ANG KWENTO NI BILLY
IKALAWANG LIBRO
ANG KWENTO NG MAG AMA
CHAPTER 2
(ANG MAGKAKAIBIGANG BARAKO)
SA BAHAY NI WENDELL
Nakaupo na ang tatlong magkakaibigan.
Nag-cheers sila bilang tanda ng pagiging okay nila.
Sa mga oras na iyon, sinabi ni Garry na “kalimutan na natin yung nangyari noong isang araw, tsaka yung kanina.. Ang gusto ko munang gawin ngayon ay magpakalasing, tska ko na haharapin ung mag ina ko, hindi ko pa kasi alam kung gaano kalaki ang galit nila sa akin ngayon..”
“Siguro, alak muna ang haharapin ko..” matapos niyang sabihin ito ay napatango na lang si Wendell at Arnold sa kanilang narinig.
Ito ang gusto ni Garry at wala silang magagawa, kundi pagbigyan na lang.
Sakyan ang trip ng kanilang kaibigan dahil kilala naman nila siyang may isang salita.
Sinimulan nila ang usapan tungkol kay Fred. Tinanong nila kay Arnold ang binata at kung napano na ang binugbog ni Billy.
“Hmm, si Fred, ayun puro pasa ang mukha, halatang may pinagmanahan nga,” ang sabi ni Arnold at nagtawanan sila, wala na din naman kay Garry ang birong iyon na sinabi pa niya na, “wala ehh, sa sobrang galit siguro nailabas din nya ang sama ng loob nya, pero sana kapag magpapaliwanag na ako sa kanya ay maintindihan niya,” ang sabi ni Garry.
“Siguradong maiintindihan nya ’yan. Kilala ko ang anak mo. Maunawain ’yan at makikinig siya sa sasabihin mo, hayaan mo, kapag kakausapin mo na siya, ay sasamahan pa kita,” ang sabat naman ni Wendell.
Napalingon si Arnold sa dalawang kaibigan at napatingin na ito kay Garry.
Sabay tanong ng “Ano nga ba talaga ang tunay na nangyari, pre, kwento mo nga sa akin,” nang sabihin ito ni Arnold at muling inulit ni Garry ang kwento na nangyari kaninang umaga.
Siniwalat ni Garry ang katotohanan, at heto si Arnold na nakinig at si Wendell ay muling narinig ang walang bago sa kuwento.
Masasabi ni Wendell na hindi gawa-gawa dahil bawat detalye ay naikwento ni Garry, bawat eksena ay katulad na katulad ng kuwento sa kanya.
Lumabas na si Fred talaga ang may kasalanan, nagsinungaling at umarteng parang kala mo ay may gagawin sila.
Nang magtanong si Arnold.
“Pero puwede ba akong magtanong?” At tumango naman si Garry.
Based sa kwento mo, pagbibigyan mo na talaga siya? Pero ang nangyari lang ay biglang dumating sina Maria at Billy? Tama di ba?”
Nang marinig ito ni Wendell ay nais din niyang tanungin ito kay Garry kanina, pero dahil napakataas ng emosyon ay hindi niya muna nakuhang magtanong. Mabuti na lang din at naitanong ito ni Arnold.
Tumingin si Garry at sinabing “nandoon na ako sa puntong ibibigay ko na lang sa kanya para matapos na, pero hanggang subo lang ang ipapaubaya ko sa kanya,” ang sabi ni Garry at napatango na lang sila Arnold at Wendell.
“So sa palagay mo titigil siya sa pagkatapos ng isang chupa na iyon, hmmmm.. Feeling ko hindi..” ang sabi naman ni Arnold.
Umiling si Garry at sinabing “Alam ko naman na hindi..” sabay tikom ng kanyang bibig.
Pero kung nagawa niyo sa mga oras na iyon.. Baka mas malaking problema pa,” ang sabat naman ni Wendell.
“Malamang! Kung pinagbigyan ni pareng Garry si Fred sa mga oras na iyon, sa puntong subo-subo na si pareng Garry at ginagawa pa nila sa sala, tapos mahuhuli siya ng mag-ina, eh lalong gulo ang mangyayari, ’yung nakita pa nga lang na hubo’t hubad sila ay malaki na ang problema, ’yun pa kayang may ginagawa sila…” ang paliwanag naman na sabi ni Arnold.
“Sabagay..” ang sabi naman ni Wendell.
“Kaya mabuti na siguro ung hanggang doon lang.” ang sabi naman ni Garry.
“Si Fred naman ay mukhang hindi na siya babalik sa inyo. Nag-usap na kaming tatlo. Saksi rin si Aust kanina sa ospital,” ang sabi ni Arnold at tinuloy pa niya ang kanyang kuwento.
“Hmmm, kasi kanina nag-usap kami ni Ralph, yung step-father nitong si Fred. Marami rin akong nalaman mula sa mga kuwento niya at ang napagdesisyunan nila na dadalhin si Fred sa lugar nila,” at biglang naputol ang kuwento ni Arnold nang tanungin ni Wendell ito.
“For good na sila?” ang tanong ni Wendell, habang si Garry ay nakikinig lang.
Umiling si Arnold, “Sa pasukan dito pa rin siya sa probinsya natin.. Siguro para magpahinga lang…” at napatango naman sina Wendell.
“Hmm, paniguradong sa pagbalik niya, malaking adjustment ang mangyayari kasi yung mga kaibigan niya malalaman yung mga naganap…” ang sabi naman ni Wendell.
“Sigurado ’yan, pero nakausap naman namin si Aust na sinabi niyang kakausapin niya nang maayos ’yung mga kaibigan nila para hindi na rin masira si Fred. Hindi ko alam kung paano ipapaintindi ni Aust sa tropa niya, pero sigurado akong si Billy magiging bingi na sa ikukuwento ni Aust..” ang sabi ni Arnold.
“Pero sabi nyo nga diba, hindi naman ganun si Billy.. Maunawain ang anak ko, matalino un at alam niya din ang tama at mali.”
“Siguro talaga hindi na lang niya kinaya ung nangyari kanina, pero kung makakarinig naman siya ng sincere na sorry ni Fred ay magiging ayos din sila..” ang sabi naman ni Garry.
“Sana ganun nga pre,” ang sabi ni Wendell.
“Kaya nga.. Tsaka sana magtino na si Fred.” ang sabi naman ni Arnold.
“Sana..” ang sagot naman ni Garry.
Napalingon naman si Wendell kay Garry at nagtanong ito, “Pre galit ka sa bata?”
Isang tango lang ang binigay ni Garry.
Nakuha na nila ito.
Medyo tumahimik sila sa sagot na iyon.
“Haaaay! Ang daming nangyari dahil sa libog na ’yan… di ba, pre,” ang sabi ni Wendell at tumingin ito kay Garry na biglang patawat-tawa na lang para lang mabasag ang seryosong usapan nila.
Natawa na lang din si Garry at sinabing, “haaaaay!!! Tangina kasi ehh! Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pumasok sa utak ko noon… Sobrang libog ko rin ehh… HAHAHAHA! Ang daming nadamay,” ang kanyang sabi, at nagtawanan silang tatlo. Na para bang hindi na lang masyadong sineseryoso ang lahat dahil masyado na nga itong mabigat para sa kanila, at ayaw na din naman nilang suungin pa ang lalim ng kabigatan.
Nawala na ang topic nila tungkol kina Maria, Fred at Billy.
Pinagsisisihan na rin naman ni Garry ang nagawa niya, at ang nais na lang niyang gawin ay kausapin ang kanyang anak at asawa kapag malamig na ang lahat.
Pero sa ngayon, hindi muna dahil alam niyang mainit pa ang sitwasyon.
“Tama na nga yang drama drama na yan, simulan na natin ang inuman..” ang sabi ni Garry at naghiyawan ang tatlong magkakaibigan. Nagsimula na sila sa kanilang pag-inom ng alak habang nagkukuwentuhan ng ibang topic.
Sumasagi pa rin naman sa isipan ni Garry ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak na si Billy.
Hanggang sa marinig na lang nila ang masayang tugtugan na pinlay ni Wendell.
“Oh! Cheers para sa pagkakaibigan natin!” ang sabi ni Wendell at nagtaas na lang sila ng kanilang mga baso.
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment