PART 9
SA TAGAYTAY
“Fuck, ang lamig dito,” ang sabi ni Frank nang bumaba na sila sa kanilang sasakyan at naglakad na silang dalawa ni Thomas papunta sa kainan nilang bulaluhan.
Agad silang pumasok sa restaurant at binigyan agad sila ng mauupuan.
Doon ay nag-order agad ang magkaibigan at habang sila ay patuloy lang sa kanilang kuwentuhan ay hindi nila namamalayan na may tatlong lalaki din ang pumasok at pinili naman ang upuan sa pinakasulok ng kainan, na parang kala mo ay mga imbestigador na palihim na nagorder at nagbubulungan pa.
Natatawa na lang din sina Harold at Mario sa kanilang pinaggagagawa, pero dahil matalik nilang kaibigan itong si Felix ay sinasakyan na lang nila, tsaka alam naman nila ang kapalit nito, kaya wala na silang pag-aalangan.
Lahat din ng gastos ay si Felix ang sasagot, kaya ayos lang din sa kanilang dalawa.
Kaya ang gagawin na lang nila ay maging alisto at palihim na kumilos para hindi malaman ni Frank at Thomas na sinusundan nila ang mga ito.
Wala namang kakaiba sa kilos ng magkaibigan. Kumain lang sila, nag-picture at kung anu-ano pang kuwentuhan.
Habang sina Felix, Mario at Harold ay maingat pa rin sa kanilang ikinikilos. May pagkakataon nga kanina na muntik na silang mahuli ni Frank. Mabuti na lang talaga at mabilis silang nakakilos at nakapagtago.
Matapos kumain ng dalawang magkaibigan sa restaurant na iyon ay dumiretso na sila sa accommodation nila. Sinikap din ng tatlo na makakuha ng kwarto sa hotel na iyon at mabuti na lang at pinalad silang makakuha pa.
May kamahalan nga lang ang kanilang binayaran, pero wala ito kay Felix, habang si Mario at Harold ay nasasabik sa kanilang matatanggap na kabayaran sa kalokohan ni Felix.
***
SA KWARTO NILA FELIX
“Pare? Ano nang gagawin natin? Buong araw na lang ba tayong susunod sa kapatid mo?” ang tanong ni Mario habang naghuhubad ito ng jacket.
“Oo nga pre.. Ano nang balak mo?” ang tanong naman ni Harold na paupo at nakatingin sa kaibigang nakadungaw sa bintana.
Napalingon si Felix sa kanila at ngumiti ito, nakita nila ang gwapong mukha ng lalaki at si Harold na ang nagsalita.
“Putangina, alam ko ’yang ngiting ’yan! Wala kang alam na plano, no!? Bigla bigla ka na lang sumunod sa kapatid mo ng hindi mo alam kung ano ang susunod na gagawin..” ang sabi nito na natatawa.
Maging si Mario ay natatawa na lang din at sinabing “bah, basta ako alam ko ang magiging plano kapag tapos nito, hahahaha” at nagtawanan na silang tatlo.
“Haay, umiral na naman ’yang kamanyakayan sa utak mo HAHAHAHA!”
“Wag kayong mag alala, mangyayari din iyon pero eto munang sa kapatid ko ang asikasuhin ko..” ang sabi ni Felix at napatango na lang sila Harold at Mario.
“Sige pre.. So ano nang gagawin natin,” ang sabi ni Mario.
“Hindi nga niya alam pre, paniguradong nag iisip yan kung anong gagawin..” ang sabi ni Harold.
Napatango si Mario at sinabing “Hmmm.. paano kung i chat mo, kamustahin mo..”
“Kamustahin? Hindi ba baka maghinala un?” ang tanong ni Felix.
“Hindi naman siguro, tska alam naman mo naman na umalis siya, subukan mo lang baka mag work diba, tapos mag tanong tanong ka na lang sa kanya..” ang sabi ni Mario.
“Oo nga pre, try mo, nang hindi tayo parang tanga dito na nagaabang, malay malay ba natin kung lumabas na sila sa kwarto nila diba, tapos hindi pa natin alam kung saan sila pupunta, subukan mo lang at baka gumana.. Basta simplehan mo lang,” ang sabi ni Harold at nang marinig ito ni Felix ay bigla siyang kinabahan.
“Sige na pre, tawagan mo na ngayon..” ang sabat ni Mario at sa pagkakataong iyon ay napagtulungan na siya ng dalawa.
Kaya naman kumilos agad siya at dinampot ang cellphone, pagkadampot niya ay hinanap ang contact number ng kapatid, pinindot ang call button, tinapat sa tenga at naghintay.
Narinig niya ang pag ring nito at ang boses ng kapatid.
“Hello kuya?! Napatawag ka?” ang tanong ni Frank mula sa kabilang linya.
“Ahhh.. ehhhhh.. Ano kasi..” ang una niyang sambit na bigla siyang sinenyasan ni Harold na “kalma lang, kalma lang..”
Kaya naman huminga ng malalim si Felix at narinig niya ang kapatid. “Kuya? Ok ka lang? May nangyayari ba sayo?”
Nang marinig niya ito ay agad na niyang sinagot ang kapatid. “Ahh wala wala, oo ayos naman ako..” ang sabi ni Felix.
“Ahh ok, so bakit ka pala napatawag? Matutulog pa lang kami nitong kaibigan ko..” ang sabi ni Frank sa kanya.
Doon na inayos ni Felix ang sarili, sabay sunod-sunod na ang pakikipag-usap niya. “Wala, napatawag lang ako para kamustahin ka..”
“Ahh ganun ba, ayos naman kami kuya.. Eto nga matutulog muna kasi mamaya lalabas na kami para mag punta doon sa bar,” ang sabi ni Frank.
“Bar? Saan bar?” ang tanong nito sa kapatid.
“Ahhhh dko alam ehh, teka tanungin ko si Thomas,”
(Huy! Thomasino! Saan kasi ung Bar na pupuntahan natin?”)
(Luh! Maka buo ng pangalan ahh! HAHA! Sa SunDawn Bar, sino yang kausap mo?)
(Si kuya, nagtatanong..)
(Oh?! buti?”)
(Hindi ko alam eh, baka naninigurado lang.)
(Ok.. Ok, mamaya pa naman 11, pero matulog na ako.)
(Ok sige)
“Ayun kuya, sa SunDawn Bar daw, bakit pala?” ang tanong ni Frank.
“Ahhh wala naman natanong lang, ok sige na at mag enjoy kayo ahh ingat ka dyan..” ang sabi ni Felix at nagpaalamanan na silang mag kapatid.
Pagkababa ng tawag ay nagsalita si Felix at sinabing “ayun, SunDawn Bar, 11 pm pa daw sila pupunta narinig ko sa kaibigan niya.”
“Oh! See! Diba kung hindi mo tinawagan edi hindi natin malalaman ung oras ng alis nila at saan sila pupunta..” ang sabi ni Harold.
“Hmmm. maaga pa pala, edi may oras pa tayo.. Baka naman pwede na kaming maningil ng unang bayad, HAHAHAHA!” ang sabi ni Mario at natawanan na lang silang tatlo.
“HAAAY! Iba ka talaga pre..” ang sabi ni Harold.
“Sauceeee maryowsep parang kala mo eh hindi gusto, wag nga ako pre..” ang sabi ni Mario kay Harold at muli silang natawa.
Napatingin si Felix sa kanila at sinabing “sige! Mahuhugas muna ako..”
“Teka pre! Kahit wag na, kami na lang ang gagawa nyan..” ang sabi ni Mario sabay basa ng kanyang labi.
Napangisi na lang si Felix at isa isa na siyang naghubad ng damit habang si Harold at Mario ay nakangisi at pinapanood ang maganda niyang katawan na unti unti nang nahuhubaran.
Itutuloy…

No comments:
Post a Comment