Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).
SA LOOB NG UNIT NI GARRY
Magkaharap ngayon ang dalawang lalaki, nakinig si Garry sa mga kwento nitong si Paolo.
“Kuya, umalis na ako sa bahay dahil hindi ko kayang makita yung asawa ko.” “Hindi ko kasi sinasadyang mahuli siya kanina sa trabaho nilang may kahalikang ibang lalaki..” ang sabi ni Paolo.
“Hah? Teka, teka, simula sa umpisa…” ang sabi ni Garry para maintindihan niya ang kuwento ng lalaki.
Kaya naman sinimulan ni Paolo ang kanyang kuwento kay Garry.
“Kaninang tanghali, sinabihan ako ni Clarisse na huwag ko na daw siyang sunduin dahil mag o-overtime daw siya ng dalawang oras at mag g-grab na lang daw siya pauwi. Napapayag naman ako nung una para nga may magbantay ng anak namin.”
“Kaso kaninang hapon, biglang dumating ang biyenan ko kaya naisip kong sunduin ko na itong asawa ko, may magbabantay na sa anak namin, tsaka, may motor naman kami kaya makakatipid pa siya pang-Grab niya.”
“Kaya inagahan ko nang 1 oras dahil nga traffic pa sa mga oras na iyon. Naghintay ako sa palagi kong pinaghihintayan sa kanya. Sursurpresahin ko sana siya sa pagsundo sa kanya kanina. Pero ako itong nasurpresa nang makita ko siyang lumabas ng opisina nila, tapos may isang lalaking sumalubong sa kanya ng halik sa labi.”
“Napamura na lang ako sa kinatatayuan ko, namukhaan ko ung lalaki, tropa ko pa..”
“Ung puso ko parang dinudurog at hindi ko alam ang gagawin, bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko. Habang pinapanood silang sumakay ng sasakyan.”
“Ung luha ko talaga kuya, sunod sunod ang paglabas sa mga mata ko, punong puno ng galit at sama ng loob ang puso ko sa mga oras na iyon.”
“Tapos biglang narinig ko ung cellphone ko na tumunog, nakita ko ang pangalan ni Clarisse, agad kong sinagot ito, matigas ang boses ko sa pag “hello ko” pero agad agad niyang sinabi na “mag e-extend pa daw sila ng tatlong oras pa dahil marami silang ginagawa..”
“Hindi ako nakapag salita kuya, pinatay ko ung tawag, sinuot ko ung helmet ko tska hinururot ung motor, tinahak ko ung daanan na tinungo nila, hanggang sa nakita ko ung sasakyan ng tropa ko at kung saan sumakay ang asawa ko.”
“Ayaw kong mageskandalo, gusto ko munang alamin kung saan sila pupunta, hindi ako masyadong lumapit sa kanila, pero hindi ko pinakawalan sa mga mata ko ung sasakyan na iyon. Hanggang sa nakita ko na lang na pumasok sila sa Sogo, ung motel”
“Ung paghinga ko talaga kuya sobrang bumigat na, napuno na ng luha ung mga mata ko tapos napatigil na lang ako sa gilid ng kalsada.. Doon natulala ng ilang oras, hanggang sa kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko, naisip ko din na gawan sila ng masama pero buti na lang at parang nakaramdam ako ng konsensya.”
“Kung ano ang itinagal nila sa motel na iyon ay iyon din ang itinagal ng pagkakaupo ko sa gilid na para bang baliw na nagaabang sa paglabas ng asawa niyang kasama ang kabit.”
Nalaman ko na lang na lalabas na sila nung bigla akong nakatanggap ng chat galing kay Clarisse, sinabi lang niya na pauwi na siya at sobrang pagod na pagod siya, matutulog na daw siya pagdating niya.
Napaputangina talaga ako sa mga oras na iyon, alam kong pagod siya sa pakikipag kantutan sa tropa ko at hindi sa trabaho.
Nung makita ko na ung sasakyan nila. Sumakay agad ako sa motor tapos ay hinarang ko ung sasakyan nila.
Binusunahan pa nila ako pero nung inalis ko ung helmet ko, agad agad bumaba ang asawa ko tapos pati ung lalaki niya. Hinampas ko ng helmet ung lalaki pero bigla akong sinampal ni Clarisse tapos kung ano ano na lang ang pinagsasabi niya sa akin.
“Palamunin”
“Walang kwenta”
“Batugan at kung ano ano pa, sa mga oras na iyon mas tinulungan niya ung lalaki niya”
“May mga dumating na enforcer hanggang sa ako na lang ung pinaalis nila.”
“Iniwan ko silang dalawa tapos nung umuwi ako sa bahay, iyak ako ng iyak, sinumbong ko si Clarisse sa nanay niya. Ang akala ko makakakuha ako ng simpatya sa biyenan ko, akala ko ako ang kakampihan niya pero hindi pala.
Parang sinampal pa ako ng katotohanan nang sabihin sa akin ng nanay niya na”
“Matagal ko nang alam.. Matagal na silang may relasyon at sa tuwing kinukulang kayo, yang kaibigan mo ang nagbibigay ng panggastos niyo dito sa bahay”
“Sa mga oras na iyon hindi ko alam ang gagawin ko. Pumasok na lang ako sa kwarto, natulala at naisip na matagal na palang ganun ang nangyayari, pero kung umasta sila ay parang wala lang.”
“Nung dumating na si Clarisse, gusto kong mag usap kami pero pinagmumura lang niya ako at mas mahal daw niya ang tropa ko kesa sa akin, mas may pakinabang daw yung gagong iyon kumpara sa akin”
“Kaya nag empake na ako kuya, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko..”
“Para akong batang niloko..”
“Wala akong ipon, walang wala ako.. Ung anak ko naman ay alam ko naman hindi niya pababayaan iyon, pero sa ngayon gusto ko munang makapag isip ng maayos, gulong gulo pa rin ang isip ko.”
“Kaya, kuya Garry, kung ayos lang ba ay dito muna ako, kahit ngayong gabi lang. Bukas ay aalis din ako at uuwi sa amin sa Cavite. Doon muna ako sa mama ko.”
***
Nang matapos si Paolo magkuwento at nalaman ni Garry ang dahilan at kabuuan nito, ay hindi na siya nagdalawang-isip pa.
Nakaramdam siya ng awa sa lalaki at sinabi niyang “maliit lang ang kama ko, pero siguradong kasya naman tayo.”
Napangiti lang si Paolo. Naramdaman agad ang kabaitan ni Garry at ni walang halong libog, ni walang halong pagnanasa at ni walang halong malisya ang pagtuloy niya ngayon sa unit na ito.
Dahil punong-puno pa rin ng kalungkutan ang kanyang puso at isipan.
Sa gabing iyon ay hindi na na-chat ni Garry ang dalawang kaibigan at inabutan na lang niya ng bagong sepilyo at tuwalya si Paolo at sinabing “maligo ka muna, heto ang toothbrush mo kung wala ka..” at tumango itong si Paolo, tapos ay pumasok ng banyo.
Sa loob ng banyo ay paulit-ulit na tinatanong ni Paolo sa kanyang sarili kung ano ba ang kulang sa kanya. Naibigay naman niya ang lahat sa asawa at anak. Ang wala lang talaga sa kanya ay trabahong ginagawa ng kanyang asawa.
***
Matapos siyang maligo at lumabas ng banyo, inabutan niya si Garry na nakahiga at muling nakasuot ito ng briefs. Kitang-kita nito ang umbok na hindi maipagkakailang napakasarap.
Ang umbok na nakita niya noong sinilipan niya ito sa loob ng banyo.
Nang mapalingon si Garry sa kanya at tinanong siya, “Ayos lang naman sigurong ganito na ako matulog, kung gusto mo ganito ka na rin matulog, kung ayos lang sa'yo, pero kung hindi ay mag-sh-shorts na lang ako.”
Dali-daling umiling si Paolo at sinabing “Hindi na, kuya, ayos lang sa akin yang suot mo, maghuhubad na lang din ako at mag-b-brief. Tsaka hindi ko naman gustong makialam sa suot mo sa pagtulog, ako na nga itong makikitulog dito sa apartment mo…”
Napangisi naman si Garry at sinabing, “Drama mo talaga, tumabi ka na nga dito at matulog na tayo, huwag mo munang isipin yang asawa mong manloloko.., Ipahinga mo yang isip mo, mas kailangan mo ngayon yan…” nang marinig ito ni Paolo, napatango na lang siya at hinubad ang shorts at pang itaas niya.
Tumabi siya kay Garry nang naka-briefs na kulay gray.
Sinubukan niyang pumikit at itulog na lang muna ang nararamdamang sakit.
Habang si Garry ay walang malisyang nakapikit dahil may trabaho pa ito kinabukasan.
Itutuloy…
.png)
No comments:
Post a Comment