Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).
PAGKALIPAS NG ILANG ARAW…
Matapos ang gabi sa resthouse nila Arnold.
Walang paramdam sa GC nila Billy.
Walang jakol session na naganap sa kanilang magkakaibigan.
Namuhay ng tipikal at normal si Billy habang kasama ang kanyang ina na si Maria.
Si Aust naman ay may bumabagabag pa rin sa kalooban nito kaya hindi muna siya nakikipag usap kay Billy at Fred, ang kaibigan na palagi lang niyang kakwentuhan ngayon ay si Warren na walang kaalam alam sa mga totoong nangyari at kaganapan sa rest house,
Si Fred naman ay siniwalat na niya ang kanyang buhay kay Arnold, nakaramdam ng awa sa kanya ang lalaki at hindi inaasahan na ganito pala ang totoong lagay ni Fred, kaya heto siya ngayong nakatira na kasama ang lalaking tumulong sa kanya.
Pero agad naman sinabihan si Fred na kapag hindi nasiya pwede sa bahay ni Arnold ay pwede naman daw gamitin ang rest house na tinuluyan nila noon, doon muna siya at pwede naman daw sabihin na siya na ang magiging caretaker ng lugar.
Walang problema kay Fred ito basta para sa kanya ay may matutuluyan siya.
Sa ngayon ay itinatago pa rin nila ang sikreto at maging si Wendell at Edward ay walang alam sa mga pangyayari.
***
ARAW NG MIYERKULES
SA PROBINSYA
4:35 PM
Nakatambay ngayon si Billy sa gilid ng kanilang bahay. Doon ay nakaupo lang siya sa mahabang kahoy na upuan, sumisipsip ng softdrinks na nasa plastic at may chichiryang kinakain, habang abala sa pinapanood na mga reels sa fb.
Ito ang nakaugalian niya ngayon na gawin tuwing hapon dahil kahit anong chat niya sa GC nila ay puro seen lang ang mga kaibigan niya, minsan naman ay sumasagot ang iilan katulad nila Warren pero si Aust at Fred ay puro seen lang at kung minsan ay hindi pa nga sinisilip ang kanyang chat.
Naisip naman ni Billy na baka busy lang ang lahat kaya hinayaan na lang niya.
Habang nakaupo siya ngayon ay pakuya-kuyakoy pa ang mga paa ay biglang narinig na lang niya ang sigaw ng isang babae mula sa katabing bahay at si aling Nena ito na galit na galit.
Napatingin agad si Billy at doon nakita niyang bumukas ng mabilis at malakas ang pinto ng bahay na iyon.
Nakita niyang palabas ang binatang si Yael, nakasuot ng pambasketball, naka sapatos at bitbit ang bola, hindi maipinta ang mukha na hinabol ng mura ni aling Nena.
“PUTANGINA MO TALAGA PAPATAYIN MO TALAGA AKO SA PAGOD NO YAEL!!!”
“YAN! DYAN KA NAMAN MAGALING SIGE WAG KA NANG BABALIK DITO!”
“MAGLARO KA NA LANG NG MAGLARO NG BASKETBALL! PABAYAAN MO NA AKO DITO.. HAYOP KA! WALANG PAKINABANG!”
Narinig ni Billy ito at habang naririnig niya ang galit ng kumare ng kanyang ina ay napahigop na lang siya ng softdrinks habang pinapanood ang paglayo ng binatang may hawak ng bola.
“Sus! Kala mo pagkabait bait, may ugali din pala..” ang sabi ni Billy sa kanyang sarili habang nakaupo at tumigil na si Aling Nena sa kakadakdak.
Narinig din pala ni Maria ang sigaw ng kumareng si Nena, kaya napalabas ito ng bahay at nakita agad ang anak na nakaupo at nag me-merienda.
“Psst! Nak!”
“Anong ginagawa mo dyan.. Nakikichismis kapa ata dyan ahhh!” ang biglang gulat ni Billy nang marinig niya ang kanyang mama.
Tumabi siya agad sa anak.
“Umiinom ka na naman nyan., sabi sayo wag kana mag softdrinks ehh, last mo na yan ngayong linggo ahh, kung hindi isusumbong kita sa papa mo..” ang sabi ni Maria at tumango na lang si Billy.
“Opo..last na ito..” ang sagot lang ni Billy at patuloy pa rin sa panonood.
“Ay anak.. Kanina pala kausap ko ang papa mo, hindi daw siya makakauwi nitong darating na weekend at ako naman ay wala ng sabado ng hapon hanggang linggo ng umaga, mga 9am na ng linggo ako makakauwi.. Dahil may prayer vigil kami sa simbahan, overnight iyon nak, kasama ko si aling Nena.. Gusto mo bang sumama sa amin o dito ka na lang? ” ang sabi at pagyaya ni Maria.
Pero bumakas sa mukha ni Billy na parang ayaw niya ang pagsama sa ina kaya naman sinabihan na lang siya ni Maria na sa darating na sabado ay siguraduhing mag kandado ng maigi at kung gusto daw magsama ng kaibigan para may kasama siya ay papayagan siya.
Natuwa si Billy sa narinig kaya sinabi agad niya na “sige po ma, tatanungin ko po sila Aust kung papayag, pero kung wala ehh.. Kaya ko naman mag isa..” ang sabi ni Billy.
“Hmm sabagay! Matanda ka na, nasa 18 kana at kaya mo na ang sarili mo,” ang sabi ni Maria sabay hawak sa ulo ng anak.
Ngumiti naman si Billy at sabing “hindi pa ako matanda ahhh..” at napangiti na lang si Maria sabay biglang yakap sa anak.
Walang salitang namagitan sa kanila mag ina at dinama na lang ni Billy ang mga yakap na iyon. Habang si Maria ay humalik pa sa balikat ng anak at sinabing “love you nak..”
“Love you too ma!” at ngumiti sila sa isa’t isa.
***
SA MAYNILA
7:00 PM
“Kuya, pabili nga po ng isang boteng toyo tska calamansi..” ang sabi ni Garry, habang hawak hawak niya ang isang plastic na may lamang inihaw na bangus. Ito ang kanyang hapunan ngayon at kailangan niya ng sawsawan para dito.
Nang makabili na siya sa matandang lalaki ay lumakad na ito papunta sa kanyang tinutuluyan at damang dama niya ngayon ang pagod dahil sa trabaho.
“Siguradong madami ang makakain ko nito..” ang sabi niya sa kanyang sarili habang naglalakad at papasok na ng kanilang compound. Sumalubong sa kanya ang kantahan mula sa isang paupahan at ito ang inuupahan ng kanyang kakilalang si Paolo.
Sa kanyang paglalakad ay nakita pa niyang may nag iinuman sa gilid at nang makita siya ng lalaki ay tinawag agad siya at inalok.
“Kuys Garry! Shot!” ang pag alok ni Paolo.
Napangiti agad si Garry at lumapit ng kaunti sa mga nag iinuman. Limang kalalakihan na mukhang kaedad ni Paolo ang mga ito.
“Naku pasensya na Paolo, hindi pa ako kumakain.. Tska kakagaling ko pa lang sa trabaho, eto nga kakain pa lang ako..” ang sabi ni Garry.
“Ooh Paolo, bakit hindi mo yayain sa inyo, may pagkain pa naman..” ang sabi ng isang lalaki at doon na nagyaya si Paolo at sabing, “oo nga kuys, itabi mo na lang yan dala dala mo at sa loob kana kumain.. Dami pang handa dito,” ang sabi sa kanya na agad agad niyang tinanggihan dahil nakakahiya daw.
“Hindi yan nakakahiya, halos lahat ng nasa compound kanina ay pumunta, ikaw na lang siguro ang hindi pa.. Birthday kasi ang anak ko at nag luto si misis,” ang sabi ni Paolo sa kanya.
Pero dahil mapilit si Paolo, ay napapayag na itong si Garry.
Pero nakiusap si Garry na iuuwi muna ang gamit at babalik na lang ito.
“Sige kuys, hintayin ka namin ahh..” ang sabi ni Paolo.
“Oo, ibaba ko lang itong gamit ko at magbibihis ako,” ang sagot ni Garry na agad niyang ginawa.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita ni Paolo ang gwapong si Garry, naka sando at shorts lang, pero ang hindi nakalampas sa mga mata nitong si Paolo ay ang umbok na bumabakat sa ibaba ng gwapong si Garry.
“Putanginaaaaaaaaa!!!! Ano ba itong nararamdaman ko!” “Gago ka Paolo! Lalaki ka at hindi ka bading!! Hindi ka bakla!!”
Ang nagsusumigaw na salita ni Paolo sa kanyang isipan habang kasunod niya si Garry papasok ng kanilang bahay para ipakilala sa asawa.
Itutuloy…
.png)
No comments:
Post a Comment