Friday, July 3, 2026

ANG KWENTO NG MAG AMA CHAPTER 4 (PRE! WALANG MALISYA)

 

ANG KWENTO NI BILLY 

IKALAWANG LIBRO


ANG KWENTO NG MAG AMA 

CHAPTER 4

(PRE! WALANG MALISYA)



CONTINUATION OF FLASHBACK 

YESTERDAY


SA BAHAY NI WENDELL


“5 seconds..” sabay kandong ni Garry sa harapan ng kanyang kumpare.


“Gago pare! Ayusin mo 'yan. Siguraduhin mong limang segundo lang 'yan. 


Kilala kita, ina mo ka!” ang sabi naman ni Wendell habang walang malisyang damang-dama ang kabigatan ni Garry sa kanyang ibabaw. Nakaharap at nakakandong sa kanya ito, nakangising hawak sa bote.

“Game na! Kanina pa kayo naka video mga pre, buhos mo na yan pre..” ang sabi ni Arnold at inilapit pa niya ang video sa gwapong mukha ng dalawang magkaibigan.


Ngumisi si Garry at sinabing “nga nga pre!” 


“Ibuka mo na yang bibig mo.. hehehe..” at habang sinasabi ni Garry ito ay dahan dahan lang siyang kumakadyot sa ibabaw ng matalik na kaibigan. Walang malisya, walang kahit anong libog, pero kahit ganun pa man ang nadarama nila sa isa’t isa ay hindi napigilan ni Wendell tigasan, dahil ito ay normal kapag tinatamaan ng paulit-ulit ang alaga.


Ngumanga na nga itong si Wendell.


Itinutok agad ni Garry ang labi ng bote at bumuhos ang alak sa loob ng bibig, sabay nagbiglang si Garry at Arnold habang naka-video.


“One!”

“Two!”

“Three!”

“Four!”

“Four!”

“Four!”

“Four!


“Five!”


Sabay lunok ng pagkadami-dami ni Wendell at sinuntok sa dibdib ang kumpareng nakakandong sa kanya. Tawa naman ng tawa ang dalawa sa kalokohan nila kay Wendell.


“TANGINA MO!”

“TANGINA NYO!” ang mura nito, sabay ubo, at kinabog ang dibdib niya dahil sa paghagod ng mainit na alak.


“Putangina nyo ahhhh ahhh ahhhh!” at natawa na din siya.


Dahan-dahan nang umalis si Garry sa kanyang ibabaw at uminom agad ito ng tubig.


“Ina nyo talagang dalawa, woooh! Parang umikot ang paningin ko sa dami nun ahh,” ang sabi ni Wendell matapos uminom.


Tumayo na itong si Garry, Naririnig pa rin ang tugtog, pero patapos na. Kaya naman sinabi niya kay Wendell na “patugtog ka ng iba, pre,” kaya naghanap si Wendell ng ibang kanta na medyo mellow at sexy.

“Ayun ooh!” ang sabi ni Arnold.

“Tuloy mo na ulit, pre…” ang segunda pa niyang sabi.


“Oh hindi lang dapat ako! Huy! Mataas na ang tama ninyong dalawa.. Sabayan niyo na ako!” ang biglang sabi ni Garry, pero hindi naman niya inasahan na biglang tatayo si Wendell at walang sabi sabing nag hubad ito ng pang itaas.


Ipinakita niya ang kanyang magandang katawan sa dalawang kaibigan.


Tumingin kay Arnold at sinabing, “kunan mo kami pre..”  sabay giliw nitong parang macho dancer na may paliyad liyad at payuko yuko. Ang mga kamay ay pinapaikot-ikot pa sa taas ng kanyang ulo. 

Humahagod ang malapad na kamay sa kanyang dibdib at parang nang aakit.


“Putangina Garry pre! Ayusin mo, baka matalo ka ng baguhan! Hahahaha!” ang birong sabi ni Arnold na kinukuhaan naman si Wendell.


Napangisi si Wendell sa narinig.

Biglang tumabi sa kanya si Garry at siya naman ang kinuhaan. 


Sabay gumiling ang magkaibigan. Parang kala mo ay nasa gay bar na nangaakit ng mga bading. Habang si Arnold ay nakangising pinapanood ang dalawa at kinukuhaan.


“TAKE IT OFF! TAKE IT OFF!”

“HUBAD NA, MGA PRE!” ang biglang sabi ni Arnold.


“Gago pre, wala na akong huhubarin!” ang sabi ni Garry dahil naka briefs na lang siya. Napangisi si Wendell at nagyabang na sinabing “wala ka pala pre!” at sabay nitong binaba ang shorts at briefs kung saan lumitaw ang alagang hindi pa matigas pero may kalakihan na.


“PUTANGINA! PUTANGINA! TALAGANG NAGHUBAD KA GAGO!” ang bulalas ni Arnold na natatawa habang kinukuhaan ng video si Wendell. 


“AKO PA BA, PRE!” ang sabi naman ni Garry at binaba din niya agad ang briefs, na nagtawanan silang tatlo.

“Putangina nyo! BIG NIGHT pala ang nangyayaring ito!” ang sabi ni Arnold sabay hagalpakan ng tatlo sa tawa.


“HAAAY! Kapagod! Ayaw ko na pre! Tama na!” ang pailing-iling pa ni Wendell na umupo. 


“BOOO! Wala ka pala eh, pareng Garry ooh! Igiling mo na ’yan.. Last dance!” ang sabi ni Arnold habang si Wendell ay nasa tabi niyang hubo’t hubad at nakita ang bote ng alak.


Dinampot niya ito at sabing “Pre inom oh!” at kinuha ito ni Garry, tinungga ang laman, habang hubo’t hubad na nakatayo at kinukuhaan ni Arnold.


Nang makainom na si Garry ay inabot ito kay Arnold at sinabing “ikaw naman pre..” at kinuha ni Wendell ang cellphone niya. Uminom naman si Arnold ng alak at pinanood siya ni Garry at Wendell.


“Yoko na, napagod na ako!” At umupo ito sa kabilang gilid naman ni Arnold.

“Woooh! Inom na lang tayo..” at pinatay na ni Wendell ang video.


Nakapagitna si Arnold na sinabihang “maghubad ka na din pre..” at ginawa naman niya ito pero hanggang boxer briefs lang siya.


Nakaupo ang tatlo sa mahabang sofa, nag kukwentuhan habang isang bote na lang ng alak ang pinagpapasapasahan nila.


Napasandal at tingala na lang si Garry at sa pagpikit niya ay bigla nalang itong lumuha.


Nang mapansin ni Arnold ito ay sinabihan lang niya ng “ok lang yan pre.. Sige ilabas mo lang..” napatingin si Wendell sa kanya at nakaramdam din ito ng kalungkutan.


Muling sumandal at tumitig na lang sa kawalan.

Narinig ni Arnold at Wendell ang pagiyak ni Garry. 


“Kaya mo yan pre…” ang sabi ni Arnold at tumungga ng alak.


Kinuha naman ni Wendell ang bote at siya naman ang uminom, tapos ay sinabi niyang “Dito lang kami sa tabi mo pre!”


Kinuha ni Arnold ang bote at nilagok muli ito, pero sa ngayon ay dinagdagan na niya.

Pagkainom ay sinabing “Malalampasan mo din ’yan..”


Napatingin si Garry sa katabi at nakita nito ang bote ng alak na parang kaya pang makapuno ng isang baso.


Kinuha niya ito sa kamay ni Arnold at tinungga na ang lahat. Hindi siya pinigilan ng dalawa, hinayaan lang siya sa kanyang gustong gawin.


Sumandal ito at pumikit. 

Tumayo si Arnold at muntik pa nga itong matumba. Pagewang gewang na lumakad papunta sa banyo. 


Si Wendell naman ay napatingin sa kaibigang nakatulog na sa kinauupuan. Napangiti ito at sinabing “’Wag kang mag-alala, pre, kasama mo ako sa problema mong iyan.”


Tapos ay tumayo ito at nagbihis.

 Lumakad papunta sa kanyang kwarto at lumabas na may dalang kumot.


Kinumutan niya ang kaibigan, “tama si Arnold, malalampasan mo din yan..” at lumakad na itong dala dala ang cellphone, hindi na sinilip si Arnold at pumasok na ito sa kwarto.


Doon natapos ang kanilang gabi.

Mula sa kalohohan hanggang sa pagluha muli ni Garry.

Ipinakita nilang tatlo na kahit may nagawang mali ang isa ay kaya pa rin magpatawad.

Ipinaramdam ni Wendell ang pagiging tunay na kaibigan niya kay Garry.


END  FLASHBACK 




Itutuloy…




No comments:

Post a Comment