Ang kwentong ito ay likha ng malilikot na kaisipan at naunang naipost sa X (twitter).
LINGGO NG UMAGA
SA SIMBAHAN
“Oy! Billy Boi! Heto pa ung mga kahon, dalhin mo na dyan..”
“Tatapusin ko lang itong mga nandito tapos tutulong ako sa inyo..” ang sabi ni Warren, pero nang papunta na si Billy sa kinaroroonan ni Warren ay biglang narinig niya si Yael na sinabing “ako na ang magbubuhat ng mga iyon, dito ka na lang..” hindi ito inaasahan ni Billy at hindi niya inakala na si Yael pa mismo ang magbubuhat ng mga kahon na laman ay puro delata.
Kaya naman nanatili na lang si Billy sa kanyang kinatatayuan, patuloy na paglalabas ng mga delata mula sa kahon.
Habang si Yael na ang nagbuhat at habang buhat-buhat niya ang kahon ay napansin ni Billy ang kakisigan ng lalaki.
Papalapit pa nga sa kanya ang gwapong si Yael na parang kala mo ay wala lang ang bigat na binubuhat ay bigla pa siyang kinindatan nito.
Sa pagkindat ni Yael sa kanya ay may kung anong naramdaman siya sa kanyang dibdib. Isang pagtibok na kakaiba sa mga nauna. Kinabahan siya bigla at nag init ang pisngi.
Kaya naisip niyang ibahin na ang tingin at hindi na titigan si Yael na papalapit sa kanya. Nang magulat na lang siya nang ipatong na ni Yael ang mga kahon sa mesa. “WOOOOH! Medyo mabigat din ahhh!” ang sabi ni Yael.
“Ikaw kasi, ayaw mo pang tulungan kita..” ang sabi ni Billy sabay titig sa mukha ni Yael.
“Kaya ko naman eh, tsaka parang mas ok kung hindi ka mapagod masyado..” ang sagot naman ni Yael sa kanya.
“Oh tama na yang daldalahan na yan.. Oh Boi, eto ung para doon, tapos kuys Yael, eto naman ung para doon..” ang biglang sabat ni Warren na naputol ang kanilang usapan na may halong titigan.
Habang may ginagawa ang lahat ay narinig naman ni Billy ang sinabi ni Warren na “oh himala, Boi! Tingnan mo kung sino ang nandito..” sabay turo nito sa kanilang kaibigang kinakausap ni Maria ngayon.
“Fred?!”
“Si– Si Fred ba yan?” ang tanong ni Billy.
“Sya nga, walang kupas si gago ooh! Pa-pogi pa rin hehehe!” ang sabi naman ni Warren at bigla niya itong tinawag.
“Boi! Dito!” ang pasigaw ni Warren at narinig naman sila ng binatang kaharap ni Maria. Tumango si Maria at umalis na sa harap nito si Fred.
Nakangising lumakad si Fred, ganun din si Billy at Warren na walang kaalam alam sa mga lumipas na mga araw, kung paano nito pinasama ang loob ng kanyang amang si Garry at muntik nang malagay sa alanganin.
Pero heto siya ngayon at parang wala lang ang lahat.
Malakas ang loob at makapal talaga ang mukha, iba na ang takbo ng isip habang may suot suot na mga ngiting mapanlinlang.
“BOI! Kamusta!” ang sabi ni Billy.
“Tangina mo Boi! Anong balita sayo buti nabuhay ka!” ang sabi naman ni Warren.
“Wala ehh, medyo naging busy.. Alam nyo naman diba, tska wag na natin pag usapan ung nakaraan, eto nga ooh nandito na ako at naisip kong tumulong sa inyo, nakita ko kasi ung post mo sa GC..” ang sabi naman ni Fred.
Napatango naman sila Billy at Warren, “tama nga naman.. Mabuti na ung nandito ka..” ang sabi ni Warren, habang si Billy ay may kung anong kaba na naramdaman habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Fred.
Pero binalewala lang niya ito.
“Ok anong pwede kong maitulong..” ang sabi ni Fred.
“Ahh dito ka Boi, tulungan mo ako..” ang sabi ni Warren at sumunod naman si Fred, habang si Yael ay nakatingin lang sa tatlo. Inoobserbahan ang bagong dating.
Bigla itong lumapit kay Billy at pabulong na nagsalita. “Tropa nyo..?” at tumango si Billy.
Napatango din si Yael at tinanong siya ni Billy. “Bakit mo natanong?”
“Hmmmm, wala lang.. Bakit selos ka? Hehehehehe,” ang birong sabi nito kay Billy at bigla siyang hinampas sa balikat at sabing “asa ka! Mag trabaho na nga lang tayo dyan..”
At napangisi na lang si Yael at hinimas himas ang balikat na pinalo, habang natatawang pinagmamasdan si Billy.
***
“Boi, ano un kayo kayo lang dito?” ang tanong ni Fred kay Warren.
“Ahh anong ibig mong sabihin?” ang tanong naman ni Warren.
“Kayo kayo lang, kasi napansin ko si tita Maria, kasama lang si Billy, tapos ikaw si mama mo..” ang sabi ni Fred.
“Ahhh un ba ang ibig mong sabihin, kasi ung mga tao sa simbahan, kailangan nilang mag sama ng kasama para tutulong sa pag babalot, kaya ako lang ang sinama ni mama, tapos yang si Billy boi, kasama lang si tita Maria..” ang paliwanag ni Warren.
“Tsaka, mabilis na lang ito, halos patapos na rin sa dami ng tumulong ngayon, last time kasi iilan lang kaya tumagal, pero ngayon ang dami na,” ang sunod na sinabi ni Warren.
Napatango na lang si Fred habang naglalabas ng mga delata sa mga kahon.
“Ahhh ganun pala.. So si tito Garry pala ay naiwan lang sa bahay..” ang sabi ni Fred.
“Oo, naiwan daw sa bahay, sabi kanina ni tita..” ang sabi ni Warren.
Napatango na lang si Fred, nagpakita ng wala lang sa kanya, pero magsimula nang marinig niyang nag iisa na lang si Garry sa bahay ay bigla-bigla siyang nakaramdam ng kung anong tapang at pag iinit ng katawan.
“Mukhang hindi na pala pwedeng patagalin..”
“Kakayanin ko ito…” ang sabi niya sa sarili at nagulat na lang siya nang marinig niya si Warren.
“Boi selfie tayo! Dali..” at napatingin naman siya sa camera na itinaas na pala ng kaibigan at nakita na lang na nag-capture na ito.
“HEHEHE, ayos ang saya naman ngayong araw, tatlo tayong nandito, sana next time tayong lahat..” ang sabi niya at ipinadala na ito sa GC.
Nakita agad ni Warren na nag react si Aust ng “WOW”
“Ano inggit kayo no.. hehehe,” ang sabi ni Warren sa GC.
Habang abala si Warren sa pagpipindot ay heto ang isa, bigla na lang nagsabing “Uy! Teka may kailangan lang akong gawin boi.. Alis na ako ahhh!”
Nagulat si Warren at sinabing “hah!!!! Saan ka pupunta? Taena naman nito, hindi pa nag iinit mga talampakan ehhh.. Dito ka muna boi!” ang sabi ni Warren.
Umiling at ngumisi si Fred, sabay sabing “Hindi talaga puwedeng patagalin ’to, boi… Sensya na talaga, ahhh! Tsaka halos patapos na din kayo, ooh, hindi niyo na din kailangan ang tulong ko, hehehe,” at tinapik niya ang kaibigan, tapos ay umalis itong hindi na nagpaalam kay Billy.
Napakamot na lang si Warren at biglang nag type sa GC nila.
“Ayun! Nag ala superman na si Fred, lumipad na..! Hahaha! Taena mo Fred!” at sunod sunod ang react ng “HAHA” ng tropa.
Sa labas ng simbahan..
“Tricycle po..” ang tawag ni Fred at pinasakay na agad siya ng driver.
Sinabi nito ang address nila Billy sabay ngisi.
Narinig niya ang pagring ng cellphone nya at nakita niya si Aust na tumatawag.
Sinagot agad niya ito at unang bungad ng kaibigan mula sa kabilang linya ay “saan ka pumunta boi, umalis ka na daw?”
“HAHAHA! Oo umalis na ako doon, wala naman doon ung pakay ko, nasa bahay nila..”
“Hindi ko na kaya Boi, kung ano ung napag usapan natin kagabi, gagawin ko na..” ang sagot niya kay Aust!
“TANGINA MO KA! PAG IKAW NAMATAY TALAGANG HAYOP KA!” ang sigaw ni Aust na halatang nagagalit na.
“HAHAHA! Patay na kung patay, basta mauunang aakyat sa langit..” ang sabi nito na natatawa.
“BALIW KA NA BOI!” ang sabi naman ni Aust at biglang pinindot ni Fred ang end call.
“Bahala na!” ang sabi niya sa sarili at nanatili na lang siyang nakaupo at nakatingin sa daang binabaybay.
Habang si Aust na kakatapos lang makausap ay kinakabahan na.
Dali dali itong nag type sa cellphone “Tito Wendell.. Help!”
Itutuloy…
.png)
No comments:
Post a Comment