya tungkol doon baka naman mag away lang kayo," ang sabi naman ni Albie.

"May point ka, naisip ko na din un kasi anak niya un ehh," ang sabi naman ni Max.

"Kamusta naman si Junior, kuya?" Ang tanong ni Tommy. "Hmhmm ayun, iyak syempre.. Wala din naman ako magawa ehh," ang sabi ni Raymond.

"Ahhh.. Siguro kailangan nating kausapin si Miro," ang sabi ni Tommy na mukang seryoso.

"Naku pre, pagkakausapin ninyo, tawagin nyo ako ahh.. Baka magkagulo lang," ang sabi ni Max. 

"Buong tropa dapat," ang sabi naman ni Albie. "Kinakabahan ako ahhh, parang dapat hindi natin ginagawa ito.. Lumalabas na pinipilit natin ang anak niyang si Matthew, para sa anak ko.. Na kung titignan mo ehh mali sa mata ng mga tao," ang sabi ni Raymond.

"Naku, ayan ka na naman pre.. Parang narinig ko na yan ahh.. Diba linya ng tatay ni Miro yan, ayan ung linyang siniksik sa utak ni Miro kaya nung kayo ehh nag hanap siya ng babae para lang may ipalit sayo," ang sabi ni Albie.

"Pag isipan mo muna pre," ang payo ni Max kay Raymond. "Sige sige, "ang nasabi na lang ni Raymond sa tropa at tinapos na nila ang pag inom.

Kinabukasan ay ginawa na agad ni Raymond ang napagdesisyunan. Bandang hapon ay balak niyang kausapin si Miro at hilingin na kung hindi man siya payag sa gusto ng anak niya ay hayaan na lang itong maging mag kaibigan sila.

Siya na din ang kakausap kay Junior para ipaliwanag ito.

Itutuloy...


No comments:

Post a Comment