ANG KWENTO NI BILLY
IKALAWANG LIBRO
ANG KWENTO NG MAG AMA
CHAPTER 18
(MGA PASIMPLENG TITIGAN)
HUWEBES NG UMAGA
Nagising na lang si Billy dahil sa sigaw ng kanyang lola na si Matilde. “APO, BUMANGON KA NA DIYAN! TANGHALI NA!!! ABAH DITO SA PROBINSYA NATIN, KAILANGAN MAAGA PALAGING GUMIGISING ANG MGA BATA PARA MAKATULONG SA MGA GAWAING BAHAY!” at sa tawag na iyon mula sa labas ng kwarto ay nagmulat agad ang kanyang mga mata, sabay sagot ng “opo babangon na po lola.. ughrrr..” at halatang puyat na puyat itong si Billy.
“Bumaba ka na ahhh! Hihintayin ka namin ng lolo mo sa ibaba, sumama ka sa amin at mag hahatid tayo ng merienda sa simbahan, kanina pa nandoon ang mama mo at tumutulong doon..”
“Para matikman din ni Father itong ginawa kong ginataang bilo-bilo.”
Bumangon siya agad mula sa higaan at napatingin sa relo, 9:30 am na at wala siyang magawa kundi sumunod sa tawag ng kanyang lola.
Kumilos agad siya, naghilamos, nagpalit ng damit at naglakad na lang silang dalawa ni Matilde.
Habang bitbit ang isang kalderong bilo-bilo na nakalagay sa bayong.
Si Matilde naman ay dala-dala ang isang plastic na naglalaman ng mga pagkakainan ng kanyang bilo-bilo.
Sa kanilang paglalakad ay biglang narinig ni Billy ang kanyang lola na tinanong siya, “Kumakain ka ba ng bilo-bilo?”
Tumango naman itong si Billy na halatang nabibigatan sa kanyang dala, pero hindi niya ito masabi sa matanda dahil alam naman niyang papagalitan lang siya nito.
Kaya sinikap na lang niyang buhatin ito kahit mabigat at mainit pa.
Hindi naman sila masyadong nag-usap; kung ano lang ang tanong ng matanda ay iyon lang ang kanyang sinasagot.
Hanggang sa makarating na sila sa may simbahan at doon inabutan nila ang iilang mga nanay kasama si Maria na nagpapahinga dahil kakatapos lang pala nilang maglinis.
“Maria, ayan na pala ang tiya Matilde mo..” ang sabi ng isang babae.
“Ke-gwapo, gwapo din naman ng anak mo ooh,” ang sabi naman ng isa.
“Kaya nga, baka naman gusto mong ipakilala yan sa dalaga ko at nang maging magkumare na talaga tayo.”
“Oy Oy! mare, anak ko muna ang ipapakilala ko dyan sa anak ni Maria..”
“Sus ayan na naman kayong dalawa, ibinibida ang mga anak, naku mareng Maria, mas bagay sila ng bunso ko.. hihihihi..”
Lahat sila ay nagtawanan na lang sa kanilang mga hirit habang si Billy ay walang kaalam-alam na gusto na pala siyang gawing nobyo para sa anak ng mga babeng kasama ngayon ng kanyang ina.
Nang makalapit na sila ay tumigil na rin sila at binati agad nila si Matilde.
“Oh mga magaganda, kumain na kayo, hayan ang bilo-bilo na niluto ko para sa inyo. Tawagin niyo na rin ang iba pa… basta tirhan niyo si Father, ah… o ako na lang ang magdadala para sa kanya,” ang sabi naman ng matanda.
“Tiya, nasa loob po si Father, kakapasok lang niya..” ang sabi naman ni Maria.
“Dalhan mo na doon, tiya Matilde..” ang sabat naman ng isang babae.
“Ay ganun ba, sige nga at iuna mo na akong isandok para maibigay ko kay father..” ang sabi ng matanda na agad naman ipinagsandok ni Maria ang tiyahin at inabot ito. “Salamat, sige sige, kumuha na kayo dyan at dadalhin ko lang ito sa likod..” ang sabi ni Matilde na naglakad dala dala ang bilo bilong niluto.
Habang si Matilde ay umalis na, narinig naman nila si Maria na kinausap ang anak. “Nak, nag-agahan ka na ba?”
“Hindi pa po ma..” ang sagot naman nitong may paggalang.
“Anong oras ka na ba nagising, ha?.”
“Puyat ka kasi nang puyat,” ang sagot naman ni Maria, at napangiti na lang itong si Billy na biglang ipinagtanggol naman ng isang babae.
“Naku, si mare talaga oh, dito pa talaga pinagalitan itong gwapo niyang anak..”
“Billy, sige na kumain kana at hayaan mo na yang mama mo, ikaw naman mare, kumain na lang tayo.. ang aga aga eh pinapagalitan mo na itong gwapo mong binata..” ang sabi ng babae.
Napangiti naman si Maria at sinabing “hindi ko naman pinapagalitan, pinagsasabihan ko lang, tsaka hindi maganda ung puyat ng puyat…” at kumuha na ito ng kanyang lalagyan para maka kain nadin.
Wala nang nagawa pa si Billy kundi manahimik na lang dahil pakiramdam niya ay napahiya siya nang kaunti sa mga babaeng kasamahan ni Maria.
Biglang lumapit ang isang babae kay Billy at sinabing “pagpasensyahan mo na ang nanay mo, ganyan talaga kapag may sugat pa ang puso,” at nagtawanan ang mga nakarinig habang si Billy ay napatingin lang sa kanyang ina.
Nang marinig nila ang isang babae habang nagsasandok.
“Ay yung dalawang nagpipintura pala doon sa gilid, kay Carding at Marlon..” ang sabi ng babae, nang marinig ito ni Billy ay bigla siyang kinabahan at mabilisang naalala ang nangyari kagabi sa pagitan nila ni Carding.
Pero bigla naman itong nawala agad sa isipan nang marinig niya ang ina na sinabing, “ako na..” at binaba nito ang kanyang kinakain na bilo-bilo, tapos ay kinuha ang dalawang bowl para sa dalawang trabahador.
Lumakad si Maria palabas mula sa loob ng simbahan at nagtungo siya sa gilid para ibigay ang dalawang bowl ng bilo-bilo sa dalawang lalaking abala sa kanilang ginagawa.
Nang mapalingon agad ang lalaki sa kanya ay agad tumigil ang mga ito sa pagpipintura at nagbulungan pa nga.
“Pare, si Maria ooh, mukhang pinagdadala tayo ng merienda…” ang sabi ni Marlon.
“Sabi sayo ehh, makukuha ko yan sa mga ngiti at kindat ko..” ang mahinang sagot naman nito habang bumubulong.
Napangisi naman si Marlon at sinabing “iba ka talaga pre..”
“Siyempre ako pa ba.. hehehehe,” at ibinaba na nila ang kanilang mga hawak at nagpunas agad para salubungin si Maria.
***
SA LOOB NG SIMBAHAN
Habang kumakain nang tahimik itong si Billy, ay narinig niya ang isang babae na nagsabing “Ay, nakalimutan ung kutsara ni Maria…” Tapos ay nagkatinginan ang dalawa at alam na agad ni Billy ang gagawin. ibinaba niya agad ang hawak na pagkain at sinabing “ako na lang po..” at ngumiti naman ang babae sabay sabing “ang bait mo talaga Billy.. haaay, kailangan ka talagang makilala ng bunso ko..” at biglang nagsalita na din ang iilang babae.
“Ayan na naman siya ooh.. Pinipilit talaga yung anak niya, hahahahaha!”
“Sige na, Billy, ihatid mo na iyang kutsara na yan at baka hindi magtagal, umabot na sa kasalan yan sinasabi ni kumare sayo, hahahahaha.” at nagtawanan silang lahat.
Napangiti naman si Billy at lumakad itong dala-dala ang kutsara.
Kaya sa paglabas nito ay medyo kinabahan pa siya dahil muli na naman niyang makikita si Carding, ang lalaking nasubo lang niya kagabi.
Hindi niya inaasahan na muling maalala ang mga kaganapan sa kanila ni Carding kagabi.
Kung paano siya nilansi ng lalaki.
Kung paano siya inutusan at pinayuko para chupain niya ang burat na may kalakihan.
Sa paglalakad niya ay natanaw na niya agad ang kanyang mama na kausap na si Carding, habang ang isang lalaki naman ay nakatalikod at nagsasalin ng tubig sa baso nito.
Napasinghap na lang si Billy nang makita niya biglang inilapit ni Carding ang bibig nito sa tenga ng kanyang ina at may ibinulong.
Nakita pa niya na natawa ang dalawa at pinalo agad ni Maria sa braso ang lalaking patawa-tawa rin.
Hanggang sa mapalapit siya at doon napansin na siya ni Carding, pero hindi niya agad ito kinausap.
“Oh, eto pala ang anak mo..” ang sabi niya at nakangiti naman ito kay Billy.
“Ma, eto daw po ung mga kutsara..” ang sabi ni Billy.
“Naku!! Mabuti na lang at inihabol mo, dahil gusto pa nga sanang bumalik nitong mama mo, sabi ko ay ako na lang ang kukuha..” ang sabi ni Carding.
“Salamat, nak..” ang nasabi lang ni Maria at kinuha ang kutsarang hawak ng kanyang anak tapos ay iniaabot sa gwapong lalaki.
Narinig niya ang kanyang ina na sinabing “oh heto na ung kutsara nyo, sige na Carding.. kumain na kayo dyan, masarap yan, luto ni tiya yan..”
“Mukhang masarap nga ito,” ang sabi naman ni Carding, at sinandok ang laman ng bowl at ipinakita ang pag-agos nito mula sa kutsara, habang sinasabing “mukhang magata at matamis… hmmm… amoy pa lang, ooh, siguradong masarap nga…” at habang sinasabi niya ito ay nakatingin naman siya kay Maria.
Habang si Maria ay nakatitig sa gwapong mukha ni Carding at parang kala mo ay dalagang kinikilig sa loob-loob nito.
Bigla na nga lang naputol ito nang lumapit na si Marlon at kinuha ang sa kanya para kainin.
Napailing na lang si Billy at walang sabi sabing umalis ito ni hindi nga niya nakuhang isama ang ina pabalik dahil kitang kita niya sa mukha ni Maria na parang may kakaiba kaya naman bumalik siya sa loob ng simbahan, sinabi sa sariling “tama nga si Catriona.. lalaki pa rin talaga siya at mukhang si mama ang tipo niya..”
“Tska anong meron sa kanila ni mama.. hindi kaya parang may something din sa kanila..”
“Hmmmm…”
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment