Tuesday, January 27, 2026

ANG KWENTO NI BILLY - 1038

Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).

Ako si JOESUNKO ang Orihinal na gumawa ng kwentong ito at dahil madaling makuha ang mga post sa X (twitter) ay minabuti kong ilagay na ito sa blogspot ko para na din malaman ng mga tao na ako ang una, orihinal na manunulat at may idea sa kwentong ito.

Para sa mga mambabasa ng "ANG KWENTO NI BILLY" maraming salaamat!

(Kung paano ang pagkakapost sa X (twitter) ay ganito din siya mababasa.)





“Kwento ni Billy”
AUTHOR JOESUNKO


1038
(Kwento sa Maynila)

SA MAYNILA



“Oh kumuha ka pa doon Garry, busugin mo ang sarili mo at mukhang inaabangan ka ng asawa ko at ng mga kaibigan niya doon sa labas..” ang sabi ng asawa ni Paolo kay Garry habang ito ay ngumunguya at sarap sa sarap sa lumpiang shanghai na inihanda.


Napangiti at tango naman si Garry at pagkalunok niya ay sinabi agad niyang “sige, ubusin ko lang ito.. Ang sarap ng mga handa mo, happy birthday ulit sa baby nyo!” ang sabi ni Garry sa magandang babae na nakasuot lang ng kulay dilaw na sleeveless na damit at ang dibdib ay malulusog.


Naka shorts din ito na yari sa maong at may hubog ang katawan.

Maganda din ang asawa ni Paolo na kasing ganda ni Maria pero ang babaeng kaharap ngayon ni Garry ay mas lamang ang kasexyhan kesa sa kanyang asawa. 


Napakatamis ng ngiti ng babae kay Garry at nagulat na lang si Garry nang bigla siyang hinawakan sa balikat at sabing “syempre, masarap talaga ako…” at nanlaki ang mga mata ni Garry habang nararamdaman ang kamay ng magandang babae.


“Masarap magluto, hihihi, ang ibig kong sabihin, hehehe kaya kumain kapa..” at sunod na sinabi nito at parang kala mo ay walang kahiya hiyang kausap si Garry na napatango na lang at dinampot muli ang shanghai sabay kagat.


“Dear!.. Pahingi pa nga kami ng yelo ng tropa,” ang narinig nilang boses na papasok sa bahay at dali daling inalis ni Clarise ang kamay sa balikat ni Garry at kinuha ang inabot ng asawang si Paolo habang si Garry ay kumakain lang.


“Ano kuys, sarap ba? Kain lang ng kain tapos mamaya sali ka sa amin ahhh..” ang sabi ni Paolo na nag hihintay sa pagbalik ng asawa niya.


“Oo masarap nga.. Asawa mo daw nagluto nito,” ang tanong ni Garry at agad tumango si Paolo, “oo siya.. magaling magluto, kaya inasawa ko na para naman makatikim ako ng masarap na luto eheheh,” ang sagot nitong si Paolo pero habang nakikipag usap siya sa gwapong si Garry ay may kung anong nararamdamang nginig sa kanyang kalamnan.


“Dear ooh, heto na ang yelo nyo..” ang sabat naman ni Clarise na inabot ang lalagyan ng yelo. “Thanks Dear! Oh kuys.. Abangan ka namin doon ahh..” ang sabi ni Paolo at umalis na lang ito.


Ilang minuto pa ay naubos na din ang kinakain ni Garry, nang biglang lumapit na naman sa kanya ang asawa ni Paolo.


“Mag panghimagas ka muna, ginawa ko din ito..” ang sabi ni Clarise na inabot ang isang platito ng lecheflan at kinuha naman ang pinagkainan niya.


Napapabilib naman si Garry dahil kahit ito pala ay kayang gawin ng babae.

Nang matikman ni Garry ang minatamis na iyon ay nakita sa mga mata niya na nasarapan siya. “Sarap ahhh..” ang sabi na lang niya kay Clarise. 


“Thank you! Kung gusto mong mag uwi ay pwede naman, mamaya bago ka bumalik sa unit mo ay bibigyan pa kita..” ang sabi ng babae at muli na naman niyang hinimas ang balikat ni Garry sabay alis nito na para bang pokpok na nang aakit.


Nang umalis na si Clarise ay may kung anong kabog sa dibdib ni Garry.

Nakukutuban na niyang may kung anong meron sa ikinikilos nitong asawa ni Paolo kaya naman dali dali na niya itong inubos at tumayo agad.


Sa pagtayo niya ay nakita siya ni Clarise na may hawak na isang basong tubig.


“Ang bilis mo naman ubusin ehehe.. Gusto mo pa ikukuha pa kita.. Pero heto muna ang tubig..” ang sabi ng babae at kinakabahan na si Garry na agad kinuha ang tubig at inabot naman ang platito. 


Ininom niya ito habang si Clarise ay nakatitig sa kanyang gwapong mukha.


Habang pinagmamasdan ni Clarise si Garry ay hindi nito mapigilan ang sariling mapatingin sa gilid ng labi ni Garry at nakita niya nag umalpas na tubig mula dito at para bang natatakam siya. Nang maubos naman ni Garry ang laman ng baso ay dali dali niyang pinunasan ng kanyang likod ng hinlalaki ang labi at parang kala mo ay artistang pinapanood ni Clarise.


“Ahhhhh.. Sa-salamat ahhh!” at inabot nito ang baso.

Tumangong nakangiti si Clarise at narinig na lang niya si Garry na sinabing “puntahan ko na si Paolo, baka nag hihintay na ang asawa mo..”


Binigyan diin talaga niya ang pangalan ni Paolo at ang salitang “asawa” para ma pagtanto ng babae na may asawa at anak siya at wala na siyang dapat pagnasahan pa kay Garry. 


Kabado na din lumabas si Garry at nang maiwan na lang si Clarise sa loob ng bahay.

Dali dali itong tumalikod.

Pumunta sa may kusina at ang hawak na baso ay sinipat sipat, hinanap ang pinag inuman ni Garry sabay dikit sa kanyang labi at dahan dahan ang isang kamay na humimas sa kanyang dibdib at sinabi sa isipang “Hmmmm ang sarap mo Garry! Bakit ngayon lang kita nakausap… ang lakas ng dating mo!”


Naputol na lang ang kanyang pagpapantasya ng marinig niyang muli ang asawa. “Dear! Pwedeng pahingi pa ng pulutan..” at agad agad itong kumilos na para bang walang nangyari.


Habang nilalagyan ng pulutan ang plato ay may sinasabi pa ito sa sarili na “papayag akong maging pulutan ni Garry…”


***


Naka upo na si Garry sa labas at kasama na nito ang mga nag iinumang kaibigan ni Paolo. Isa isang nagpakilala ang lahat pero hindi pa rin matandaan ni Garry ang mga pangalan, kaya tinandaan na lang niya sa mukha ang mga ito.


Dahil naka kain na si Garry at mukhang maaga pa naman ay naisip niyang makipag inuman ng dalawang oras. Dahil maaga pa siya kinabukasan sa kanyang trabaho.


Nag paikot ng alak  sa kanilang mesa at ang mga kwentuhan ay tipong makakarelate ang lahat dahil nga si Garry ay bagong kakilala pa lang.


Ang ambag naman ni Garry ay ang mga kalokohan niya noong nag aaral pa siya, minsan naman ang buhay nila sa probinsya, ang kwento ng kanyang asawa at anak at kung ano ano pa na nagpapatawa sa mga magkakaibigan.


Magaling makisama si Garry at natutuwa naman sila Paolo dahil hindi sila nagkamaling yayain si Garry sa inuman na iyon.


Hanggang sa dumating na ang oras na kailangan na ni Garry umuwi.

Pero hindi inaasahan ni Garry na traydor pala ang iniinom nilang alak.


“Sige na mga pre.. Mauuna na ako at kailangan ko nang magpahinga..”

“Paolo salamat ahhh!” ang sabi ni Garry na sa kanyang pag tayo ay muntik nang tumumba. Hindi naman niya sinasadya pero buti na lang at nahawakan siya ng isang ka tropa at sinabihan na nila si Paolo nang “pre.. Ikaw na siguro mag alalay dito kay pareng Garry..”

Kaya dali daling tumayo si Paolo at sabing “sige kuys wait lang alalayan kita..” ang sabi nito na tinulungan pa siya ng isang lalaki at dalawa na silang umalalay kay Garry. 


“Hmmmm kaya ko pa naman maglakad.. Hehehe,” ang sabi nito.

“Hindi na kuys, samahan ka na namin..” ang sabi naman ni Paolo na inalalayan na nga si Garry papunta sa unit nito.


“Tanginang alak yun ahh! Traydor amputa, tinamaan ka kuys ahhh” ang sabi ni Paolo habang naglalakad.

“HAHAHA! Tska siguro sumabay na din ung pagod ng katawan nitong si kuya Garry.. Galing sa trabaho tapos alak pa..” ang sabat naman ng isang lalaki.

“Sabagay!” ang sabi naman ni Paolo na dinadama ang katawang mabigat.


Nang makarating na sila sa harap ng pinutuan ay si Garry na mismo ang dumukot ng kanyang susi at nag bukas pero dahil lasing ay kinuha na lang ni Paolo ang susi at siya na ang nagbukas ng pinto. Tinulungan nila si Garry pumasok at narinig pa nga nila ang sinabi ng isang kaibigan. 

“Taena ang linis ahh.. Parang kala mo hindi kwarto ng lalaki..”

“Malinis sa unit si kuya Garry..” ang sabi naman ni Paolo at dali dali na nilang inihiga itong si Garry.

Padapa nila ito ibinagasak sa kama at sinabing “pre iharap mo naman tapos ayusin natin..” ang sabi ng isang kaibigan at dali dali nilang iniharap si Garry at napalunok na lang si Paolo nang mapansin niya ang umbok ng lalaki.


Pero dahil nandoon ang kaibigan ay hindi siya nagpadala sa nararamdaman.

“Tanginaaaaa tanginaaaa!”  ang sabi niya sa isipan.


“Tara pre mukhang pwede na yan.. Sibat na tayo..” ang sabi ng kaibigan at dali daling tinapik ni Paolo si Garry sa hita at sabing “kuys, labas na kami ahh.. I lock na namin ung pinto..”


“Uuhhmmmm hmmmmmm! Si-sigeee salamat!” ang huling sagot ni Garry at lumabas na ang dalawa.  Bumalik sa inuman at may kabog pa rin sa dibdib si Paolo.



Itutuloy…







No comments:

Post a Comment